“Elmo tulala ka ata!”
“Huh?”
A 13 year old Elmo shook his head awake. Nakaupo kasi siya sa may puno. Matapang na siya ngayon, kinayanan na ang heights. Nakita na lang niya na paakyat na din ng puno ito si Julie Anne hanggang sa nakaupo na ito sa tabi niya. Summer nanaman kaya nandito sila sa Tagaytay.
“Bakit ka tulala?” Tanong ng dalagita sa kanya.
Umiling naman siya at slightly natawa. “Eh kasi, kadiri, nakita ko yung ate ko saka boyfriend niya na naghahalikan sa may likod bahay.”
“Ano naman kadiri don?” Tanong ni Julie Anne.
“Psh. Palibhasa babae ka kaya okay lang yung mga bagay na yon sa’yo.”
“E diba kaya kayo nagkikiss kasi mahal niyo isa’t isa? Sweet nga eh. Hindi nakakadiri.” Nakangiting sabi ni Julie.
Parang nakikita na ni Elmo yung hearts sa mata ni Julie. “Ano ba sweet don eh maglalapat yung lips niyo? Yun lang! Kadiri kasi para kayo nagshashare ng germs.”
Umismid naman si Julie. “Ewan ko sa’yo. Basta sweet yon no.”
“Psh, di yon sweet, kadiri.”
“Di ka kasi kinikilig na tao.” Umiwas ng tingin si Julie.
“Julie.”
“Bakit.” Di pa rin tumitingin.
“Julie...”
“Ano nga!?”
“Harap ka dito.”
Sighing, humarap nga si Julie ngmagulat siyang lumapat na lang lips ni Elmo sa lips niya. Ang tagal ah. Lumayo si Elmo, may ngiti sa muhka.
“Ay tama ka, hindi nakakadiri.” Sabi ng binatilyo.
“Elmo!”
“Ha?”
Napaisimid si Maxx habang tinitingnan ang kapatid. “Alam mo, kanina pa kita kausap eh pero parang hangin lang kausap ko ano ba.”
Nagdidinner silang dalawa dahil hinatid ni Frank pauwi si Julie at si Maqui at silang kapatid naman ang nagkita.
“Sorry ate ano ba sinasabi mo kanina?” Elmo shook his head para magising. Normal ba toh? Kanina pa kasi niya naiisip si Julie Anne. Akalain mo na first kiss niya yun?
Maxene sighed and started explaining, hoping that this time nakikinig na ang baby bro niya. “Sabi ko, hatid mo ako bukas, diba ayos na yung kotse mo?”
“Bakit? Saan ka pupunta?” Balik tanong ni Elmo. Siyempre okay lang naman na hatid niya ate niya pero saan?
“Kung nakikinig ka kanina, edi nalaman mo na natanggap na ako sa isang fashion company!” Fashion designer kasi itong ate niya na ito pero puro free lance ang ginagawa. Ngayon lang nagtry umapply talaga sa isang kumpanya.
“Really? That’s great! Sure ihahatid kita, saan ba?”
Napangiti si Maxx. Panigurado jajackpot siya sa susunod niyang sasabihn. “Sa may Ortigas; Peñaflorida designs.”
Natawa siya ng makita na saglit lumaki ang mga mata ni Elmo. At di siya nagkamali nang hulaan niya ang magiging reaksyon ni Elmo.
“Peñaflorida? Diba sa mom ni Julie Anne yun?”
Bingo.
“Yeah. At first day ko. Siyemre alaga ako ni Tita, mag best friend sila nila Mama eh.”
Nanahimik saglit si Elmo at nakita naman ito ni Maxx.
“Oh Mosey bakit?” Nagaalalang tanong ni Maxx. “May problema ba?”
Umiling saglit si Elmo. “Uh, wala naman.” Pagkatapos non nanahimik nanaman siya. Paano kasi. Nababahala siya. Hindi pa kasi siya nakakaramdam ng ganito.
“Ano ka ba Elmo Moses, ate mo ako, alam ko kapag something’s wrong.” Sagot ni Maxene. She comfortably grasped Elmo’s forearm para na rin makuha atensyon nito. Nagbgay siya ng maliit na ngiti nung tumingin ulit sa kanya si Elmo.
“Wala lang ate, it’s just, normal ba na you keep thinking of someone?”
Nagkatinginan silang dalawa ng biglang natawa si Maxx. Kumunot naman noo ni Elmo pero hinayaan niya magsalita ang kapatid niya.
“Just admit kasi na you like Julie Anne para nakakatulog ka na sa gabi.”
“Kahit naman iadmit ko na I like her—teka teka, wala naman ako sinasabi na si Julie ang pinaguusapan ah.”
“Bakit hindi nga ba siya?”
Hindi nakasagot si Elmo kaya walang tatalo sa triumphant na ngiti ni Maxx. Pero sumeryoso din ito pagkatapos.
“Alam mo Moe, give yourself a chance. Ang mahirap kasi sayo, sobra sobra ka sa pagiisip sa mga bagay na gagawin mo. Try mo kaya for once na mag act on impulse? You like Julie. Finish. Edi spend some time with her and find out if she likes you too. Tinganan mo yung nangyari kay Ja--”
“Ate.”
“Sorry sorry, I’ll stop.”
Huminga ng malalim si Elmo bago hinarap ulit ang ate. “Pagkatapos non?” Hapless na tanong ni Elmo.
Napailing na lang si Maxx. “Hoy Elmo, wala ako lagi sa tabi mo para sabihin kung ano gagawin. Basta just go with the flow!”
Nanahimik nanaman sila habang uminom si Maxx mula sa iced tea niya ng tumayo si Elmo at hinatak si Maxx patayo.
“Teka san tayo pupunta?”
“Tara ate may bibilhin tayo!” Masayang sabi ni Elmo. Napatingin sa kanya si Maxx. Lagi nga kasi ito nagsusungit, parang ngayon lang ulit ngumiti.
“Di pa tayo nakakabayad!”
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
“Maqui...”
“Hmm...”
“Frencheska Farr...”
“Ano baa...”
Nakapamaywang na si Julie. Nakatingin siya sa natutulog pang si Maqui habang siya naman ay full gear na; orange sleeveless jogging shirt, white shorts at running shoes. Tinali din niya ang lengthy hair into a pony tail.
“Maq, sabi mo sasamahan mo ako magjogging.” Kaya nga siya natulog sa condo ni Maqui para makapag jogging sila ngayong umaga kaso tulog mantika itong best friend niya. Plus, onti onti siyang nagdadala ng gamit dito para madali na lang ilipat sa Jacinthe Emys.
“Kaya mo yan Jules, ang sarap pa matulog eh...” Mahinang murmur ni Maqui sa unan niya.
Napabuntong hininga na lang si Julie. Alam din naman kasi niya na hindi niya mapapabangon itong best friend niya. “Ah bahala ka, batugan talaga ito.”
“Love you too!” Narinig niyang bati ni Maqui.
Maliit siyang napangiti. Eh sa mahal din naman niya talaga itong best friend niya. Kinuha lang niya i-Touch niya at earphones sabay linock ang pinto ng condo ni Maqui bago bumaba. Sa Ayala Triangle niya binalak mag jogging, marami kasi puno kaya hindi masyado mainit.
She played her ‘Jogging’ playlist bago nagsimula tumakbo. Napakaganda talaga dito. Ang rami puno dahilan para sumariwa yung hangin. Maaga pa; 5:30 pa lang, oo ganon talaga siya kaaga kapag nagjojogging. At least by 9 makabalik na siya, kelangan pa niya maligo at bumalik sa Quezon; ngayon kasi siya lilipat sa penthouse. Di ko pa pala natetext si Elmo. Nag mental note siya na itext ito later. Bigla naman siya napangiti. Naalala niya kasi expression nito kahapon nung bansagan niya ito na Tantz. Medyo napapout.
Bakit kasi ang gwapo mo. Tama na Julie!
She shook her head and continued jogging. Kelan pa ba siya napaisip ng ganito? Never siyang nag day dream sa lalaki. Kahit pa artista hindi niya hinilig. Puro pagaaral kasi inatupag niya noon. Imbis na 5 years ang kunin niya sa Harvard na Bachelor of Arts in Music – Theory, kinaya niya ng 4, nag overload siya ng classes nung freshman pa lang siya. At ayun, grumaduate na summa c*m laude. Nawalan tuloy ng oras sa love life, not that she was actually looking. Sa kakaisip niya hindi niya namalayan na ang layo na rin pala ng naikot niya. Bumalik nanaman isipan niya kay Elmo. Ugh Julie Anne, stop. Ewan ba niya bakit ganun epekto nito sa kanya. Marami rin namang nagattempt manligaw sa kanya nung nasa New York siya kaso ayun nga, wala naman siya natipuhan.
Medyo nagslow down siya sa pagjogging ng medyo nawawalan na siya ng hininga. Naka 2 hours na pala siya akalain mo yon. Doon niya narealize na napadpad siya sa basketball court sa park din mismo. May mga lalaki na naglalaro.
Napatigil siya saglit, parang kilala niya kasi yung isa, alam niya likod pa lang. At siguro naramdaman nito na may nakatingin sa kanya, humarap na rin ito. Si Elmo.
Pwede ba, bakit ang hot sa umaga? Naka basketball shorts lang ito at walang pang-itaas, muhkang intense na rin kasi ang paglalaro. Pero tumigil si Elmo; narinig pa ni Julie na nag cat call at nagsitawanan ang mga kalaro nito.
“Elmo pare! Ngayon ka lang ata namin nakita magreact ng ganyan sa babae?!”
“Oo nga Moe! Naglalaro tayo dito ui!”
Namula saglit si Julie. Bakit kasi niya ito tinitigan. Gulat na lang niya dahil lumapit si Elmo sa kanya kahit pa patuloy ang pag-asar ng mga kaibigan.
“Julie...” Sambit nito.
“Hello Tantz.” Mahinang bati niya. Nakita niya nagulat ng kaunti si Elmo sa gamit niyang nickname. Kinabahan tuloy siya, baka nagalit ito. Pero nawala lahat ng iniisip niya ng makita na ngumiti ito.
“Dito ka pala nagjojogging?” Tanong ni Elmo sa kanya pero bago pa siya makasagot ay may lumapit na din sa kanilang kalaro ni Elmo.
“Pare, kung kelan maganda na laban dun ka aalis!” Natatawang sabi nito. Humarap naman ito kay Julie at iniabot ang kamay. “Why hello there pretty young thing, Sam Concepcion at your service.”
Ngumiti si Julie at tinanggap ang kamay ni Sam. Marami na siya nakilalang lalaki na mataas ang confidence kagaya nito pero hindi siya nakakainis. Genuine naman kasi ngiti nito.
“Julie Anne San Jose.” She introduced herself.
“Ah, so what potion did my good friend Elmo here forced you to drink so you’d talk to him?”
“Sam.” Mahinang banta ni Elmo.
Tumawa lang si Sam. “Just kidding dre...”
Elmo shook his head and sighed before turning back to Julie. “Sam, this is Julie, my childhood friend. Si Sam, best friend ko, siya din yung architect na sinasabi ko nag design ng Jacinthe Emys. ”
“Ah talaga, I love what you’ve done with the place.” Ngiti ni Julie kay Sam bago humarap kay Elmo. “Uhm, buti din pala nagkita tayo dito, itetext sana kita. Uhm, what time ka available mamaya?”
“Uh, ikaw ba what time ka pwede?” Balik tanong ni Elmo all the while nakatingin lang sa kanila si Sam.
“I was planning sana na mga before lunch we could start na? Hindi rin naan marami kasi ililipat ko.” She smiled.
“Teka dre, hindi mo na itutuloy itong laro?”
Natigilan si Julie at medyo nahiya. Oo nga pala naglalaro pa pala ito si Elmo ng basketball tapos sisingit siya sa schedule nila. “Oh, I’m sorry, uhm kelan ka na la--“
“No Julie it’s alright.” Elmo said, giving Sam a glare bago bumalik ang tingin sa magandang dilag. “Wag ka nakikinig dito kay Concepcion.”
Nakita ni Julie na mahinang tumatawa sa gilid si Sam, not at all offended sa pagsinghal sa kanya ni Elmo.
“Uh, no, it’s alright kasi--”
“11” Biglang sabi ni Elmo dahilan para matigilan si Julie. “11:00 dadaanan kita sa condo ni Maqui tapos sabay na tayo dumeretso sa hotel.”
“OI SAM ! ELMO! HINDI PA BA KAYO TAPOS DIYAN?!”
Napatingin si Julie nang magsimula na magtawag yung mga lalaking kalaro nila Elmo. Ayaw na niyang magtagal pa kaya tumango na siya kay Elmo. “Ah, Elmo, sige una na ako para makapag freshen up na din.” Ngumiti din siya kay Sam bago naglakad palayo. Baka gerahin pa siya ng mga lalaki at tinigil niya paglalaro nila. Nakakailang hakbang na din siya ng biglang...
“Tantz!”
Medyo nanlaki ang mata niya at napalingon siya para lang makita na papalapit si Elmo sa kanya na dala lahat ng gamit niya.
“Hatid na kita, dederetso na din ako sa condo.” Sabi ni Elmo.
Tameme pa rin siya. Una; tinawag din siya nitong Tantz, pangalawa, iniwan niya mga kalaro niya para ihatid siya.
“S-sure ka? Pano yung game niyo?”
Elmo shrugged. “Edi mag 4 on 5 sila, the hell I care, pagod na din ako eh, tara?”
Tahimik lang si Julie habang sumasakay sa Audi ni Elmo; apparently ayos na kotse nito.
“Sorry ah.” Biglang sabi ni Elmo habang nagbubuckle ng belt. Naka t shirt na ulit ito para naman hindi na maglaway si Julie sa pandesal sa umaga. “Ang baho ko na, tagal din kasi namin naglalaro.”
Parang gusto sumagot ni Julie na... hindi, hindi ka mabahao, ang bango nga ng pawis mo eh, pero medyo nakakahiya so ngumiti na lang siya.
“Sure ka na okay lang sa mga kaibigan mo na umalis ka na?” Tanong ni Julie.
Natawa lang si Elmo. “Malalaki na sila, kaya na nila ng wala ako.”
Tumawa lang si Julie bago stinart ni Elmo yung kotse at nagsimula magdrive. “Dito ka ba talaga nagjojogging?” Biglang tanong ni Elmo.
Tumango naman si Julie. “Kapag sa Quezon, around sa subdivsion lang ako pero ayun, dito sa Makati masarap talaga mag jogging banda dito. Ikaw ba? Lagi ka nag babasketball?”
“I wish.” Sagot ni Elmo. “Weekends lang. Kapag regular working day hindi ako nakakpagbasketball sa umaga kaya nagwoworkout na lang ako sa gabi.”
“Halata nga, ganda ng abs mo eh...”
“Ano yun?”
“Ah... sabi ko buti nakakapaglaan ka pa ng time.” Ngiti ni Julie. Mehn, muntik na ako marinig nito. From her peripheral vision though, nakita niya na napapangiti si Elmo.
=o=o=o=o=o=o=
Tuloy lang ng pagdrive si Elmo. Hindi niya natiis. Akala niya gugustuhin niya magtuloy ng paglaro kasama sila Sam pero mas gusto niya ihatid na lang si Julie. Pero grabe, nung nakita niya ito, onti na lang maglaway siya. Kapag naging boy friend siya ni Julie bawal na ito mag ganon na outfit. Kasi ba naman, ang ganda ng legs! Parang kumikinang eh!
Teka teka Elmo, anong ‘kapag naging boyfriend?’. Sandali siya napailing.
“So payag ka na na Tantz tawag ko sayo?”
Nawala yung train of thought niya nang sabihin ni Julie yun. Parang biglang namula yung tenga niya.
“O-oo okay lang. Basta ba ako lang tatawagin mo non eh.” Nagsmirk siya.
Julie shook her head, a small smile crawling up her face. “Oo naman, ikaw lang naman yung tantalizing eyes din na kilala ko eh.”
Pucha, normal ba kiligin ang lalaki? Tanong ni Elmo sa sarili. Parang nararamdaman niya na lalo namula yung tenga niya. Nagpatuloy siya ng pagdrive at pilit tinatago yung ngiti sa labi ng may marinig sila pareho ni Julie.
Krrrrrrr....
Tumingin sa kanya ang dalaga at napatawa. “Let me guess, gutom ka na no?”
Napakamot sa likod ng ulo si Elmo. “Ah, oo? Ewan, kumain naman ako kaninang umaga.”
“Edi kain tayo breakfast... Ayan sakto o may pancake house!” Turo ni Julie.
Elmo looked at her uneasily. “Sure ka? Hindi ka nahihiya kasama ako sa loob e pawisan ako.”
“O bakit, pawis din naman ako.” Harap ni Julie sabay ngiti sa kanya. “Baka nangangamoy nga din ako eh.”
“Eh ang bango ng pawis mo eh.”
Pareho sila natigilan doon saktong habang nagpapark si Elmo. Grabe, ngayon lang naging ganito si Elmo sa babae. Lagi siya cool and confident. Pero pagdating kay Julie parang bumabalik siya nung high school siya.
“Talaga? Mabango pawis ko?” Natatawang sabi ni Julie.
Gusto pa sana sumagot ni Elmo na ‘Oo, amoy strawberry’ pero wag na lang, tama na kahihiyan. Saka di na rin niya masasagot, pano lumabas na si Julie ng kotse at hinihintay siya na sumunod sa loob ng pancake house.
Kakaunti pa lang ang tao at pinili nilang dalawa na sa may dulong booth umupo. Kaagad naman may nagbigay sa kanila ng menu bago umalis at sinabing tawagin na lang daw siya kapag oorder na sila.
“Favorite ko talaga pancakes.” Nakangiting sabi ni Julie. “Ngayon pa lang mag sosorry na ako Elmo ah, baka matakot ka kasi kung paano ako kumain.”
Mahinang natawa lang si Elmo. Mas gusto niya ang babae na may healthy appetite. Kesa naman onti lang kakainin tapos di naman pala nabusog.
Siya rin naman matakaw, nag pancake siya saka nag corned beef with rice pa. O diba, sarap kumain. Gulat lang niya kay Julie kasi puro pancake inorder nito, tatlong type pa!
“Sabi sayo halimaw ako pagdating sa pancake eh.” Medyo nahihiyang sabi ni Julie ng dumating orders nila pero halatang takam na takam din sa kakainin.
Sumagot ng tawa si Elmo. “Kapag hindi mo kaya ubusin, ako bahala.”
Tumawa din si Julie. “Baka maunahan pa kita kumain nito.”
Nakangiting umiling lang si Elmo bago nagsimula kumain. Not to be a perv or anything patago niyang pinagmamasdan kumain si Julie. Kakaiba ito humawak ng fork and knife, parang imbes na kakain, parang magoopera siya sa pasyente. Ang cute. Saka, ang lakas nga nito kumain pero ang sexy sexy naman.
“So, pumunta ka ng New York para magaral ng music diba?” Tanong ni Elmo habang hinahati yung pancake niya.
Tumango naman si Julie bago sumagot. “Yeah, kapagod din kasi hinabol ko talaga na 4 years lang. Mas gusto ko kasi talaga dito sa Pilipinas eh.”
“Talaga? Kakaiba ka din, yung iba mas gugustuhin don. Mas maganda tanawin.”
“Mas maganda nga tanawin wala naman mga kaibigan at mahal sa buhay.” Julie shrugged as she continued eating.
Saglit na napatingin sa kanya si Elmo. Tama nga naman ito. Since pareho nanaman sila nanahimik, si Julie na ang unang nagsalita.
“Hindi pa pala ako nakakapagcondolence.” Panimula nito. “I’m sorry about tito Ferdz.”
Tumingin sa kanya si Elmo at saglit na napabuntong hininga. “Lagi ko pa rin siya naalala.”
“Hindi naman mawawala yun. At least, he’s no longer suffering right?” Sabi ni Julie, nagbigay siya ng comforting na ngiti.
Napangiti na rin si Elmo, mahirap hindi ngumiti kapag ngumingiti din si Julie. Kahit ba naman namatay na ang Papa Ferdz niya dahil sa cancer, alam naman niyang lagi pa rin ito nasa tabi nila. It was a sad day for the corporation ng mangyari ito. Training na rin si kuya Frank ng mga panahon na iyon at siya naman ay 15 years old, saktong papasok ng college. Kumuha siya kaagad ng business course para mapaghandaan ang inevitable na pagpatakbo din niya sa kumpanya.
Si Elmo naman ang nagtanong, mahaba habang usapan ito at marami-rami sila kakainin.
“Kayo nga pala kamusta? Hindi na kayo bumalik nung isang summer.”
Pareho sila nanahimik dahil pareho nila alam kung anong summer yung tinutukoy ni Elmo. Sinubukan itago ni Julie ang pamumula ng muhka. Naalala ko yun, yung summer na ninakaw niya first kiss ko!
Nagstutter si Julie. “Naghiwalay kasi si Mama saka si Papa non. Kaya ayun, di na kami bumalik pa bilang family.”
“Ano nangyari?” Tanong ni Elmo.
Napabuntong hininga si Julie. “May other family na pala si Papa non.” Huminga siya ng malalilm bago tinuloy. “Kami ni Bianca magkapatid oo. Come to think of it, magkakailala na din kayo noon ni Binx, kaso bata pa siya. Meron pala akong isa pang little sister, si Ashley sa father’s side.”
“How’d tita take it?”
Julie shrugged. “Siyempre nasaktan si Mama, pero ano magagawa namin diba?” Pagak siyang napatawa. “Mas masakit siguro kasi alam ni Mama na yung mom ni Ashley, si Tita Raquel, yun yung first love ni Papa. Doon ko din nalaman kasi na kaya lang nag pakasal si Mama saka si Papa kasi nalasing sila nung isang party at nabuo ako. Pinagpapartner din kasi sila ng pamilya nila noon. Masakit lang kasi si Mama love niya talaga si Papa pero si Papa may ibang love.”
Pinagmasdan ni Elmo si Julie. Tumahimik kasi ito, para bang nagiisip pero maya maya nakangiti na ulit ito. “Tara kain na ulit tayo.”
At laking gulat ni Elmo dahil naubos nga ni Julie ang kinakain nito. Mahina siyang tumawa. Kakaiba talaga itong babae na ito. Naglalabas na si Julie ng pera pero pinigilan siya ni Elmo.
“Julie, ako na...”
“Ha? Hindi, okay na...”
Inabot ni Elmo kaagad ang kamay ni Julie para pigilan ito. Ang init. Nagtama lang balat nila ganun na kaagad? Ng mahanap niya ulit ang dila niya nagsalita siya. “Libre ko ito wag ka aangal.”
Ngumiti si Julie. “Salamat.”
Pagkabayad, tumayo silang dalawa at dumereto palabas. Pero sabay na paglabas nila, sabay na din sila napatigil dahil may dumaan na lolang namamalimos.
“Mga apo, maawa naman kayo sa isang matanda.”
Kaagad na naglabas si Elmo ng pera sa loob ng bulsa at binigay ito sa matanda. “La, wala po ba kayo kasama?” Tanong niya.
Umiling ang matanda. “Salamat apo.”
Tumingin si Elmo sa paligid at laking gulat na lang niya ng marinig na tumatakbo si Julie palabas galing ulit ng pancake house. Walang sabi sabi na umapit ito kay Lola at ngumiti bago binigay yung plastic.
“la, hindi pa po ba kayo kumakain? Baka mapagod na po kayo. Pahinga na lang po kayo.”
Halatang naiiyak na sa tuwa yung lola. “Salamat apo. Salamat sa inyo ng nobyo mo ah.” At hindi na ito nagpaligoy ligoy pa. Kinuha na niya ang pastic na naglalaman ng ready made na ensaymada nung pancake house at kumagat. Matapos makalunok ay ngumiti ito sa kanila. “Pagpalain sana kayo ng Diyos mga apo.” Wala na nagawa pa sila Julie at Elmo kundi panuorin ito maglakad palayo.
Umiling si Julie. “Nakakaawa naman si Lola.”
“Oo nga.” Elmo sighed. “Kaya ako, I’ll make sure na aalagaan ko grandparents ko.”
Napangiti si Julie. Siguro kapag titingnan ng iba, aakalain lang nila na snob, rich kid ito si Elmo, pero deep down inside, talagang sensitive din ito.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
“Hulyeta anong oras na?!”
Ayun yung bumungad kay Julie pag pasok niya ng condo ni Maqui. “Love you too Maq.” Panginis niyang bati.
