Nadadala

3853 Words
Parehong bihis na si Maqui at si Julie at naka ready na ang mga gamit na imomove. Ang pinaka malaki na siguro nilang imomove ay yung gitara ni Julie. Yun nga lang, ang rami din na papeles may dala ito si Julie. Maya maya may kumakatok na sa pinto. Si Maqui ang nagbukas at bumungad ang gwapong muhka ni Elmo. “Hi Elmo.” Nakangiting bati ni Maqui. “Sama ako sa pagmove ni Julie ah.” “Oo naman.” Elmo smiled back. Nagpakita na din wakas si Julie, dala dala ang malaki niyang gitara. “Salamat Elmo ah.” Nahihiya na rin talaga kasi siya. Masyado marami ginagawa si Elmo para sa kanya. Ang gwapo nito tingnan. Naka simpleng black shirt saka jeans lang kasi ito. Parang ang bango bango. “Diba dapat Tantz tawag mo sa akin?” Biro ni Elmo. Pero bago pa makasalita si Julie, kinuha na niya yung gitara nito. “Saan pa yung ibang gamit na ibaba?” “Ah, n-nasa loob pa--” “Sige wait kunin ko lang.” Naglakad paloob si Elmo, iniwan si Julie at si Maqui na parehong nakahinto lang sa may pintuan. Nakangisi si Maqui sa kaibigan bago nagsalita. “Pakshet bes, may tawagan na rin kayo? Knikilig ako!” “Sssh! Wag ka maingay bubusalan talaga kita.” Pinanlakihan ni Julie si Maqui ng mata. “Harsh ka naman bes.” Sagot ni Maqui pero nakangiti pa rin ito. Maya maya bumalik na si Elmo kung saan sila nakatayo, dala ang ibang boxes. “Tara? Wala naman nakalimutan?” “Wala naman.” Tahimik lang pareho si Elmo at si Julie habang patuloy na dumadaldal si Maqui, kung ano ano kasi kinukwento. Mahinang tumawa sa gilid si Julie, sure siya kasi na kapag nagkatuluyan si Maqui at si Kuya Frank, maingay na relasyon ang aabutin nila. Hindi naglaan ay nakarating din sila sa Jacinthe Emys hotel. Nagmamadaling bumaba si Elmo at pinagbuksan ng pinto si Julie habang isa sa mga valet ang nagbukas ng kay Maqui. “Elmo bongga! Ang ganda ng hotel mo ah!” Nakangiting sabi ni Maqui. Partida hindi pa sila nakakapasok. Kaagad naman nakilala ng lahat si Elmo at mabilisang inasikaso ang mga gamit at maleta ni Julie. Ito nanaman yung feeling na gusto niya mag back out kaso nandito na siya. Sa Monday she’ll be starting sa JAM records. Busy sa pagtext sa phone si Elmo habang linilibot ni Maqui ang mata sa buong lugar. “Friend!” Biglang harap ni Maqui kay Julie. “Ang ganda dito, ka bongga aba!” Napangiti si Julie. Oo maganda nga dito, at akalain mo na dito siya titira. Tumigil sila ni Maqui sa paguusap ng lumapit si Elmo. “Deretso na tayo sa taas?” Tanong nito. Tumango naman ang dalawa at sumunod na lang kay Elmo. Nakasunod din ang iba pa na attendant, dala dala ang dalawang maleta ni Julie at ibang box pero hawak hawak pa rin ni Elmo yung gitara niya. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil maya maya ay nakaakyat na ang elevator hanggang penthouse. At siyempre, ito nanaman si Maqui sa pagka mangha. “Jules! Para kang prinsesa dito!” Natatawang inihiga ni Elmo sa couch ang gitara ni Julie bago ginaya ang dalawang babae papunta sa second floor ng penthouse. Binuksan niya ang pinto sa may left side ng corridor at pinapasok sila. “Dito room mo Julie.” Sabi niya. Malaki ang kwarto, masasabing browish – orange ang motif, at wood ang tiles, exactly what she wanted. Sakto din ah. “Awesome nito Elmo, thank you so much.” Siyempre bare pa rin yung kwarto pero bet na bet pa rin ni Julie itsura nito. Sa kaliwang banda pa ng kama may malaking bintana at nakikita niya ang magandang view ng Makati. “Sossy friend.” Comment ni Maqui. Ngiting ngiti pa rin si Julie, napakaganda kasi talaga nung lugar. “Pero guys lunch time na! Ako babasbas sa kitchen Jules!” Masayang bati ni Maqui, sinimulan niya hilain si Julie papunta sa kitchen na nadaanan na nila kanina habang nakasunod naman si Elmo. “Papatikim ko sa inyo ang mahiwaga ko na spaghetti!” Pagmamalaki nito. Good thing may ingredients naman sa kitchen at hindi pa ito mga expired. Ayun, pinagtulakan sila ni Maqui papunta sa may living room at pinaupo sa couch dahil ayaw daw niyang may nanunuod sa kanya kapag nagluluto siya. “Tantz...” Mahinang bati ni Julie kay Elmo na tumingin naman sa gawi niya. “Salamat talaga ah. Basta yung favor ah? Kahit bulabugin mo ako kapag madaling araw.” Nagbigay si Elmo ng maliit na ngiti. “Di ko naman siguro kailangan gawin yun.” “Basta, kahit anong favor.” “Talaga?” Biglang ngisi ni Elmo. Lumaki naman mata ni Julie ng mapagtanto niya kung bakit ginawa yun ni Elmo. “Except those favors!” Namula tuloy siya. Tumawa si Elmo. “Biro lang Tantz.” Bigla naman nakita ni Julie yung gitara niya sa may couch. “Ay, di ko pa pala ito naakyat.” Gagalaw na sana siya para sana iakyat ito pero bigla siya pinigalan ni Elmo. “Tantz saglit.” Napatingin si Julie at medyo napapangiti. Nasasanay na kasi ito na Tantz ang tawag sa kanya. “Mamaya mo na iakyat yan, may papakita ako sayo.” Kinuha ni Elmo ang kamay ni Julie. The latter froze up at that. Hindi pa ba siya sanay na may boltahe kapag naghahawak sila ni Elmo? Pero hindi niya ito pinahalata habang hinila siya ni Elmo sa isang part ng pent house na medyo nasa duluhan. Anong ginagawa nila doon? “Naisip ko kelangan mo din itong kwarto na ito.” Sabi ni Elmo habang binubuksan yung kwarto pero medyo nalilito pa rin si Julie. Pareho silang tuluyan nang nakapasok sa loob. Kumunot saglit noo ni Julie, isang bagay lang naman kasi laman nung kwarto na medyo may kaliitan. Lumapit siya sa malaking rebulto na nasa gilid at napasinghap ng marealize... “E-Elmo, binili mo yung piano?” Tiningnan niya ito. Maliit na ngumiti naman ang lalaki at lumapit sa piano. Pinindot pindot nito ang iba sa teklada bago hinarap ulit si Julie. “Maganda nga yung tunog, sigurado okay yung magagawa mo na mga kanta dito.” Humarap ulit siya kay Julie pero nagulat dahil parang hindi mapinta ang muhka ng dalaga. “J-Julie? Okay ka lang?” “Elmo ang mahal nito.” Biglang sabi nito na parang naguguluhan. Mahinang tumawa si Elmo saka lumapit sa kanya. Dahil mas matangakd ang binata, napilitan siyang kaunting tumingala habang nagsalita ulit ito. “Julie, binili ko ito para na rin sa pent house, favor ko; tugutgin mo lang para naman hindi sayang.” Julie sighed. Ewan ba niya bakit ginagawa ito ni Elmo pero sobrang saya niya. Tiyak na mas maiinspire siya gumawa ng kanta kapag yung piano na yun yung gamit niya. Tumingin ulit siya kay Elmo at napagtanto na sobrang lapit nila sa isa’t isa, ramdam niya yung init na nanggagaling sa katawan nito, nakahawak din ang dalawang kamay nito sa bewang niya. She looked up and saw that his eyes had darkened. Unti-unti na lumapit ang muhka nito sa kanya. “T-Tantz...” Bulong ni Julie. Sobrang lapit na talaga— “BES! ELMO! SAN KAYO?! READY NA YUNG SPAGHETTI!” Agad agad na nagkalayo ang dalawa, narinig pa ni Julie na kumaltok sa pagkainis ang dila ni Elmo. “P-papunta na diyan bes!” Sagot ni Julie, umiwas siya ng tingin at naglakad palayo pero piniit siya ni Elmo. “Julie.” Elmo said, hoding her wrist. Tumigil sila pareho saglit bago humarap si Julie na may maliit na ngiti sa muhka. “Elmo, kain muna tayo,hinihintay na tayo ni Maq.” At wala na nagawa si Elmo kundi tumango habang bumubuntong hininga. Sabay sila naglakad pabalaik sa may kitchen. There was noticeable awkwardness. Pucha naman kasi muntik na sila maghalikan. Hanggang ngayon nararamdaman ni Julie yung bilis ng t***k ngpuso niya at yung feeling na parang nakukuryente ng hawakan siya sa bewang ni Elmo. “Saan kayo galing?” Tanong ni Maqui pagkapasok ni Julie at Elmo sa may dining area. Amoy na amoy ang mabangong spaghetti  na linuto nito. “May pinakita lang si Elmo na kwarto sa akin.” Paliwang ni Julie. Ngumiti siya habang tinitignan ang pagkain sa harap. “Wow Maq, parang ang sarap naman nito!” “Siyempre made by chef Maqui yan!” Umupo silang tatlo at nagsalo salo. Elmo smiled softly at tumango kay Maqui. “Masarap nga Maq...” “Aww, sweet mo Elmo, thank you!” Masayang sabi ni Maqui. Maliit na ngumiti si Julie at tuloy ang pagkain. Maya maya ay nag-angat siya ng ulo, dahilan para magkatinginan sila ni Elmo, agad naman siya nagiwas. KRING KRING KRING “Ah, sorry, excuse me.” Tumayo si Elmo at hinagilap cell phone sa loob ng bulsa bago lumabas papuntang living room. Tuloy pa rin sana sa pagkain si Julie pero bigla siya tinapik ni Maqui. “Hmm?” “Kala mo hindi ko kayo nakita ah...” Nanlaki mata ni Julie sa sinabi ng kaibigan. “A-ang alin?” Tumawa si Maqui. “Alam ko kung saan kayo galing ni Elmo no, pinigilan ko lang ang muntik na mangyari parang sobrang kinakbahan ka kasi noon.” Napabuntong hininga si Julie sabay baba ng fork na hawak niya tapos tiningnan ang kaibigan. “Maq, binilhan niya ako ng piano... alam ko sabi niya para sa penthouse yun pero, ako pa rin gagamit nun eh.” “Sabi sa’yo girl malakas tama ni Elmo sayo.” Usually nakakapangloko ang tono ni Maqui pero ngayon seryoso siya. Napaisip saglit si Julie. She shook her head. “H-hindi kaya pareho lang kami nadadala?” “Nadadala saan? Hindi naman kayo pinagpipilitan sa isa’t isa eh. Kusa kayo naglalapit.” Pagdahilan ni Maqui. Uminom si Julie sa baso ng tubig sa harap niya. “Naguguluhan na kasi ako Maq. Parang ang bilis.” Bigla naman inabot ni Maqui ang kamay ng best friend at hinawakan ito ng mahigpit bago binigyan si Julie ng maliit na ngiti. “Kung ako sa’yo Jules, open your heart.” Sakto naman na pumasok ulit si Elmo sa loob. “Guys, I’m sorry, may kailangan ako asikasuhin. If you need anything, text me na lang ah.” Sabi nito na deretsong nakatingin kay Julie. Lumapit siya dito. “Binilin ko na lahat kay Kris, if ever may tanong ka, approach mo siya or si Joyce.” “Alright, Elmo, thank you talaga, ang laki ng utang na loob ko.” Mahinang ngumiti si Elmo bago lumapit at hinalikan siya sa pisngi. “I’ll contact you na lang.” It was a lingering kind, halos inabot ng ialng segundo bago lumayo. Humarap naman ito kay Maqui at nagbigay din ng ngiti. “Maq, salamat din, see you.” Nakalabas na ito ng penthouse pero tulala pa rin si Julie. Nagiinit pa rin ang muhka niya. “Bes, sa cheeks lang yun pero kinikilig na ako!” Biglang tili ni Maqui. “Gusto mo ng tubig? Namumula ka kasi.” Maliit na ngumiti si Julie. Kung si Maqui nga kinikilig siya pa ang hindi? Hay Elmo Magalona, ano ba ginagawa mo sa akin. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o “Jules tara explore tayo sa baba!” Yaya ni Maqui. Nakapag unpack na din kasi si Julie at naayos lahat ng gamit niya. Nagpahinga sila pagkatapos at ngayon naman na magdidinner na, napag desisyunan nila sa lobby lounge kumain. Kakaunti ang tao at sakto naman na nakita ni Julie si Joyce pero hindi na ito nakatayo sa likod ng front desk. “Ay good evening po Ma’am Julie!” Bati ni Joyce. Simpleng napatawa naman si Julie habang nginingitian ang intsikin na babae. “Nako, wag mo na ako tawagin ng may ‘ma’am’, Joyce, muhka naman tayo magka-age.” “Ah, hehe, sige, Julie.” Ngumiti si Joyce. Nakatayo ito sa may stairs pababa sa may lobby lounge, parang may hinihintay. Julie took the chance and introduced her friend. “Joyce, best friend ko nga pala, si Frencheska Farr.” “Ay hello.” Ngiti ni Joyce na mas lalo pa nagpawala ng mata niya. “Maqui, si Joyce, nagwowork sa front desk dito sa Jacinthe Emys.” Pakilala naman ni Julie. Malapad din ang ngiti ni Maqui kay Joyce. “Hi Joyce, Maqui na lang tawag mo sa akin.” Hinarap naman ni Julie si Joyce. “Uhm, ano ginagawa mo dito sa may stairs? May hinihintay ka?” “Actually...” “Hon!” Sabay lumingon si Maqui at Julie. Papalapit sa kanila si Kris. Ngumiti naman ang huli ng mapansin na hindi nagiisa ang kasintahan. “Hi Hon.” Bati ni Joyce ng halikan siya sa pisngi ni Kris. Ngumiti naman si Kris sa dalawang babae. “Julie, nakapag move in ka na daw? Don’t worry, kapag may kailangan ka, ako or si Joyce lapitan mo.” “Salamat.” Masayang sabi ni Julie at gaya ng ginawa niya kanina, pinakilala niya si Kris kay Maqui and vice versa. “So magdidinner ba kayo?” Tanong ni Kris. “Masarap sa Orange Plate. Pero kami ni Joyce gusto sa lobby lounge kagi kumakain.” “Ah oo sakto magdidinner talaga kami.” Sagot naman ni Julie. “Sige bes try din natin sa may lobby lounge.” Ngiti naman ni Maqui kay Julie. Simple lang ang lobby lounge, nasa 20 lang ang available na tables para makita talaga ng tao ang nagpeperform sa stage. Dinala sila ng isang waitress sa table sa harap mismo ng may stage bago binigyan sila ng mga menu. Nakangising tumingin si Kris sa kanila at nagpaliwanag. “Alam kasi talaga nila na gusto namin yung performers ngayong gabi.” Maqui and Julie curiously looked at each other. Aba aba, matingnan nga kung sino itong performer na ito. “Recommend ko yung cafe mocha nila dito ang sarap.” Naka thumbs up na sabi ni Joyce. Kanya kaya silang order ng pagkain. Masyado nabusog itong si Julie at Maqui sa kinain nilang spaghetti kanina kaya mapagdesisyunan nilang pareho na sandwhich na lang kakainin nila. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o Sa totoo lang, wala naman talaga siya kelangan asikasuhin. Atat na nagmaneho si Elmo papunta sa pad niya; nandoon na rin Kuya Frank niya, kelangan lang talaga din niya ng kausap. Hahangos hangos na umakyat siya papunta sa 7th floor kung nasaan ang unit niya. Kakabukas pa pang ng mga pintuan ng pad ng rinig na rinig niya ang malakas na music na nanggagaling sa hall. Kumunot noo niya. Ano naman yun? Dalawa ang hallway ng floor na yun, siya sa may left at tatlong unit lang ang nandoon, kaso doon lang nangagaling yung nakakabulabog na music. May neighbor siya dati, si Mrs. Gomez, lola na ito pero umalis na din nung nakaraang taon; sumama sa anak na nasa Japan. Kaya ang tanong, sino ang pesteng malakas magpautgotg? Dumeretso siya sa unit niya na nakakunot pa rin ang noo at binuksan ito gamit ang susi. “Kuya?” Tawag niya. Dere-deretso siya pumasok hanggang sa may terrace at nakita ang kuya niya na kumportableng nakasando at shorts habang naninigarilyo. Nakaheadphones din ito. “Kuya...” Tinapik niya ito at kaagad naman nagising ulit sa katotohanan si Frank. “Moe, nandito ka na pala.” Sabi ni Frank habang tinatanggal ang headphones at pinatay ang sigarilyo sa may ashtray. He sighed exasperatedly at hinintay umupo ang kapatid bago nagsalita ulit. “Ano ba yang kapit bahay mo Moe, ang iingay!” Tuloy tuloy pa rin ang patugtog ng mga ito, 2012 pa nga eh. Pucha di naman totoo yung kanta! 2014 na at buhay pa rin sila! “Bago lang yung mga yan Kuya.” Sagot ni Elmo. Naiiling na lang si Frank. “O anyways, ano paguusapan natin at nagpabili ka pa ng beer?” tanong nito habang inaangat yung mga can na nasa tabi pala niya. Elmo sighed first. Hindi niya alam kung paano ibubungad ito kay Frank. Pinanuod niya habang uminom ito sa can. Oh the heck with it. “I almost kissed Julie.” Muntik na mabuga ni Frank yung iniinom niya. Kaagad niya binaba ang bote habang umuubo tapos tiningnan ang nakababatang kapatid. “Elmo naman! Agad agad! Eh isang buwan mo pa lang kilala yung babae!” “Correction, bata pa lang kilala ko na siya.” Wala sa sarili na sagot ni Elmo sabay lagok ng sarili niyang beer. Akala niya reresbakan siya ni Frank pero tiningnan lang siya nito. “Sabi naman sa’yo attracted ka sa kanya.” “Alam ko na yun kuya.” Elmo answered exasperatedly. “Kaso narinig ko siyang kausap si Maqui. Baka daw nadadala lang kami.” “Bakit, hindi ka nga ba nadadala lang?” Huminga si Frank. “ganyan din ba nararamdaman mo dati kay...” Tiningnan ni Elmo ang kuya niya dahilan para hindi nito ituloy ang susunod na sasabihin. Pero maya maya ay nagsalita din si Elmo. “Iba ito, nadadala ba yung paggising ko sa umaga siya kaagad naiisip ko?” Natawa si Frank at uminom sa beer niya. “Hindi ka nga nadadala.” Huminga ito ng malalim bago hinarap ulit si Elmo. “Edi, be on your best behavior ka muna Elmo. If she warms up to you, doon ka na magpaalam ng feelings.” Elmo sighed. Tama rin naman kuya niya. Minsan lang hindi niya mapigilan sarili niya kapag kasama si Julie. Ano kaya madadala nung ‘go with the flow’ na sinasabi nila? Natigil pagisip niya ng lumakas ang patugtog sa kabila. “Bro, paano ka tayo makakatulog niyan mamaya? Ang lakas nila magpatugtog!” Naiinis na sabi ni Frank. Umiling din si Elmo. Kausapin niya mamaya yang kapitbahay niya. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=  By this time nagkakape na lang si Maqui, Julie at ang magkasintahan ng may dahan dahang umakyat sa stage na tatlong lalaki at tatlong babae. Pumwesto yung isang lalaki sa may piano, yung isa pa sa may bass guitar at ang mga natira ay humilera sa harap. Pinagmasdan ni Julie yung babae na pinakamalapit sa kanila. Maganda ito, malaporselana ang balat at maganda ang hugis ng muhka. Sumisigaw din ang pagkapula ng buhok nito. Isa isa nagpakilala ang mga ito. “Goodevening everyone and welcome to Jacinthe Emys’ lobby lounge, my name is Danny...” “...I’m Paula.” “...My name is Isla.” “...I’m Tippy.” “We have Noah on piano...” “...and CJ on bass.” “And we are Bravositimo!” Nagpalakpakan naman ang mga manunuod kabilang sila Julie. Napagalaman niya na Tippy ang pangalan nung babae na pinakamalapit sa kanila. Nagsimula magperform ang banda, rendition nila ng Runaway by The Corrs. Magaling ang nagp-piano at lalong magaling yung melody ng singers pero habang nanunuod, kay Tippy lang nakatuon si Julie. Kakaiba boses nito, matinis pero hindi nakakaasar pakinggan. At ang ganda ng technique nito. Halos buong set doon lang siya nakatingin. Maya maya ay natapos na ang first half at nagpaalam ang mga performer na magpapahinga muna sila. “O diba ang galing nila?” Sabi ni Joyce. Tumango si Juliehabang nagsimula magsalita si Maqui. “Ang ganda nung blending pero magaling sobra yung--” “—yung Tippy.” Napatingin sila lahat ng magsalita si Julie. Medyo tulala pa rin ito bago narealize na may sarili pala siya mundo. She shook her head before smiling at her friends. “Ah, sorry guys, nag space out ako doon ah.” “Muhkang okay na okay si Tippy sayo ah.” Nakangising sabi ni Kris. Tumawa lang si Julie. “Kakaiba kasi siya kumanta.” “Actually may suite siya dito.” Biglang sabi ni Kris. Tumingin naman si Julie sa kanya. “Talaga?” “Oo, yung iba kasi na kasama niya sa banda may sariling mga bahay na dito lang sa Makati, eh siya, sa states lumaki kaya walang permanent na address, edi dito siya nakatira sa isang room, may kaltas nga lang sa sweldo.” Pero ayos din yun ah? Napatingin si Joyce sa relo at hinarap ang kasintahan. “Hon, need to head on home na...” “Ay sige hon...” Inubos ni Kris yung kape niya at akmang tatawagin ang isa sa mga attendant para sa bill pero pinigilan siya nila Maqui. “Kris, kami na bahala, nandito pa kami...” “Pero...” “Please?” Ngumiti si Maqui. “Bawi na lang kayo ni Joyce next time.” Nagkatinginan ang magkasintahan bago sumuko at ngumiti na lang din. “Sige promise babawi kami.” At nakipagbeso na sila kayla Julie. Nakangiting pinanuod ng mag best friend ang magkasintahan habang naglalakad ito palayo. Natawa saglit si Maqui at tiningnan si Julie. “Ang cute nila noh? Lam mo yung itsura nila bagay na bagay sa isa’t isa?” “Oo.” Maikling tawa din ni Julie. “Intsik kasi si Joyce saka maputi tapos ito si Kris parang matang lawin tapos moreno.” Nagtuloy na ng set ang Bravositimo. Magaling sila lahat pero para kay Julie stand out pa rin si Tippy. “Julie baka matunaw, ikaw bes ah.” Biglang sabi ni Maqui. Napatingin namans i Julie dito. “Huh?” Tumawa si Maqui. “Kaya pala di ka sigurado kay Elmo kasi gusto mo yung kapwa natin.” Mahinang hinampas ni Julie ang kaibigan sa braso habang patuloy si Maqui sa pagtawa. “Hoy, babaeng babae ako ah.” “Joke lang bes!” Umiiling pero nakangiting binalik ni Julie ang tingin sa stage. Ang galing, ‘Passenger Seat’ ang kinakanata nila pero chorale version, maganda ang arrangement. Tuloy tuloy pa rin ang pagkanta ng banda habang kung ano ano naman pinaguusapan nila Julie at Maqui. Hindi nila namalayan na alas dose na din ng gabi. Nagpasalamat na ang Bravotisimo sa mga nanuod at isa isa nagsibabaan ng stage. “Gorabells na tayo?” Tanong ni Maqui. Hindi pumayag si Julie na umuwi si Maqui sa condo nito dahil gabi na rin at mas mapapanatag loob niya kapag sa pent house na din ito matulog. Tatayo na sana sila ng lumapit ang mga performer sa kanila. Apparently parte ng trabaho nila ang kamustahin ang audience. “Hello ladies.” Ngiti ni Danny. Binalik naman ito ni Maqui at Julie ng magsalita si Tippy. “So did you guys enjoy the show?” “Yes we did.” Sagot ni Maqui. “Ang galing ng blending niyo. Very much obliged to hear you guys sing.” Sabi naman ni Julie na ikinangiti ng mga performer. Dahil di rin sila pwede magtagal, nagpaalam na sila sa dalawang babae. Nagkatinginan si Julie and Maqui after that at parehong ngumiti. “Naiisip mo ba naiisip ko?” Tanong ni Julie. Mahinang tumawa si Maqui. “Siyempre mag best friend ata tayo no!” =========================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD