Whipped and Revealed

2304 Words
"Julie nakikinig ka ba sa akin?" "Ha?" Biglang tago naman ni Julie sa kanyang cellphone. "Haay nako!" Pagismid ni Maqui. "Kanina pa ako dada ng dada dito wala naman pala pumapasok diyan sa'yo!" Julie apologetically smiled at her best friend from across the table, they were currently having dinner sa Glorietta. "Sorry Maq, ano ba yun?" Tanong niya. Tiningnan siya saglit ni Maqui para bang sinisigurado na this time nakikinig talaga siya bago nagsalita ulit. "Si Elmo ba dahilan niyan?" Tila nagulat naman si Julie sa sinabi ng kaibigan. "Elmo? What about Elmo?" "Eh kasi hindi nawawala yung ngiti sa labi mo, ako yung nangangalay!" Tumawa lang ng mahina si Julie. "Eh kasi text ng text, uwi na daw ako." "Ay kamo tigilan niya ako ah! Lagi ka na nga niya nasosolo. Hindi ba pwede pagbigyan naman niya ako ngayon?" Kunwaring maktol ni Maqui. Napapout pa ito na lalo namang ikinangiti ni Julie. Tumayo ang huli at lumipat mula sa kinauupuan niya papunta sa tabi ni Maqui bago yakapin ang pinakamatalik na kaibigan. "Ito naman, alam mo naman mas love kita kay Elmo eh." "Talaga?" Maqui asked incredulously. Julie stopped for a minute and chuckled. "Ah, pwede pantay lang kayo?" Hindi kinaya ni Maqui at napatawa na lang. "Shet I'm so happy for you bes..." "Talaga?" Takang tanong ni Julie. "Hindi ka asar na hati na kayo ni Elmo?" "Hindi ako tibo bes no!" "Haha gaga di yun ang meaning ko!" Maqui smiled and reached for Julie's hand across the table. "Look Jules, matagal ko na sinasabing kailangan mo ng boyfriend and I guess if ever magkakaroon ka nga, Elmo's the perfect one for you." She smiled. "Teka nga, kailan niyo ba balak ipaalam sa lahat na kayo na?" "Soon din naman..." Julie answered. Pero kasi totoo na onti pa lang ang may alam. Kahit nga sa f*******: hindi pa niya pinapalitan ang relationship status niya. Pero pareho naman sila ni Elmo na ineenjoy lang kung ano mayroon silang dalawa. Haay Elmo. Ayan napapangiti nanaman siya kapag naaalala niya ang kasintahan. "Nagmumuhka na ba akong tanga sa kakangiti dito?" Nahihiyang tanong ni Julie. Sa totoo lang kasi kanina pa siya hindi makapagpigil dahil sa kakatext ni Elmo sa kanya. "Konti lang naman bes." Maqui laughed. Then she smiled once again at her best friend. "Pero bahala sila kung sino man ang makakita sayo hayaan mo na malaman nila na inlababo ka." "So ganoon talaga ako ka obvious?" "Sabing hayaan mo sila!" Nagtawanan nanaman ang dalawa bago nagsimula magayos si Julie. "Okay ready na ako, ano ba yung sinasabi mo kanina?" "Tinatanong ko kung saan kayo maguundas?" Maqui asked. "Ako babalik kasi ako ng Las Pinas, doon yung lolo ko nakabury..." "Nasa Bacolod kasi nakabury yung lolo at lola ko." Julie started. "Magdasasal lang kami nila mom saka nila Binx." "Mmm... Hindi ka ba sasama kay Elmo? Kasi sila daw nila Frank bibisitahin yung puntod ng dad nila..." "Hep hep!" Sabi ni Julie. Nagulat naman si Maqui sa kaibigan. "O bakit?" "At kailan kayo nagusap ni Frank?" Sa sinabi ni Julie, tuluyang namula ang muhka ni Maqui, muhkang napagtanto na nadulas nanaman ang dila niya. "B-bakit? He's my friend! Bawal kami magusap?" Julie bit the inside of her cheek at hindi napigilan ang mapangiti kay Maqui. "Alam mo ba na ganyan din dati ang pangaasar mo sa akin kay Elmo? At tingnan mo kung saan na kami ngayon..." "Eh magkaiba naman kasi iyon." "Oh and paano naman?" "Well for one si Elmo ang naghahabol sayo." Maqui pointed out. "Paulit ulit ko sinasabi na one sided lang kami ni Frank." Julie shook her head and couldn't fathom what to even say to her best friend. Parang nagbaliktad na ang sitwasyon nila ngayon. Dati si Julie ang hindi matigilan ni Maqui ngayon naman it's the other way around. Biglang tumunog nanaman ang phone ni Julie at napatingin siya sa nagtext. Kunwaring sumimangot si Maqui at hinarap ang kaibigan. "O, si Elmo nanaman yan no? Text mo nga dyan sa boyfriend mo na napakacling--" "Maq..." "What?" "Tara!" "Huh?" Hindi pa natatapos yung paghinga ni Maqui nahila na kaagad siya ni Julie patayo. =============== Tinungga ni Frank ang iniinom na bote ng beer at marahang linapag ito sa may coffee table ng pent house. "Kuya! Wag dyan! Gumamit ka ng coaster!" Elmo yelled. Siya na mismo angkumuha ng coaster sa kanilang kitchen at pagbalik sa may living room ay nakitang natatawang tinitingnan siya ni Kuya Frank. A little weirded out, tumingin si Elmo sa hawak niyang coaster tapos balik kay Kuya Frank. "Problema mo?" "Kelan ka pa masyadong concerned sa table top mo?" Natatawang sambit ni Frank. Elmo frowned and scratched the back of his head bago linapag yung coaster sa harap ni Frank. "Eh ayaw ni Julie eh, masisira daw yung kahoy." "Ay walangya dude, you're whipped!" Hagalpak ng tawa ni Frank habang tinitingnan lang siya ni Elmo ng masama. "Shut up Kuya..." Lalo lang tumawa si Frank pero maya maya ay umti unting sumeryoso ng may bakas pa rin ng ngiti sa kanyang labi. "Ang laking kinabuti sayo ni Julie..." "Talaga? Paano naman?" Elmo asked pero hindi niya napigilan ang kanyang pagngiti. Banggitin lang pangalan ni Julie hinihila na lagi ang mga labi niya para mapangiti. "Kagaya ng sabi ko, you're looking better at hindi ka na nagmumuhkang laging kumakain ng bitter courd." "Bitter courd? Pwede namang ampalaya..." "Eh gusto ko bitter courd walang basagan ng trip." Tumawa si Elmo ng may biglang nagtext sa kanya. Kaagad niyang tiningnan ang telepono at napangiti nanaman. "Si Julie yan no?" Frank asked. Elmo looked at his brother. "Paano mo nalaman?" "Kay Julie ka lang naman ngumingiti ng ganyan..." Well totoo naman. Hindi na sumagot si Elmo sa sinabi ng kapatid at sumagot na lang sa text ng kasintahan. Nginitian niya ang kanyang kuya. "Pauwi na si Julie..." "Is that your way of telling me to scram?" Frank teased habang umiinom ulit ng beer. Elmo shook his head. "Oh no, you need to stay..." "Pwede ba Elmo. Wala ako sa mood makita kayo ni Julie na naglalabing labing." "Gago." Sabi ni Elmo sabay hagis ng mani kay Frank. "Mananahimik ka pagdating ni Julie." "Bakit? Tatapalan niyo ba bibig ko?" "Hindi naman. Baka lang di ka makapagsalita..." Litong lito na si Frank sa kapatid. Ang kulit kasi ayaw pa siya deretsuhin. "Ha?!" "Wala. Uminom ka na dyan!" Tumayo si Elmo para bumalik sa kitchen pero nagpaalala muna. "At linisin mo yung mani!" "Kaw maglinis!" "Bilis na! Lagot ako kay Julie!" Sigaw ulit ni Elmo habang hinuhugasan ang mga baso. Narinig niyang sumigaw din si Frank. "Whipped!!" Elmo smiled to himself. Proud to be whipped kuya... Katatapos pa lang ni Elmo sa loob ng kusina ng marinig niya na tumunog ang bell ng elevator. Nagmamadali naman siya lumabas at sinalubong ang dalawang bagong dating. "Hi Tantz." Julie greeted happily as she stepped inside with Maqui following closely behind her. "Hey..." Ngiti ni Elmo. Lumapit siya kay Julie at ginawaran ito ng matamis na halik. "Aysos ito na nga ba sinasabi ko eh." Sabi ni Frank ng tumayo siya mula sa pwesto niya sa sofa. Julie blushed a deep shade of red while Elmo only smirked. Bumitaw saglit si Elmo kay Julie at hinarap an kapatid sabay tulak nito papunta kay Maqui. "Ui! Ano ba!" "Gusto na daw umuwi ni Maq, Kuya..." Biglang sabi naman ni Julie. "Eh wala siya kotse kaya kung pwede daw pakihatid siya..." Dahil dito nanlaki ang mata ni Maqui. "Uuwi? Akala ko manunuod tayo ng movies??" "Ay sige, Tantz, tabi tayo ha kapag manunuod na ng sine..." Paglalambing ni Julie bigla kay Elmo at yinakap pa ito. "Tara na Maq! Hahatid na kita sa condo niyo! Kinikilabutan ako dito!" Hinawakan ni Frank ang kamay ni Maqui at sabay na silang lumabas ng penthouse. Naiwang parehong tumatawa si Julie at si Elmo. "Ligo lang ako saglit Tantz ah?" Sabi ni Elmo kay Julie. "Ah sige sige, ayusin ko lang yung papanuorin natin..." Umakyat na si Elmo sa kanyang kwarto ng marinig niya si Julie. "Elmo! Bakit ang raming mani dito?!?!" =============== Never inisip ni Julie na magkakaroon siya ng ganitong buhay. Buhay-may-boyfriend. Muhkang kahit hindi kasi siya naghanap biniyayaan lang talaga siya. Thank you po... At kasalukuyang linulutuan siya ngayon ng kanyang "boyfriend". Hanggang ngayon hindi pa rin siya sanay. "It's done!" Elmo announced. Beef stroganoff kuno ang linuto nito para sa lunch nila that Sunday. Ang sarap lang ng feeling na wala ka gagawin ng araw na iyon tapos ang makakasama mo pa eh yung taong mahal mo. Agad agad pinagsilbihan ni Elmo si Julie, getting her a plate of what he just cooked. "Spoiled ako sayo ah." Julie commented. "Mahirap na baka iwan mo ako eh." Pagbibiro ni Elmo sabay halik sa kamay ni Julie. The latter smiled softly at the man. "Hindi ko ata gagawin yun." Nanlambot nanaman ang puso ni Elmo at hindi niya mapigilan ang sarili. He leaned closer and kissed her, nibbling on her lower lip first before kissing her fully. She groaned, reaching out to caress his hair at the back before allowing his tongue to invade her mouth. "Ikaw na lang lunch ko Tantz, mas masarap ka eh." He said, shortly pulling away before diving back in. A distinct ringing caused Julie to slightly push Elmo away. Cellphone pala niya tumutugtog. Sinagot naman niya kaagad pero hindi pa rin nagpapiit si Elmo dahil yinakap naman siya nito mula sa likod at pinupupog ng halik ang leeg niya habang kausap ni Julie ang nasa kabilang linya. Nanlaki mata ni Julie ng makita kung sino ang tumatawag at lalong pinigilan si Elmo. Hello po? Julie! Tita Pat? Tumigil si Elmo sa ginagawa. Buti sumagot ka... I'm inviting you to my birthday tomorrow...dito sa house namin sa Antipolo Oh sige po... Sabay na kayo pumunta ng bunso ko ah. Opo tita masusunod Alright, ingat and see you tomorrow! CLICK Natapos ang tawag at nagkatinginan naman si Elmo at si Julie. Kakaunti pa lang kasi ang may alam na sila na. Muhkang bukas malalaman ma din ng iba pa. =============== "Tantz, kinakabahan ako..." Natawa si Elmo sa sinabi ni Julie. "Bakit naman?" "Eh kasi magkasama tayo ngayon sa ng mama mo. Without them knowing na tayo na." Julie replied. Kakababa pa lang nila ng kotse ni Elmo at papasok na sa malaking bahay ng mga Magalona ng biglang lumabas galing sa loob si Mama Marie. "Anak! Elmo!" Masayang bati ni Marie. Yinakap niya ang dalawa. "Tara hinahanap na kayo sa loob!" Nagpahila naman si Julie sa nanay niya habang si Elmo naman ay nakasunod lamang. Kinuha naman ni Julie ang pagkakataon para pagmasdan ang bahay na kinalakihan ni Elmo. Halatang rich kid ang boyfriend niya, ang ganda ng bahay nila. Pwede na rin tawagin na mini mansion kung tutuusin. Sobrang high maintenance sa loob. Siyempre hindi mawawala ang mga photo na nakapaskil sa dingding. Cute nilang lahat nung bata. Alam naman na ni Julie ang itsura ni Elmo nung bata pero binabalik lang siya sa dati ng mga larawan. "Nasa living room silang lahat..." Sabi ni Marie. "Mosey!!!" Ayun ang bumungad sa kanila dahil patakbong linapitan ni Maxx ang bunsong kapatid at yinakap ito. Nakasunod naman si Saab at yinakap din ang kapatid. Halatang baby pa rin si Elmo ng pamilya. And of course the celebrant. "Hey there Mosey, buti naman hindi ka late." "Happy birthday mom." Elmo smiled as he kissed Pat's cheek. "Tita Happy Birthday po..." Kaagad naman tumingin si Pat kay Julie at hinalikan ito sa pisngi. "And I'm so glad you could make it. I hope Elmo's not giving you a hard time? Share daw kayo ngayon sa penthouse?" Opo tita pati po sa pagtulog sa kama... "Ah yes tita. Masaya naman po siya kasama." "Ay buti naman. Well, hindi pa luto lahat ng food. Saka hinihintay pa natin si Frank." sabi ni Pat. "Mosey show Julie around the house will you? Tawagin na lang namin kayo kapag luto na ang lahat." "Sure mom." Bago pa makapagsalita si Julie ay nahila nansiya ni Elmo palabas ng living room at paakyat naman sa ikalawang palapag ng bahay. Mas spacious sa taas at halatang kakaunti lang ang kwarto. "Saan mo ako dadalhin?" Julie asked habang hinihila siya ni Elmo papunta sa pinaka dulo ng corridor. "To my old room." Elmo answered with a small smile Hindi naman na nagsalita pa si Julie hangga't sa dalhin nga siya sa isang kwarto ni Elmo. She smiled ng makita niya ang laman ng kwarto. Kitang kita kasi na ito ay kinalakihan ni Elmo. Kulay blue ang lahat ng dingding. Not blue like the sky but blue like the waters. Puro poster ng NBA greats at maraming collector's item na mga sapatos. "Hindi nga halata na mahilig ka sa basketball." Julie teased as she stood there in the middle of the room where her boyfriend grew up in. May tinitingnan siyang photo ni Elmo na picture nito nung high school graduation ng maramdaman niyang yakapin siya ng lalaki mula sa likod. She leaned on him too, placing her hands on top of his arms which were around her waist. "Walang pinagbago muhka mo dati no?" "Mas gwapo kaya ako ngayon..." Sabi ni Elmo habang linalapat ang baba sa may balikat ni Julie. "Sige sabi mo yan eh. Pagbibigyan kita kasi birthday ng mama mo..." Balik asar ni Julie. "Ah ganon ah..." "Ah! Elmo stop!" At tuluyan ng humagikhik sa tawa si Julie dahil pinapapak ng halik ni Elmo ang buong muhka niya bago mismong sa labi siya pagsawaan ng halik. "OH MY GOD!" Tumigil si Julie at si Elmo sa harutan at parehong nasindak ng makita na nakanganga si Maxx sa pintuan. "A-ate!" Julie yelled. Bigla namang sobrang lawak ng ngiti ni Maxx. "Sasabihin ko sana na kakain na tayo kaso muhkang busog na kayo both..." =====
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD