3 Sa Hotel At MRT

4333 Words
Inis talaga ito si Maqui, akalain mo iniwanan siya. Sobrang awkward ng feeling nito ni Julie. Naiwan sila ni Elmo sa Zing’s. Dahil siya’y umiinom pa rin, umorder din muna si Elmo ng sarili niyang kape. Hindi niya ma-help pero tinitingnan niya ang kababata habang bumibili ito. Naka polo shirt ito at slacks. Halata ni Julie na galing pa ito ng work kasi nakasabit din ang suot nitong sports jacket sa upuan. Kakahiya dumeretso pa talaga ito sa coffee shop. Napatingin nanaman siya. Ang gwapo talaga nito, partida naka side view. Kaso parang di pa ata nakikita ni Julie na ngumiti ito? Mahirap ba ngumiti? Sabagay bakit ka naman ngingiti ng walang dahilan? Akalain ng iba nasisiraan ka na ng bait. “Ah, bumili din ako ng donut, gusto mo?” Grabe, nakatitig ba siya dito? Kahiya, kanina pa pala nakaupo ito sa harap niya. “Ah, hindi, okay lang… salamat.” Ngiti ni Julie. Uminom nanaman siya sa kape niya. Sana di niya ako nahuli. “Uhm, lakad na lang tayo mamaya papunta hotel ah.” Biglang salita ni Elmo. “Malapit lang naman kasi dito…” “Uh sure.” Sagot ni Julie. Nag sip nanaman siya sa kape niya habang si Elmo ay patuloy sa pagkain ng donut. Grabe wala bang mas a-awkward? ASar naman kasi ito si Maqui at iniwan pa talaga siya. Ayaw niya ng ganitong atmosphere. “Uhm, Elmo, pasensya na ha? Muhkang naabala pa kita sa work.” Umiling naman ang kausap niya. “No, it’s okay. Kelangan ko din naman bisitahin ang hotel para icheck ang management.” “Ah, buti naman.” Hindi talaga sanay si Julie sa ganito. Ang tahimik naman kasi nito ni Elmo, parang kelangan hilain ang dila para lang magsalita. O baka ayaw lang talaga siya nito kausapin? Sa kakaisip niya doon lang niya napansin na ubos na pala yung iniinom niyang kape. At tapos na din pala si Elmo sa donut at sa kape niya. Ang bilis naman?! Agad agad? “Ready to go?” Tanong ni Elmo. Napatango siya saglit bago kinuha ang bag at sinabit ang blazer sa strap nito. Tahimik lang si Elmo habang pinapauna siya lumabas at nagsimula na sila maglakad. Buti hindi maaraw kaya hindi na kinailangan pa maglabas ng payong. Tumawid sila sa isang intersection sa may Ayala bago nagsimula maglakad. Dahil ayaw niya talaga ang awkward air, si Julie na ang nagsimula magsalita. “Naalala mo pa ba talaga ako nung bata pa tayo?” nakangiti niyang tanong. Siya kasi naalala niya talaga si Elmo. Parang hindi nga ito nagiba nung 10 years old ito. Tahimik lang talaga, si 10-year old Julie pa nga yung nagsisimula ng laro. Pero sunod din naman ng sunod si 10-year old Elmo. 10 years ago… “Julie! Wag ka na umakyat diyan baka malaglag ka pa!” “Hindi Elmo! Okay lang ito, basta ba di ako bibitaw eh!” Napakamot na lang ng ulo si Elmo habang pinapanuod ang kaibigan na ummakyat ng puno. “Kapag nalaglag ka talaga jan lagot ako kay tita at kay mama!” Sigaw niya. By this time nasa taas na ng puno si Julie. “Moe! Akyat ka dito! Bilis ang ganda ng view!” Ngiting ngiti pa ito. Sure din ni Elmo na maganda ang view… maganda view pababa; nakakalula! “Tama na Julie baba ka na! Kinakabahan ako sayo eh!” “Hindi ako baba hangga’t di mo nakikita ang view dito!” “Eh…” Napabuntong hininga si Elmo. Sa kanya pa ata mapupunta ang blame. Mustering up his courage, umakyat na din siya sa puno. Kahit anong kaba pa niya ginawa niya basta mamaya mapapababa na niya si Julie. “Oh diba ang ganda.” Proud na sabi ng batang babae. Nakabungad sa kanila ang sunset na nakikipagkilala sa padating na gabi. Ang ganda nung paghalo nung kulay; blue saka orange. “Favorite color ko talaga orange” Bigla namang sabi ni Julie. Tumingin si Elmo. “Talaga? Sabagay maganda nga pero mas gusto ko blue…” Mahinang sabi nito. Pareho silang hindi muna nagsalita, nakuntento na lang sa pagtingin sa magandang handog ng kalikasan sa harap nila. Biglang ngumiti si Elmo na ikinagulat ni Julie. “Bakit?” Tanong ni Julie ukol sa biglaang paghila pataas ng lips ni Elmo. “Mahilig ka sa orange.” Sagot naman ni Elmo. Napatingin si Julie sa kababata. “H-ha?” Maikling tumawa si Elmo. “Naalala ko nung bata tayo sabi mo sa akin, favorite color mo yung orange.” Natigilan doon si Julie habang patuloy pa na nagsalita si Elmo. “Sinabi mo sa akin yung after mo ako pilitin umakyat ng puno.” At bigla na lang ito nagbigay ng maliit na ngiti. Tiningnan naman ni Julie si Elmo. “Ngumingiti ka pala.” Natawa naman dito si Elmo. “Muhka ba akong hindi ngumingiti?” Hindi na sumagot si Julie at patuloy na sila naglakad. Sa wakas! Nawala yung awkwardness between them. Hindi nagtagal eh naabutan na nila ang hotel. Sa totoo lang akala ni Julie maliit lang ito, laking gulat na lang niyang malaman na nagkamali pala siya. Ang modern tingnan ng Jacinthe Emys. Pinakapinagtatakhan ni Julie yung emblem; stylized sunset na may blue na tortoise. Ano naman kaya yon? Pero siguro sa ibang araw na lang niya tatanungin si Elmo kung ano meaning non. “Pasok na tayo?” Tanong ni Elmo. Tumango naman siya bilang sagot, at inalalayan siya ni Elmo sa paraag paglagay nito ng kamay sa may lower back niya. Parang… uminit bigla yung pakiramdam niya. s**t, lakas naman ng epekto ng ginawa niya. “Okay ka lang?” Tanong ni Elmo sa kanya pagkalagpas nila ng revolving doors. Nahalata nito siguro na medyo nagstiffen siya. “Ah oo…” Malamig na hangin ang bumalot sa kanilang dalawa pagkapasok na pagkapasok. Maganda ang interior ng hotel, giving off a relaxed atmosphere. Modern Filipino ang itsura at marami rami din na kung ano anong relics, statues at ano pa ang gamit na desing.  At syempre, lahat naman ng staff umayos ng makita si Elmo. “Sir good afternoon po!” Bati ng receptionist na nagngangalang Joyce ng makita sila. Masayahin ang muhka nito. May ngit pa na nagpapaliit pa lalo sa intsik nitong mga mata. Bagay na bagay sa trabaho niya. “Good afternoon Joyce, dederetso lang kami sa penthouse.” Sagot ni Elmo dito. “Please meet my friend, Julie Anne.” Napatingin naman kay Julie si Joyce at lumapad ang ngiti nito bago bumalik kay Elmo. “Hello po mam, ako po si Joyce, Ah sige po sir, magsesend na din po ba ako ng food sa taas? Saan po gamit niyo ni Ma’am Julie?” “Sandali lang kami sa taas.” Sagot ni Elmo. Kaagad namang tumango si Joyce. “Sige po sir, ma’am.” Ngumiti naman dito si Julie bago siya iginaya ni Elmo papunta sa mga elevator. Medyo nanahimik siya. Naglabas si Elmo ng keycard mula sa wallet niya bago gamitin ito at dumeretso na ang elevator paakyat. Siguro nahalata ni Elmo na nanahimik si Julie Anne kaya biglang nagtanong; “Ayos ka lang?” Tuminign naman si Julie dito at tumango. “Ah, oo ang ganda ng hotel mo ah.” Nagshrug lang si Elmo. “Actually ang nag design nito, yung best friend ko, si Sam.” Nanahimik muna sila habang hinihintay na marating nila destinasyon nila. After a few moments umabot din sila sa may penthouse. Grabe, kung maganda yung lobby nung hotel, sobra sobra yung sa penthouse. Napaka taas ng atip nito kayo maginhawa kaagad ang naibibigay na aura. Coffee colors ang interior. Ngumiti si Julie ng makita ang buong lugar. “Grabe ang ganda naman dito.” Dumaan daan siya sa living room ng penthouse, hinihimas ang kahoy na furniture. Bumukas bigla ang ilaw at nakita ni Julie na si Elmo pala may gawa nito. “Madalang lang talaga ako makapunta rito.” Biglang sabi ni Elmo, lumapit siya kay Julie na nasa may couchbago luminga linga sa paligid. “Yung dapat nga na kwarto ko hindi ko magamit gamit eh.” “Talaga? So wala talaga tumitira dito?” Tanong ni Julie. Mas naawkwardan tuloy siya, parang ayaw na niya tanggapin yung alok sa kanya ni Frank. “Wala, pero siyempre alaga pa rin ng mga housekeeper.” Sagot ni Elmo, naglalakad palayo hangga’t sa umabot siya sa may isang painting. Habang napapaisip, lumapit na din si Julie, nakatingin din sa painting bago tumingin sa may sahig. “Uhm, Elmo, pasensya na sa abala ah, pero siguro maghahanap na lang ako ng ibang matitirhan.” Kaagad naman tumingin si Elmo sa katabi. “Ha? Bakit naman? Pangit ba dito?” Halata namang nabigla din si Julie kaya kaagad ito nag explain. “H-hindi naman sa ganon. Kaso nakakahiya kasi, free of charge yung pagstay ko dito? Hindi ba pwede na magbayad na lang talaga ako?” Nagsmirk si Elmo habang tumitingin kay Julie, siguro mga 4 inches din ang liniit nito sa kanya. “Yun lang ba yung dahilan? Okay lang naman yun, saka kababata naman kita.” Napakagat labi si Julie. Ewan niya pero parang ayaw niya talaga. “Wala man lang ba ako pwedeng gawin or something? Pambayad man lang?” Tiningnan siya ni Elmo at medyo kinabahan siya. Naman, baka matunaw ako nito! Umiwas siya ng tingin at nagsalita muli. “Wala ba mangyayari na wager or something?” Tumawa nanaman si Elmo. “Ganito, kapag kelangan ko ng favor, gawin mo na lang pero okay lang talaga na dito ka tumira.” Sagot nito. Still unconvinced, napailing na lang si Julie. “Thanks talaga Elmo per--” Bigla bigla hinaplos ni Elmo braso niya. Ang init bigla? Eh nakatodo aircon? “Pwede ba Julie? Pili ka, tatanggapin mo yung penthouse o sasabihin ko sa mama mo na ayaw mo?” Natigilan si Julie don at nakita ni Elmo kaya natawa ito. “Pagdating pala sa mama mo tiklop ka eh.” Ngumiti saglit si Julie. Mapatiklop man siya sa mama niya or what, it doesn’t change the fact na gusto talaga siya patirahin dito ni Elmo. Huminga siya ng malalim at nagbigay ng maliit na tango. “Sige, dito na ako titira.” =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Pinanuod ni Elmo si Julie habang kausap nito si Maqui sa telepono. Nakaupo siya ngayon sa couch habang nasa may gilid banda si Julie at patuloy ang pakikipagusap sa best friend. Sa totoo lang, ewan niya bakit pilit niya rin pinapatira ito sa pent house niya. May hatak eh. Ano ba pinagsasabi mo Magalona?  Pucha bakit kasi ang ganda mo... Umiwas siya ng tingin. Bakit ba kasi ganito epekto ng babaeng ito sa kanya. Naka skinny jeans lang si Julie at sleeveless na blouse, hawak hawak ang kanyang blue na blazer.  Simpleng simple lang ito pero ng lakas ng tama kay Elmo. Napakaganda kasi ng muhka nito; anghel sa lupa. At paulit ulit niya sasabihin na favorite niya ang mata ni Julie Anne. "Elmo..." "Huh?" Napatingin siya at nakitang nasa harap na pala ulit niya si Julie. "Uhm, okay na. I can move here siguro next week?" Elmo nodded his head. "Ah great, bibigyan kita ng key card at uhm, kung okay lang sayo pakilala kita sa staff here? para hindi na sila mabigla." Tumingin si Julie sa kanya at mabagal ito napangiti. "So ready ka talaga ipakilala alo sa kanila gayong hindi mo naman alam kung kukunin ko ba talaga ito." Nagshrug nanaman si Elmo. "I can be very persuasive.” Tapos nagsmirk nanaman ito sa kanya. Mahinang tumawa na lang si Julie. He led the way, hand still supporting her back habang palabas sila ng penthouse. Pareho nanaman sila tahimik sa loob ng elevator hangga’t sa nagsalita na si Julie. “Elmo, salamat ah. Kelangan ko talaga itong place na ito. Di bale, kapag makakahanap ako ng paraan talagang pagbabayaran ko.” “Sabi ko naman sayo wag mo na isipin yon.” Sagot naman ni Elmo. Ngumiti lang ulit si Julie hangga’t sa makaabot sila sa baba. Nasa pwesto pa rin kanina si Joyce kaya agad naman lumapit ang dalawang magkababata dito. “Sir! Kamusta po? Akala ko po magpapahinga po kayo?” Tanong naman ni Joyce, gulat na sa ilang minute lang ay nakabalik na sila Elmo. Tumawa naman ang nahuli at nagsimula magexplain. “Aalis din kami Joyce, asan si Kris? Ipapakilala ko lang si Julie, simula next week kasi dito na siya titira.” Halatang medyo nagulat si Joyce pero ngumiti din ito kaagad kay Julie at kay Elmo. “Ganoon po ba, nakakatuwa naman po. Uhm, tatawagin ko lang po si.. Kr—ah si sir Kris, saglit lang po sir.” Umikot si Joyce para harapin ang phone sa may desk at dali dali na nagdial. Wala pa isang minuto ng humarap nanaman ito at ngumiti kay Julie at kay Elmo. “Ma’am, sir, padating na po siya, may inaasikaso lang po sa lounge, upo muna po kayo sa couches natin.” “Sige, salamat Joyce.” At kagaya ng kanina pa nangyayari, inalalayan ni Elmo si Julie patungo sa mga couch kung saan nila hinintay si Kris. Kaagad naman nagexplain si Elmo. “Si Kris yung manager ko dito, mas bata pa sa atin yun.” “Talaga? Sobrang trust mo siya no?” Tanong naman ni Julie. Nag nod naman si Elmo. “Oo, actually, isa siya sa mga best friends ko pero magaling talaga siya.” Tumango naman si Julie at nanahimik. Tinitingnan lang niya ang surroundings at ineenjoy ang pagupo ng may lumapit sa kanilang lalaki na muhkang kaedaran lang nila. Naka business suit ito, kayumanggi ang kulay pero expressive ang mga mata. “Pare.” Tumayo si Elmo at nakipag-one armed hug sa lalaki. “Sir Elmo.” Sagot naman nito. Tumayo na rin si Julie habang umiling si Elmo. “Ano ba Kris, di ba sabi ko sa’yo wag mo na ako sini-sir, alam naman ng lahat na kaibigan talaga kita.” Natawa na lang si Kris at napakamot sa likod ng ulo ng bigla ito makita si Julie. “O pare, may girlfriend ka na? Sa waka—aray!” Nakabot siya ng mahinang suntok galing kay Elmo. “Pare kababata ko ito...” Humarap naman si Elmo kay Julie. “Ah Julie, pagpasyensahan mo na ito, muhkang di pa nakakainom ng gamot niya.” Mahinang ngumiti lang si Julie bago naman siya ipakilala ni Elmo sa kaibigan nito. “Kris, kababata ko si Julie Anne San Jose, Julie, manager ng hotel si Kristoffer Martin.” “Hi.” Bati ni Kris sabay nakipagkamay kay Julie. “Hello.” Ngiti din naman ni Julie. Kaagad naman nagexplain si Elmo, patting Kris’s left shoulder in the process. “Pare, simula next week, sa pent house na titira si Julie; she’s working at JAM records kaya perfect ang Jacinthe Emys hotel dahil lakad na lang e makakapunta na siya sa JAM records building.” “Ah ganun ba. Nako mabuti naman at magagamit na yung pent house.” Nakangiting sambit ni Kris. Tumingin siya kay Julie. “Ah, sige Julie, mag se set up ako ng meeting bukas para makilala ka ng mga staff.” “Uh, kelangan pa ba talaga yun?” Tanong ni Julie. “Kakahiya naman, magse-set pa ng meeting. Kahit wag na.” Tumingin saglit si Kris kay Elmo na parang nagtatanong pero tumango naman ang huli kaya pumayag na din siya. “Ah sige, inform ko na lang din sila para di naman sila mabigla. I’m sure you’ve met Joyce?” “Yeah we’ve met na.” Sagot ni Julie. “Ah mabuti, so when ka exactly lilipat?” “Mga next week siguro?” Sabi ni Julie pero tumingin muna ito kay Elmo as if confirming. “Kahit bukas ka pa okay na yun.” Biglang ngiti ni Elmo. Napatingin naman silang dalawa ng parang mapasinghap si Kris. At nakita nga nila ito na parang gulat na nakatingin kay Elmo. “Problema mo Kris?” Nakakunot-noo na tanong ni Elmo. Pero hindi siya hinarap ni Kris, instead kay Julie ito humarap at napatanong. “Julie, may magic ka ba? Napangiti mo si Elmo—aray! Oy pare nakakarami ka na ah.” Sabi ni Kris ng suntukin nanaman siya ni Elmo. “Di ka pa nakakainom ng gamot mong gago ka.” Sabi ni Elmo. Natawa lang pareho si Kris at si Julie ng biglang tumunog ang phone ng huli. “Ah, it’s my mom, excuse me.” Naglakad ito palayo kaya kinuha na ni Kris ang chance. “Pare.” Kris nudged Elmo. “Ang ganda naman non.” “Magtigil tigil ka Martin at baka masumbong kita kay Joyce...” sabi ni Elmo at halata naman na nagulat si Kris kaya sinundan ng paliwang ni Elmo yung sinabi niya. “Oo, alam ko na kayo na ni Joyce, although bawal.” Halatang medyo kinabahan si Kris. “Elmo--” “Hindi ko naman kayo pipigilan pare, basta lang hindi makakagulo sa trabaho.” Alam mismo ni Elmo na bawal pero sino ba naman siya para humadlang? Never niya gagawin yun. Naramdaman niyang hinawakn ni Kris ang balikat niya and gave a gentle squeeze. “Moe, salamat. Sa lahat... saka goodluck kay Julie.” Tumingin naman kaagad si Elmo sa kaibigan. “Goodluck ka diyan...” “Sungkitin mo na pare, maganda eh, baka may mauna pa sa’yo.” Nag scoff si Elmo. “Kababata ko lang siya pare.” “Sabi mo eh...” Nagshrug si Kris. “Paano pare, I need to go back to my duties. Saka, salamat ulit.” “Sige sige pare, salamat.” Nanahimik si Elmo matapos umalis si Kris. Tama naman siya diba? Kababata lang niya si Julie, at kakakita lang niya ulit dito. Maya maya ay naglalakad na pabalik sa kanila si Julie. “Elmo, salamat ah. Pano, uhm, mauna na ako pauwi.” “Teka, wala ka kotse diba? Pano ka uuwi?” Tanong ni Elmo habang papalapit kay Julie. “Ah oo, di pa kasi ako nakakabili. Tapos si Maqui nasa work pa kaya ayun, di muna ako makakasabay sa kanya. Commute lang ako ang dali dali na magcommute ngayon eh.” Nakangiting sagot naman ni Julie. Nagsimula na ito kumuha ng barya ng magsalita ulit si Elmo. “Sasamahan na kita.” “Ha?” Napatingin sa kanya si Julie. “Sa Q. ave pa ako Elmo, okay lang.” “Hindi... tara na.” “Per--” Hindi na natuloy ni Julie sasabihin niya sa kadahilanang hinawakan na ni Elmo kamay niya at hinila siya palabas. Sumensyas lang ang lalaki kay Joyce bago sila makalabas ng hotel. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Julie, tumigil tigil ka sa pagkakakilig mong gaga ka. Pano ba naman, ang higpit ng hawak ni Elmo sa kamay niya. “Dito ka lang tatawag ako ng taxi.” “Ha? Taxi? Elmo, okay lang talaga, magcocommute na lang ako.” Pagpilit ni Julie Anne kaso matigas talaga ulo ng kasama niya. “Commute?” “Oo, mag-MRT ako, alanganin yung oras kaya kaunti lang tao.” Explain ni Julie. “Ang mahal mahal ng taxi, sayang pamasahe.” May jeep na dumaan at muhkang naguguluhan pa rin si Elmo at nagdadalawang isip kaya siya na unang nagpaalam. “Salamat ulit Elmo, I’ll text you.” Kasasakay pa lang niya ng jeep na pa Ayala MRT ng biglang may maramdaman siyang sumakay kasunod niya. Lumaki mata niya saglit. “Elmo?” “Ang bilis mo gumalaw ah.” Sabi naman ni Elmo. Pigil tumawa si Julie Anne. “A-akala ko kasi di ka na sasama kaya pumasok na ako.” Nagsmirk lang ito habang patuloy na umandar ang jeep. Napansin ni Julie na pinagtitingnan sila ng tao sa jeep, mostly mga estudyante. Baka kasi corporate na corporate ang itsura nila ni Elmo, pero nasa Makati sila diba? Marami naman talaga ganito suoit. Tapos bigla niya rin napansin na may dalawang babaeng estudyante na tingin ng tingin sa kababata niya at muhkang mga kinikilig. Ah, yun pala yun. Oo nga pala, gwapo nga pala ito si Elmo kaya pag titingnan din talaga. Pareho sila di umiimik habang nagbbyahe, mabilis lang din naman kasi kaya in no time ay nasa may MRT na sila. Bumaba si Julie at tiningnan niya habang sumusunod si Elmo. “Nakasakay ka nanaman na ng MRT diba?” Tanong niya dito. “Oo naman.” Sagot din ni Elmo. Kahit ba mayaman siya marunong pa rin siya magcommute, yun nga lang mas gusto niya mag taxi na lang, hassle kasi. And being the gentleman that he was, inalalayan ni Elmo si Julie habang naglalakad at paakyat sila ng station. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Hinintay sa gilid ni Elmo si Julie habang bumibili (libre niya syempre) ito ng mga card nila papunta Q.Ave. Tapos ay binigya nito sa kanya ang isang ticket bago sila pumasok at dumeretso papasok ng train. Saktong may dumating kaso papaalis na. “Ayan na Elmo tara!” Hinila siya ni Julie hangga’t sa makapasok sila sa isang cart sa male area nga lang. Medyo punuan pala kahit ganun yung oras. Buti na lang talaga air con sa loob. Luckily nakapwesto sila sa may bandang pole para pareho sila hindi uuga uga. “Julie hawak ka dito.” Sabi niya. Ngumiti naman si Julie sa kanya bago humawak sa pole. Tumingin tingin sa paligid si Elmo. Tsk. Mga lalaking ito, kitang may babae ayaw man lang magpa-upo. Puro lalaki din kasi ang nakaupo at parang hindi man lang nakikita si Julie. Pero naginit saglit ang dugo ni Elmo ng may makitang mga lalaki na kanina pa tingin ng tingin kay Julie, isa talaga buong hubog ang pinagmamasdan. Tangina lang. Hindi pa nagpapakita ng balat yan si Julie pero pinagtitingnan at ayaw niya yung tingin na ginagawa nung lalaki, bakit kasi sa male area sila napasakay. Lumapit siya kay Julie at walang salit salita na inikot ang isang braso dito. “Lapit ka lang sa akin ah.” Bulong niya sa tenga nito. Nagulat man, sumunod si Julie at imbis na sa pole humawak ay kay Elmo na lamang kumuha ng balanse. Umiwas na din ng tingin yung lalaking kanina pa tumitingin kay Julie. Tama gago, look away. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Isang jeep nanaman inabot nila hanggang sa makadating sa subdivison nila Julie, hindi na rin sila naglakad dahil walking distance lang naman ang house simula sa gate. “O diba? Okay lang naman na mag MRT tayo?” natatawang sabi ni Julie hinubad na niya ang blazer niya dahil palapit na sila sa bahay. Medyo nakasimangot na sumagot si Elmo. “Basta  kapag mag e-MRT ka ulit sa female are ka na ah... rami pa natingin sayo kanina.” “Ano yun?” “Wala, saan na house niyo? Medyo papadilim na o.” “Malapit na, isang kanto na lang.” sagot ni Julie. Nakakailang hakbang pa lang sila ng magsalita ulit si Elmo. “Buti sanay ka pa magcommute no? Ilang taon ka din sa New York diba?” Tumingin si Julie sa kanya at tumango. “Tuwang tuwa kasi ako sumakay ng train. Minememorize ko mga billboard kaya gusto ko nagcocommute.” “Kaso di ka ba napapagod non?” Tanong naman ni Elmo. “I mean, mayaman naman kayo, wala kayo driver?” Gusto sana mainis ni Julie. Laking yaman din talaga kasi itong isang ito. Buti mabait. “Si Papa kasi yung may driver non, nung naghiwalay sila ni Mama, medyo nagstruggle muna kami bago makaraos ulit.” Nanahimik si Elmo. Kaya pala tumigil sila Julie sa pagbalik sa Tagaytay. “Ate!” “Bianca!” Napaangat ng ulo si Elmo, may mga kabataan kasi na naglalaro ng badminton sa labas ng isang salmon colored na bahay. Tumigil ang isa tapos lumapit para yakapin si Julie. “Beh, pawis ka na, may twalya ka ba?” Julie said sternly, inikot pa nito ang batang babae para makita likod nito just to make sure. “Meron ate ikaw talaga.” Natatawang sambit ng bata. Pero napatingin ito kay Elmo which Julie noticed kaya pinakilala niya kaagad. “Ah Bianca, si Kuya Elmo mo, friend ko, Elmo, younger sister ko, si Bianca.” “Ay, hello po.” Nakangiting sambit ni Bianca. Naghalf-smile naman si Elmo saka tumango. “Hello din.” Pagkatpos ay bumalik na si Bianca sa kalaro nito. Humarap naman si Julie kay Elmo. “Ah, Elmo, pasok ka muna, dito ka na rin mag dinner.” “S-si--”Bago pa makasagot si Elmo, siya naman ring ng phone nito. It was Frank. Nagtext. Bro, dinner daw tayo sabi nila Mama, bawal umayaw haha! Sa Glorietta. – F Binaba niya telepono niya at tumingin kay Julie. “Sorry Julie, uhm, I need to meet up with the fam eh. Text na lang kita about sa condo ha?” “Ah sige sige.” Sagot ni Julie. “You know your way na?” “Oo, isang taxi lang yan.” Natawa si Julie at napailing na lang. “Sige. Inga t ka. Salamat din.” Pumasok na si Julie sa loob at siya namang kaway din ni Bianca kay Elmo. Mabilis lang at nasa may entrance na siya ng subdivision. Sumaludo sa kanya ang guard bago siya lumabas. Ayan may taxi. Sesenyas na sana siya ng parang may maliit na boses sa likod ng tenga niya.” Ang mahal mahal ng taxi sayang pamasahe.” “s**t naman.” Mahinang mura niya. It doesn’t help na nakikita niya muhka ni Julie habang sinasabi ang mga linyang yon. Kaya nagsimula na siya maglakad papunta sa sakayan ng jeep pabalik sa MRT station
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD