4 Tantz

4043 Words
“Ate?” “Hmm?” Napatingin si Julie sa tumawag sa kanya at nakitang tumabi sa kanya si Bianca. Malaki ang backyard nila, meron pa silang maliit na swing doon kung saan currently nakaupo ang magkapatid. Wala pa mom nila eh, nasa work pa kaya ayaw muna nila mag dinner kahit may pagkain na sa hapag. “Wala lang...” Ngumiti si Bianca. Napatawa si Julie. Namiss niya ito. Hindi na ito yung dati niyang baby, dalaga na din ito, katorse na din kasi. Pero siyempre, always baby sister niya ito, walang makakabago doon. “Hindi ka na babalik sa New York diba ate?” Tanong ni Bianca. Humarap si Julie sa kapatid. “Hindi na baby, for good na ako dito, bakit, pinapaalis mo na ba ako?” “Hindiii, ate naman eh...” Natawa sila pareho ng magsalita ulit si Julie habang pinagmamasdan ang bituin sa langit. “Baby, nagkikita pa kayo ni Ashley?” Tumingin si Bianca sa ate niya at napabuntong hininga. “Di masyado ate, namimiss ko na nga eh. Si Mama at Papa kasi eh.” Tumango na lang si Julie Anne at malungkot na ngumiti sa kapatid. Mahirap talaga kapag broken family. “Pero ate maiba tayo ang gwapo nung kasama mo kanina.” Kiniklig na sabi ni Bianca. Natawa si Julie. “Ah si Elmo?” “Oo ate, ang pogi pogi, kaibigan mo lang ba talaga yun ate?” Tanong ni Bianca, nagsimula na ito gamitin ang swing. “Kababata ko yun Binx.” Sabi ni Julie with finality. Nako, baka naman ipagpartner siya ng kapatid niya sa lalaking yun. “Talaga? Sayang ate, bagay pa man din kayo.” Sinasabi na nga ba niya eh. Napailing nalang siya. Kahit ba ilang beses niya sabihin na ayaw ma niya magboyfriend walang mangyayari. “Friend ko lang yun.” “Masyado showbiz sagot mo ate, ang sweet nga eh, hinatid ka pa dito!” Pag-exclaim ni Bianca, linalakasan ang pag swing. “Gentleman lang talaga yun no Binx.” Sagot nanaman ni Julie. Although sweet nga ito, lalo na nung nasa MRT sila. Hindi naman siya bulag para hindi makita na pinagtitingnan siya ng biang lalaki sa loob nung cart at siyempre nailang din siya. Buti na lang talaga to the rescue ito si Elmo. At least nung naka akbay ito umalis yung tinign nung mga lalaki, nakakuha pa siya ng balanse. “Kids?” Tumigil ang train of thought ni Julie ng marinig nila ang boses ni Mama Marie. Pinatigil ni Bianca ang pag swing saka agad agad na pumasok habang nakasunod naman sa kanya si Julie. “Mommy!” “Hi girls.” Bati ni Mama Marie nang magpang abot sila sa may kitchen. Parehong bumeso si Bianca at Julie sa mom nila. “Kumain na ba kayo?” tanong ni Marie. Umiling naman si Bianca na may maliit na ngiti sa maganda nitong muhka. “Hinintay ka namin mom eh, at dahil nandito ka na, kain na tayo gutom na ako eh.” Tumawa pareho si Julie at si Marie bago umupo na. Agad naman umakto ang mga kasambahay nila na maglagay ng mga plato. “Julie, di mo ata kasama si Maqui ngayon?” Tanong ni Marie sa panganay. “May emergency daw kasi sa JAM kaya kinailangan niya pumunta doon.” Pag explain ni Julie. “Saka yung tanong mo naman Ma, para naman kami magkakabit ni Maqui sa tadyang.” “Eh sa ganun naman talaga kayo.” Natatawang sabi ni Marie. “So paano ka nakauwi? Nag-commute ka?” “Op-” “Hinatid po siya ni Kuya Elmo!” Excited na sabat ni Bianca. Pinandilatan ni Julie ang kapatid pero lumawak lang lalo ang ngiti nito. Kaagad naman tumingin si Marie kay Julie. Nako, ayun na yung ningning sa mata ng mama niya, kinabahan na si Julie. “Julie Anne San Jose, magkasama kayo ni Elmo Magalona kanina? Bakit di ko alam.” Patay ka finull name siya. “Maa...” malambing na sambit ni Julie habang linalapag saglit kubyertos niya. “Naghahanap nga kasi ako ng place sa Makati diba? He and his kuya offered Elmo’s penthouse?” “Bakit? Magsasama na kayo ni Elmo?” Imbes na parang horrified ang tono ng mom niya, parang masaya pa ata. “Teka teka ma, bakit parang gusto mo pa ata yun?” “Aba siyempre, para mabilisan na rin kayo, e bata lang pinagppartner na namin kayo ni Pat!” Napailing saglit si Julie. “Ma naman, kakakita ko lang ulit kay Elmo, bata pa kami nung huli kami magsama. Saka hindi sa penthouse tumitira si Elmo, may condo siya.” Napangiti si Marie. “Ay nako anak, magkatuluyan man kayo ni Elmo o hindi okay lang sa akin.” Hindi malaman ni Julie sa mga tao sa paligid niya. Kakakita lang nila ulit ni Elmo pinagpa-pair kaagad? Kaloka. “Alam niyo Ma, kain na lang ulit tayo.” =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Hahangos hangos na naglakad papasok ng Glorietta si Elmo at dumeretso sa Kamayan, Saisaki, Dads dahil nandoon daw sila kuya Frank. “Yes sir? Table for one?” Bati sa kanya ng magandang receptionist. “Uhm, may kasama na ako sa loob.” Sagot ni Elmo. Ngumiti ang receptionist at hinayaan siya na maglakad para hanapin pamilya niya. Hindi naman mahirap makita sila Frank, nasa may kabilang dulo lang sila at medyo secluded ang table. “Hi guys.” Bati ni Elmo, hinalikan muna niya ang mom niya sa cheeks. “Natagalan ka ata?” Biglaang tanong ni Saab, nakapatong pa ang baba niya sa dalawang nakatiklop na kamay na nakapatong sa table. As if hinihintay na may aminin siyang maling ginawa. “Saan ka galing?” Tumingin naman si Elmo kay Frank at nakumpirma niya na wala pa kinukwento ang kuya niya dahil nagshrug lang ito. “Galing ako Q.ave, nag MRT lang ako...” “Wait a minute wait a minute!” Derederetsong sabi ng ate Maxx niya. “One, bakit galing ka ng Q.Ave? Two, nag MRT ka lang? Asan yung tunay na Elmo ilabas mo!” Umiling ito si Elmo, buti talaga hindi siya nagmana sa kaingayan at kakulitan ng mga ate niya. Wala, malalaman din naman ng mga ito. “Hinatid ko si Julie pauwi, saka wala, gusto ko lang mag MRT, satisfied?”             Nagkatinginan muna ang dalawa niyang ate bago nagsitilian. “Eeeeeeeeeeeeh! Hinatid mo si Julie!?” “Girls calm down!” Saway ni Pat pero napapangiti din ito. “Sa wakas naman Elmo! May sweet bone ka din pala jan sa katawan mo!” Commento ni Saab. Mahinang hinampas pa ni Maxx ang braso ng binata. “Go Mosey, botong boto ako kay Julie, she’s beautiful no?” Tahimik na tumatawa sa gilid si Frank dahilan para tingnan ito ng masama ni ELmo. “Will you guys stop, she’s a childhood friend and she needed help...” Explain niya. “Nako Elmo, linoloko ka lang niyan ng mga ate mo no.” sambit ni Pat. “I like Julie yes, pero ala namang pilitin ka namin sa kanya no? Kumain na kaya tayo. Moe, get your food na kami nakakuha na.” Tumayo naman kaagad si Elmo at kumuha ng paborito niyang sushi bago umupo ulit. By this time thankful siya na may iba na pinaguusapan ang sisters at mom niya. Pero pagharap niya sa kuya niya ito naman ang may pilyong ngiti. He clicked his tongue in annoyance. “Bakit ganyan ngiti mo kuya?” “Wala...” Defensive na sagot ni Frank. Kumain muna ito ng tempura bago hinarap ulit si Elmo. “Pero kamusta nga pala yung kay Julie? Kinuha niya yung pent house?” Kumain din muna si Elmo bago sumagot. “Oo, hirap nga eh. Ayaw tanggapin ng walang bayad.” “So pinagbayad mo siya?” “Siyempre hindi.” Mabilis na sagot ni Elmo. Pinunasan niya ang gilid ng bibig niya. “Eh akala ko ba ayaw niya tanggapin ng walang bayad?” “Ayaw nga. Kaya sabi ko sa kanya, if ever I need a favor, i return na lang niya yon.” Kahit busy sa pagkain, bigla napansin ni Elmo na nanahimik kuya niya kaya napatingin siya dito. Medyo nagulat siya ng makita itsura ni Frank. Medyo nakakunot kasi noo nito. “Bakit?” “Elmo ah, baka kung anong favor hingiin mo kay Julie.” Elmo smirked. “Ano naman kala mo sa akin kuya? Saka diba gusto mo kunin nga ni Julie yung penthouse?” Halatang medyo nainis si Elmo kaya napabuntong hininga si Frank at tumango. “You’re right. I’m sorry. And thank you nga pala for showing Julie around.” Sumubo  pa ulit ito ng sushi. “Bakit nga pala di ka doon sa pent house tumitira? Gusto mo talaga don sa condo mo? Kung tutuusin mas madali way mo from Jacinthe Emys to the office. Napaisip si Elmo, tama din naman kasi kuya niya pero okay naman siya sa condo niya, wala namang dahilan kung bakit siya lilipat kaya okay na yun. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Mahal ni Julie ang Quezon oo, pero nakakamangha pa rin talaga ang Makati. Sabi nga nila, ang New York ng Pilipinas. Ang linis linis kasi dito kaya ang sarap maglakad. “Bes, kelan ka ba bibili ng kotse?”  “Wala pa ako pera pambili ng kotse bes.” Sagot naman ni Julie kay Maqui. Currently nasa Greenbelt sila, shopping shopping din. “Walang pera? Sa yaman ng mom mo wala ka pera?” Panunukso ni Maqui habang palakad sila papunta sa isang restaurant. Lunch time na din kasi. “Ayun nga bes eh, sabi mo na rin, marami pera si Mama, hindi ako, siyempre gusto ko pera ko na din ang gagamitin, tutal next week start na ako sa JAM.”   Napangiti na lang si Maqui habang patuloy sila sa paglakad. Naghahanap pa rin sila ng restaurant na makakainan ng maalala ni Maqui na tuloy na nga pala yung pagtira ni Julie Anne sa penthouse. “Wala ka ba balak bumili ng gamit? Sakto nasa mall na tayo.” “Nako Maq, kapag nakita mo yung penthouse? Tatanungin mo ako kung bakit bibili pa ako ng gamit.” Sagot naman ni Julie. “Talaga? Fully furnished talaga yung lugar ah? Bakit kaya hindi tinitirahan ni Elmo? Sayang naman.” Nag shrug na lang si Julie. Pero yung totoo nahihiya pa rin talaga kasi siya. Sana kasi may hinihinging pabor sa kanya si Elmo eh wala naman. “Bes Italian tayo!” Biglaang yaya ni Maqui. Hay sa wakas makakakain sila. Kanina pa kasi sila paikot ikot at kakalakad eh nagutom na ng tuluyan. Ayun nga lang.... “Mam, I’m sorry, would be alright if you wait a few more minutes for a table?” Tanong ng receptionist sa kanila. Dahil nga lunch time, marami talaga tao na kumakain. “Sure that would be--” “Julie! Maqui!” Napatingin ang dalawang dalaga sa tumatawag at pareho lumaki ang mata ng makita si Frank at si Elmo sa isang table. Tumayo kaagad si Frank at linapitan sila sa may entrance bago nginitian ang receptionist. “Ah miss, okay na, they can sit with us.” “Oh, alright po sir, happy dining!” Frank smiled at Maqui and Julie before leading them to where he was sitting with Elmo. “Julie, Maqui.” Bati ni Elmo habang tumatayo. Hinila niya ang isang upuan para makaupo si Julie habang si Frank naman ay inalalayan si Maqui. “Hirap makakuha ng table ngayon, buti nakita kayo ni Elmo.” Nakangiting sabi ni Frank. “Oo grabe rami tao.” Balik ngiti ni Maqui. Marahang napabuntong hininga si Julie. Ang galing kasi umarte ng best friend niya. Sakto namang dumating ang isang waitress at binigyan din ng mga menu si Julie at si Maqui. Nakangiting nagpasalamat ang dalawa at tumingin ng makakain. “Nakakain na kayo dito? Sure na masarap yung pasta nila.” Sabi ni Julie. “Sige try natin.” Sagot ni Elmo. Tumawag na sila ng waitress at umorder. Pagkatapos ay kinuha na ng waitress ang mga menu bago iwanan sila. “Shopping shopping kayo?” Tanong ni