Chapter 15 “Aliah! Come here!” Napaigtad si Aliah nang marinig niya ang boses ni Krish mula sa ikalawang palapag. Dahan-dahan niyang inilapag ang picture frame na kanyang hawak-hawak. Muli niya pa iyong tiningnan bago naglakad na paakyat sa ikalawang palapag. “Come here!” Sinundan niya pa ang boses ni Krish. Pagdating siya sa taas ay namangha siya dahil walang kahit na anong kwarto roon. Para itong isang malawak na bulwagan at pahingahan. Para itong sala ulit pero nasa ikalawang palapag. Nakita niya si Kris sa dulo ng pasilyo. Panay ang tingin niya sa minibar na kanyang nadaanan. Puno iyon ng mga iba’t ibang klase ng alak. Sa gitna ng palapag ay mayroong malaking sofa. Doble ang laki niyon kaysa sa nasa ibaba. Natigil ang muni-muni niya sa paligid nang muli siyang tawagin ni Krish.

