Penthouse Mates

4412 Words
Tahimik na nakaupo sa may lobby ng JAM records si Julie. Medyo magulo pa rin ang lahat para sa kanya. Liligawan kaagad siya ni Alden? Parang ang bilis naman? Baka trip trip niya lang yun? Kaso ang seryoso kasi ng muhka nito kanina. Nagpaalam na ito ng malaman na may susundo naman sa kanya, di lang niya sinabi na si Elmo yung susundo sa kanya. Napapikit siya saglit habang sumasandal sa may sofa sa loob ng marinig niyang may dumaan sa revolving doors ng building. Binuksan niya mata niya at nakitang papalapit sa kanya si Elmo na marahang ngumingiti. "Akala ko tatakasan mo ako." Sabi ni Elmo habang lumalapit ito sa kanya. Tumayo na din siya sa sofa. "Hindi no, libreng dinner din yun." Hindi na siya nagulat ng halikan ni Elmo ang pisngi niya. Elmo chuckled before leading Julie out of the building,his hand supporting her back. Ayan nanaman yung tingling sensation sa likod ni Julie pero hinayaan na lang niya ito and tried na hindi pansinin. Being the gentleman that he was, binuksan ni Elmo yung pinto ng passenger seat para kay Julie Anne bago umikot at pumasok sa driver's seat. "Para saan nga pala yung ponkan saka guitar pick?" Tanong ni Julie. "Consistent ka ah, buong linggo meron akong meryenda at dagdag sa collection." Natawa lang si Elmo. "Basta..." "Ha? Anong basta?" "Quiet ka na lang dyan." Elmo replied softly. Julie rolled her eyes pero ayun nanahimik na sa loob ng kotse ni Elmo. "So, saan mo ako balak busugin? At dapat mabubusog ako ah." Nagsimula na sila umandar. Mahinang napatawa si Elmo at umiling. Takaw talaga. "Sa condo ko..." "C-condo mo?" Biglang parang kinabahan si Julie pero she cleared her throat to mask this. Tumingin muna si Elmo sa kanya at ngumiti. "Oo sa condo ko... Diba sabi ko sa'yo mahilig din ako magluto? Ngayon matitikman mo ang cooking prowess ko." Natawa naman si Julie na ikinangiti ni Elmo. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Medyo malayo nga yung condo ni Elmo, naisip ni Julie. If ever kasi sa penthouse ito tumitira edi sana mas maikli ang drive niya papunta sa office building ng Magalona corporation. Kagaya ng dati, mabilis na lumabas si Elmo ng kotse at binuksan ang pinto para kay Julie bago alalayan ito bumaba. Julie smiled softly at hinayaan naman si Elmo habang iginiya siya nito papasok sa condo. "Good evening sir." Bati ng doorman kay Elmo pagpasok. Tumango lamang si Elmo bago naglakad na sila ni Julie papunta sa elevators. Tahimik lang si Julie, aminin man niya o hindi, kinakabahan siya dahil alam naman niya na isa itong date kahit saan pang anggulo tingnan. "Tantz okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Elmo. "Ha?" Napapitlag si Julie. "O-oo naman..." Sasara na sana ang elevators pero bigla namang may humabol. "Ah! Wait po!!" Dahil mas malapit syia sa buttons, mabilis na napatigil ni Julie ang pagsasarado ng mga pintuan. Pumasok ang isang binatilyo, siguro kasing tanda lang ni Bianca. "Ah thank you po..." Ngumiti ito kay Elmo at Julie habang pasakay. Natigilian naman ito ng makita si Elmo. "Ay, ikaw pala yan kuya Elmo." "Kamusta Miguel?" Elmo asked softly. "Okay lang kuya." Miguel replied uneasily. Tumango lang si Elmo hangga't sa makarating sila sa floor nila. Nagmamadaling lumabas ng cart si Miguel at dumeretso sa unit niya. Lumabas din naman si Julie at si Elmo pero tiningnan muna ni Julie si Elmo. "Bakit parang kabadong kabado yung bata sa'yo? Anong ginawa mo?" "Ako? Wala ah. Pinagsabihan ko lang sila nung barkada niya, ang iingay kasi magpatugtog." Sagot ni Elmo. Lumabas na din sila at dumeretso ng unit ni Elmo. Halatang halata ang pagka bachelor pad ng lugar ni Elmo; kundi blue, black ang kulay ng gamit at puting puti ang mga dingding. "Ihahanda ko lang yung food. Upo ka muna sa couch..." sabi ni Elmo pero tiningnan lang siya ni Julie. "Hindi ba pwede tulungan kita?" "Ha? Hindi na. Bisita kita kaya umupo ka lang diyan..." Kahit ayaw ni Julie, wala na siya nagawa dahil dumeretso na sa kitchen si Elmo. Kaya ayun, naiwan siya sa may living room. Malaki ang stereo system ni Elmo at marami din CD na naka-ayos sa isang rack sa tabi. Of course, hindi mawawala ang video games na talaga naman may sari-sariling cabinet. At dahil hindi mapakali, tumayo na din si Julie at sumilip sa may kitchen, hanggang door way lang. Kanina pa niya naamoy yung linuluto ni Elmo na talaga namang nakakapanglaway. Nakatalikod ang lalaki sa kanya, may hinahalo sa may counter. Naka-apron ito at nakatanggal na din ang coat na kanina'y suot at ngayon naka polo shirt na lang. Grabe Elmo, pati ba naman likod mo ang gwapo? Halatang halata kasi back muscles nito. Tila napansin ni Elmo na may nakatingin sa kanya dahil napaikot ito. "Julie..." "Ang bango naman ng linuluto mo." Nagmadaling mag-plate ng food si Elmo at pinunas ang kamay sa isang twalya. "Sakto din, let's eat?" Naka-set up na din naman ang table. "Sige nga Tantz, ano itong linuto mo?" Tanong ni Julie ng linapag ni Elmo ang plato sa harap niya. "Pasta marinara ko yan Tantz, baka mahalin mo na ako ng tuluyan kapag natikman mo." Naka-smirk na sabi ni Elmo. Natawa si Julie. Kahit kelan, yabang nito, pero sige gwapo ka pa din. "Sige nga..." Nagtwirl siya ng strand at kumain. Bahagyang lumaki ang mata ni Julie the moment na matikman niya yung pagkain. "Grabe Tantz! Bakit di ka nag chef? Kung magkakaroon ka ng restaurant panigurado araw araw doon ako kakain." Tumuloy si Julie ng pagkain at inenjoy talaga ang pagkain. Kumikinang nanaman mata nito. At ang proud guy, napangiti na lang. Masyado nakakadala ngiti ni Julie, at bakit ba laging kumikinang mata nito?! Nakaka distract eh! "Gusto mo ba ng desert?" Tanong ni Elmo. "May ice cream ako diyan sa ref..." "Oh, sorry Tantz." Mahinang smile ni Julie. "Hindi kasi ako pwede mag ice cream, masisira voice, hindi rin ako pwede sa malalamig kasi madali ako sipunin..." Napatango naman si Elmo. "New info yun ah, thanks." At marahan itong tumawa. Tapos na sila kumain ng magsalita ulit si Julie. "Nice first date ito ah... sanay ka rin pala makipag-date?" Elmo drank from his wine and shook his head. "Actually no. Ikaw nga unang babae na dinala ko dito sa condo eh." Nanlaki slightly mata ni Julie. "Really?" "Really..." Parang bigla naman naalala ni Julie yung dating sinabi sa kanya ni kuya Frank. Hindi niya napigilan sarili niya eh. "Elmo may tanong ako..." "Ano yun?" "Ano nangyari sa inyo nung Jairah?" Agad-agad na niya sinabi baka kasi maduwag pa siya tanungin ito. Tiningnan