Frank. “Yeah, wala na din naman ako work.” Pagpaliwanag ni Maqui. Tuminigin naman si Frank kay Julie. “Kelan ka nga pala mag start sa JAM, Jules?” Tanong ni Frank. “This Monday na kuya, kaya by Saturday lipat na sana ako sa penthouse.” Ngiti ni Julie. Bigla namang dumeretso ng upo si Elmo. “This Saturday? Sige, i-clear ko sched ko.” “Actually Elmo...” Nakangiting sambit ni Frank. “Okay lang na ako na lang sumama kay Julie.” “Hindi.” Mariin na sagot ni Elmo dahilan ng pagtingin ng dalawang babae sa kanya. “Ako na.” Though surprised, hindi na sila nagsalita pa, dumating na din yung drinks at pagkain nila kaya hinayaan lang nila. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o “Nakalibre pa tayo ng lunch.” Napangiti si Maqui habang nagre-retouch ng make up. Nasa CR sila nung restaurant at hinihintay sila ng dalawang lalaki sa labas bago sila lumayas. Pero bago pa makasagot si Julie, biglang ngumiti si Maqui na nakakaloko, sa salamin pa rin ito nakatingin. “Maq, wag ka ganyan, yung mga ganyang eksena sa horror nangyayri at aminado ako na duwag ako.” Sabi ni Julie habang tinatago sa bag ang ginamit na lipstick. “Julie Anne...” Mahinang sambit ni Maqui. Tapos tumingin ito sa kaibigan. “Alam mo, feel ko, feel ko lang naman, may gusto sayo si Elmo.” Julie sighed and rolled her eyes. “Saan mo naman nakuha yung theory na yan Maqui? At saan ang back-up?” “Tigil tigilan mo ako sa ‘theory’ mo Julie, hindi kailangan non para makaramdam.” Depensa ni Maqui. Hinarap na nito si Julie, nandoon pa rin yung nakakalokong ngiti. “Biro mo gusto niya talaga na siya yung kasama sa paglipat mo sa penthouse.” “Siyempre Maq, sa kanya yung lugar malamang gusto niya icheck.” “Ah basta.” Maqui gestured with her hand. “Balitaan mo na lang ako kapag kayo na.” “Ewan ko rin sayo Maq.” Natatawa na lang na sagot ni Julie. “Labas na tayo.” Pero sa loob loob lang niya, parang kinikilig siya. Kakaiba yung feeling. Dati kasi parang wala lang ang mga act na ginagawa ng lalaki pero bakit kapag kay Elmo bumibilis talaga t***k ng puso niya? Haay Julie, stop. Mahirap mag-assume. Nakita nila na naguusap sa labas ng restaurant ang Magalona brothers.Tumingin naman ang dalawa ng maramdaman na papalapit na sila. “Gusto niyo pumasyal pasyal muna tayo?” Aya ni Frank. “Uhm, d-don’t you guys have work to return to?” Tanong ni Maqui. Parehong umiling ang magkapatid. “Nah, work is done for the day.” Sagot ni Frank. “Ang nagpapatagal lang naman talaga sa amin e yung mga meeting and since wala naka sched ngayon, pwede kami maghookie nitong si Elmo.” Nagkatinginan si Julie at si Maqui, pareho sila nahihiya pero muhkang desidido naman ang dalawa, kahit pa hindi nagsasalita si Elmo. “Ah sure tara.” Ngiti ni Julie. “Sakto, bibili ako bago cellphone.” Ngiti ni Frank. “Tara tara sa Sony tayo! Gusto ko yung mga phone nila!” Mabilis itong naglakad, nakangiti pa rin. Gusto matawa ni Julie, kung gaano katahimik si Elmo, yun naman ikinaingay ni Frank. Siguro ang saya nitong boss. “Itong si Frank, parang hindi 26 years old.” Naiiling na sabi ni Maqui dahilan para matawa pareho si Julie at Elmo. “Sanay na rin ako.” Sagot naman ni Elmo. Side by side by side silang tatlo maglakad habang nauuna ng kaunti si Frank. Tahimik lang sila hangga’t sa umabot nga sila sa Sony Centre na nasa Glorietta naman. Buti talaga connect connect itong mga mall na ito.   “Maq ano sa tingin mo dito?” Tanong ni Frank kay Maqui, habang pinapakita yung dummy phone na gusto niya. Nakatayo si Julie at si Elmo sa harap ng malaking 60” T.V na naka display. “Ang laki nito.” Natatawang sabi ni Julie. “Para kang may mini na sinehan sa kwarto.” “Ang ganda manuod ng basketball game dito.” Sagot ni Elmo. Nakacross arms ito at seryosong tuminign sa TV na nasa harap nila. Sumulyap si Julie sa katabi. Serious siya ah... Saglit siya napailing. Kapag ito nagseryoso baka bilhin niya talaga yung t.v. “Julie! Moe! Tingnan niyo ito!” Lumapit naman kaagad si Elmo at si Julie ng tawagin sila ni kuya Frank. “Ayos ba ito? Tingnan niyo ang ganda diba? Kunin ko na ba?” Tiningnan nila yung cellphone na hawak ng nakatatandang Magalona at maganda nga ang itsura nito. May taga-assisst na naghihintay na din sa desisyon ni Frank. “Ano? Kunin ko na? Sa tignin mo Maq?” Natigilan saglit si Maqui ng ganon ang tanungin sa kanya pero mariin naman siyang tumango. “Ah, oo ang cute diba? Waterproof.” “Ayos kukunin ko na ito.” “Ah sige po sir, dito po tayo.” “Tara!” Ngiti ni Frank habang hinihila si Maqui upang sumunod sa maliit na table sa loob ng shop. Napatingin naman si Maqui kay Julie at kay Elmo with a ‘help-me’ look. Pero nanatili lang ang dalawa na nakatayo don. “Ang kulit ni kuya Frank ah, kawawa naman si Maqui.” “Tss.” Elmo scoffed. “Di ko malaman kung bakit ba kasi ayaw pa niya ligawan yan.” Nagulat si Julie sa sinabi ni Elmo. “What do you mean?” Tumingin sa kanya si Elmo; siguro napagtanto din nito na masyado biglaan yung sinabi niya kaya he cleared his throat and began to explain. “Uhm, don’t think too much of it, kasi sabi dati ni kuya may crush daw siya na record producer, pero kasi may girlfriend siya kaya crush lang naman daw.” Nanahimik si Julie doon. Ouch naman, kahit papaano best friend ko si Maq. “Ganoon ba...” =o=o=o= I shouldn’t have said that. Cool demeanor held, pinagmasdan ni Elmo si Julie. Halatang concerned ito sa friend, at ayaw naman niya masyado ito magalala kaya naisipan niya na i-distract muna ito. “Labas muna kaya tayo? Matagal pa yan eh.” Sabi niya habang ngumunguso kung saan nakapwesto si Maqui at kuya Frank. “Ah sige...” Halatang dazed pa rin pero sumunod naman si Julie kay Elmo palabas. Saktong pa corner yung area nung Sony store. Nakatayo lang sa gilid si Julie habang hawak hawak ang shoulder bag, si Elmo naman tumayo sa tabi niya na nakainsert ang kamay sa bulsa. Tumingin tingin si Elmo sa paligid ng mapansin niya na sa tabi pala nila ay isang music store. Dumeretso siya ng tayo at sumilip dito. Maliit lang ang store, medyo masikip kasi nga puro instrumento. “Ano tinitingnan mo?” Humarap siya at nakitang nakatingin sa kanya si Julie. Pero sandali lang yun, dahil the moment na mapansin ni Julie yung store, kaagad ito napalakad doon. Pinanuod ni Elmo si Julie Anne. Grabe, natural nga ang pagkinang ng mata nito pero parang mas lalo kumikinang dahil sa tinititigan na piano ngayon. Hindi siya ganoon kahilig sa music, ang nakakarinig nga lang kumanta siya eh yung dingding ng bathroom niya, pero alam niya na espesyal yung piano na tnitingnan nila ngayon. “Ang ganda mo naman...” bati bigla ni Julie sa instrumento. Napakunot noo ni Elmo. Kinakausap niya yung piano? Pero sa totoo lang wala siya pakeelam. Mas okay na siya sa pwesto niya habang tinititigan si Julie. Ngiting ngiti ito. Binabawi na niya dati niya sinabi, hindi niya kasi alam kung yung mata ba ni Julie o yung ngiti nito yung pinakamaganda niyang feature. Magalona, nababakla ka nanaman. Hindi niya namalayan, nakalapit na pala siya kay Julie at napabulong. “Tugtog ka nga...” bulong niya. Napalapit ata masyado sa tenga ni Julie; nakita niya kasi na kinilabutan ito bigla. “H-ha?” Humarap ito sa kanya. Napangiti siya. “Sabi ko, tugtog ka, di naman bawal diba?” Nakatingin pa rin si Julie sa kanya. Shit ang bango niya. Sobrang lapit kasi nila sa isa’t isa, onting galaw na lang niya... Umiwas ng tingin si Julie at nagsimula tumugtog. Alam kaagad ni Elmo kung ano ito. Intro pa lang malalaman mo na kung ano ito, kapag hindi, siguro sa Pluto ka nakatira. Yung piano mismo yung kumakanta; Right Here Waiting. Pinanuod lang ni Elmo si Julie Anne. Kulang ang salitang ‘mahusay’ upang idescribe kung gaano kagaling ito. Hindi lang kasi pumipindot yung kamay nito, parang sumasayaw talaga sa mga teklada. Gustong gusto niya panuorin yung expression ni Julie, may maliit kasi na ngiti sa muhka nito, kumbaga mahal na mahal niya ginagawa niya. Hindi niya namalayan tapos na pala ito tumugtog. At bigla rin may mga palkpak sa loob nung store. Parang bigla nabalik sa realidad si Julie. She sheepishly smiled at all of them. “Mam, ang galing niyo naman po!” Bati ng isang babaeng employee nung shop. Ngumiti ulit si Julie. “Thank you.” Wala sa wisyo bigla napatanong si Elmo. “Magkano pala itong piano niyo na ito?” “Ah sir, nasa 150,000 po iyan.” “150,000?!” Napataas boses ni Elmo pero kumalma din. “Ang mahal naman ata?” Bigla na lang may humawak sa braso niya. At pagtingin niya, si Julie, nakangiti. “Elmo, Yamaha itong piano na ito, kung tutuusin okay na yung price niya, ganun talaga...” “Ganun ba...” “Sir, bilhin niyo na po para sa girlfriend niyo, para mas lalo humusay sa talent!” Excited na sabi nung employee. Kaagad naman nagsalita si Julie. “Oh, he’s not my boy friend, friends lang kami.” Ngiti niya. “Pero don’t worry, kapag nakaipon ako, babalikan ko ito.” “Okay po iyon mam! Ang rami po kasi mayayaman bumibili ng piano, di naman ginagamit kaya nasisira lang.” “Basta babalikan ko ito.” “Hintayin po namin mam!” Humarap naman si Julie kay Elmo na nananatiling tahimik. “Uh, tara na? Baka inahanap na tayo nila Maq?” “Sige sige...” Sumunod naman si Elmo at naglakad na sila pabalik. “Sobrang galing mo tumugtog ah.” “Haha, salamat, passion ko na kasi talaga music.” Sagot ni Julie at nagsimula naman magkwento. “Ewan ko ba, bata pa lang ako mahilig na ako diyan. Matatawag ko na rin sigurong escape. Kasi, nung naghiwalay parents ko, music yung lumigtas sa akin, kundi, baka naloka lang ako.” Though malalim ang pinaguusapan, napangiti pa rin si Julie kay Elmo. “Ikaw ba? Ginusto mo talaga mag business? Ano ba mga hobby mo?” Tiningnan saglit ni Elmo si Julie bago nagsalita. “Uhm, okay naman maging COO, siyempre responsibility ko din yun diba. Pero ako...” Natigilan siya saglit at napailing. “O bakit?” tanong ni Julie. “Natigilan ka ata?” Napangiti saglit si Elmo. “Mahilig kasi talaga ako magluto, kung hindi ako nag business baka nag culinary ako.” Akala niya tatawa si Julie sa sinabi niya pero nakatingin lang ito sa kanya. “Mmm, sayang. Kung passion mo iyon sana tinuloy mo. Pero siyempre, nasasayo naman kung ano gusto mo gawin eh. Binuhay tayo sa mundong ito para gawin kung ano gusto natin. Pero ang importante siyempe, we lived diba?” Napatingin si Elmo kay Julie, pareho sila nakatingin sa isa’t isa. Si Julie una bumasag. “Alam mo, ang expressive ng mata mo. Talo mo pa babae sa tantalizing eyes. Pwede bang Tantz ang nickname ko sayo?” Tumawa ito pero hindi na hinintay sagot ni Elmo. “Tara na baka nagwawala na si Maqui!” At naglakad na ito palayo. Saglit na napatigil si Elmo sa gitna ng daanan. Tantz? ang kulit. Pero parang hindi dapat sa akin yung nickname na yun, mas tantalizing yung eyes niya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD