Chapter 14 Kumurap-kurap ang mga mata ni Aliah nang makita niyang unti-unting bumababa ang mukha ni Krish. Nagwalang muli ang kanyang puso at nahigit niya ang kanyang hininga. Nang unti-unti ng maglapit ang kanilang mga labi ay agad siyang tumungo kaya ang tuktok niya ang nahalikan nito. Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil siya ay tumungo. Pakiramdam niya ay malaking pagkakamali ang kanyang ginawa. Ngunit ayaw niya namang magdamping muli ang kanilang mga labi. Natatakot siyang kapag mangyari iyon ay hindi na niya mapigilan ang sarili at tumugon dito. Rinig na rinig niya ang pagbuntong hininga ng binata at nararamdaman niya ang mainit na hininga nito na dumadampi sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon. Parang biglang nanigas ang kanyang

