CLEMENTINE'S POV "PASENSYA ka na sa nangyari kanina?" hinging paumanhin ko kay Chelsea. Nilunok ko na lahat ng pride ko nang mga oras na yon. Wala akong choice kundi humingi ng tawad sa kanya kahit wala naman akong kasalanan. Baka lalo lang kasi akong pag-initan ni King Hector kapag hindi ko ginawa yon. Hangga't maaari ayaw kong saktan pa niya ako uli. Nakita ko ang pagsilay ng peking ngiti sa mga labi ni Chelsea. Parang gusto kong bigwasin yon ng mga oras na yon. Pero nagpipigil lang talaga ako. Ayaw kong lalong mapasama. Andun pa man din si King Hector. Nakatutok ang mga mata sa akin at halatang inoobserbahan ako. Lumapit si Chelsea sa akin."Okay lang yon. Pagpasensiyahan mo na lang din ako." "Salamat."Pilit akong ngumiti at nakipagplastikan sa kanya. Aba, hindi lang siya ang marunon

