KASALUKUYAN akong nag-eempake ng mga gamit ko. Inaaya kasi ako nang mga barkada ko na maghiking sa lugar ng isa naming barkada. May magandang bundok daw kasi sa kanila na madalas puntahan ng mga turista para dun magcamping at maghiking. So since tapos naman na ang finals namin at nakapagdefense na kami nang thesis namin kahapon, we all agreed to go. Para mairelax din namin sarili namin sa mga stress na pinagdaanan namin sa school lately. Isa pa bakasyon naman na,e. Kaya wala na kaming mga problema. More than 2 mos na pahinga. And then another school year ulit.
1 week kami dun kaya pinuno ko ng mga gamit ko ung malaking backpack ko. Damit atmga underwears ang dinamihan ko kasi sabi ni Den-den maulan daw ngayon dun.Mahirap magpatuyo nang mga damit. Nanguha din ako nang pambahay na
tsinelas tapos sapatos ko. Dalawang converse ang dinala ko para kung marumihan yong isa may extra ako. Siyempre maghahiking kami mabuti na yong may extra. Rubbershoes sana kaso wala ako nun. Mas bet ko kasi iporma angconverse kaysa rubber shoes.
Kinuha ko din ang soft copy ng original story ng huli kong libro at ipinasa yon sa cp ko. Tingin ko kasi maganda magsulat doon. Payapa at maaliwalas ang paligid kaya iyak makakapag-isip ako nang maisusulat ko. Malay mo dun ko pala matapos yong
story na yon di ba? Who knows?
Pagkatapos kong ilock ang pinto ng ko ay agad na din akong nagpaalam sa landlady ko. Sabi ko mawawala ako nang isang linggo at baka kasi may maghanap bigla sa akin. Saka na ako uuwi sa amin. May mga mga aasikasuhin pa kasi akongimportante dito. Magulo din kasi sa bahay. Mahihirapan akong mag-isip n isusulat ko kung mag-i-stay ako dun. May mga bata kasi. Gusto ko kasi kapag nagsulat ako wala akong ingay na naririnig. Nakakadistract kasi. Ang hirap magsulat kung maingay ang paligid.
Sa tapat ng gasoline station malapit sa school daw kami magkikita. Since 2 blocks lang naman ang layo naglakad na lang ako. Di naman ganoon kabigat ang dala kong backpack kaya okay lang.
Pagdating ko doon ay andoon na nga silang lahat. Parang ako na nga lang hinihintay nila, e. Kumaway ako sa kanila habang papalapit.
"Hoy! Clem! Ang tagal mo. Kanina pa kami naghihintay dito," salubong agad ni Leila sa akin.
"Dapat tinawagan niyo kasi ako para nag-apura ako. Naglinis pa kasi ako sa boarding, e, kaya di ko na napansin yong oras," medyo napapakamot sa ulo na sabi ko.
"Gaga!Kanina ka pa nga namin tinatawagan hindi makontak cp mo," nakangusong sabi ni Mycah. "Naka off,e."
"Hala,ou nga. Nakalimutan kong i-on. Sorry guys,"pabebe kong sabi.Nagcharge kasi ako kanina kaya ko pinatay cp ko. Nawala naman na kasi sa isip kong i-on. Ewan ko ba? Minsan kasi inaatake din ako nang sakit kong makakalimutin.
Actually late din kasi akong nagising. Sinulit ko ding matulog siyempre. Tapos na ang school year kaya wala na akong problema. Masarap kasing matulog ng maayos kung walang iniisip.
"Naku! Muntikan ka na nga naming iwan kung alam mo lang, "natatawa namang sabi ni April.
"Halos one hour kaya kaming naghihintay sayo dito," kunwa'y irap na sabi ni Rachel.
"Sorry na, guys. Di na mauulit."
"Haays! Lagi ka namang ganyan, e. Kapag may lakad tayo ikaw lagi nahuhuli at hinihintay. Sarap mong batukan, e," si Leila na gigil na pinaghihila ang buhok ko. "Nga pala nakabili na ako nang bagong publish na libro mo. Nabasa ko na din. Kaganda hayop ka. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kay Prince Earl."
Bigla akong napangiti. "Totoo ba? So, okay lang yong kuwento?"
"Ou naman. Ano ka ba ang ganda nga, e,"si April na halatang kinikilig.
"Nabasa mo na din ba? "nakangiting tanong ko.
"Ou siyempre. Papahuli ba ako. Si Denden na lang kaya hindi nakabasa sa amin,"natatawang sabi ni April.
"Ou nga, e. Tapos puro spoiler na naririnig ko. Parating pa lang kasi yong order kong book, e. Ubos na kasi sa national bookstore nung bibili ako, "naiinis na sabi ni Denden. "Kaya yang mga bunganga niyo. Itikom niyomuna parang awa niyo na."
Tinawanan lang siya nang mga ito. Sabi ko kasi bibigyan ko na lang sila nang libreng copynung book ko. Pero tumanggi sila. Yong pagbili daw kasi nang libro yong way nila para masuportahan ako. Alam daw kasi nila kung gaanong hirap at puyat ang pinagdaanan ko para lang matapos yon. Kaya hinayaan ko na lang sila sa gusto nila. Actually nakakataba nga nang puso, e. Kasi nakasuporta sila sa akin. Kaya thankful ako na nakilala ko sila at naging mga kaibigan. We've been together for 3 years and still going strong ang friendship namin.
