CLEMENTINE’S POV NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may sumipa sa akin ng malakas. Sa simura ko pa naman. Pagmulat ko nang mga mata ko ay nakita ko si King Hector at galit na nakatingin sa akin. Agad akong napabalikwas ng bangon at wala sa loob na nayakap ang sarili. Buong akala ko nasa kuwarto ako. Pero nakalimutan kong andito pala ako sa basement. "Akala ko patay ka na. Ang hirap mong gisingin. Kung hindi pa kita sinipa, hindi ka pa magigising,"bulyaw nito sa akin. Napapikit tulo’y ako sa takot. Umagang-umaga naninigaw na naman. Hindi na talaga niya ako makausap ng hindi ako sinisigawan. Lagi na lang itong ganun sa akin. Sanay na kasi siya. Palibhasa doon siya magaling. Naramdaman ko ang pagsakit ng sikmura kong sinipa niya. Nahalos ko tuloy ng wala sa oras yon. Alam ko namang

