Family

1920 Words
Bakit parang feeling ni Julie nasa loob sila ng interrogation room? Kulang na lang may salamin sa harap nila tapos sa kabilang side yung mga police at detective na pagmamasdan ang galaw nila. Pareho sila ni Elmo nakaupo sa may dining table habang nakapalibot sa kanila ang apat na hurado namely; Saab, Maxx, Marie and Pat. "Uhm, a-akala ko po ready na tayo kumain?" Tanong ni Julie. Di bale na magmuhkang PG kaysa mapalibutan ng awkward silence. Pero narealize niya na wala pa pala si Frank. Pero parang mga walang narinig ang mga babae. Patuloy ang pagtingin nila kay Elmo at kay Julie na parehong nanlalamig ang mga kamay. "Kailan pa kayo naging opisyal?" Walang prenong tanong ni Marie. Seryoso ang muhka nito at matiim na nakaderetso sa panganay na anak. "Ma..." "You two are in a relationship and you live in the same penthouse!" Tila nasisindak na sabi ni Pat. Pabalik balik ang tingin niya sa bunsong anak tapos kay Julie. "Mom..." Elmo said firmly. "Wala po kaming ginagawang masama ni Julie. Pero yes we're in a relationship and I love her very much." Sabay ng pagsabi niya nito ay ang paghawak naman niya ng kamay ni Julie sa ilalim ng lamesa. At ayan nanaman ang katahimikan. Pero wala pang ilang segundo ng tumayo si Maxx at inilahad ang kamay sa harap ng kanyang ina. "Okay mom pay up..." Huh? Julie looked at Elmo. But the man only shrugged her way. Ano ba nangyayari? "Excuse me Maxene sabi ko within the year." Pat answered nonchalantlty as she drank from her iced tea. "Pero I said within 6 months mom." Pagpilit ni Maxene na nakalahad pa din ang kamay sa harap ng ina. "So come on pay up." "Fine fine! Later kunin ko wallet ko." "Yes!" "Teka teka ano ba pinagsasabi niyo?" Tanong ni Saab na gulong gulo na sa mga pangyayari. "Eh kasi nagpustahan kami ni mama kung kelan titigil sa pagiging mabagal nito ni Elmo and I won!" Maxx anmounced happily. Tawa lang naman ng tawa si Pat at si Marie at laking pasasalamat ni Julie na hindi naman papa galit ang kanyang mama at si Tita Pat niya. "So, okay lang po sa inyo na kami na ni Elmo?" "Okay? Aba magpapamisa pa ako anak! Sa wakas nagkaboyfriend ka!" Marie said "Akala ko kasi sa kabilang kampo ka na talaga eh..." "Ma!" Julie gasped in horror. "Tita! Paano naman magiging tibo yan si Julie eh ang ganda ganda tapos ang sexy pa!" Comment ni Saab. Mahinang napailing si Julie pero may ngiti sa muhka. Kasama talaga sa fans club niya ito si Saab eh. Hindi niya tuloy napigilan ang pagblush. "Will you guys stop harassing my girlfriend. Namumula na siya o." Elmo said teasingly as he gripped Julie's hand tighter and lovingly looked at her. Hindi naman magkamayaw si Saab at si Maxx sa nakikita at parehong nagsitilian doon mismo sa may dinner table. "Eeeeeeeeehhhh!!!!!" "Maxx! Saab! Control yourselves!" Marie said pero hindi rin napigilan ang pagngiti. Marahang hinampas naman ni Julie si Elmo sa braso. Hiyang hiya na nga kasi siya tapos dadagdagan pa nito. Pat's face softened though and from her position at the table, she reached for Julie and grasped her hand. "Thanks for this Julie Anne..." "For what po tita?" Takang tanong ni Julie. "Ito... Best birthday gift ever." Sagot ni Pat. Bakit ganun? May sibuyas ba somewhere? Feeling ni Julie kasi naiiyak siya eh. Magaan sa loob na boto sayo yung magulang ng lalaking gusto mo. She grasped Pat's hand back and returned the smile. "Thank you rin po Tita." Bago pa may magsalita muli, narinig na nila ang pamilyar na tunog ng isang kotse sa labas ng bahay. "Ops, alam na kung sino iyon." Saab said. She stood up and immediately went for the front door.  Yung susunod na mga pangyayari ay medyo nagpagulat kay Julie at Elmo. "Hi guys!" Frank greeted and along with him was Maqui with a smile matching the one on Frank's face. At hindi lang iyon. Napababa ang tingin ni Julie at nakitang magkahawak kamay ang kanyang best friend at ang kuya ng kanyang boyfriend. Pat stood up from her seat at hindi napigilan ang pagngiti. "O, isa nanaman ba itong birthday gift?" Sabay harap naman niya sa dalawang anak na babae. "O kayong dalawa, baka mamaya may sumulpot na dalawang lalaki na magpapakilalang mga boyfriend niyo?" =============== "Tantz... Si Maq at Kuya Frank na..." "I know Tantz..." "Pero sila na..." Elmo chuckled. "Yes Tantz sila na nga..." Humarap si Julie with a very large smile on her face. She bit her lower lip which Elmo noticed was one of his favorite habits of hers. Ayun kasi ang bungad sa kanila ni Frank at Maqui. Though not official, they were trying to take things slow daw. Papalapit na ang hapon at ito ang favorite time ni Elmo lumabas noong bata pa siya. Kaya naman ng matapos ang pagnamnam nila ng pagkain ay napagpasiyahan niya na maglakad lakad sila ni Julie around the neighborhood. "Wala lang natutuwa ako eh!" Julie commented. Tapos humarap siya kay Elmo habang hawak hawak nito ang kanyang kamay at naglalakad sila papunta sa basketball court ng village. "Baka naman domino effect ang nangyayari sa atin Tantz?" Sabi ni Julie. Napatingin naman si Elmo sa girlfriend. "Domino effect?" "Yup, eh kasi diba nung naging tayo sumunod na ito si Maq saka si kuya Frank." "Tapos sino susunod? Si Tippy saka si Sam?" Elmo said amusedly. Julie shrugged. "Why not. Saka Tippy needs someone who will value her and muhka naman gagawin ni Sam iyon." Elmo said no more as they neared the basketball court. Marami rami din ang memories niya sa lugar na iyon. Linoloko nga siya dati ng mom niya na ang sala daw niya yung basketball court. Nung bata kasi siya pagkagising pa lang niya sa umaga, maghilamos at magtooth brush lang siya bago dumeretso sa court. Minsan nga hindi na siya nagbebreakfast eh. "So isa ka pala sa mga tambay nung bata ka ano?" Julie teased. Elmo smirked and shrugged his shoulders. "Buhay basketball ako non eh..." "And let me guess varsity ka din nung nasa school ka.tapos lahat ng babae crush ka and blah blah blah..." Natawa si Elmo. "Masyado bang cliche ang kwento ko?" Naupo silang dalawa sa may mga bench banda. Marami ang tao sa court kaya maraki din sila napapanuod. "So this means tama hula ko?" Nangaasar na tanong ni Julie. Natawa lang si Elmo dahil totoo nga naman sinasabi nito. "Ikaw ba? Okay wait let me guess... Ikaw yung charismatic, school leader, top grades at crush ng bayan..." "Oi, hindi ako crush ng bayan no." "Talaga?" Elmo asked, genuinely surprised. "Bulag ba mga schoolmate mo? Ikaw? Hindi crush ng bayan? Linoloko mo naman ako eh." Julie laughed. "Haay nako Tantz, I'm telling the truth alright?" "Edi bulag nga ang mga school mate mo." Elmo replied. He smiled at her and she smiled back. He wrapped one arm around her shoulder before kissing her temple. Julie returned the smile before leaning in to rest her head on his chest. Nanahimik lang silang dalawa habang nanunuod ng mga tao na naglalaro sa court. Enjoy lang si Julie sa pagnood habang comment ng comment si Elmo sa mga player at kung paano sila maglaro ng may marinig silang hagikhikan sa tabi nila. Pasimple namang sumilip si Julie at nakita na may grupo ng mga babae na kaedaran nila ang nakaupo sa katabing bench. Hindi na sana niya papansinin pa ang mga sinasabi nito ng biglang marinig niya ang pangalan ni Elmo. "Girl, hindi ba yan si Elmo?" "Oo yung MVP lagi sa mga liga dito?" "Tagal na niyang hindi bumabalik dito no?" "Oo nga eh, girl, yan ba girlfriend niya?" "Hindi pa ba girlfriend yan eh grabe maglingkisan o..." "Edi sila na. Hanep ang genes." "Wah sayang, pogi ni Elmo. Sana akin na lang siya..." Kakaiba talaga tenga ni Julie. Ang lakas maka pick up. Kaya siguro hanep din siya sa music. Pero hanep din siya sa bulungan. Mahina siyang napatawa dahilan para tingnan siya ni Elmo. "O bakit?" He asked ng napapangiti din. Ang cute kasi tingnan ni Julie habang humahagikhik ito. "Wala... Nakakainis ka kasi. Ang pogi mo daw..." She replied. At dahil sa napatingin na din si Elmo, nagsitilian yung mga babae pero nagiwas lang siya ng tingin. Wala siyang pake sa mga ito, sobrang enough na yung babaeng nasa mga bisig niya ngayon. "Oo nga pala Tantz..." He started. "Hmm?" "Ano balak niyo ngayong undas?" =============== Grabe rin magcamping mga tao kapag undas. Halos hindi makapasok yung kotse nila sa parking ng sementeryo. Napagdesisyunan nila na bandang hapon ang kanilang pagbisita pero hindi rin naman sila magover night. Dasal at saglit na pahinga lang ang plano nila. "Thank you for coming with us Julie." Pat said as she held Julie's hand. "You really are part of the family." Nauna na maglakad papunta sa may mausoleum si Maxx at Saab habang si Frank at Elmo ay kumuha ng mga gamit mula sa likod ng kotse. "Of course Tita. Naaalala ko pa po si tito non. He was so nice to me." Sagot ni Julie habang sabay sila ni Pat na tumapak sa loob ng mausoleum. Pat smiled sadly as she looked at the picture of her husband. Tumingin din si Julie habang nagpahinga si Maxx at Saab sa isang tabi. Napangiti si Julie. Alam niya kung saan nagmana ng kagwapuhan si Elmo. Sobrang Kamuhka nito si tito Ferdz niya. Same eyes, same nose, same lips. Si Frank napagexperimentuhan pa ang itsura eh pero si Elmo talagang carbon copy. Nagsindi ng kandila si Saab bago umupo ulit. Siya namang pasok ni Elmo at Frank na may dalang kaunting pagkain. "Let's pray na?" Pat asked. Tumango naman ang mga anak niya at nagsiupo while she led the rosary. Taimtim na nagkatabi lamang si Elmo at Julie hangga't sa matapos ang pagdasal at nagkwentuhan sila. "Close ka rin ba talaga kay tito Ferdz?" Julie asked Elmo. Nasa may kitchen ng mausoleum sila Pat, Maxx and Saab habang lumabas saglit si Frank dahil may tumatawag sa kanya. Elmo smiled in answer. "Yeah. Hero ko siya. Saka he was such a good dad to all of us kasi walang favoritism, pantay kung pantay and he valued each and everyone of us." Hindi na namalayan ni Elmo pero may luhang tumulo na din sa kanyang muhka. Julie let him face her and wiped down that lone tear before offering a comforting Smile.  "I'm sure he is very proud of you right now." She said before reaching up to hug him Elmo hugged back but then pulled away before facing his father's picture yet again. "Pop, si Julie po... Remember her?" "Hello po tito Ferdz." bati naman ni Julie. Huminga malalim si Elmo bago ngumiti. "Nagkita ulit kami dad. Akalain mo yon? And I fell in love with her. Kaya guide us dad ha? 'Cause I want her to be with me all the way..." Napatingin si Julie kay Elmo. Seryoso ba ito? Bumalik ang tingin ni Elmo kay Julie. "It's true Tantz. I want to be with you all the way." Nahahalata naman niya na muhkang kinakabahan si Julie sa biglaan niyang statement. But it's what is in his heart. Nasa harap pa sila ng puntod ng dad niya kaya mas lalong di siya makapagpigil ng mga emosyon niya. He gripped Julie's hand and kissed it before embracing her. This was sealing the deal for them. "I love you Tantz..." =========
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD