2 Discoveries And Gazing

1512 Words
“Julie sure ka ba talaga na kukunin mo yung penthouse?” Unsure na tanong ni Maqui kay Julie. Kasalukuyang nakatambay sila sa apartment ni Maqui. Napabuntong hininga si Julie. “Di ko pa alam. Nakakahiya naman kasi kay kuya Frank. Biro mo walang bayad?” Umupo ito sa couch at tumingin kay Maqui. “Pero malapit daw eh, i-take ko na kaya yung chance? Pero mas gusto ko may babayaran man lang ako. Kakahiya talaga eh.” Maqui sighed. “Edi kausapin mo si Frank, mahirap ba yun?” Tumayo bigla ito at hinila si Julie patayo na ikinagulat naman ng huli. “Ui! Ano?” “Tara, puntahan natin yung location nung hotel para ma check mo lang.” Hindi na nakapgsalita si Julie sapagkat pinagtutulak na siya ni Maqui na magayos. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Mabilis na naglakad si Elmo papunta sa office ng Kuya Frank niya. Nasa kabilang dulo lang naman ng floor yung kay Frank, pinapatawag daw siya nito, bakit kaya? Dumaan siya sa secretary ni Frank. “Kylie, pinapatawag daw ako ni Kuya?” “Ah, opo sir Elmo, deretso na lang po kayo sa loob.” Ngiti naman ni Kylie. Kumatok muna si Elmo bago tuluyang binuksan yung pinto. May kausap si Frank sa telepono pero sumenyas ito kay Elmo na pumasok. Naupos saglit si Elmo habang hinihintay na matapos ni Frank kausapin ang kung sino man sa kabilang linya. “Alright? Sige, sige sure no problem.” Binaba na ni Frank ang telepono at ngumiti sa kapatid. “Kamusta bro? Nakapahinga ka naman kahapon?” “Uh, oo… pero ano yun kuya? Bakit mo ako pinatawag?” Natawa naman si Frank. Ito talagang si Elmo walang paligoy ligoy. “I’d like to ask a favor.” “Sure… ano yon?” Tiningnan muna siya ni Frank bago ito nagsalita ulit. “Naalala mo sila Tita Marie kahapon?” “Sila Julie Anne? O bakit?” Hindi namalayn ni Elmo na si Julie ang nabanggit niya. Ngumiti si Frank bago tinuloy ang favor na hinihingi. “Yung Jacinthe Emys ba inuuwian mo pa rin?” Kumunot ang noo ni Elmo. “Kuya, ano ba talaga yung favor? Ang tagal moa ta sabihin? May gamit ako doon sa pent house pero sa condo na talaga ako umuuwi, ano ba yun?” Halatang parang nag dadalawang isip si Frank bago ito umiling at nginitian si Elmo. “Hmm, so hindi ka na pala nauwi doon…” “Kuya…” “Ito na ito na.” Natatawang sambit ni Frank. “Balak ko kasi patirahin doon si Julie, malapit kasi sa JAM records kung saan siya magwo-work.” Medyo pinapasink in pa ni Elmo yung mga pinagsasabi ng kuya niya eh. “Papatirahin mo don?” Tumango muna saglit si Frank bago nagexplain. “I realized I should’ve asked you first bago ko inoffer sa kanya kaya I’m asking you now.” Nag shrug lang si Elmo. Sa hindi naman niya talaga ginagamit yung penthouse na yun eh. “Uh, sure, f-family friend naman siya diba?” s**t bakit siya nagstustutter. “Pero teka ano ba yung pinaka favor?” =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= “Maqui naman, tinawagan mo pa si Frank, nakakahiya, sana tiningnan muna natin.” Sabi ni Julie habang patuloy ang kaibigan na nagdadrive. Meeting place daw nila sa Zing’s café malapit lang din sa hotel kaya doon sila papunta ngayon. “Ano ka ba bes, okay lang yun no, lakas ko kaya kay Frank, love ako non e.” Biglang bumagal pagpatakbo ni Maqui ng kotse ng marealize niya sinabi niya. Napatigil naman si Julie sa sinabi ng kaibigan at hindi napigilan na onti-onting humarap kay Maqui. “Oi teka teka, ano yan?” “H-ha?” Tila kinakabahang sambit ni Maqui. “Ano ba Julie, I’m driving wag mo ako guluhin.” “Nako tigilan mo ako bes ah.” Natatawang sabi ni Julie. Mamaya ka sa akin, tutal coffe shop pupuntahan natin, sige ka, more time for chika. Nanahimik lang si Maqui hangga’t sa naka-abot na sila sa may coffee shop. Kakaunti lang ang tao sa loob sa ikinasaya ni Julie. Kaagad sila nakapili ng booth malapit sa may window. “Ako na oorder bes, ano gusto mo?” alok ni Maqui. Natatawa na lang si Julie, halata kasi na iwas ang kaibigan makipagusap. Tumingin muna sa menu si Julie. “Cappuccino na lang Maqs.” “Sure sure.” Ngumiti si Maqui at sure ito na kelangan hot, madalang uminom ng malamig si Julie, sinisipon kasi kaagad ito kapag nangyari yon. Umupo na si Julie at tinanggal ang kanyang blazer, medyo mainit kasi ang panahon. Di naman nagtagal e nakabalik na si Maqui sa upuan at hindi niya pinalampas ang pagkakataon. “Okay bes, spill…” “Ha?” “Tigil tigilan mo nga ako Farr, o gusto mo gamitin ko buong pangalan mo?” Hamon ni Julie pero nginingitian ang kaibigan. “Julie Anne Peñaflorida San Jose, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.” Sagot ni Maqui at inosenteng umiwas ng tingin. “Marie Frencheska Mae Tobias Farr… leche mas mahaba yung sa’yo.” “Bakit mob a ako finufull name?” “Ano ba kasi meron sa inyo ni kuya Frank ha?” Dineretso na ni Julie. Lumaki naman mata ni Maqui at nahalata ni Julie na hindi pa rin ito sasagot kaya siya ang nagsalita. “May pa ‘love’ ‘love’ ka nalalaman, wala kang binabanggit sa akin ah!” Dumating na yung orders nila kaya medyo nanahimik si Julie pero nang umalis na yung waitress nagsalita siya ulit. “Bes, ako hinahanapan mo ng boyfriend yun pala ikaw ang meron.” Nakangiti na siya pero napansin niya si Maqui hindi. Hala. “Ui bes..” Julie prodded. Kinakabahan siya. “Jinojoke lang kita, magsalita ka naman.” Napabuntong hininga si Maqui bago muli nagsalita. “Hindi ko boyfriend si Frank… may girlfriend kaya yun na iba.” Natigilan si Julie, bago siya makapagreact eh inunahan na siya ni Maqui. “Kaibigan lang tingin sa akin non. Medyo nangangarap lang ako.” Malungkot na tiningnan ni Julie ang kaibigan. Hindi naman ito first heartbreak ni Maqui pero heartbreak pa rin. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan na ikinangiti naman ni Maqui. Bigla naman nagring ang phone nang huli. Kumunot ang noo nito. “Ah, teka lang bes.” Tumayo ito para sagutin ang tawag kaya naiwan si Julie sa kinauupuan. Ininuman na lang niya ang kape niya habang napapailing. Ito naman si kuya Frank, ang manhid, ganda kaya ng best friend ko. Patuloy pa rin siya sa paginom ng maramdaman niyang parang may tumitingin sa kanya. Napaikot siya at humarap sa bintana. Laking gulat na lang niya ng makita kung sino ang nakatitig sa kanya. Elmo? =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Kanina pa siya nakatayo dito sa may labas ng Zing’s café. Pero ewan ba ni Elmo bakit di pa siya pumapasok. Napatigil kasi siya sa paglalakad ng makita si Julie at ang kaibigan nitong si Maqui na naguusap sa loob. Siya kasi ang pinapunta ng kuya Frank niya para ipakita kay Julie yung penthouse. Ewan lang niya kasi parang tumigil ata sandali yung mundo; tumatawa kasi si Julie, habang may sinasabi sa kaibigan niya. s**t, kakabakla naman ito, parang ngayon lang niya ito naramdaman? Kahit kay Ja—stop Elmo stop! He shook his head to snap back to reality. Makapasok na kaya siya? Pero hala ito napatitig nanaman siya. Nakita niya tumayo yung friend ni Julie bago uminom ang kababata niya sa order na kape pero muhkang may iniisip. Kahit anong view ang ganda nito, kahit pa may nakaharang na tasa. Favorite niya talaga mata ni Julie, natural na kumikinang ata eh! Bigla namang tumingin ang babae. Nalintikan na! Napapitlag si Elmo, kaagad siya gumalaw at pumasok. Hinubad niya ang suot na shades bago lumakad papunta kay Julie. Nakatingin ito sa kanya, tila gulat pero bumati siya by giving a small nod. “Ah, Julie, good afternoon.” Bati niya. Ang lame! Good afternoon?! Tangina ano yun!? “Elmo, hello. Uhm, coffee break ka?” Tanong ni Julie. Pucha pati boses kapag nagsasalita maganda! “Elmo?” “Ha?” s**t, tumititig ba siya? Kahiya mehn. “Sorry, uhm, hindi ako naka coffee break, ako yung--” “Julie!” Napatigil sila ng pabalik na naglakad si Maqui. “May emergency kasi sa JA--” Tumigil din ito ng makita na hindi na magisa si Julie. “Elmo?” “Ah hello.” Mahinang bati ni Elmo. Nagbigay ng maliit na ngiti si Maqui pero kaagad na tumingin ulit sa best friend. “Bes, baka hindi kita masasamahan sa Jacinthe Emys, may emergency kasi sa JAM, kelangan nandoon ako, di bale itext ko na lang si Frank na kayong dalawa ang pupunta.” “Actually…” Tuminign ang dalawang babae ng biglang magsalita si Elmo. “Pinapunta ako dito ni kuya, ako na daw magpapakita kay Julie sa hotel.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD