Kimberlyn’s POV:
PAGKATAPOS namin kumain ng inay, agad na siyang gumayak. Ako naman ang nagboluntaryong maghugas ng pinaglutuan niya at ang aming kinainan. Halos hindi ko na ito nagagawa sa mga nakalipas na taon dahil laging inaagaw ng inay ang gawain at itinataboy na niya akong gawin ang aking lesson plan.
Saktong natapos na ako mag hugas tapos na rin gumayak ang inay. Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. Simple lang ang suot niya isang plain beige chiffon blouse at black trouser. Pinuyod niya ang kanyang buhok, sling bag at doll shoes.
“Bakit ganyan ka naman makatingin sa akin. Akala mo naman may kakaiba sa suot ko,” sita niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. Hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“Kayo naman, nagandahan lang ho ako sa inyo ng bongga,” biro ko. Napaingos niya sa sinabi ko.
“Nambola ka pa, halika na at ma-late tayo sa store.” Aya niya sa akin. Mabilis kong dinampot ang sling bag ko na iniwan kanina sa countertop.
“Tricycle!” Malakas na sigaw ng inay. Kakaiba ang araw na iyo. Ang dami kong napapansin sa mga kilos niya na dati ko hindi ko nakikita.
“Ang lakas ng boses niyo,” sabi ko.
“Aba paano ka maririnig kung tatawag ka lang ng mahina? Aba Kimberly strike two kana sa akin ngayon. Umaga pa lang.” Parang may babala sa boses niya.
“Kayo naman, inay hindi ko lang ho napapansin dahil maaga ho akong napasok.” Umingos na siya at tumahimik hanggang makarating kami sa store katabi ng palengke ng bayan. Hindi ko na napapansin ang ang pagbabago ito. Ang laki na ng gusali ng palengke na bagong gawa. Sa kabilang ibayo kasi ang school na pinagtuturuan ko. Hindi rin ako nagagawi dito. Kasi mas ginugugol ko ang oras ko kay Miguel kapag walang pasok.
“Oh, Caloy nandiyan kana pala, buksan mo na ang roll up.” Utos ng inay.
“Oho, Aling Pinang, magandang araw ma’am Kimberly buti napadalaw kayo.” Bati ni Caloy. Ngumiti ako sa kanya.
“Simula ngayon Caloy araw-araw mo na akong makikita.” Pumasok na kami ng inay sa loob. Inilibot ko ang buong store ng inay at isa-isa na iyong kinuha ni Caloy para isabit sa labas. Dumiretso kami sa loob at may maliit na silid doon. Pagbukas ko may computer, maliit na pantatluhang sofa.
“Ikaw na bahala sa mga resibo na iyan, Kimberly. Sumasakit na ang ulo ko diyan. Dati ang itay mo ang gumagawa niya. Ikaw na ngayon.” Lumabas na siya nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko. Sa gilid ng pintuan may maliit na pintuan. Nang buksan ko iyon isang maliit na banyo. Napangiti ako dahil kahit maliit iyon malinis tingnan. May shower at kumpleto sa toiletries. Napangiti ko.
Sinumula ko na ipatas ang mga resibo, ini-on ko na rin ang computer. Walang password ito. Maganda na rin ang version noon. Hindi tulad sa school na luma na. Portable na rin ito. Palinga-linga ako para hanapin ang wifi.
Nagulantang ako ng biglang may nagsalita sa intercom, “ang wifi na sa gilid ng desk.” Boses iyon ng aking ina. Wala man lang babala. Basta na nanggugulat. Napatingin ako sa taas may cctv pala.
Isa-isa kong ini-encode ang mga resibo. Nakalagay ang file noon sa excel at may date na rin. Parang gusto ko na agad sumuko dahil parang isang cartoon ang encoding na gagawin ko. Mas madaling magturo kesa tutok ako sa computer maghapon. Nang makaramdam ako ng init, ini-on ko na rin ang aircon na.
Halos hindi ko na napansin ang oras. Narinig ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko at tumingala sa CCTV. Akma akong tatayo ng bumukas ang pintuan.
