Chapter 20 “Ahh…” napapaungol si Aliah dahil sa pagdalahit ng sobrang sakit sa kanyang ulo. Sinapo niya iyon at pilit na umupo. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Nakasuot na siya na rin siya ng pambahay na damit. Pinilit niyang tumayo at lumabas ng silid niya. Dumeretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Sobrang asim ng kanyang tiyan at bigat ng katawan. “Oh, Aliah. Kumusta ang pakiramdam mo?” bati ng kanyang ina. “Upo ka rito. Nagluto ako ng sabaw para sa ‘yo.” Agad siyang umupo sa harap ng hapag. Nang manuot sa kanyang ilong ang amoy ng egg soup na niluto ng kanyang ina ay kumalam bigla ang kanyang tiyan. Nagsalin na ang kanyang ina sa mangkok ng sabaw at ibinigay iyon sa kanya. “Lasing na lasing ka kagabi,” ani Ananya at umupo sa tabi niya.