siya saglit ni Elmo at kinabahan siya, akala niya kasi magagalit ito sa kanya pero huminga lang ito ng malalim saka nagsimula magsalita. "Kaibigan ni Jairah yung girlfriend nung kaibigan ko nung college..." Pagsisimula ni Elmo. "Culinary student siya noon sa university tapos nakita niya ako one time na nagluluto sa food lab. Akala ko papagalitan niya ako pero tinulungan pa niya ako. I just felt, I don't know, comfortable with her." Nagkibit balikat ito. "I liked her kaso kinabahan ako umamin, too late na kasi we graduated and she moved to another country..." Nanahimik sila pareho at sandaling napapaisip si Julie. "So siya lang ang babaeng tanging nagkainteres ka?" Inangat ni Elmo ang ulo at kapagdaka'y ngumisi. "Until you that is..." Napatingin si Julie at biglang tinuloy ang pagkain para maitago naman ang blush niya, maya maya tumayo na din silang dalawa. "Wag mo ako pipigilan maghugas ng pinggan ah." Sabi ni Julie.. Natawa si Elmo. "Sige na nga." Takot lang niya baka bigwasan siya nito eh. Tuloy lang sa paghugas ng pinagkainina nila si Julie habang si Elmo naman eh naka-upo sa may table at tinititigan lang ito. Ayaw man niya gawin pero pinagmamasdan niya si Julie. Naka work dress ito at talaga namang lumalabas ang hubog ng katawan nito. Sexy talaga ng babaeng ito... Patuloy pa rin siya sa pagtingin dito at medyo nagre-react na katawan niya kaya umiwas siya saglit. Ano ba Elmo, ngayon ka lang nagkaganyan. Hinga malalim. "Tantz?" "Ha?" Bumalik naman tingin ni Elmo kay Julie at nakitang nakatingin ito sa may ceiling niya. Kumunot ang noo niya pero tumayo siya at lumapit sa babae. Bakit parang may nabubuong shadow sa ceiling niya? Posible ba yun? At bigla na lang may tumulo sa ilong niya. "What the--" Pinahid pa ni Julie yung tubig sa may ilong niya. "Elmo ano nangyayari?" Sabay nanaman sila tumingala at onti onti may narinig. Parang something's crumbling. Hinawakan ni Julie ang wrsit ni Elmo habang nakatingala pa rin. Lumalaki na ang shadow at pagtulo. At ayan nanaman yung tunog. "Elmo... teka... Elmo!" BLAG! Maagang nahila ni Elmo si Julie dahilan para mapaupo siya sa sahig habang si Julie naman ay napaupo sa kandungan niya. Totoo ba ito? Parehong napatingin si Elmo at si Julie sa nasa harap nilang bath tub bago tumingala at tiningnan ang malaking butas ngayon sa ceiling ni Elmo at ang umaapaw na tubig sa paligid.  "Mr. Magalona pasensya na talaga, makakalimutin na talaga akong matanda." Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Mrs. Hernandez. "Ah, Mrs. Hernandez okay lang po, wag na po kayo magalala." Sagot naman ni Elmo. Kasalukuyang baha pa rin sa loob ng condo niya at nandito sila ni Julie sa labas kausap ang matandang babae habang tinitingnan ng land lord ang loob. Apparently nakalimutan ng matandang tenant na nakatira sa unit above his na binuksan niya ang faucet sa may bath tub dahilan para umapaw ang tubig masira ang ceiling ni Elmo. Napabuntong hininga naman ang land lord nilang si Mr. Alcasid. "Paano ba ito Mr. Magalona, nasira po kasi yung pipe line at sa pagaayos po nung condo, aabutin ng mga 2 weeks." "2 weeks?" Mahinang sambit ni Elmo. "Paano naman po si Mrs. Hernandez?" "Ah nako iho, okay lang ako, doon muna ako sa apo ko titira, ikaw ba may matitirhan?" sagot ng matandang babae. "Uhm..." Napaisip si Elmo ng biglang magsalita si Julie. "Edi doon ka sa pent house mo..." "Julie..." Julie smiled softly. "Sa'yo naman yung pent house diba? Saka mas malapit talaga yun sa office mo." "Ah eh yun naman pala." Sagot ni Mr. Alcasid. "Dibale Mr. Magalona wala ka gagastusin sa pagayos dito."  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= "Grabe Tantz, pasensya na ah." Nasa lobby sila ngayon ng condo building ni Elmo habang may dala itong malaking duffel bag at marami pang bag na nakapaligid sa kanila. "Anong pasensya?" Natatawang tanong ni Julie. "Eh sayo yung pent house na yun, tama lang na magagamit mo." Nanahimik si Elmo. "B-baka kasi ma-awkwardan ka na doon din muna ako matutulog." Hinid niya matingnan si Julie pero tumatawa pa rin ang babae. "Para namang stranger ka. Hindi no... saka, di mo naman ako gagapangin diba?" Napatingin si Elmo. "H-hindi!" "O, yun naman pala eh, kaya wala ako aalalahanin diba?" Kumalma naman si Elmo dahil doon. "Oo naman... unless na lang gusto mo na gapangin kita—aray! Masakit Tantz!" Napahawak si Elmo sa braso. Ang sakit naman kumurot ni Julie! "Teka sino nga pala hinihintay natin?" Tanong ni Julie. Nagtataka kasi siya bakit hindi pa sila lumalarga. "Si Sam." Sagot ni Elmo. "Yung mga electronics ko kasi kelangan din dalhin, baka masira kapag nabasa." Kaya pala maraming naka-ikot na bag sa kanila.       Hindi naman matagal ang hinintay nila dahil maya-maya lang ay nakadating na si Sam. Naka simpleng shirt at jeans ito pero kagaya ng best friend, ang lakas ng dating. "Dre I heard what happened, ano ba nangyari?" Tanong ni Sam ng puntahan niya ang sofa kung saan nakaupo si Julie't Elmo. Tumayo naman kaagad ang dalawa bago nagexplain si Elmo. "Naiwan kasi yung tap nung upstairs neighbor ko, nalaglag tuloy yung tub." Natawa si Sam, kakaiba nga naman kasi yung ganoong pangyayari. "Bad luck man..." Napailing si Sam tapos humarap naman ito kay Julie. Ngumisi muna siya kay Elmo bago binalik ang tingin sa magandang dilag. "Oh Julie, you're here, magkasama kayo ng best friend ko?" "Ah, nag-dinner kami sa condo ni Elmo." Explain ni Julie habang nakangiti. "Pwede ba dre, nag date kami okay?" Tinawanan lang naman ni Sam ang best friend, sanay na siya sa mga mood swing nito. "O paano ba? Sa Jacinthe Emys tayo dederetso?" Gumalaw na siya at si Elmo para buhatin ang iba pang bag na meron si Elmo bago dumeretso sa kotse ng huli. Hindi naman sila natagalan dahil sobrang lapit lang nung hotel. Pina-valet na ni Elmo yung sasakyan niya at binilin na sa special parking spot muna niya ito dahil dito na siya tutuloy. Kaagad naman gumalaw ang mga staff ng makita na maraming dala sila Elmo. "Goodevening Ma'am Julie, Sir Elmo, Sir Sam." Bati ng mga staff. "Kape kaya muna tayo sa lounge?" Alok ni Julie. Alam niyang napagod pa sa pagasikaso si Elmo kanina sa condo niya kaya mabuti na at magrelax sila. Plus, naalala niya na performer ng gabing yung banda nila Tippy kaya ayos na rin yun. "Magandang ideya yan Julie at nagugutom na din ako." Sabi ni Sam. Tiningnan naman ni Elmo ang best friend. "Bakit? Hindi ka pa ba kumakain ng dinner?" "Ha? Kumain na, kaso nagugutom ulit ako eh." Nakangising sagot ni Sam. Umiling naman si Elmo at iginiya na lamang si Julie papunta sa may lobby lounge habang nakasunod is Sam. Muhkang nakapag simula na ng set ang Bravositimo. Nagulat naman ang mga staff ng makita si Elmo. "Sir! Good evening po!" "Good evening." Tumango lang si Elmo bago dinala si Sam at Julie sa mga upuan sa pinakamalapit sa stage. Currently, si Danny, Paula at Isla ang kumakanta habang si Tippy ay mag-sang nakatayo sa gilid, baka solo ito mamaya? Hindi naman maiwasan ni Julie na magbigay ng maliit lang na kaway dito. Nakita naman ito ni Tippy kaya kumaway din. Tumingin si Elmo kay Julie ng mapansin ang ginagawa nito habang umoorder ng pagkain si Sam. "Kilala mo na din pala si Tippy?" Napatingin si Julie kay Elmo at tumango. "Ah, kasi diba dito rin siya nags-stay? Nakapagusap kami nung isang gabi." Tumango na lamang si Elmo bago binalik ang tingin kay Julie. "Ah, anong gusto mo kape?" "Cappuccino na lang." Ngiti ni Julie. Kaagad naman umorder si Elmo at si Sam. Nagkape lang din si Elmo pero si Sam talaga umorder pa ng club house sandwhich. "So Julie, kamusta job mo sa JAM records?" Tanong ni Sam. Nakita naman niya na medyo nagtataka ang muhka ni Julie kaya kaagad naman siyang nagpahabol. "Kinukwento ka kasi ni Elmo." "Talaga?" Nakangiting sabi ni Julie habang nagshrug at nagbigay lang ng maliit na smile si Elmo. "Uhm, okay naman. Kaso naghahanap lang talaga kami ng new artist." "Wala ka pa nakikita?" Tanong ni Sam. Pero bago makasagot si Julie, nagsimula na ulit tumugtog yung banda at umakyat sa stage si Tippy. Hinarap niya si Sam. "Panuorin mo siya..." Excited na sabi niya. Nagsimula tumugtog yung pianista saka yung bahista habang mag-isang nakatayo sa stage si Tippy. Hawak ng babae ang mic at huminga muna ng malalim bago nagsimula kumanta. At kagay ng dati, napabilib nanaman si Julie. Memory ang kinakanta ni Tippy, galing ito sa musical na Cats. Ngiting ngiti siya habang pinapanuod ito si Tippy at napatingin naman siya kay Sam, hihingi sana ng reaction kaso nakitang nakatitig ito. Narinig niyang mahinang natawa si Elmo sa tabi niya at ng tiningnan niya ito, sumenyas ito kay Sam na titig pa rin. Mamaya lumapit si Elmo at may binulong sa tenga niya. "Muhkang nabighani best friend ko ah." Ngumiti si Julie. "Bakit, ikaw ba hindi mabibighani kay Tippy? Ang ganda ng boses eh." Elmo shook his head. "Bakit kay Tippy pa ako titingin e nandyan ka naman?" Shocks. Julie kinikilig ka nanaman. Enough! Dinaan na lang niya sa tawa. "Bolero ka rin eh no Tantz?" Wish lang niya na hindi mahalata yung pamumula ng muhka niya. Medyo madilim din naman kasi sa lobby lounge. Tumawa lang si Elmo sa tabi bago humarap nanaman at pinanuod ang singer sa harap nila. Magaling talaga si Tippy, kakaiba kalidad ng boses at sigurado na si Julie sa iniisip niya. Natapos ito kumanta at ang buong Bravotisimo nanaman ang nagperform. Kaagad naman humarap si Sam kay Julie at kay Elmo. "Narinig niyo siya kumanta? Hanep!" Natawa si Julie. Sabi na nga ba niya walang aayaw sa talent  ni Tippy. Mahinang sinuntok ni Sam ang braso ni Elmo. "Dre, empleyado mo siya diba? Pakilala mo naman ako." "Pfft, kelan ka pa nahiya magpakilala ng sarili mo sa babae?" Pang-aasar ni Elmo. "Basta dre! Parang di kita best friend ah..." Mahinang natawa si Julie at uminom sa kape niya bago magsalita. "Friendly yan si Tippy, pero kapag may balak ka manligaw Sam, may boyfriend siya." "Never stopped me before." Preskong sagot ni Sam at pareho lang napailing si Elmo at Julie bago sabay-sabay sila nanuod ng huling mga kanta ng Bravotisimo para sa gabing iyon. At kagaya ng dati, pagkatapos ng set, kinailangan makipag-usap ng banda sa audience nila. Inuna na kaagad ang table nila Elmo sapagkat kilala siya ng lahat. "Mr. Magalona! Salamt po sa pagnuod ng set namin!" Masayang sabi ni Danny, obviously the leader of the group. "Of course, ang ganda ng set niyo Mr. Lao." Sagot naman ni Elmo habang nakikipagkamay kay Danny. Kaagad naman na bumeso si Tippy kay Julie. "Nanuod ka ulit!" "Sabi sayo fan mo ako eh." Nakangiting sagot ni Julie. "By the way, I need to talk to you about something, pwede ba tayo mag lunch bukas?" "Ah sure, teka, bigay ko number ko sayo. Can I have your phone?" Tanong ni Tippy. Binigay naman ni Julie at pinanuod hanggang binalik na sa kanya ni Tippy ang phone niya. At bago pa niya makalimutan, pinakilala na niya si Sam kay Tippy. "Ah Sam, this is Stephanie Dos Santos, Tippy, meet Sam Concepcion, best friend ni Elmo." "Ah, salamat po sa pagnuod Mr. Concepcion." Marahang sagot ni Tippy. Hinintay nila magsalita pa si Sam kaso nawawala ang dila nito ng mga panahong iyon. Nagkatinginan naman si Julie at si Elmo, parehong natatawa bago marahang tinapik ng nauna ang braso ni Sam. "Sam..." "W-what? Oh! Ah, oo great set! C-congratulations." Ngumiti si Sam. Tippy chuckled at ngumiti dito. "Uhm, sige, iikot pa kami sa ibang tables." Tumingin naman ito kay Elmo. "Salamat po sa pagnuod Mr. Magalona." Tumango naman si Elmo habang humabol si Tippy sa mga kabanda na naglakad na palayo kanina pa. Nanaig ang katahimikan bago marahang tuloy tuloy na tumawa si Elmo. Sam playfully punched his arm. "Dre ano ba!" "Paano ba naman utal ka kay Tippy eh!" "Hoy Magalona, bakit, kay Julie ba hindi ka nauutal?" Pag-asar ni Sam bago hinarap si Julie. "Kampihan mo naman ako Jules!" Natawa si Julie habang pinapanuod ang mag best friend na nagaasaran. "Pero dre mas maganda pala siya sa malapitan eh no?" Sabi ni Sam. Biglang tumingin ito kay Julie. "Jules! Pahingin din ng number niya—aray!" He cried as Elmo kicked his foot. "What was that for?!" "Gago hahamakin mo si Julie paano kung magalit si Tippy at kung kani-kanino napupunta number niya?" sabi ni Elmo. "Hindi ko naman talaga ibibigay kay Sam." Natatawang sabi ni Julie. Hinarap niya ang best friend ni Elmo. "Alam mo Sam, lapitan mo na lang siya." Sam smirked. "Sige na nga, I have my ways." Inubos na nito ang kape niya bago hinarap ang dalawa. "So paano? Okay na ba?Naakyat na lahat ng gamit mo diba Moe? Shall we call it a night?" "Ah sige..." Nagtawag na si Elmo para sa bill, kahit pa ba siya may-ari, iikot din yung pera na yon. Tumayo na din si Julie at si Sam pagkabayad ni Elmo. It didn't escape Julie's sight ng makita niyang tinitingnan ni Sam si Tippy habang papunta ito ng rest room kasama ang band mates. "Dre salamat." Elmo said as he cupped Sam's shoulder. "Oo naman dre, paano ba, need to go home. May pupuntahan pa akong site bukas." Sabi ni Sam. Humarap ito kay Julie at nakipag beso. "Goodnight Jules, kapag may ginawa sa'yo best friend ko sabihin mo lang ah." Natatawang sambit ni Sam. "Gago ka talaga Sam." Mahinang sambit ni Elmo pero natatawang naiiling. "Good night din Sam." Bati naman ni Julie, tinatawanan lang ang sinabi ni Sam. Umalis na din ang nahuli, may malaking ngiti sa muhka. Sabay na naglakad si Elmo't Julie papunta sa elevators. Dito lang tumatatak sa isipan ni Julie na kasama niya sa pent house si Elmo. Bigla parang uminit ang muhka niya. Relax Julie, wala naman siya gagawin eh, unless nga daw gustuhin mo—ha!? Ano!? "Tantz okay ka lang?" Tanong ni Elmo. Tumingin si Julie sa kanya. "Ha? Ah oo, medyo inaantok lang ako..." Buti wala sila pasok kinabukasan. Nakarating na din sila wakas sa taas. Parang bumabagal lagi yung elevator kapag si Elmo kasama niya? Madilim pa sa loob ng pent house kaya kaagad binuksan ni Julie ang lamp shade sa may living room. Nandoon na lahat ng gamit ni Elmo sa may sofa. Nakatayo lang silang dalawa sa gitna ng kwarto. Si Julie na ang bumasag sa katahimikan. "Uhm, Tantz, akyat na ako sa kwarto ko ah... yung sa'yo ba yung sa tapat?" Tumingin sa kanya si Elmo saka tumango. "Ah oo, yun yung kwarto ko..." "Ah okay..." Ngiti ni Julie. "S-sige, uhm, tulog na tayo... goodnight Tantz..." Nagmamadali itong umakyat sa kwarto niya. Naiwan doon sa living room si Elmo na maikling natatawa. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Julie stretched her limbs awake that morning. Sa totoo lang plano niya mag-jogging dahil tutal wala naman siya pasok kaso ang sarap matulog eh, late na din naman kasi sila nakapagpahinga kagabi. Nakapikit pa rin siya saglit bago bumangon. Deretso siya sa CR ng kwarto niya, naghilamos at nagsipilyo bago bumaba papuntang kitchen. Ang bango naman non. Binilisan niya ang paglakad at napatigil. Shet Yummy. Ayun, nakatalikod at nagluluto ang isang Elmo Magalona na naka boxer shorts lang. ANG HOT NG LIKOD. MYGASH. Bigla naman ito lumingon at pareho sila nagulat. Namula saglit si Julie ng tingnan siya ni Elmo. Parang umabot hanggang kaluluwa niya yung tingin pero napansin niya na deretso sa legs niya ito napatingin. Nakalimutan niyang naka shorts lang siya saka tank top. Tatakbo na sana siya pabalik ng kwarto niya ng magsalita ang kaharap. "Uh, G-good morning." Nauutal na bati ni Elmo. Umiwas ito saglit ng tingin bago humarap ulit at ngumiti. "Breakfast? Gumawa ako ng grilled cheese." "Good morning." Balik bati ni Julie. Dumeretso siya sa cabinet at kumuha ng dalawang mug. "Nagcoffee ka na ba?" tanong niya kay Elmo. Grabe, di niya alam kung awkward o kilig itong nararamdaman niya, pwede rin both. Para kasi sila mag-asawa. "Ah... di pa..." "Sige, ipagtitimpla lang kita..." Dumeretso si Julie sa may dulo ng kitchen at inayos ang coffee-maker habang naglalapag ng plato ng grilled cheese si Elmo ng biglang tumunog ang bell ng elevator ng pent house. Nagkatinginan silang dalawa at si Elmo na ang lumabas ng kitchen at dumeretso sa receiving area. Nagsc-scoop ng coffee beans si Julie ng--- "AAAAAAAAAAAAAAAAHHH!" Nabitawan ni Julie yung scooper at patakbong pumunta sa receiving area para madatnan na pinapalo ni Maqui si Elmo ng throw pillow. "Maqui! Maqui! Aray! Ano ba--" Elmo yelled habang hinahampas siya ni Maqui. Kaagad naman to the rescue si Julie at hinila palayo si Elmo habang kinuha ang throw pillow sa best friend. "Maq! Nababaliw ka na ba?!" "Bes!" Bigla namang sigaw ni Maqui. "Isang linggong ponkan at guitar pick bumigay ka na? You cashed in your v-card sa register ni Elmo!?" "Maq huminahon ka muna kaya no?" Sa totoo lang pareho na natatawa si Julie at si Elmo. "Ikaw!" biglang turo ni Maqui kay Elmo, buti na lang talaga wala na siyang hawak na throw pillow kaso malapit siya dun sa ming vase. "Tumatawa ka pa ha!" "Maqui..." Mahinahong sabi ni Elmo. "Upo muna kaya tayo para malinawagan ka?" Ng makita na seryoso naman si Julie at si Elmo, umupo na rin si Maqui sa may couch, tumabi sa kanya si Julie habang si Elmo ay naupo sa one-seater sa tabi. "Paki-explain bes kung bakit may kasama kang nakaboxers na Elmo Magalona sa pent house mo?" Nagkatinginan si Elmo at si Julie. Naunanng magsalita ang huli. "Kasi Maq, nagkagulo yung plumbing sa condo ni Elmo kagabi, and since sa kanya naman talaga itong pent house, edi dito muna siya..." Muhka naman nagulat si Maqui sa revelation na yun at kaagad naman ito namula sa hiya. "G-ganoon ba..." Tumingin ito kay Elmo at nahihiyang ngumiti. "Ahehe, sorry Elmo, naranasan mo pa ang mapalo ng unan." Umiling lang si Elmo, halatang natatawa pa rin. "Wala yun, buti yung unan lang yung ginamit mo." "Bakit nga pala ang aga aga nandito ka?" Tanong ni Julie sa best friend. Tumingin naman si Maqui sa kanya. "Wala lang! Surprise visit lang sana! Hindi ko alam ako pala yng masusurprise!" Bigla naman tumayo si Elmo. "Ah teka girls, yung niluluto ko lang!" patakbo itong dumeretso sa kitchen at naiwan ang mag best friend. Tuminign naman kaagad si Maqui kay Julie, medyo seryoso ang muhka. "Bes, okay lang ba ito? I mean, kahit siya may-ari nitong pent house, manliligaw mo pa rin siya. Penthouse mates kayo ganon? Pano pag natukso yan?" "Maq, Elmo's not that kind of guy." "Still a guy bes..." Umiling si Maqui. "At ikaw! Alam mo naman na may kasama ka na lalaki dito naka tank top at shorts ka pa?! Hindi mo ba nakikita na malaki yang future mo? hindi kelangan ni Elmo ng crystal ball para makita yan!" Pinandilatan ni Julie ang kaibigan. "Maq ano ba!" "Saka legs mo! Nakaka-gender check!" "Maq may gusto ka ba aminin sa akin? Crush mo ba ako?" Mahinang pinalo ni Maqui si Julie ng unan. "Point ko bes, liniligawan ka ni Elmo at maawa ka naman sa kanya kapag ganyan ang pinagsusuot mo! Balita ko masakit daw sa puson ang mabitin." "Argh! Maq! Stop talking!" Nagpaluan sila ng unan at nagtatawanan ng bumalik si Elmo, naka t-shirt na din ito. "Uhm girls? Kain muna tayo?" Tumayo si Julie at naunang maglakad, bago nginitian si Elmo at dumeretso sa kitchen. Nakangiti pa rin si Elmo habang sinusundan ng tingin si Julie. Bigla naman tumikhim si Maqui sa tabi niya at na-aamuse na nagsalita. "Magingat-ingat ka Magalona, kapag may ginawa ka sa best friend ko malalagot ka sa akin."    =========================================================== AN: Hello everyone! Pano ba yan? Magkasama na sila sa penthouse hihihihi... Comment or Vote po! Salamat ng marami sa nagbabasa! <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD