"Julie!"
"Huh?"
Napangiti si Alden ng tingnan niya ang katrabaho. "Alam mo, kanina ka pa diyan natutulala. Sabi ko ano naisip mo dito sa CD 4?" Tanong nito habang inaangat pa yung CD case.
Julie shook her head awake. Buset kasi ito si Elmo. Hindi bale, malapit na matapos 1st day niya at pwede na siya magwala paguwi niya.
Kanina pa sila nakikinig sa mga demo CD na pinapadala sa kanila kaso wala naman siya nagugutuhan.
"Julie, pili ka naman kahit isa." Natatawang sabi ni Alden.
Julie sighed. "It's not enough." Tumayo siya mula sa couch. "Dapat yung pagkarining mo yung mapapa-double take ka."
Binaba ni Alden yung hawak niyang paper bag ng mga CD. "Well, let's just hope na may makita tayong iba within the week." Tumingin siya sa orasan sa may dingding at nakitang 5 na. "Let's get going na?"
"Sige..."
Kinuha ni Julie at Alden lahat ng gamit nila sabay daan sa office ni Maqui. Sakto, nagreready na rin ito umuwi.
"Tara na bes?" Aya ni Julie.
"Sige bes wait lang." Pinatay ni Maqui lahat ng electronics sa loob ng office bago sinara ito. Naghihntay na sa may elevator si Alden kaya medyo malayo layo ito sa kanila.
Hindi na kinayanan ni Julie kaya hinila niya si Maqui sa gilid.
"Ay bebe gurl makahila naman!"
"Maq, di ko na kaya..."
"Ang alin?" Tingin ni Maqui sa kaibigan.
Napabuntong hininga si Julie at hinarap ang kaibigan. "Maq he kissed me..."
"SI ALDEN?!"
"SSHHH!" Napasilip si Julie, buti wala naman ata nakarining kay Maqui. Binalik niya ang tingin dito. "Not Alden... Elmo."
Lumaki mata ni Maqui pero napangiti ito. "Wow girl, 1st kiss mo!"
"Technically second."
"Eh bata pa kayo non."
Julie grumbled and crossed her arms. "Lintik yun, both of my 1st kisses siya nakakuha?"
Natawa si Maqui. "Ang kulit nung term 'BOTH 1st kisses' o edi siya na."
"Maq, you're not helping!"
"Eh ano pa ba sinusumbong mo sa akin ha Julyeta, eh nangyari na... ano magaling?"
Umikot mata ni Julie pero di niya makakaila. "Oo.. pero eh! That's not my point Maq! Point ko ang galing niya mangnakaw ng halik!"
Tumatawa pa rin si Maqui habang tinitingnan ang kaibigan. "Pagkatapos ba anong sabi mo?"
"W-wala. Di ako nakasalita, hinatid na lang niya ako pabalik dito." Julie sighed. "Hindi tuloy ako masyado naka concentrate kanina."
Maqui circled her arm with Julie's at hinatak na ito papunta sa may elevator. "Hay nako, kakailanganin niyo din naman magusap one way or another pero ngayon uwi na tayo o gusto mo dinner na din muna tayo?"
"Next time na lang muna Maq, wala pa ako sa mood eh." Sagot ni Julie.
Sa wakas naabot nila ang elevator at nandoon pa rin si Alden. "Anong ginawa niyo?" Tanong nito. "Medyo natagalan ata kayo."
"Ah wala, may sinabi lang sa akin itong best friend ko, sorry to keep you waiting." Maqui said, smiling apologetically.
"Ah, o sige sige. Tara?"
Sumakay naman ang dalawang babae sa cart at tahimik lang sila the whole elevator ride. Derederetso din sila sana palabas kaso may tumawag mula sa waiting area.
"Julie!"
Umikot sila at halos tumalon palabas ng dibdib ni Julie ang puso niya ng makita na papalapit sa kanila si Elmo.
"Oh Elmo you're here!" Nginitian muna ni Maqui si Julie bago humarap ulit kay Elmo. "Hindi ka pa nasatisfy na ka-lunch mo best friend ko? Pati ba dinner?"
Halata namang medyo natigilan doon si Elmo pero kaagad naman tumawa si Maqui.
"Ito naman joke lang! You can have her!"
"Maqui!" Pagbanta ni Julie pero tumawa lang ang isa pang record producer.
Alden smirked from the sides then said; "Muhkang hayok nga itong kaibigan mo Jules na pakainin ka."
Elmo's face darkened for a split second but his smirk returned. Hinahamon ba siya ni Alden? Eh kung patusin niya kaya? Hinarap niya si Julie. "Actually, tumawag ate ko sa akin Jules, dinner daw tayo with your mom."
"Talaga?" Nagtatakang sabi ni Julie. "Bakit hindi naman ata ako natext ni Mama?"
Elmo shrugged, still looking at Julie. "Don't know pero sabi sa akin ng ate ko kain daw tayo sa may MOA."
Excited na sumingit si Maqui. "Ay gorabels Jules! Mama mo yan, lam mo naman yun."
Tiningnan naman ni Julie si Elmo at nakita niya na sincere naman ang itsura nito. So she sighed and admitted defeat; "Sige tara..."
Nagpaalam na sila kay Maqui at Alden na may sari-sarili din namang mga kotse. Sobrang di alam ni Julie kung saan titingin pagkapasok niya sa kotse ni Elmo. Dahil sa totoo lang ayaw niya muna ito kausapin. Kaya hinilig na lang niya ulo niya sa may bintana at sa labas tumingin. Muhkang di rin naman siya gagambalain ni Elmo dahil wala rin itong salita at patuloy lang ang pag drive. Gusto lang talaga murahin ni Julie ang traffic sa may Buendia. Medyo rush hour na din kasi kaya di sila umuusad. Onti-onti siya lumingon at nakitang nakatingin sa kanya si Elmo, kaagad naman sila parehong nag-iwas ng tingin.
Shet naman, pwede bang lamunin na lang ako ng lupa?
After 48 years naka lagpas din sila at nadating ang MOA, laking tuwa lang ni Julie. Lumabas kaagad si Elmo at binuksan ang pinto niya. Lumabas naman si Julie at akmang maglalakad papasok ng pigilan siya ni Elmo.
"Tantz." Tawag nito.
Napapikit saglit si Julie at hinarap ito, derederetso ng lumabas ang mga salita sa bibig niya. "May kasalanan ka pa rin sa akin."
Mas lalo lang uminit ulo niya ng makita na napangiti ng onti si Elmo at lumapit nanaman ito.
"Hindi ako magso-sorry dahil hinalikan kita..."
"Aba--"
"Paninindigan ko yun Tantz." Magkalapit nanaman sila. Elmo tipped her chin with his thumb and forefinger and she didn't back out from the challenge. "I like you."
"Elmo..." Nakatingin pa rin si Julie, kinaya pang magmatigas.
"Akala mo nadadala lang ako? Hindi. I like you Julie Anne."
"Elmo, ano ka ba, hindi ba mabilis lang ang lahat? You've known me for such a little time."
Tumawa si Elmo. "Technically I've known you since we were 10, you're the same free-spirited and kind-hearted girl who made me climb trees just to enjoy the view, at pumayag ka man o hindi, sige, liligawan kita, although alam ko na doon din naman tayo aabot."
Julie smirked at that. "Sure na sure ka ata sa sarili mo?"
Elmo shrugged. "I'm a very persistent man. At ngayon hinahanap na tayo nila ate, tara?"
Napailing na lang si Julie at naglakad na kasabay itong napaka gulong lalaki na ito.
======================================= ========================================
Pinagmasdan lang ni Elmo si Julie habang naglalakad sila. Nasa dulo kasi yung restaurant kung saan nandoon sila tita Marie at ang Ate Maxx niya. Bagay talaga kay Julie ang salamin nito, geeky chic ang dating at lalo lang siyang nabibighani.
Seryoso siya sa sinasabi niya kanina. Hindi siya nabibigla. Pinagisipan niya ito. And that was the point, lagi na lang si Julie naiisip niya these past few days.
"Tantz?"
"Ha?"
Napangiti sa kanya si Julie. Currently nakatigil sila sa gilid. "Sabi ko saan ba daw tayo kakain?"
"Ah... sa Yabu house of Katsu." Sagot naman niya. Inis, muhkang napa titig nanaman siya.
"O sige tara na..." Nauna nanaman ito maglakad habang nakasunod si Elmo.
Kitang kita nila kaagad kung nasaan si Marie at Maxx dahil bandang entrance lang naman ang mga ito.
"Mosey! Jules!" Tawag ni Maxx sa kanila.
Lumapit naman ang dalawa habang inaalalayan ni Elmo si Julie. Kaagad naman humalik sa cheeks ang nahuli sa mama niya at kay Ate Maxx.
"Siguro natraffic kayo no?" sabi ni tita Marie. Tumango naman ang dalawa.
"Nothing has changed with Buendia." Commento ni Maxx.
Biglang humarap naman si Julie kay ate Maxx. "Ate congrats nga pala sa bago mo na job!"
"Ikaw din Julie no! First day mo ngayon right?" Bati ulit ni ate Maxx. Masayang nagchikahan pa ang dalawang ito.
Ngumiti naman si Marie sa eksena habang umupo si Elmo sa tabi ni Julie.
"O kayong dalawa, pili na ng mao-order." sabi naman ni Marie sa anak at sa binata.
Kaagad naman tiningnan ni Elmo ang menu, sa totoo lang gutom na talaga rin siya. Binunot din naman ni Julie ang isa pang menu at masayang nakatingin sa pagkain.
"Matagal na din ako hindi nakakakain dito." Sabi ni Julie at muhkang takam na takam na rin kumain.
Marahang napangiti si Elmo habang tinitingnan si Julie. Takaw talaga nito kahit kelan, kaso, all the right curves in the right places ang kinakalabasan.
"Elmo, gusto mo ba talaga ng katsu?" Biglang sabi ni Ate Maxx.
Umangat naman ang ulo ni Elmo. "Ha?"
Tumawa ulit si Maxx. "Sabi ko, gusto mo ba talaga kainin katsu? Kay Julie ka nagd-drool, hindi sa menu."
Elmo scowled at his older sister pero wa epek ito dahil lumaki lang lalo ang ngiti ni Maxx. Kaagad naman nagets ni Marie ang sinasabi ni Maxx at natawa din habang si Julie namula na lang ng tuluyan sa gilid.
"Ah, okay na ako, ready na ba tayo umorder?" sabi na lang ni Julie as much as possible sana mawala na yung pamumula ng muhka niya.
Kaagad naman inexplain ng server nila ang routine na ginagawa doon sa Yabu, ang pag crush ng sesame seeds para sa sauce. Halatang sanay ang tatlong babae, si Elmo lang ang hindi. Muhka itong nawawalang bata habang tinitignan kung ano ba dapat gawin.
"Elmo, magalit ka doon sa sesame para naman may bisa at maging pino." Sabi ni Julie.
At dahil clueless pa rin ang itsura, inabot na ni Julie ang kamay niya at pinakita. "Ganito, pababa tapos paikot." Tuloy tuloy pa rin sa pagturo si Julie kaya di niya napapansin na napapatitig nanaman sa kanya si Elmo.
Puta Magalona nababakla ka nanaman. Kelan ka pa kinikilig kasi hinawakan ang kamay mo?
"Julie, anak, sa tingin ko nakuha na ni Elmo pano durugin yan." Pangaasar ni Mama Marie.
Nagblush nanaman si Julie at unti-unting bumitaw sa kamay ni Elmo at pinagkaabalahan ang sariling seeds.
Nakangiting pinaglaruan naman ni Maxx ang chopsticks niya. "Nako Mosey, uwi ka na wag ka na kumain, kanina ka pa busog kakatitig kay Julie Anne."
"Tell me nga..." Marie started. Tinignan niya ang anak at ang lalaking katabi nito bago nagsalita. "Is there something going on between you two?"
Kaagad lumaki ang mata ni Julie. "Ma--"
"Nanliligaw pa lang po tita..." Nakangiting sagot ni Elmo.
"Elmo!" Nanggigigil na sabi ni Julie sabay kurot sa tagiliran ni Elmo.
"A-aray Tantz masakit!" Elmo said, softly gripping Julie's hands so she would stop pinching him
"Ha! I knew it!" Maxx shrieked that almost everyone in the restaurant turned to look at her. Pero keber pa rin ito. "May 1k ako kay Mom, pusta niya matagal pa bago manligaw 'to si Moe e!" Kinikilig na pinaglaruan nito ang chopstick. "Shet naman, may tawagan pa kayo! Ligawan stage pa lang ba talaga yan?"
Blush pa rin ng blush si Julie habang mahinang natatawa si Marie sa eksena. At ito si Elmo, looking victorious.
"Bakit nga pala tayo napadinner?" Tanong ni Julie, anything to steer the conversation away from Elmo and her.
"Bakit anak, masama na ba na magdinner tayo?" Pangaasar pa ni Marie. Julie lightly scowled at her mother pero tumawa lang ito at nagpatuloy. "Wala lang, just wanted to have dinner."
Nagpatuloy naman si Marie sa pag-crush ng sesame seeds tapos biglang tumingin kay Elmo. "And Elmo dear?"
"Yes po tita?" Pag-angat ng ulo ni Elmo.
"Goodluck."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Gabi na rin ng makauwi sila from the dinner at syempre hindi pa rin mawala sa isip ni Julie ang pinagsasabi ni Elmo kanina. Tahimik lang siya hangga't nakadating sila sa Jacinthe Emys.
"Uh, thank you Elmo." Julie said rather awkwardly. Pababa na sana siya ng kotse dahil sakto din naman na binuksan na ito ng isa sa mga valet pero piniit siya ni Elmo.
"Tantz..."
Napatigil siya saglit at hinarap ulit si Elmo, hinahayaang magsalita ito.
"Naalala mo yung favor na hinihingi mo kapalit ng hotel na ito?"
Kinabahan si Julie sa susunod na sasabihin ni Elmo pero tumango siya.
Napangisi naman si Elmo, halatang natutuwa. "Give us a chance... Yun lang, kahit iredecorate mo pa yang penthouse." He reached out from the driver's side and softly pulled Julie close before giving her a kiss on the forehead. "Good night."
Tumango nanaman si Julie. "Goodnight din." Sabi niya bago lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Medyo tulala pa rin siya. Lintik ka Elmo paano ako makakatulog nito.
"Goodevening po Ma'am Julie." Bati ng isang gaurd.
Napangiti naman si Julie. "Good evening din po." Pumasok na siya sa loob. Sana lang talaga makatulog siya. Pero ang ginawa niya, hindi siya dumeretso sa pent house, umupo siya sa isa sa mga couch sa may reception area. Ewan ba niya parang gusto niya muna mag lounge around at tingnan ang tao sa paligid. Napangiti siya ng may makitang dalawang kambal na batang lalaki na naglalaro habang nag checheck in naman ang nanay ng mga ito. Mahilig kasi talaga siya sa bata. Napapikit siya saglit ng maramdaman na parang may umupo sa tabi niya. Kaagad niya binuksan ang mata.
Si Tippy.
Muhkang aligaga ang babae at...umiiyak. Kaya naman di maiwasan ni Julie ang mapaisip kung bakit. At siguro nararamdaman nito na may nakatingin kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Uhm..." Mahinang bulong ni Julie.
The other woman wiped her tears then gave Julie a small smile. "Sorry you have to see me this way."
"No, it's alright." Balik ngiti ni Julie. "I know you don't really know me, but what's wrong? Kelangan mo ba ng kausap?"
Napahinga ng malalim si Tippy at tumingin saglit sa ceiling as if gathering her thoughts. She bit her lip and shook her head before turning back to Julie. "Bakit kasi ganoon mga lalaki, ikaw na nga itong concerned sa kanila tapos magagalit pa sayo."
Sa loob loob ni Julie natatawa siya kasi ano naman maadvice niya dito eh never pa nga siya nagkaroon ng boyfriend? "Boyfriend problems ba yan? What'd he do?"
Tiningnan siya ni Tippy, siguro iniisip nito kung okay lang na magopen up sa kanya kaya ngumiti siya ng marahan. And as if making a decision, hinarap na talaga siya nito. "Magkikita kasi sana kami kanina sa Greenbelt, but then he called and said na busy siya sa work kaya kailangan mag-over time, so I went to his building bringing sana dinner and guess what, nagalit pa siya! Pamapagulo lang daw ako!"
Hindi man kilala ni Julie yung lalaki, alam niyang gago ito. Aba! Swerte niya na may sweet siyang girlfriend! She shook her head. "He's a jerk, buti nga concerned ka sa kanya, eh ibang girl friend nga puros sarili lang yung iniisip! Gago pala siya eh."
Gulat na lang ni Julie ng makita niya na tumatawa si Tippy. Hala. Nagjoke ba siya? Bakit tumatawa ito.
"I'm sorry." Mahinang sabi ni Tippy. "It's just amusing na muhkang mas galit ka pa."
Julie smiled sheepishly. "Sorry, nakakainis lang talaga mga ganyang lalaki."
Tippy nodded her head before looking back to Julie. "Alam mo na nangyari sa akin pero hindi ko pa alam pangalan mo..."
"Oh I'm--"
Bigla naman napatingin sa kanya si Tippy, parang may iniisip. Tapos saglit na lumaki mata nito. "Uhm, isa ka sa nanuod ng set namin nung isang gabi right?"
"Yeah, favorite kasi kayo ng friends ko and I became a fan too." Julie said. Linahad naman niya kamay niya. "Julie Anne San Jose."
Tippy shook hands with her. "Nice meeting you Julie, Stephanie Dos Santos, but call me Tippy."
Tumango naman si Julie at tiningnan si Tippy. "Tungkol doon sa boyfriend mo, pagapangin mo bago mo patawarin. May girlfriend siyang kasing ganda and talented mo and he's taking you for granted."
"Haha. Thanks!" Tippy chuckled. Muhkang nagiging okay na ito. "Vacation ka ba or something? Ilang days ka na dito sa Jacinthe Emys?"
Sa una hindi alam ni Julie kung sasabihin ba niya o hindi, pero siguro naman walang iisipin si Tippy sa sasabihin niya. "Ah, actually sa penthouse ako nakatira."
"Really?" Napangiti ng malaki si Tippy. "Grabe,ang mahal non."
Natawa saglit si Julie. "Actually, yung friend ko yung may-ari nitong hotel tapos, ayun pinatira niya ako dito, malapit lang kasi sa work."
"Yung may-ari? As in si Elmo Magalona?"
Kilala niya si Elmo? Oo nga naman, sinong hindi makakakilala kay Elmo. "Ah oo, uhm, he offered the pent house, friends din naman kasi ang families namin."
Napangiti si Tippy. "Akala ko boyfriend mo siya, parang wala kasi ginawa yun kundi magtrabaho, I was wondering if may iba siya pinagkakaabalahan. Buti pumayag din siya na dito ako matulog."
"Mabait din naman yun." Natatawang sabi ni Julie. "Kahit muhkang masungit."
Nagtawanan sila pareho ng sakto naman na may tumawag kay Tippy. Maingay na nagring ang phone nito sa loob ng bag. Hinalungkat niya ito at napasimangot ng makita kung sino tumatawag.
"Excuse me Jules, I have to get this, again, it was nice meeting you."
"Sure. See you around." Ngiti ni Julie. Pinanuod niya habang nagalakad palayo si Tippy. At ngayon talagang dumeretso na siya sa pent house. Huminga siya ng malalim ng nakapasok na sa loob. Sa totoo lang medyo lonely doon sa penthouse. Malaki kasi talaga dito kaya parang masyado malaki ang space.
Dumeretso siya sa paborito niyang kwarto... yung music room na hinanda ni Elmo para sa kanya. Napatitig siya sa piano. Hindi maalis sa isip niya na binilhan siya ni Elmo ng piano.
Dahan dahan siyang naupo at nagsimula tumugtog. All the while hindi maalis sa isip niya si Elmo. Seryoso kaya ito na gusto niya manligaw?
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Marahang naglalakad si Maqui papunta sa office ni Julie ng bumukas ang elevator doors. Nakakita siya ng pamilyar na muhka.
"O, Kiko, kamusta? Meron nanaman?"
"Opo ma'am eh, inaaraw araw talaga ni sir no?"
"Oh sige ako na magdadala doon."
"Sure po? Salamat mam, pa-receive na lang po."
Matapos pumirma, kinuha na ni Maqui ang package. Napapailing na naglakad siya papunta sa dulo ng office kung nasaan ang office booth ni Julie at Alden. Kumatok muna siya sa pinto saka binuksan ito. Busy ang dalawa sa pagasikaso ng papeles pero tumingin naman sa kanya ng pumasok siya.
"O Maq?" Julie said.
Lumapit naman sa kanya si Maqui at linapag ang maliit na paperbag sa harap ni Julie. The latter simply sighed and looked at her best friend.
"Seryoso? Meron nanaman?"
"Oo Julie, hindi ba alam ng manliligaw mo na yan na magiging color orange ka na sa kakabigay niya sa iyo ng ponkan? At para saan ba yung guitar pick!?"
Natawa si Julie. Binunot niya yung package at kinuha sa loob ang isang ponkan at isang guitar pick. Ewan ba niya, inaaraw araw ni Elmo yung ponkan na ito saka pick! 4 days na to be exact and it was now Friday and the end of the week.
"Oo nga, saka sinisipon ka ba?" Bigla naman singit ni Alden, halatang medyo naiinis. "Bakit lagi may ponkan?" Tumayo ito saka lumabas ng kwarto.
Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan bago tuluyan na tumawa si Maqui. "Julie Anne! Kahaba ng buhok mo babae ka! Nagseselos yan si Richards!"
"Shh, oi Frencheska hindi ah..." sabi ni Julie sabay ayos sa mga papeles.
"Wushu anong hindi! Eh ayun si Alden umiinit ulo kasi may kompetisyon kay Mr. Elmo Magalona."
"Hindi nga Maq." Tumayo si Julie at pumunta sa mini fridge bago kumuha ng plato at maliit na kutsilyo.
"O teka teka bes! Biro lang naman! Wag mo ako tatagain!"
"Gaga kakainin natin itong ponkan!"
"Ay sige game, masarap yan." Umupo si Maqui sa may sofa habang linalagay ni Julie yung plato at ponkan sa may coffee table.
Uupo na sana si Julie ng makita niya na may maliit na papel na nahulog mula sa package. Kinuha niya ito, nanatiling nakatayo habang binabasa ang nakasulat.
Tantz
Susunduin kita mamaya ah, dinner tayo :)
- Tantz
"Ano naman yan?" tanong ni Maqui habang ito na ang nagsisimula magbalat sa ponkan.
"Uhm, dinner daw kami mamaya ni Elmo." Mahinang sagot ni Julie bago umupo sa tabi ng kaibigan. Uso text Elmo, may pa note note pa nalalaman eh.
Maqui chuckled. "Nako Jules, marunong din pala manligaw yan si Elmo no? Akala ko hindi kasi siya yung lagi linalapitan ng babae."
Hindi naman sumagot si Julie. Medyo di pa niya kasi alam kung ano irereply. Ano ba Elmo! Naguguluhan na kasi ako sa'yo eh!
"Girl, easy ka lang, first time ka ba ligawan ng lalaki?" sabi bigla ni Maqui pero nagsalita din kaagad ito. "I'm sure di ka first time ligawan ng lalaki."
"Well because I turn them down immediately." Sagot naman ni Julie without realizing what she said.
Natawa si Maqui. 'Ang harsh mo naman pala! Kaya NBSB ka eh."
"No it's not like that naman Maq." Sagot ni Julie. She sighed before explaining. "Eh wala naman kasi ako nararamdaman for the guys who courted me sa New York."
"So sinasabi mo kay Elmo meron?"
Julie froze. Leche ka Maqui, ang dami mo alam.
Tuluyan naman na tumawa ulit si Maqui. "Oh yeah, tama ako! Lubusin mo na girl! Humingi ka ng lahat ng mahihingi kay Elmo mabibigay naman niya yon."
"Ewan ko sayo Farr." Naiiling na sabi ni Julie. Linantakan na lang nila yung ponkan.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
The day ended na nanaman kaso nauna si Maqui dahil dederetso pa daw ito sa Las Piñas. Pagod na binuhat ni Julie ang gamit niya habang nakasunod naman sa kanya si Alden.
"Julie..." tawag nito.
Napatingin naman si Julie, binagalan niya lakad niya hangga't sa maabot siya ni Alden at sabay na sila papunta sa may elevators.
"Excited ka na ba sa Monday? First recording na natin yun." Sabi ni Alden.
Ngumiti naman si Julie. "Oo naman, saka sabi nila Maq ayos daw yung bagong artist na nakuha nila."
Tumango lang si Alden hangga't sa maka-abot sila sa may elevators. Pagkasara na pagkasara, hinarap siya ulit nito. "So hindi ka pa nagkakaboyfriend?"
Napatingin naman si Julie bago narealize; "Nakikinig ka sa amin ni Maqui kanina?!"
Alden chuckled. "Sorry, pabalik na kasi ako non nung naguusap kayo..."
Julie huffed. Eh ano pa magagawa niya, saka wala naman sa kanya yun. "Yes kasapi ako sa NBSB club."
"Gusto mo ako na una mo maging boyfriend?"
"Haha, very funny Alden..."
"Julie..."
Hala? Parang naging seryoso tono nito? Napatingin si Julie sa katabing lalaki at nakita na seryoso ngang nakatingin sa kanya si Alden. "B-bakit?"
"Hindi po pa naman sinasagot si Magalona diba?"
Luh! What the heck?! "Alden ano ba yang sinasabi mo."
Alden stared intently at her. "Because that means na may chance pa rin ako kapag manliligaw din ako..."