"Pansin ko lang, ha. Bakit ang dami niyo atang mga dalang gamit One week lang kaya tayo doon tapos mga nakatravelling bag kayong lahat,"natatawa kong sabi.
"Sabi ni Denden maulan sa kanila, e. Kaya dinamihan namin mga dala naming damit para wala nang laba-laba. Mahirap ng maubusan ng damit,"ani Mycah.
"O, siya tara na. Baka mamaya gabihin na tayo sa daan, "nakangusong sabi ni Denden.
Agad na din kaming kumilos at sumunod sa kanya papunta sa paradahan ng bus.Probinsya din sa kanila at ayon dito. medyo malayo din sa lugar nila. Five-sixhours daw ang biyahe depende sa takbo ng bus. Maganda daw sa kanila kahit medyobundok-bundok. Sabi nga niya marami talagang nagpupuntang turistadoon para mamasyal. Kaya nag-usap-usap kaming magkakaibigan na pumunta din doon. Nakaplano na nga ang gagawin namin, e. Magpipicnic kami, maghahiking at higit sa lahat magcacamping. Di naman daw delikado magcamping doon sa bundok nila. Kasi wala naman daw wild animals doon. Isa pa halos gabi-gabi daw may mga nagpapatrol naman doon kaya walang dapat katakutan. Kaya excited na talaga ako lalo't first time kong maghiking at magcamping sa bundok. Pakiramdam ko talaga mag-e-enjoy ako sa bakasyon na ito.
Medyo madilim na nang makarating kami dito sa lugar nila Denden. Nasiraan kasi yong sinakyan naming bus. Halos isang oras din kaming naghintay bago nila matapos gawin. Haays! Di bale at least nakarating kami nang maayos.
Malaki din pala bahay nila Denden. Simple lang kasi siya kaya di mo mahahalatang nakakaluwag sila sa buhay. Mama at Papa niya saka yong bunsong kapatid na lang pala niya ang mga kasama niya sa bahay. Yong apat na kapatid niya daw nasa abroad na at pare-parehong may mga trabaho. Mababait din pamilya niya kasi pagdating pa lang namin talagang inaasikaso na nila kami.
Akalako naman liblib na liblib itong lugar nila tapos konti lang mga bahay. Hindi naman pala. Ou napapaligiran ng bundok itong lugar nila pero maraming tao. Halos dikit-dikit na nga yong mga bahay, e. Tapos malalaki pa.Halatang halos may mga kaya ang nakatira dito. Mga nakasasakyan pa, e.
Pagkatapos naming maghapunan ay agad na kaming nagpahinga. Mga pagod din kasi kami lalo't medyo mahaba-haba din ang biniyahe namin.
"Clem?"tawag ni Leila sa pangalan ko. "Tulog ka na ba?"
Nakahiga na kami ng mga oras na yon. Siya ang kasama ko at si Mycah sa isang kuwarto. Malaki yong bed kaya nagtabi na lang kaming tatlo. Sa malapit ako sa wall kasi medyo malikot ako matulog. Baka kasi mamaya mahulog ako sa higaan, e. Si Leila ang nasa gitna at si Mycah ang nasa malapit sa pinto.
"Hindi pa," sagot ko. Bakit?"
"Kainis hindi ako makatulog"narinig kong sabi niya.
Humarap ako sa kanya.”Namamahay ka siguro. Baka hindi kas sanay matulog sa ibang bahay.”
Mahina lang boses namin at tulog na si Mycah. Maaga nakatulog at kagaya namin ay pagod din.
"Ewan ko ba,”nailing na sabi nito.”Buti pa si Mycah nakatulog agad."
"Ou nga, e. Pagod yan kaya ganyan."
"Uuwi ka ba sa inyo?” mayamaya’y tanong nito.
Ngumuso ako. “Hindi ko pa alam. Pinag-iisipan ko pa.”
“Kapag umuwi ka sa inyo, isama mo ako, ha?” anito.
“Ano naming gagawin mo sa bahay?” natatawa kong sabi. “Hindi maganda yong bahay naming ipinapauna ko na sayo.”
“Baliw! Mamasyal lang naman ako. Hindi naman yong bahay niyo ang ipupunta ko doon,”nailing niyang sabi.
“Uhm okay. Pero marami pa kasi akong gagawin. Baka next month pa ako makakauwi.”
“Okay lang yon. Basta isama ako, ha? Ayaw ko mag-stay sa bahay. Nakakabagot!” reklamo
nito.
“Ou na,” sabi ko na lang.
Sa mga limang mga kaibigan ko, sa kanya ako pinakamalapit. Gusto ko kasi siya, walang karate-arte at nagkakasundo talaga kami.
"Yay! Thanks!" tuwang-tuwa nitong sabi.
"Di ka pa ba talaga inaantok? "mayamaya'y tanong ko.
Umiling ito. "Hindi pa, e."
Marahan akong napabuntong-hininga.
"Mauuna na ako matulog sayo, ha?"
"Sige lang. Magcecellphone muna ako. Baka sakaling antukin mayamaya,"anito.
Tumalikod na ako sa kanya. "Okay. Good night."
Sumagot din ito pero di ko na yon pinansin. Umayos na ako nang higa at pumikit na.