“Anak, tama na muna yan at kakain na. Pasensya kana anak kasi natambakan ka ng mga resibong iyan. Ako naman ay walang kaalaman sa computer tinuruan pa ako ni Caloy pati pag on.” Hinging paumanhin ng inay. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at daming trabaho nila araw-araw.
“Okay lang nay, kaya ko naman ho.” Kahit paano gumaan ang mga alalahanin ko. Kung kahapon para akong pinagbagsakan ng mundo ng mawalan ako ng trabaho. Ngayon naman tila hindi ko na iyon ininda pa.
Masaya naming pinagsaluhan ang inay. Ang pananghalian na binili niya sa karinderya. Paksiw na bangoy, ukoy, adobong kangkong. Alam na alam talaga niya ang gusto kong ulam. Nang matapos kaming kumain ay niligpit na nang inay ang tray, simot lahat iyon. Nagpunta ako ng banyo pero napalabas ako dahil balak kong bumili ng toothbrush pero napangiti ako ng nasa mesa na iyon. Nanay knows best…
MATAPOS ang buong maghapon ang buong maghapon natuwa naman ako at encoded ko lahat ng resibo. Kinuho ko na naman ang logbook ng mga phone number ng mga suppliers nga inay. Mainam na nasa computer rin iyon dahil ilang tipan mo lang sa search ay lalabas na ang numero.
Not bad for first day. Mahinang usal ko. Umunat ako dahil parang nangalay ang likod ko. Pumikit ako habang hinihilot ang punuan ng ilong. Kahit paano ay na relieved ang tesyon sa mga mata ko. Bumukas ang pintuan nang hindi pa rin ako nagmulat.
“Napagod ka ba anak?” Pag-alalang tanong ng inay sa akin. Umiling ako.
“Si Miguel po?”
“Nasa labas naglalaro sa anak ni Annabelle. Tindera doon sa kabilang tindahan.” Tumango-tango ako. Pinatay ko na ang computer at ibinalik ko sa kahon ang mga resibo pati ang logbook.
“Nay, nasa computer na pala ang phone numbers ng mga suppliers niyo. Para madaling hanapin.”
“Naku anak salamat. Buti na lang nandiyan. Kung ako gagawa niyan baka seventy na ako, hindi ko pa tapos yan.” Biro niya sa akin.
“Miguel?” Tawag ko sa anak ko.
“Miee, wala ka work?” kunot noong tanong niya. Ginulo ko ang buhok niya.
“Meron po…. Dami ko nga trabaho kanina, tanong mo pa sa lola mo.”
“Naku apo, ang galing ng mommy, ang bilis mag type!” Pabidang sagot ng inay sa kanyang apo.
“Talaga po?”
“Oo saka marami siyang na encode sa computer.” Dagdag pa nito.
“Ano po ang encode, la?” inosenteng tanong ni Miguel.
“Ah basta apo, 'yong magtatype ka ng number sa computer.” Tila nahingi na ng saklolo ang inay. Nauna na si Nanay sa pagtawag ng aming sasakyang tricycle. Laging naiwas iyon kapag ganitong nag uumpisa na namang magtanong si Miguel sa mga bagay-bagay na wala siyang alam.
Iniabot ni Caloy sa akin ang susi ng store at kumaway sa akin. Hinawakan ko na ang kamay ni Miguel. Inakay ko sa naghihintay na tricycle sa amin. Pinaupo ko si Miguel katabi ng inay ako naman sa likod ng driver umupo.
Nang makarating kami sa aming bahay, nakita ko sa di kalayuan ang magarang sasakyan ni Lionel. Nakaupo ito sa hood ng kanyang kotse. Nang matanaw kami, ay tumayo ito. Huminto kami sa harap niya.
“Tito Lionel!” Malakas na tawag ni Miguel.
“Hey buddy.” Iniabot agad nito ang paper bago.
“For you, Kim,” mamahaling flowers. Gusto ko sanang tanggihan iyon kaya lang nakatingin sa akin si nanay.
“Lionel dito kana mag hapunan, magluluto ako ng paborito.”
“Opo nay.” Magalang na sagot nito. Kailan pa niya naging nanay ang nanay ko!