You can do this Julie. Nakangiting tumingin si Julie sa salamin niya sa kwarto niya. Ready na siya for her first day sa JAM records. Sinuot niya ang geeky glasses niya dahil nakakatamad mag contacts at kelangan niya din papahingahin ang mata para hindi naman ito mag dry. Nakasuot siya ng puti na ¾ blouse at slacks, professional na professional ang dating.
The elevator dinged pagka baba niya sa may lobby ng Jacinthe Emys at masayang ngumiti sa kanya si Joyce.
"Morning Julie! Ready for your first day?"
"Ready as I'll ever be!" Masayang bati ni Julie. Sa totoo lang, di naman talaga siya kinakabahan. Paano ka kakabahan kung ieenjoy mo naman gagawin mo right?
"Naks! Yakang yaka mo yan!" Balik ngiti ni Joyce. "Paano ka nga pala pupunta? May car ka?"
"Ah, no, walking distance lang siya, mga tatlong kanto lang naman." Ngiti ni Julie. Pero oo seryoso, tatlong kanto lang yun at kayang kaya niya maglakad dahil hindi naman ganoon kataas heels niya.
Medyo parang hindi din sure ito si Joyce pero dahil nakatawa naman si Julie, nag give in na din ito. "O sige sige, hindi na kita gambalain. Goodluck ah!"
"Sige sige. Thanks Joyce!" Masayang paalam dito ni Julie. Binati naman siya ng mga secrtiy paglabas. It looked like kilala na din siya dito sa hotel. Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang araw at hindi rin humid ang panahon kaya di nakakapanglagkit. The gods were on her side today! Masaya siyang naglakad papuntang JAM pero hindi naman ngiting ngiti, baka akalain ng iba nakahithit siya sa umaga.
And in less than 15 minutes, naabot na niya ang JAM records building. Kaagad naman niya pinakita ang ID sa security gaurd sa entrance para makapasok.
"Bes!"
Napatingin naman si Julie dahil sakto na nasa elevators na si Maqui.
"Daan daw muna tayo kay Mr. Buenaventura." Smile ni Maqui.
Tumango naman si Julie. Siyempre nakilala na niya si Mr. Buenaventura. Ito nga nag hire sa kanya ng magkakilala sila sa New York, laking tuwa lang niya ng malaman na doon din nagtatrabaho si Maqui sa record company ng nakatatandang lalaki.
Mataas ang aakyatan at marami din pababa at papasok ng elevator kaya kinuha na ni Maqui ang oppurtunity na mang interview.
"Kamusta naman kayo ni Elmo?" Tanong nito.
Julie visually stiffened at that but cleared her throat. "O-okay naman..."
"Hindi ba kayo nagkausap kahapon?" Tanong ni Maqui.
"Nagtext siya, asking if everything's alright." Julie shrugged. "Yun lang."
Mahinang natawa si Maqui. "Ay ewan ko sa inyo, bagal din ni Elmo." She clicked her tongue.
Tiningnan naman ni Julie ang kaibigan at napabuntong hininga. "Ang kulit mo Maq."
Magsasalita pa sana si Maqui kaso nakadating na sila sa floor nila. Tumunog ang bell ng elevator at hinila ni Maqui si Julie palabas sa isang maaliwalas na floor. Mabusisi ang tao sa loob at hila hila pa rin ni Maqui ang kaibigan ng makadating sila sa may dulong office.
"Morning Yana!"
"Morning Mam French!" Bati ng nakangiting secretary kay Maqui. Matangkad ito, morena at balingkinitan ang katawan na may straight shoulder length hair. Tuminign naman ito kay Julie. "Ah, kayo po ba yung bagong staff producer?"
"Ah oo, good morning." Nakangiting bati ni Julie.
Tumayo naman kaagad si Yana at umikot galing sa likod ng desk niya para makipagkamay kay Julie. "Allana Benitez, secretary ni Mr. Buenaventura."
"Julie Anne San Jose." Balik bati ni Julie.
Ngumiti uli si Yana bago iginaya si Julie papunta sa loob ng office room. Nag thumbs up si Maqui kay Julie bago umalis, kailangan na din nito magsimula sa trabaho eh. Sobrang laki ng office. May kausap pa sa telepono si Mr. Buenaventura kaya pinaupo na lang si Julie ni Yana sa couch sa may harap habang ngumiti sa kanila si Mr. Buenaventura pero pinagpatuloy muna ang pakikipagusap sa telepono. Bukod sa malaki ang office, maganda din ang interior. Tumingin tingin si Julie at nakita ang mga record at iba ibang pang plaque na nakasabit sa wall. Walang duda na malayo na ang narating ng JAM records.
Sakto naman na natapos ni Mr. Buenaventura ang phone call niya kaya humarap na kay Julie.
"Julie, welcome to JAM records." Ngiti nito. "Grabe, I'm sure with your skills, mas gaganda ang songs ng artists natin."
"Thank you po sir, I promise to do my absolute best!" Julie said determinedly na iknatuwa naman ni Mr. Buenaventura.
"Tama! Yan ang gusto ko makita." Sabi ni Mr Buenaventura. "Pero bago kita i-orient may hinihintay pa tayo."
"Ano po yun sir?" Tanong ni Julie, halatang medyo nalilito.
"May isa pa tayo magiging staff producer Julie." Ngiti ni Mr. Buenaventura.
At parang rinehearse, bumukas nanaman ang mga pinto ng office at may pumasok na isang lalaking matangkad. Maputi ito, makapal ang buhok at may dimple na kapansin pansin sa malaking ngiting binibigay nito sa kanila.
"Sir goodmorning, I'm sorry if I'm late." Bati nito habang nakikipagkamay kay Mr. Buenaventura.
"Good morning Alden, please sit down." Mr. Buenaventura gestured to the seat beside Julie.
Umupo naman si Alden, as he was called, still smiling.
"So... now that we are all here..." Panimula ni Mr. Buenaventura. "I'm happy to welcome you, Alden and Julie here at JAM records, no doubt na malaking bagay na may dalawa tayong magiging staff producer." Tumayo ito at nag gesture na gumaya si Alden at si Julie.
"Julie, meet Alden Richards, graduate siya ng UST music theory."
Ngumiti naman si Julie kay Alden na imbis makipagkamay ay hinalikan ang likod ng kamay niya. "Pleasure to meet you Julie." Medyo namula naman doon si Julie.
"And Alden, this is Julie Anne San Jose, graduate lang naman ng Harvard music theory." Proud na sabi ni Mr. Buenaventura. Mahirap makasungkit ng ganoong producer!
Medyo nagblush naman si Julie, alam naman niya na mataas iyong nakuha niya na iyon pero hindi niya hinahayaang lumaki ang ulo niya dahil doon.
"Wow, that's awesome! Marami ako matutunan sayo." Sabi ni Alden.
Julie chuckled. "Di naman, we'll learn from each other."
"Well now that you two are aquainted, let's start with the orientation!"
Nauna maglakad si Mr. Buenaventura palabas at kinuha naman ni Alden yung oppurtunity para makausap si Julie.
"Swerte ko naman sa first day ko, ang ganda ng kasabayan ko." Sabi ni Alden.
Mahinang natawa si Julie. "Best mo na yon?"
Binalik naman ni Alden ang tawa. "Nah, usually magaling ako sa pick-up kaso sayo nakakautal eh."
Julie shook her head pero nakangiti pa rin. "You're my co-worker, at sure ako na lagi tayo magkasama kasi nga magkasabayan tayo and you start the day by flirting with me."
"Sayang naman oppurtunity." Pagpapa cute pa ni Alden.
Ewan ni Julie pero natatawa lang siya dito at hindi naiinis. "Ewan ko sayo, tara na masyado mabilis maglakad si Sir."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Kanina pa hindi mapakali si Elmo sa loob ng opisina niya. Sa totoo lang kanina pa niya natapos ang natitirang trabaho umaga pa lang. At ngayon, puro na lang si Julie naiisip niya.
Kakaiba ito. Hindi niya kasi nakausap ito masyado, text lang. Nagmumuhka na talaga siya timang na paikot ikot sa loob ng office niya. Tumingin siya sa orasan at nakitang malapit na pala mag lunch time. Napaikot nanaman siya. Gagawin ba niya? O wag na?
With a swish of his coat, lumabas si Elmo ng office niya, nagulat naman ang secretrary niyang si Marie.
"S-sir Elmo?"
"Mag lu-lunch lang ako Marie." Elmo said while wearing his coat.
"H-hindi po kayo papaorder sa labas?" Tanong naman ni Marie.
Umiling si Elmo. "Hindi na." Maiksi niyang sabi bago dumeretso sa elevator pababa.
Kanina pa siya tawag ng tawag kay Julie pero hindi ito sumasagot sa tawag niya. Tama ba itong gagawin niya? Kaso di na niya mapigil eh. 1st day ni Julie sa JAM, siguro naman may lunch break din sila diba? In no time nag papark na siya sa may JAM records.
Pumasok siya sa loob ng building at dumeretso sa receptionist.
"Ah miss..." He started.
Umangat naman ang ulo ng babae sa front desk at kuminang ng makita si Elmo. "Yes sir?" Nagpa beautiful eyes pa, halatang knikilig.
Gusto sana umirap ni Elmo dahil sawang sawa na siya sa ganoong akto ng mga babae pero baka di siya papasukin. "I just wanted to ask if nandito ba si Julie Anne San Jose? What floor yung office niya?"
Medyo nagfalter yung smile nung babae pagkarinig ng pangalan ni Julie pero nakabawi naman din ito. "Sa 17th floor po yung producers' offices sir, pahingi na lang po ng ID tapos bibigyan ko po kayo ng visitors pass."
Linabas naman ni Elmo ang wallet at binigay ang driver's license sabay abot naman sa kanya nung pass.
"Thank you." Simpleng sabi at umikot na para dumeretso sa elevators. For the last time he tried calling Julie pero wala pa rin sumasagot. He sighed. Baka busy ito? Parang gusto na niya bumalik sa baba kaso nakadating na siya sa may 17th floor. Lumabas kaagad siya pagbukas ng elevator doors.
"Elmo?"
Gulat lang niya ng may tumawag sa kanya. "Maqui?" Nakita niya ito saktong dumaan sa elevators.
Saglit tumingin sa kanya si Maqui bago ito ngumiti. "Hindi naman siguro ako hanap mo no? Hanap mo Bebe gurl ko no, samahan kita? Ano yayayain mo mag lunch?"
Naramdaman ni Elmo na umiinit tenga niya. Ang rami alam nito ni Maqui eh pero tumango lang siya kasi si Julie naman talaga hanap niya.
"Hindi kasi siya sumasagot sa calls ko." He explained while Maqui walked ahead of him. Dinala siya nito sa mga office booth at sa isang cubicle. Kumatok muna si Maqui bago binuksan ang pinto.
Napatigil si Elmo. Nakaupo si Julie sa couch sa loob nung booth, may headphones na naksalpak sa tenga nito habang nakapikit at para bang hinahayaan na pumasok sa sistema niya yung musika na pinapakinggan. Nakasalamin din ito which made her look adorable and enticingly beautiful at the same time. May naligaw na dyosa dito sa JAM records.
"Hulyeta!" Bigla namang sigaw ni Maqui sabay kurot sa pisngi ni Julie dahilan para mabalik ang presensya nito sa realidad.
"ARAY MAQ AH!" Simangot ni Julie.
Elmo couldn't help but chuckle. Ang cute niya pa rin kahit mataray.
Narinig naman siya ni Julie kaya napatingin ito sa kanya. Lumaki ang mata ng magandang dilag.
"Elmo?"
"Hi Tantz." Bati niya.
Tumayo na si Julie at inayos pa ang buhok na nagulo ng headphone. "A-anong ginagawa mo dito?"
Elmo shrugged as he closed the door behind him and approached her. "Yayayain sana kita mag lunch, I tried calling you kaso di ka sumasagot."
"Shucks!" Biglang sabi ni Julie sabay punta sa bag niya at binunot ang phone. At doo nga nakalagay na naka 17 missed calls na sa kanya si Elmo. "Grabe, sorry Tantz, di ko nasagot, nakikinig kasi kami ni Alden ng demo tapes."
"Alden?" Sabay na sambit ni Elmo at Maqui.
"Jules! Nakalimutan ko kung Pepsi ba o...co--" Napatingin sila lahat sa nagsalita. Pumasok si Alden na may dalang mga paper bag at natigilan din ito ng makita na hindi na pala magisa si Julie sa loob nung cubicle.
"Ah Alden..." Lumapit si Julie sa lalaki. "Best friend ko nga pala si Frencheska Farr, also known as Maq."
Mahinang ngumiti lang si Maq sabay harap naman ni Julie kay Elmo.
"And, this is Elmo, childhood friend ko."
Tiningnan ni Elmo si Alden, di niya gusto ang pagka close nito kay Julie. Pinipigilan lang niya ang pagkunot ng noo pero inabot naman ang kamay. "Elmo Magalona."
"Alden Richards." Sabay sagot ni Alden.
Nagkatinginan si Julie at si Maqui. Bakit parang may lightning bolts na lumalabas sa mata nung dalawang lalaki?
"Kain na tayo Jules? Bumili ako ng sandwhich." Biglang sabi ni Alden habang nginingitian si Julie.
Mahina naman bumuntong hininga si Elmo bago nagsmirk at humarap kay Julie. "Ah, sorry, bigla biglaan pagdating ko dito, maybe next time?" Badtrip, bagal mo kasi mag drive Elmo! Sumenyas lang siya kay Maqui at naglakad na palayo.
Naiinis na kinamot ni Elmo ang batok niya habang naglalakad palabas. Peste kala mo kung sinong gwapo. Magisa siyang sumakay sa elevators at pinindot ang G button sabay ang 'close' kaso may kamay na pumigil sa doors.
Nagangat siya ng tingin at hindi mapigilan ang mapangiti ng pumasok sa loob si Julie Anne.
Ngumiti naman ito sa kanya. "So, saan tayo kakain?"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Dinala si Julie ni Elmo sa isang maliit na cafe malapit lang sa JAM records para di rin sila magahol sa oras kapag kailangan na niya bumalik sa work. Ayun nga lang, hindi nila ineexpect ang nakita nilang eksena pagpasok sa loob.
"Tantz." Julie held Elmo by the sleeve.
"Hmm?" Tumigil naman si Elmo habang nakatayo sila sa may entrance. Pinanuod nila pareho ng may babae na galit na galit na lumabas nung cafe matapos bigyan ng malakas na sampal ang lalaking kasama. Agaw eksena sa buong cafe ang nangyayari. Fortunately lang parang dadalawang ibang tao lang ang nasa loob bukod sa employees.
Mas nakakagulat lang dahil kilala nila ang lalaki na kani-kanina lang ay sinampal ng kasamang babae.
"Kuya Frank." Julie said as he approached the man.
Napaangat ng ulo ang lalaki. Halatang nagulat ng makita ang kapatid at si Julie na nandoon.
"Ano nangyari Kuya?" Tanong ni Elmo, pinaupo muna nito si Julie bago tumabi naman sa Kuya.
Napahinga ng malalim si Frank before biting his cheek and shaking his head. "I broke up with Leah."
"Yeah I could see that. Pero bakit?" Tanong naman ni Elmo.
Nag shrug ng shoulders si Frank then he sighed. "Ewan ko ba, hindi ko na rin naman kasi siya mahal, do I sound like a douchebag?" Tanong naman niya.
Julie shook her head and reached out to grasp Frank's hand. "Alam mo kuya, mas okay na na binitawan mo siya kaysa umaasa pa siya. Kaysa pareho kayo nagkakasakitan diba? At mas okay na na habang mas maaga naghiwalay na kayo kaysa lumalim pa feelings niya. Kasi ikaw, baka may iba ka gusto." Pasimple si Julie pero kasi boto talaga siya sa bestie niya para kay kuya Frank.
Tiningnan ni Frank si Julie tapos biglang unti unting napangiti. "Ang galing mo ata maganalyze ng love?"
Natawa bigla si Julie. At least napangiti niya si Kuya Frank. "Eh sabi nila yung mga NBSB rin daw yung magaling mag analyze ng love life ng iba. Takot ko lang kasi sabi naman nila yung mga kagaya ko din daw yung tanga pagdating sa sariling love life."
"Lahat naman ata natatanga pagdating diyan." Bigla namang salita ni Elmo kaya napatingin sa kanya si Julie at si Frank. Nagtawanan silang tatlo sabay ayos ng upo ng nakatatandang Magalona.
"So magd-date ba sana kayo?" Pangaasar ni Frank. Chance na niya para malipat sa dalawa ang atensyon.
Nagkatinginan naman si Julie at Elmo. The former nervously looked at Frank at natawa lang. "Hindi naman, kuya, kakain lang ng lunch."
"Good, di pa rin ako nakakakain eh, so okay lang na sumabay ako?" Ngisi ni Frank. Nakita kasi niya na nakangiting tumango lang si Julie pero si Elmo kulang na lang ay patayin siya sa tingin nito.
"Oo naman Kuya." Sagot ni Julie.
Elmo tried to hide the sigh inside him pero hinarap din naman si Julie. "Ako na oorder, ano gusto mo?"
Tiningnan nito yung menu na kita naman sa pwesto nila at sumagot. "Hmm, mag-chicken pesto pasta na lang ako."
"Yun lang? Order ka pa okay lang." Balik tanong ni Elmo.
Natawan naman si Julie and just shook her head. "Okay na ako."
Umalis na si Elmo at dumeretso sa may counter habang si Frank naman sumigaw. "Hoy! Pano yung order ko!"
"Order ka mag-isa mo." Mahina pero mabangis na balik ni Elmo.
Natatawa na lang si Frank pero si Julie parang napaisip.
"Hala Kuya." Julie said. "Ako na lang mag-order ng sayo?"
"No no, don't worry about it Jules." Natatawa pa rin na sabi ni Frank. "Kilala ko kapatid ko, kahit asar yan alam na niya gusto kong order."
Napangiti naman doon si Julie. Ang close kasi ni Frank at Elmo, ang cute lang pero natigilan siya. "Teka bakit naman siya asar?"
"Pano, asungot ako sa date niyo..."
"Kuya..."
"Yeah yeah lunch lang ito." Frank said. "Pero alam mo, ngayon ko lang talaga nakita si Elmo na ganito."
"Na alin Kuya?" Tanong ni Julie.
"Yung effort na effort, di ko alam kung natuto na ba siya o iba lang tama niya sa'yo."
Halatang lito si Julie kaya tinuloy ni Frank ang sinasabi.
"Hindi ko alam kung pwede pero bahala si Elmo kasi sasabihin ko na din." Tumigil saglit si Frank bago nagstart. "There was this girl, I think school mates sila nung college but he only liked her during the final year. Anyway, di naman daw sigurado si Moe kung gusto siya nung Jairah, the girl, and it was too late to act on his feelings dahil lumipad na papuntang Greece si Jairah. Pero never rin nga namin na meet yung Jairah kaya we don't know if Moe really liked her or some kind of infatuation? Ewan. Basta pagdating sayo iba siya. Hindi mapakali." Tiningnan ulit siya ni Frank. "Basically ang sinasabi ko sayo Jules, hindi madali matuon ang pansin ni Moe sa babae, kumbaga ikaw ang una namin nakita as in concrete proof na pwede din pala maaligaga yang bunso namin sa babae."
Natahimik si Julie sa sinabi ni kuya Frank. Totoo kaya? Na may nararamdaman para sa kanya si Elmo?
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Di kaya nakipagbreak si Kuya Frank sa girl friend niya para may chance na sila ni Maqui?"
Napatingin si Elmo kay Julie. Naglalakad na sila pabalik sa JAM pero sobrang bagal nila. Marami pa naman time at hindi papalampasin ni Elmo ang moment lalo na at totoong malaking asungot ang kuya niya kanina. Pero he understood din naman dahil kab-break nga lang din ng kuya niya sa girl friend.
"Saan mo naman nakuha yon?" Tanong ni Elmo.
Julie shrugged her shoulders. Sakto namang may nakita siyang bench kaya umupo siya doon at sumunod si Elmo.
"Ewan, boto lang talaga ako sa kanila ni Maq, para naman hindi na single best friend ko."
Elmo smirked. "Mas concerned ka pa sa love life ng best friend mo ah."
"Oo naman." Sagot ni Julie. "Lalo na't alam ko na may something talaga sila ni Kuya Frank."
Pareho sila nanahimik habang tinitingnan lang ang kagandahan ng Makati area. Hindi napigilan ni Elmo pero tinanong niya rin. "So ka-trabaho mo yung Alden?"
Medyo nag-freeze naman si Julie, di naman kasi siya bulag para di makita yung tensyon kay Elmo at Alden kanina. "Ah oo, staff producer din siya."
Elmo scoffed slowly kaya napatingin naman si Julie.
"What does that imply?"
"Ang alin?"
"Yung pag-scoff mo." Sabi ni Julie, magkaharap na sila pareho.
"He clearly likes you." Mabilis na sagot ni Elmo at matiim na tiningnan ang kasamang babae.
Julie looked back. Chinachallenge din siya nitong mokong na ito eh. "And who are you to state that?"
"Obvious naman eh." Medyo asar na sabi ni Elmo. "Dala dala pa siya ng food, sandwhich lang naman."
Kumunot noo ni Julie. Bakit kasi napunta sila dito. "Teka nga, bakit ka ba naaasar diyan. Nag lunch na nga tayo diba?" Akmang tatayo ito ng hatakin siya ni Elmo palapit.
Shit! Broad daylight at nasa Makati sila! Nakakahiya, pinagtitingnan na sila ng tao! "E-Elmo..." medyo nag papanic na tono ni Julie. Sobrang lapit nanaman ni Elmo. Ilang beses na ba nito na-invade ang personal space niya?
Tiningnan pa siya nito ng mas maiinam. Onti na lang ata malulusaw na si Julie, sa mata niya nakatinign si Elmo. Hinawakan ng kanang kamay nito ang muhka niya.
"Kasi nagseselos ako Julie, nagseselos ako sa fact na magkasama kayo nung lalaking yun sa trabaho." And without another word, he captured her lips in a soft kiss. Undebiably, that was her first.
===================================================