Chapter 19 “Sir! Dito ka dali.” Lumipat si Carl sa stool na nasa kabilang gilid nito at pinaupo si Krish sa pagitan nila ni Aliah. Sunod-sunod ang lunok ng laway ni Aliah nang mapalapit na sa kanya si Krish. Biglang nagwala ang puso niya nang mapalapit sa kanya si Krish. “Oh! Andito na si Sir. Inimbita ko siya kanina para mas marami tayong pagkain,” natatawang sabi ni Carl. Ngumiti naman si Krish. “It’s okay. Kumain lang kayo.” Sumiksik si Aliah sa kay Gema na katabi niya. Halos magbungguan na kasi ang kanilang mga braso ni Krish. Nag-umpisa na silang kumain. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kanilang table. Ngunit si Aliah ay hindi mapakali sa kanyang pwesto. Masyado siyang na ti-tense sa presence ng binatang katabi niya. Nakikipagtawanan ito sa kanila ngunit hindi ito lumilin