Nakapambahay lang si Maqui at nakapamaywang na nakatingin sa kanya.
“9:30 pa lang Maq, akala mo naman buong araw ako nawala.”
“Eh kasi naman, ang late na, hindi ka naman ganito katagal magjogging.” Sabi ni Maqui habang sinusundan si Julie dahil naghahanda ito mag shower. “Saan ka ba galing?”
“Natapos ako mag jog bago mag 8 tapos kumain po ako ng breakfast.” Sagot ni Julie.
Kumunot naman noo ni Maqui. “Teka, kumain ka pa ng breakfast? Ang bilis mo naman kung bago mag 8 ka natapos. Akala ko naglakad ka lang?”
Parang nanay na naginterview ito si Maq habang pumasok si Julie ng CR. Iniwan niyang nakabukas ang pinto para magkarinigan sila. Binuksan ni Julie ang tubig ng shower, sumulong sa tubig, bago sumagot.
“Hinatid kasi ako ni Elmo!”
Marahas na bumukas ang shower curtain.
“Ayyyyyy!”
“Pakiulit sinabi mo!”
“Maqui ano ba!” Pinagharang ulit ni Julie ang shower curtain pero nakatingin pa rin sa kanya ang best friend niya.
“Sabi mo hinatid ka ni Elmo?” Ulit ni Maqui.
“Maq, pwede ba magshower muna ako?” Pa-sweet na sagot ni Julie.
Binitawan ni Maq ang shower curtain pero sumenyas sa kaibigan na maguusap talaga sila. Binilisan naman ni Julie ang pagshower, nararamdaman niya kasi na hindi na mapakali sa loob ng living room si Maqui. Nagbihis siya ng simpleng shorts at spaghetti strap bago hinanda ang sarili para harapin ang best friend.
“Explain Julie Anne.” Sabi ni Maqui habang nakaupo ito sa sofa.
Tinutuyo pa rin ni Julie ang buhok bago tumabi kay Maq sa sofa. “Nagkita kami sa park okay? Saka diba kasama natin siya mamaya sa pagmove ko? Kaya ayun, napagusapan namin yun tapos nag breakfast na din kami.”
Hindi muna nagreact ito si Maqui dahilan para kabahan si Julie. Pero bumuka din bibig nito at nagsalita.
“Ewan ko sayo Julie, balitaan mo na lang ako kapag may first kiss na kayo.”
“Actually... siya nga first kiss ko.”
“WHAT?!?!”
“Volume naman bes!” Pagpahinahon ni Julie habang hinahawakan ang kamay ni Maqui.
“Julie Anne San Jose!!! Sa pagkakaalam ko umuwi ka dito na virgin ang lips! Kelan pa naging hindi?!”
By this time ay tawang tawa na si Julie kay Maqui. Pinakalma muna niya ito. “Maq, ano ka ba, 13 pa ako non 13!”
Medyo nalilito na din si Maqui kaya ikwinento na ni Julie ang nangyari. Kahit kasi siya gulat. Naalala niya ito nung nabanggit ni Elmo ang last summer na nagkita sila. Bata pa sila non pareho at sure si Julie ginawa lang yun ni Elmo para lokohin siya.
“Huh, akalain mo na si Elmo Magalona nakakuha ng first kiss mo?” Natatawang sambit ni Maqui. “Bakit ngayon mo lang kwinento!?”
Julie shook her head. “Eh kasi naman Maq, totoong kiss ba yun e linapat lang naman niya labi niya sa akin.”
“Kiss pa din yun gaga! Malandi ka rin eh no, ano gusto mo torrid? Yung may kasamang tongue!”
“Maqui naman!”
Natawa si Maqui. “Wag ka ngang painosente Julie Anne! If I know, wish mo nga gawin sayo ni Elmo yun! Bahala ka jan ako naman maliligo!” Still laughing, tumayo si Maqui at dumeretso sa CR.
And Julie sat there left with her thoughts. Tama ba ito? Magtigil ka Julie. Friend lang din tingin sayo ni Elmo no.Gustomo ba magaya sa parents mo? She shook her head. “Haay makapagayos na nga!” Magkikita nanaman kasi sila ng lalaking ilang araw na gumugulo sa isip niya.
=====================================