NOTE: Unedited, there might be a grammatical error, misspelled word/s that you might encounter as you read it.
Taimtim tumitig si Solomon sa kisame sa kakaisip sa mag-ina kung kamusta na ba sila doon.
Hindi siya sanay na malayo sa kanila hindi katulad noon unang sabak niya sa ganitong trabaho ay nakakauwi naman ito kahit papaano.
Tulog na ang mga kasamahan niya at habang siya ay gising parin, napagdesisyunan nitong lumabas at nagbasakali na kung sino ang maabutan nito sa labas ay makiki-text, hindi naman na pwede tawagan si Agatha dahil maaga ito natutulog at nasa kalagitnaan na ng gabi.
Meron silang cellphone ni Agatha pero iniwan niya doon upang makontak sila nito.
Nang wala itong makita dahil sa malalim na ang gabi, napabuntong hininga na lamang ito.
Pero may mga guard pala dito kaya nagbabasakali ito. Pumunta siya sa guard house at sakto dalawa ang nandodoon.
“Oh, boss anong atin?” tanong nito nang makalapit si Solomon.
“Tanong lang sana ako kung meron kang load pang text lang?”
“Nako pre wala ako. Teka, hoy Kyle may pantext ka?” bumaling ito sa kasamahan at sumigaw na hindi kalakasan.
May hawak na cellphone at tumitipa doon pagkatapos ito'y bumaling sa kanila at lumapit.
“Ha? Anong sabi mo? di-ko maintindihan naglalaro ako...” kunot noo nitong sambit.
“Ah, pre magtatanong sana ako kung meron kang load pang text, pahinging pabor kung pwede?” alanganin na pagkakasabi ni Solomon.
“Globe?” balik tanong nito sa kaniya.
“Oo...”
Sinabi na ni Solomon at nakihiram sa touchscreen nitong cellphone. Hindi na sa kanya bago makahawak nito dahil naturuan na siya ng mga kasamahan nito noon dahil narin sa nanghihiram lamang.
“Pre, salamat.” ngumiti siya dito at marahan tinapik ang likod ng balikat nito.
“Sige, walang anuman...” at bumalik na ito sa pwesto. Nang lumingon ang kasamahan nito na nilapitan niya kanina ay nagngitian ang mga ito at tumango sa isa't-isa.
Sinabi sa kanya ni Kyle kanina kung mag text ang misis ni Solomon ay sasabihan niya ito, pinagpasalamat ni Solomon at nawala na ang agam agam niya dahil nakamusta na nito ang mag-ina nang mahigit isang linggo.
Pabalik na siya nang may humila sa kanyang kanang braso, nagulat si Solomon at hindi na inabala ang pagtingin sa mukha dahil sa gulat.
“Putang-ina... Liam?” medyo madilim banda sa kinatatayuan ng dalawa pero medyo kilala ni Solomon ang bulto nito.
“Ako nga pasensya ka na... Hahaha...” at kumamot sa batok.
“Anong problema, basta-basta ka na lang nanghihila!” medyo inis na tanong, ang ayaw niya sa lahat yung ginigulat siya.
“Teka, easy ka lang brad baka suntukin mo ko...” at tinaas nito ang kanyang kamay tanda na pagsuko.
Tahimik lang si Solomon at nailang nang maalala ang kanyang nakita. Nawala sa kanyang isipan na boss parin ito at masyadong matalas ang kanyang pananalita.
“Yung tungkol sana sa nak---” habang hindi makatingin na sambit nito sa kay Solomon.
“Kung iyon ang sasabihin mo boss walang problema, wala akong pagsasabihan.” putol sa dapat na sasabihin ni Liam.
“Salamat, sana wag mo kong iwasan dahil lamang doon...” mababakas ang lungkot sa boses nito.
“Walang problema boss.” ningitian niya ito upang hindi na magkahiyaan at para narin kalimutan ang nangyari.
“Nakita kitang lumabas kaya sinundan kita, pero hindi kita naabutan, saan ka galing kanina?” paglilihis niya usapin.
“Ah, nakitext lang diyan sa guard para makamusta si Misis at si Junior.” tumango lamang ito.
“Ah, ganon ba... ma-matutulog ka na?” alanganing tanong nito kay Solomon.
“Oo, maaga dapat ang gising ko bukas boss, e.”
Tumango lamang sa isa't-isa at umalis na si Solomon. Napabuntong hininga si Liam gusto pa niya magtagal iyon dito para masiguro niya na hindi lalayo ang loob nito sa kanya.
____________
Lumipas ang mga araw at masasabi ni Solomon na maayos ang takbo ng kanyang trabaho.
Wala na ang ilangan sa pagitan ni Solomon at Liam, pati na rin kay Gido.
Kung minsan kapag hindi siya makatulog ay pupuntahan niya ang tagpuan nilang dalawa upang mag kwentuhan, sa garden iyon kung saan sila unang pumunta na magkasama.
Nagkalapit ang kanilang loob sa isa't-isa, ang turing ni Solomon dito ay isang matalik na kaibigan at hindi boss kung ito ay makitungo, kabaligtaran kay Liam dahil may lihim na pagkagusto ito sa kanya.
Sumapit ang gabi at ramdam ni Solomon na inaapoy siya nang lagnat ngunit kaninang umaga ay sinat lamang kaya hindi niya ipinaalam kahit kanino hindi rin naman niya pinapakita sa mga ito na nanghihina siya, umaakto ng normal kapag may kausap.
Wala siyang ganang kumain, hindi na rin na naligo dahil anumang oras ay parang babagsak na siya.
Pero sa mga oras na iyon ay kumalam na ang kanyang tiyan, tiniis niyang tumayo kahit pa gusto niyang itulog ito.
“O, saan ka pupunta?” tanong ng kasamahan niya na nakahiga at nag cecellphone.
“Labas lang, meron pa kayang pagkain?” naisip nito na baka kung sakaling kumain siya ay medyo mabawas bawasan ang nararamdaman niya.
“Hindi ko alam, magtanong ka nalang kina manang baka sakaling meron pa silang naitabi, sana nga lang ay gising pa.” nagpasalamat siya dito at lumabas na.
Ngayon hindi na siya umaakto na malakas siya, walang mababakas na masigla ang paglalakad nito, matamlay at parang matutumba habang tinatahak ang pupuntahan.
Nang malapit na sa kanyang pupuntahan ay tumigil ito nahihiya siya dahil isipin ng mga ito ay paimportante siya kung bakit hindi pa kumain kanina. Kaya naman nagbalak na lang pumunta sa Garden na kanilang tambayan ni Liam, tiniis ang sarili sa gutom at nagbabasakali na nandoon si Liam kahit pa alam niyang umalis ito pansamantala sa hacienda ng mga Bendio.
Kapag nagkasakit siya siguradong nandiyaan agad ang kanyang asawa upang alagaan siya, pero sa ngayon walang asawa na gagabay. Nakarating siya sa garden kung saan parati sila naglalagi ng oras tuwing gabi kasama si Liam upang magkwentuhan, mas panatag ang loob kumpara sa mga kasamahan.
Umupo ito doon at ipinikit ang mga mata, hindi alam kung bakit siya nagkasakit dahil ba sa napapadalas ang pagpupuyat niya kasama si Liam. Mga tanong na tumatakbo sa kanyang isipan. At napangisi sa napakawalang kwentang dahilan.
Sumapit ng madaling araw at nakabaluktot si Solomon na pilit pinagkakasya ang sarili sa upuan na rektanggulo.
Nilalamig at mabibigat na paghinga ang kanyang nilalabas sa bibig.
“Pareng Solomon gising...” bigkas ni Liam habang niyuyugyog ang kaliwang balikat nito.
Dahil sa sanay si Liam na nakikisabay ng umagahan sa kanila nagtaka siya kung bakit wala doon si Solomon, nagtanong sa mga kasamahan nito at sinabi na hindi ito natulog doon, hindi rin ito nakita magtrabaho at makisalamuha. Kaya naman nag alala siya at pinagtangunan kung sino sino ang nakakita dito, pati na rin ang mga guard kung may umalis ba.
Kaya naman nagbasakali siya na naghanap hanap at naisip ang tambayan nila tuwing gabi.
“Nilalagnat ka, bakit dito ka natulog?” labis na pag-alala ang mababakas sa mga boses nito.
Dahan dahan niyang pinaupo si Solomon at sinalat nito ang leeg at noo na kanyang ikinangiwi sa sobrang init nito.
Walang lakas si Solomon maski ang pagsasalita ay hindi niya tinugunan ang mga sinasabi ni Liam.
“Alalayan kita para magpahinga ka sa silid ko, ako na bahalang ipaalam ka kay Mr. Bendio...” inakay niya ang kaliwang kamay nito at nilagay sa kanyang balikat, hinawakan niya rin ang bewang upang hindi ito tuluyan bumagsak.
“Ba‘t doon ka natulog, sobrang dami pa namang lamok doon.” pangaral niya dito.
Pinilit ni Solomon maglakad, kahit pa mabagal ay hindi siya nakarinig ng pag-angal kay Liam. Dinala siya nito sa silid ni Liam at doon inasikaso't kinumutan.
“Diyan ka lang kukuha lang ako ng pagkain mo.” sabay bilis na umalis.
Nang makabalik ay may dala dala na itong pagkain meron naman siyang ref dito ngunit walang nailuto kaya naman kinuhaan niya ito sa mga hinandaan na pagkain ng mga trabahador.
Isa iyong bulalo at tamang tama sa nilalamig na katawan ni Solomon.
Maingat na pinasandal ni Liam ito at pinakain.
Tahimik at masunurin naman niya itong napapagsabihan na dapat pilitin kumain at pagkatapos nito pakainin ay naghanda na rin siya ng maligamgam na tubig at pinunasan ang buong katawan ni Solomon.
Hindi naman nailang si Solomon at may kaunting pagnanasa naman para kay Liam. Nang matapos ay hinayaan na niya itong magpahinga at lumabas na lamang siya upang puntahan si Mr. Bendio upang ipaalam na may karamdaman ang isang trabahador.
Nang maipagpaalam at mapagtagumpayan na mapapayag na hindi muna siya magbabantay sa mga ibang trabahador, dahil ang gusto niya siya ang mag-aalaga at hindi ang mga kasambahay na sinasabi nito.
Ngayon ay nagluluto siya ng sinigang na baboy para kay Solomon at nang matapos dumiretso sa silid pahingaan.
Pinagmamasdan lamang ni Liam ito habang natutulog si Solomon.
Napangiti siya nang masilayan ang napaka among mukha nito pag natutulog kabaligtaran kapag gising dahil maangas.
Nilapitan niya ito at marahan na hinaplos ang buhok.
Nagising si Solomon dahil dito medyo maayos naman ang lagay niya pero hindi sapat upang pilitin makatayo.
“Gutom ka na?” ngunit iling lamang ang sinagot ni Solomon dito. Napangisi siya dahil alam niyang nagugutom naman tagala ito.
____________
SOLOMON’S POV:
“Salamat.” mahina kong bigkas nang matapos niya ako pakainin.
Iba ang pag-aalaga sa akin nito kaya naman medyo nailang ako sa nga ginagawa niya pero malaking pasasalamat ko dahil kaibigan ko ang isang mayaman na katulad nito.
“Ano busog ka na?” tumango lang ako habang siya naman ay ngiting ngiti.
“Ganito ka rin ba sa ibang mga kasamahan ko kung sakaling magkasakit din sila? Hahaha...” biro ko dito, ngunit sumeryoso ang mukha nito.
“Hindi lahat ng pag-aalaga ko sayo ay gagawin ko na rin sa iba. Magkaibigan tayo pre...” parang ako ang nailang sa pagtitig sa akin nito ng sobrang seryoso.
“Alam ko kaya nagpapasalamat ako BOSS, hahaha...” biro ko upang basagin ang seryosong usapan.
Gabi na at medyo nahiya ako dahil hindi ako nakapagtrabaho, gusto pa niya na siya ang magpupunas sa akin pero tumutol ako at ako na mismo ang gumawa sa sarili ko.
“Ano medyo ok na pakiramdam mo?” maangas na pagkakasabi nito sa akin at tila nakaramdam ako na parang may galit ito.
“Ok na naman ako, ang galing mo kase mag alaga, galit ka ba? may nagawa ba ako?” pag uusisa ko dito at itinigil nito pagkain na inihanda niya kanina.
”Walang problema, pero wag mo isipin na walang bayad ang ginawa ko sa pag aalaga ko sayo...” ngumiti ako dito.
“Teka akala ko ba magkaibigan tayo?” bumaling ito sa akin at seryosong tumitig sa aking mga mata.
“Oo magkaibigan nga tayo, pero lahat ng bagay ay may kapalit solomon...” habang sumubo ng karne sa kanyang tinidor at ngumiti nang nakakaloko sa akin.
“Sige pag-iipunan ko kung malaki ang bayad, magkano ba?” dumakot ako sa aking bulsa kahit alam ko na konti lang ang aking pera, 100 na sana ang ibibigay at medyo nahihiya pa ako magbilang dahil ang iba ay barya. Inabot ko sa kanya ito pero nagulat ako sa kanyang binitawan na salita.
“Sinong nagsabi na pera ang ipangbabayad mo, kiss mo lang sapat na.” ngumuso ito kaya naman ang aking kaba ay dumagundong.
“Hahahaha... binibiro lamang kita, walang kapalit kung yan ang ikinababahala mo.” humalakhak pa ito at iling nang iling.
“Seryoso ka ba?” tanong ko dito.
“Oo, seryoso pero kung gusto mo kong bigyan ng kiss pwede naman... hahaha...” hindi ko alam kung nagbibiro ito o' ano. Hindi ko na iyon pinansin at tumahimik na lamang.
Pagkatapos niya kumain ay siya na ang naghugas, kaya ko naman tumayo at kumilos kilos pero hindi niya ako hinahayaan maghugas at pansin ko medyo may ilang ang kanyang kilos dahil sa hindi ito makatingin sa akin at maiksi kung sumagot.
Gabi na at babalik na ako sa aming pwesto ngunit pinigilan ako nito.
“Saan ka pupunta?” kunot noo nitong tanong sa akin.
“Babalik na ako doon boss, matutulog na...”
“Dito ka na matulog.” bahagya ako nito hinila sa aking kamay upang makapasok, imbes na tumanggi ako ay hindi ko ginawa, may parte sa isipan ko na lumayo ngunit ang isang parte ay tila salungat sa gusto ng una.
“Bat ka diyan hihiga, malaki naman itong kama kasya tayo rito.” sabi ko rito habang inaayos nito ang kanyang unan sa sofa.
“Diyaan ka na, dito na lang ak--”
“Hindi na, ako dapat mahiya saka baka natatakot ka lang na mahawaan kita ng lagnat? o nababahuan ka sa akin?” bumuntong hininga ito at dumiretso sa kama patalikod sa akin.
Napangiti ako nang walang dahilan, kaya naman tumalikod na rin ako sa kanya at ipinikit ang aking mga mata.
Mga ilang oras pa at nauublot ang tulog ko dahil sa paggalaw galaw nito sa kanyang pwesto. Hindi ko na lamang pinansin pero nang yumakap ito sa akin sa likod ay doon na ako napamulat.
“Anong ginagawa mo!” bulong ko na may halong inis at pilit tinatanggal ang mahigpit nitong yakap sakin.
“Wala akong gagawing masama payakap lang.” tinignan ko ito patalikod at nakapikit na ito habang nakayakap pa rin sa akin.
Dapat pumapalag ako ngayon at nasuntok ko na ito pero sa kadahilanan ay hindi ko magawa. Nagtataka na rin ako sa aking sarili kung bakla na ba ako talaga dahil nalilibugan ako sa mga pag iisip katulad ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki, hindi rin normal ito ang maagresibong pagyakap sa kapwa lalaki at nasa iisang kama. At siguro oo dahil napasukan na ako at sising sisi sa naranasan.
Napabuntong hininga na lamang ako at ipinikit na lamang ulit ang aking mga mata at pilit nilalabanan ang nakakaliti nitong hininga na tumatama sa aking batok. Ganitong ganito ang binibigay sa akin ni Agatha mahilig sumiksik sa aking leeg at pilit sumisiksik, hindi ko maiwasan mamiss ang aking mahal.
“Liam... Liam... lumayo ka ng konti hindi ako makatulog.” medyo niyugyog ko ito pero parang tulog mantika, alam ko naman na nagpapanggap lang itong tulog dahil naramdam ko pa ang p*********i nito sa aking likod.
“Pre isa...” medyo asar na ako, nang akma na akong tatayo ay bigla itong sumiksik sa aking leeg at hinalik halikan ito, nakiliti ako sa munting bigote na lumalapat sa aking balat. At ito ang ayaw ko ang magiba na naman ang pagninindigan kong pigilan na. Kaya naman pilit kong siniko ang kanyang tiyan sanhi upang siya ay mapigilan at mapaaray.
“Huwag mong---” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bumangon ito sa kama at basta na lamang itong umibabaw sa akin, umupo ito sa aking mga binti
Ibinaba ang aking suot pang ibaba at ang aking paninindigan ay tuluyan nang nagpalamon sa sarap at pananabik sa gagawin nito.
Inilabas niya ang aking alaga at ramdam ko ang init ng kanyang mga palad.
“Sana magustuhan mo, pre...” ang bigkas nito, sabay subo sa aking alaga.
Itutuloy . . . . . .