Kimberly’s POV:
HINDI KO mapigilan hindi ngumiti. Sa malulutong na tawa ni Miguel. Nag eenjoy siyang makipaglaro kay Leonel ng chess. Wala akong kamalay-malay sa larong ito. Napaisip ako, na kailangan mabigyan ko ng buong pamilya si Miguel. He needs a father figure.
Palihim ko silang kinuhanan ng litrato. Ang sarap pagmasdan ang inosenteng mukha ni Miguel. Ang mga ngiti niya kapag napag papakin ng pawn ni Lionel.
“Ang daya mo naman Tito Leonel eh. Nagpapatalo ka!” Sita ni Miguel.
“No, I did not! Wala nga akong tira, look.” Depensa naman ni Leonel.
“Ayan mo, kakainin mo ang isang pawn ko!” Pangbabara ni Miguel. Napakamot pa ito ng batok dahil hindi siya sineryoso ni Leonel sa laro nila.
“Oops buddy, sorry I didn't see that coming.” Kunwaring nalungkot ito. Napailing na lang ako.
Habang patagal nang patagal ang laro nila, mukhang nahihirapan na si Miguel sa move niya dahil panay ang kamot ng batok niya. Nang biglang nag check mate siya!
“Yes! Panalo ako mieee!” Tumalon-talon siya sa tuwa.
“Wow! Ang galing naman ng anak ko!” Pumalakpak pa ako. Kunwari rin na malungkot si Leonel dahil natalo.
“Don’t worry Tito Leonel may next time pa naman.” Pabidang sagot nito.
“Of course, body, now clean up and go to bed.” Utos ni Leonel. Nagulat pa kami ng yumakap si Miguel sa kanya.
“Thank you, Tito I had fun.” Tumakbo na ito paakyat sa kwarto niya sa itaas. Nasundan namin ng tingin si Miguel.
“Thank you, Leonel, for doing this to Miguel.” Buong pusong pasasalamat ko. Ngumiti siya.
“You’re welcome, Kim; anything for you and Miguel. I had fun, too.” Tumayo na siya.
“Paano Mauuna na ako.” Tumango at ngumiti ako sa kanya.
“Ihahatid na kita.” Boluntaryo kong saad. Magkasabay kaming lumabas ng bahay. Hanggang nasa tapat na kami ng gate.
“Good night, Kim.” Paalam niya pero hindi pa ito humakbang palabas.
“Good night, Leonel, salamat ulit for making Miguel happy.” Lumapit siya sa akin, bigla na lang niya akong Hinalikan sa pisngi at hindi ko iyon napaghandaan. Naumid ang dila ko. Hindi ko napansin na wala na siya sa paningin ko. Ilang minuto pa akong nakatayo doon, at huminga ng malalim. Susubukan kong bigyan ka nang puwang sa puso ko Leonel…
****
MABILIS lumipas ang linggo, buwan, hindi ko akalain na ito ang hiling araw ko bilang single. Bukas isa na akong ganap na Mrs Leonel Samaniego.
“Kinakabahan ka ba anak?” Nasa lasa kami ng inay at nagpapaantok habang nanonood ng palabas sa TV. Nilingon ko siya. Pilit akong ngumiti. Hindi lang kaba ang naramdaman ko kundi takot. Mga katanungan wala akong mahagilap na sagot.
“Cold feet siguro inay. Buo na naman po ang loob ko. Siguro may kaunting takot, dahil hindi ko alam paano ko susuklian ang pagmamahal ni Leonel pero susubukan ko.” Mahabang paliwanag ko sa kanya.
“Normal lang naman ito anak sa babaeng Ikakasal. Kahit ano noon sa iyong tatay, ay naku sabihin ko sa iyo. Para akong pusang manganganak ng hindi mapakali. Ganyan din ang kaba at may kaunting takot. Pero anak kung may duda ka at tingin mo masasaktan mo lamang si Leonel h’wag mo nang ituloy.” Imporma niya sa akin. Umiling ako. Susubukan ko. Para kay Miguel.
“Wag niyo na akong isipin inay, kaya ko naman ho ang sarili ko. Gagawin ko ito para kay Miguel, alam niyo naman po kung gaano kalapit si Miguel kay Leonel. Masaya akong nakikitang ang masaya niyang mukha ang malulutong niyang mga tawa.” Sagot ko dito. Sa kabilang banda pwede ko naman isantabi ang kaligayahan ko at susubukang mabigyan si Miguel ng isang buong pamilya. Kailangan iyon ng bata habang lumalaki siya. A father figure…
*****
“ANG GANDA mo anak,” agad na papuri ng inay nang pumasok siya sa akin silid. Kakaalis lang ng hairstylist na nag ayos sa akin.
“Saan pa po ba ako mag mamana kundi sa inyo.” Ang ganda ng inay sa edad na singkwenta’y uno, hindi halata sa edad niya. Maalaga kasi siya sa katawan. May konting kulubot pero maganda pa rin siya.
“Oh, siya nagbobolahan pa ba tayo dito. Naghihintay na sa labas ang bridal car mo. Baka mainip ang groom mo sayo.” Paalala niya sa akin.
Inalalayan ako ng inay pababa hanggang makasakay ako sa bridal car at siya naman sa kabilang kotse. Nakasunod rin sa amin ang videographer at isang isang wedding coordinator na may lapel pa…Nagmano muna ako sa inay bago tuluyan sumakay ng sasakyan na siyang maghahatid sa akin sa simbahan.
Ilang sandali pa nakarating na kami. May mga rose white petal akong nakikita sa pathway papuntang simbahan na nakasarado pa. Nang tumunog ang kampana binuksan na ng driver ang backseat. Napatingin ako sa kalangitan. Umusal ako ng maikling dasal para sa aking ama. Tay, gabayan mo ako, ang apo niyo at lalong lalo na po ang inay…
Dinig ko na ang instrumental song mula sa piano na nanggagaling sa loob, hinawi na rin ang puting kurtina na nakaharang sa simbahan. Malayo pa lang nakatayo na doon si Leonel. Nagliwanag ang mukha niya ng makita ako. Halos hindi siya kumurap. Habang dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa kanya.
Ang ganda at metikuloso ang pagkakaayos ng puting bulaklak. Hindi ko mabawi ang tingin ko kay Leonel sa suot nitong mamahaling puting tuxedo. A small corsage sa kanan dibdib niya. Tumigil ako saglit nang tumayo ang inay sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Isinukbit ko ang aking kamay sa braso niya at sabay kaming naglakad sa harap ng simbahan.
Pero nang may biglang tumayo sa gilid ni Leonel, para akong naipako sa aking kinatatayuan. Anong ginagawa niya rito?
“Anak, bakit?” Pukaw ng inay. Para akong tinakasan ng ulirat. Ito ang lalaking naka one night stand ko! At ang lalaking iniwasan ko sa palengke! Oh my god!
Nagpaakay ako sa inay. Dahil unti-unti na akong tinakasan ng lakas lalo na ang mga tuhod ko. Nang tumigil ako sa harapan nila nagmano si Leonel sa inay. I bit my inside lip. Gusto kong pisilin ang aking sarili, dahil baka isang masamang panaginip lang ito.
Mano po nay,” dinig kong sabi ni Leonel. Nag beso-beso rin ang inay at si Madam Catalina. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Kahit ang loob ng simbahan ay aircon.
“Mano po.” Pero hindi tinanggap ni Madam Catalina ang pagmamano ko. Bagkus niyakap niya ako.
“I know that look to my other son.” Ang panlalamig na nararamdaman ko at doble. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong panawan ng ulirat.
“Are you okay, Kim?” Nag-alalang tanong ni Leonel ng tanggapin niya ang nanginginig kong kamay para igiya sa altar. Tumango ako. Dahil nanunuyo na ang lalamunan ko. Napatingin ako sa pareng nasa harapan namin. Napalingon ako kay Miguel na walang kakurap-kurap na nakatingin sa lalaking iyon. Na kapatid ni Leonel!
Parang nabibingi ako sa malakas na tambol ng dibdib ko. Gusto kong bumuka ang lupa para lamunin ako. O di kaya naman may biglang pipigil ng kasal. Why? Why now? Hindi ko man lang nalaman na magkapatid sila. Hindi kasi sila magkamukha!
Sa daming pumapasok sa isip ko, halos wala na akong naintindihan sa nagaganap sa paligid ko. “Kim?” Tawag ni Leonel sa akin.
“Huh?”
“Tinatanong ka ni Father,” mahinang bulong ni Leonel.
“Kimberly Celis, do you take Leonel Samaniego II as your lawfully wedded husband? In sickness and health, for richer or poorer till death do you part?” Napalunok ako ng maraming beses. Dinig ko na ang bulung-bulungan ng mga tao. Pumikit ako ng mariin. I should do the right thing.
“I—I do, father,” sagot ko…Oh God, what have I done?