Kabanata 10

1118 Words
NOTE: Unedited, there might be a grammatical error, misspelled word/s that you might encounter as you read it. Sabik at sarap ang lumukob sa katawan ni solomon ng maramdaman nito ang napaka init na bibig ng matipunong lalaki sa kanyang alaga. Banayad ang pagsubo nito sa kanyang maugat na laman na tanging pag-aari lamang sana ng kanyang asawa. Pinagmasdan ni Solomon ang pag- taas baba nito, pumikit at tuluyang ninamnam ang bawat sandali , paulit-ulit ang magandang tinig ng barako na lumalabas sa bibig bakas na nasasarapan. Mababakas kay Liam ang pananabik at sarap sa kanyang sinusubo, sino nga ba ang hindi mahahalina sa nagmamay-ari ng alaga na ito, bukod sa hindi maikukumpara ang ubod ng kagwapuhan nito sa iba pang pogi, masasabi mo rin ang sandata nito ay tila pamatay sa sarap at hugis. Masasabi ni Solomon na para siyang nasa paraiso katumbas sa salitang ang sarap ng feeling mo kapag ikaw ay kumain ng rebisco biskwit. “Solomon nagustuhan mo ba?” napadilat ng kanyang mga mata si Solomon sa tanong ng lalaki sa kanya. “Oo, hindi ko alam na magaling ka palang sumubo...” paos at baritonong boses nito at matamis na ngiti ang ibinalik niya sa lalaking sumeserbisyo sa kanyang alaga. Muli sana itong magsasalita ngunit isang tinig ang bumasag sa kanyang katinuan. “Solomon... Solomon... Solomon gising...” Napamuglat ng mga mata si Solomon, isang imahe ang lumukob sa kanyang paningin at iyon ay walang iba kundi si Liam. “Hoy... ” muling tinapik niya ang pisngi ni Solomon dahil parang wala ito sa sarili na nakakatitig sa kanya. “Nanaginip ka, ungol ka nang ungol, masama pa ba pakiramdam mo?” Mababakas ang pag-alala sa baritonong boses nito samantala, hindi mapakaniwala si Solomon na panaginip niya ang lang lahat ng iyon, ang lahat ng sarap na kanyang nadarama ay isang kasinungalingan na nagbigay sa kanya ng kahihiyan. ___ Nasa banyo na si Solomon, pagkatapos siyang gisingin ni Liam ay nagpa-alam siya rito na makikigamit ng palikuran. Kahit man nakita niya ang mukha nito na naguguluhan ay ninais na lamang niya iwanan agad ito. Sa muling paghilamos sa kanyang mukha at tumitig sa salamin ay mababakas ang kahihiyan at pamumutla sa nangyari kanina lamang. Muli niyang inalala at prinoseso ang bawat sandali kung totoo ba lahat iyon o isang kahat isip lamang ng mapaglarong panaginip. “Nalintikan na...” kataga na lumabas sa kanyang bibig matapos malaman ang nangyari. Ang tanging natatandaan niya kagabi ay ang pagkamalikot ni Liam sa pagtulog na sanhi upang pagsabihan niya ito. Sa natatandaan niya ilang oras siyang gising habang ang kanyang katabi na si Liam ay tumigil sa pagkamalikot nito sa higaan at nang lingunin niya ito ay mahimbing na itong natutulog. “Panaginip nga naman...” isang matamis na mapaglaro at mapang-asar na ngiti ang makikita sa repleksyon ng salamin habang banayad itong umiling sa kanyang kahihiyan. Hindi ito makapaniwala sa kanyang panaginip, isang katanungan lang ang lumulukob sa kanyang isipan. At iyon ay walang iba kung totoo ba iyon o hindi, para itong totoong-totoo pero bawat pag-iisip nito ng malalim upang balikan ang nangyari kagabi ay masasabi niya na nakatulog silang dalawa ng matiwasay. Ilang minutong nakikipagtitigan sa salamin si Solomon, mga katanungan, pagkabahala at pagkalito. Una, simula ng maranasan niya makipaglaro ng init sa katawan kasama ang kanyang mga kainuman ay tila nagbago lahat. Ikalawa, kahit anong pigil niya sa sarili ang kanyang libido ay awtomatikong nahahalina sa tawag ng laman. Kung dati ay sa mga babae niya lamang nararamdaman, ay ngayon pati narin sa kapwa niya lalaki. At ang ikatlo, kinababahala niya na parang unti-unti ng nabubuksan ang pagkagusto ng kanyang katawan na makipaniig sa kapwa niya kasarian salungat sa pagkatao niya noong siya pa ay nasa tunay na pagkabarako. Napagpasyahan niyang lumabas na lamang at harapin ito. Dahil walang halaga kung magmumukmok siya sa CR at hintayin na mauna pumikit ang kanyang repleksyon bago siya lumabas. Nadatnan niya si Liam at tila mukhang masaya sa kanyang ginagawa. “O, kumusta pakiramdam mo?” habang naghahain ito ng pagkain sa lamesa. “Ah, ok lang po Sir Liam, mukhang isang daang pursyento na makakapag trabaho na ako ng maayos, salamat nga po pala sa.... pag-aalaga sakin.” balik niya rito. “Wala iyon, magpahinga ka muna at bukas ka na lang magtrabaho para gumaling kang tuluyan.” ngumiti ito ng matamis na kahit binabae at babae ay maiin-love sa pinakita nito. ‘Kumag ngumiti pa, hindi eepekto sa akin ‘yan, tunay na barako ako’ ngumisi siya sa kanyang naisip ngunit isang opinyon muli ang bumasag sa kanyang pagkakalaki. ‘Dating barako, barakong silahis nga lang’ tila isang demonyo ang bumulong sa kanyang utak upang isipin iyon. Napansin ni Liam ang pagsimangot nito sa walang kadahilanan. ‘Mukhang may sumpong si pogi, ah?’ sambit sa kanyang isipan at mas lalo pang ngumiti ng ubod ng tamis sa kanyang iniisip. Sa hapag kainan na iyon dalawang lalaki ang nagbibigay ng opinyon sa kani-kanilang isipan na parang mga baliw sa kanilang naiisip. Umupo si Solomon sa isang upuan at ganun din si Liam paharap kay Solomon. “Mukhang mamahalin ito Sir Liam at halatang masarap...” pagkatakam ang mababakas sa kanyang nakikita kahit hindi niya alam kung anong klaseng pagkain iyon. “Ang tawag diya--” hindi na natapos ni Liam banggitin ito sapagkat walang pag-aatubali pa ang paglamon nito. Muli siyang napangiti, kung wala lang siyang lihim na pagtingin rito ay puro negatibo na ang iisipin niya. Patay gutom, walang manners, at tila kung lumamon ay naka-kamay pa. Kumbaga turn-off ka kung isa kang delikadesa at mayaman na babae o lalaki. At iyon ang maihahambing ni Liam ayaw niya sa gaanong tao pero para sa kanya ay isa itong magandang katangian para sa taong kinababaliwan niya. “Dahan-dahan lang marami pa niyan... hahaha...” nagpatuloy ang usapan, kwentuhan at pagkonsumo sa kani-kanilang pagkain. Napagpasyahan ni Solomon na sabihin sa kanya na magtrabaho na agad dahil nakakahiya nga naman, pumunta siya dito para magtrabaho para may maibigay na panustos sa kanyang pamilya, hindi para magbakasyon sa isang hacienda. Kahit pa labag sa loob ni Liam ay tinaggap na lamang niya ang sinambit nito, wala naman siya sa posisyon nito dahil alam niyang may binubuhay itong pamilya. Isang lihim na pagka-inggit ang unti-unting kumain sa kanyang nadarama, kung sana mas nauna niya itong nakilala at kung sana ay siya ang nag mamay-ari dito ay walang problema, sakit at walang panghihinayang na madarama sa kanyang damdamin. Puro sana, sana, sana, at malaking salitang SANA ang tumatakbo sa kanyang isipan. Malamim na pag-iisip habang pinagmamasdan niya ito habang nagkwekwento si Solomon pero tila bingi siya dahil sa malalim na pag-iisip. Itutuloy . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD