bc

Married To A Ruthless King

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.8K
READ
mystery
like
intro-logo
Blurb

Hindi alam ni Clementine kung paano siya napunta nang Westeria. Ang tanging naalala niya'y nahulog siya sa isang malalim na butas at paggising nga niya'y naroon na siya sa estrangherong lugar na yon. Lalo lamang naging komplikado ang lahat nang mapagkamalan siyang si Queen Aurhea. Dahil kamukhang-kamukha niya ang nawawalang Queen,wala siyang nagawa kundi magpanggap na lang bilang siya para mabuhay lang sa lugar na yon.

Wala naman siyang naging problema maliban kay King Hector, ang malupit at aroganteng King nang Westeria. Walang kasingsama ang ugali nito at palaging siya na lang ang pinag-iinitan. Kung bakit ganun ito sa kanya, hindi niya alam.

Nang madiskubre ni King Hector ang sekreto niya, lalo lang naging miserable ang buhay niya. Makakabalik pa kaya siya sa mundong pinanggalingan niya kung kailangan niyang pagbayaran ang panlolokong ginawa niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WARNING! MATURE CONTENT!!! *READ AT YOUR OWN RISK* CLEMENTINE'S POV NAPANGITI ako nang basahin at i-review ang huling chapter ng libro ko. Haays! Finally natapos din after 4 mos. Hindi birong eyebags naipon ko dahil dito. Gabi-gabi ba naman akong nagpupuyat para lang matapos ito. Hindi kasi ako puwedeng magsulat sa umaga at pumapasok ako sa school. Bale past time ko lang talaga ang pagsusulat at isinisingit lang. Third year college na ako sa kursong Information Technology. Major subjects na kami lahat ngayon kaya kailangan ko ding mag-aral ng mabuti. Mahirap bumagsak at may mga prerequisite lahat ng mga subjects namin. Baka abutin ako ng limang taon sa college kapag may naibagsak ako. Isa pa may thesis na din kami ngayon. Actually libro pa lang naman 'yon. Tapos next year dun pa lang namin gagawin ung propose system nun. Yong na yong final thesis namin. Pero by the end of the month kasi kailangan pa din naming i-defend yon. Kaya lately panay kami overnight sa bahay nung leader namin. Pilit naming tinatapos yong book namin para wala na kaming iisipin bago ang Defense namin. Almost done na nga eh. Printing na lang kulang. Kaya ko naisingit magsulat nitong mga nakaraang gabi kasi wala na akong masyadong iniisip na problema sa school. Kahit papaano nabawasan stress ko. Ang problema na lang malapit na finals na namin tapos di pa ako masyadong nakakapagreview. Inuna ko kasing tinapos itong book ko at kinukulit na ako nang editor. Isa pa medyo kapos na ako sa budget kaya kung di ko tatapusin ito wala akong pambayad ng tuition ko. Idagdag pang wala na din akong allowance. Mahirap lang din kasi kami kaya kahit manghingi ako sa bahay konti lang maidadagdag nila. Patay na ang papa ko at ang mama ko matanda na din kaya di na masyadong nakakapagtrabaho. Umaasa na lang din siya minsan sa mga kapatid ko. Kaya lang di na rin sila gaanong nakakapagbigay dahil may mga pamilya na ding binubuhay. Naawa ako sa mama ko kaya naman pinilit kong gumawa nang paraan para makatulong sa kanya. At dahil may konting talent naman ako sa pagsusulat, pinush ko yon. Noong una hindi naman masyadong napapansin mga sinusulat ko. Wala ngang masyadong nagbabasa, e. Ilang beses na akong nagpasa na mga sinulat ko online para maging official writer pero lahat ng yong hindi pinansin at nireject lang. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Itinuloy-tuloy ko lang ang pagsusulat hanggang unti-unti dumadami na readers ko. Napapansin na ako hanggang dumating sa point na yong dati kong old na sinulat noon, binasa ng binasa nang mga readers hanggang sa maging popular na. Doon ako napansin ng isang publishing company na nag-offer sa akin na ipublish ang sinulat kong yon at binigyan nila ako nang pagkakataon para maging contract writer nila. Naging mabenta yong book ko. That's when everything started. Unti-unti nakilala yong name ko. At yong mga sinusulat ko inaabangan na din ng mga readers ko. Actually hindi naman ako ganun kapopular na writer. Pero okay na yon. At least may nagbabasa ng mga gawa ko di ba? Saka hindi naman popularity ang habol ko. Gusto ko lang magkaroon ng stable na trabaho para masuportahan ko ang sarili ko at pamilya ko. Nakakatulong na din kasi ako sa kanila kahit papaano. Usually 2-3 mos lang tapos ko na nag isang kuwento. Pero itong "Earl: Prince of Hexania" na sinulat ko ngayon, inabot ako nang 4 months. Na-stress tuloy si Miss Anne sa akin-yong editor. Natagalan lang naman ako kasi sa thesis namin. Ilang linggo kasi akong di nakapagsulat kaka-overnight dahil dun sa thesis namin. Buti na lang kahit papaano nakakaintindi din si Miss Anne. Siyempre hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Kaya kahit hirap na hirap na ako sa pagsabayin ang pagsusulat at pag-aaral ay pilit ko pa ring binabalanse ang oras ko. Pero ngayon ang sarap sa pakiramdam na tapos na thesis namin. And then tapos ko na rin itong book ko. Ibibigay ko na lang sa editor in chief ko bukas para macheck niya. At kapag okay na pwede na i-publish. And boom! May pambayad na ako nang tuition ko. Napabuntong-hininga ako. Actually I'm not sure kung magugustuhan ba ito nang mga readers ko. First time ko lang magsulat ng ganitong klaseng genre. The story is about Prince Earl-the second Prince of Hexania. He rose to the throne in order to avenge the death of his older brother who was killed on the battlefield. It's not the original story. Binago ko lang dahil medyo masakit sa ulo ang magsulat ng royal fantasy. Half na ng kuwento ang natapos ko pero dahil halos wala na ako maisip isulat at idugtong, napilitan akong magpalit ng genre. Kung hindi ko ginawa yon malamang mai-stuck ako dun hanggang wala na akong matapos. Siguro yong original story i-edit ko na lang yong mga characters. Try kong tapusin sayang naman di ba? Pinaghirapan ko din yon at ilang linggong pinagpuyatan kaya sisikapin kong tapusin. Kaya lang baka matagal bago matapos yon dahil sa totoo lang hirap akong mag-isip ng idudugtong doon. Ewan ko ba? Siguro hindi ganung genre ang para sa akin. Well, sinubukan ko lang naman, e. At least ngayon alam ko nang hindi ko yon linya. Pagkatapos kong i-shutdown ang laptop ko at mailligpit ang mga ibang gamit ko sa school, ipinasya ko na ding mahiga. Gusto ko na din talagang magpahinga. Maghapon akong pagod sa school tapos pag-uwi ko magsusulat pa ako hanggang madaling araw. Buti nga wala na akong kasama dito sa kuwartong inuupahan ko. Wala akong naiistorbo. Dati kasi may kasama ako dito. Nung time na yon medyo gipit pa ako nun at di kayang umupa ng isang buong room kaya bedspacer lang kinuha ko. Tapos yong roommate ko pa nun hindi ko kasundo. Panay parinig sa akin kapag inaabot ako sa pagsusulat hanggang madaling araw. Kesyo di daw siya makatulog sa akin. Hindi ko naman siya pinapakialaman. Napakaarte masyado hindi naman inaano. Di ko na lang pinapatulan. Ilang buwan din akong nagtiis sa ganung ugali niya. Pero nung nakuha ko yong unang sahod ko sa naipaublish kong libro, naghanap ako nang ibang mauupahan at lumipat na din agad. Isang room na yong inupahan ko para kahit magpuyat ako nang magpuyat or kahit anung gawin ko walang mangingialam at papansin sa akin. Mas maganda na din para may privacy ako diba? Magagawa ko kung anong gusto ko. Balak ko pa sanang magreview pero sobrang inaantok na din kasi ako. Bukas na lang siguro tutal Sabado naman kinaumagahan. Kahit ngayon man lang makapagpahinga din ako nang maaga-aga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook