Right Where They Are

2740 Words
Ang bango bango. Kumurap-kurap pa si Elmo bago tuluyang nagising. May something na bumubuhay sa senses niya eh. At hindi nga siya nagkakamali dahil ang mabangong amoy pala ay ang buhok ni Julie. Napangiti siya ng mapagtanto na katabi niya matulog ito. It felt good talaga na isang dyosa ang bubungad sayo sa umaga. Nagiging hobby na rin ata niya ang pagtitig dito. He could've been doing that for hours and not even know. Pero after just a few minutes nakita niya na kumukurap kurap na din si Julie. His lips formed a small smile ng makita na nagulat ito pagkakita sa kanya pero hindi naman lumayo. "Good morning Tantz..." He greeted, voice still husky from sleep. "G-good morning." Sagot din ni Julie na medyo namumula na ang muhka. Adorable Julie... just adorable. Hindi pa rin lumalayo si Elmo, mahigpit pa rin na nakayakap sa bewang ni Julie at wala siyang balak tumigil sa ginagawa. "Kanina ka pa ba gising?" Mahinang tanong ni Julie, bed voice pa din siya. Napangiti si Elmo dahil pucha, ang sarap pakinggan sa tenga ng boses ni Julie sa umaga. "Hindi naman... di pa ata nakaka-limang minuto since nagising ka din." Ngumiti lang si Julie at yumakap ng mas mahigpit kay Elmo. Saglit siyang napatingin sa paligid at mahinang natawa. Elmo c****d his head to the side and stared at the lovely girl. "Bakit?" Julie shook her head at first. "We're used to sleeping here in the living room." Tama nga naman siya. Pangalawang beses na nila matulog doon. After clearing things up last night, they settled for watching a comedy on the television and just fell asleep doing so. Elmo smiled in answer before proceeding to nuzzle Julie's neck. Elated. Yun yung feeling niya ngayon umaga. Hindi rin nawawala yung ngiti sa muhka niya. "Tantz, ano ba, hindi pa ako naliligo ang baho ko na." Sabi ni Julie at medyo linalayo pa ang sarili sa binata pero malakas ang kapit sa kanya ng huli. "Ang bango bango mo kaya." Sagot ni Elmo at tinuloy pa ang pagamoy sa leeg ni Julie. "You smell like oranges." Natatawa namang lumapit na lang ulit si Julie. "Di bale Tantz, mabango ka din." Nanahimik naman silang dalawa pagkatapos noon. Parehong satisfied na magkasama lang sila ng umaga na yon hangga't sa nagsalita si Elmo. "You have this effect Tantz..." Napatingala si Julie. "Effect?" "Oo..." Elmo replied. Saglit siyang umayos at napasandal sa likod ng couch. Gumaya din si Julie bago niya ituloy ang sasabihin. "I mean, dati wala ako pake sa gagawin ko, day in day out... just survive, live life. Ngayon, I want to keep doing that, you know, live life with you by my side." Sino ba naman ang hindi kikiligin doon? Umiwas saglit ng tingin si Julie dahil namumula nanaman ang muhka niya pero marahang hinawakan ni Elmo ang kanyang pisngi at pinabalik siya ng tingin. "Where we'll reach, we'll see. Let's start with something small..." Ngiti ulit ni Elmo. Kapag ganoong ngiti ang binigay sayo, hindi mo mapipigilan na ibalik ito. "We'll let it ride then..." Sagot ni Julie. She kissed him on the cheek before standing up. "Let's eat breakfast downstairs?" Tumango si Elmo. Nararamdaman niya na ngumingiti nanaman siya. He was on a high, baka abutin ito ng isang linggo o mahigit! Tinulak siya papasok ni Julie sa loob ng kwarto niya para makapagbihis habang ito naman ay dumeretso sa sariling bedroom. Ng makapagbihis, dumeretso sila sa baba. Elmo took his chance, he grabbed Julie's hand, kissing the back of it first before grasping it tightly in his. Julie turned to him before giving a dazzling smile. Patigil-tigil din ang elevator sa kadahilanang may ibang sumasakay pababa. Dalawang matanda ang sabay na sumakay pababa. They were an old couple who were lovingly looking at each other, not even minding that Elmo and Julie were there. Sa sandaling iyon, napagtanto ni Elmo na ganoon din ang gusto niyang maabot nila ni Julie. Tiningnan niya ulit ang babaeng katabi at hindi napigilan na gawaran ito ng halik sa pisngi. Tila nagulat naman ito dahil biglaang napatingin sa kanya. He smiled sheepishly as she asked with a small smirk; "What was that for?" He shrugged. "Just felt like doing so..." "Weird mo." Julie scrunched up her nose at him. Mahinang tumawa si Elmo at hindi nanaman napigilan ang sarili na halikan ang tungki ng ilong nito. "Tantz ano ba..." Mahinang sabi ni Julie. Napatingin ito sa dalawang matanda na nakatayo sa harap nila pero masyadong pre-occupied ang dalawa sa pakikipagusap sa isa't isa para mapansin ang kaharutan ni Elmo. At dahil sa natutuwa siya, mahinang tumawa lang si Elmo bago hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Julie. Ang cute kasi nito kapag nagtataray. Oh Elmo, you're whipped. Finally nakaabot sila sa ground floor at pinindot naman ni Julie ang open button para makalabas ang dalawang matanda ng walang alinlangan bago sila naman ni Elmo at nag exit sa cart. Magkahawak kamay pa rin sila dederetso sana sa may lobby lounge pero nahagip ng tingin nila si Joyce na may sinusulat habang nasa reception. Nag-angat ng tingin ang kaibigan nila at napatingin ng lumapit sila. And slowly, her chinky eyes started widening to the largest they could muster. Paano, nakita niya kung gaano kahigpit humawak si Elmo sa kamay ni Julie Anne. "Goodmorning Joyce." Bati ni Elmo, may malaking ngiti sa muhka. "S-sir Elmo!" Gulat na sabi ni Joyce. "Ng-ngumingiti po kayo." Onti na lang ay hahagalpak na ng tawa si Julie. Kaloka ito si Joyce... Marahang natawa naman si Elmo at sinagot ang kanyang empleyado/kaibigan. "Masama na ba ngumiti ngayon Joyce?" Pagbibiro niya. "H-hindi naman po." Sagot ni Joyce bago tumingin kay Julie. And from how the latter only nodded and smiled, Joyce finally got what was going on. "Eeeeeeeehhh!!!" Napatingin ang iba pang employee kaya naman tinakpan ni Joyce ang bibig at sinarili saglit ang pagkakilig bago umikot mula sa likod ng desk at pinuntahan ang mga kaibigan. Halos mawala ang hininga ni Julie ng yakapin siya ni Joyce at napabitaw sa mahigpit na paghawak ni Elmo sa kanyang kamay. "Shucks shucks! Kayo na? As in kayo na talaga???" Kinikilig pa rin na tanong ng chinitang babae. Marahang tumango naman si Julie bilang sagot habang hawak hawak ni Joyce ang dalawa niyang kamay. "Eehh! Kinikilig ako! Saka iipunin ko na yung prize ko kay Kris!" Nakakunot ang noo pero natatawang napatanong si Elmo sa sinabi ng kaibigan; "Prize? Anong prize?" Kahit nahihiya, nagkwento pa rin si Joyce. "Paano sabi niya matatagalan pa daw bago maging kayo ni Julie, mga 6 months eh ako sabi ko less so yun pinagpustahan namin hehe! Ibubuffet niya ako nito!" Parehong mahinang natawa si Julie at si Elmo. Lahat ata pinagpupustahan relationship nila? Dati si Ate Maxx saka si Tita Pat ngayon naman si Kris at Joyce. "Well paano ba Joyce, pagyayabang ko muna itong boyfriend ko sa lobby lounge." Sabi ni Julie at tiningnan ulit si Joyce. "Nagbreakfast ka na ba?" "Ah oo sige go go!" Halos magskip pabalik sa likod ng desk si Joyce at kumaway pa kay Julie at Elmo. Bumalik din naman ng kaway ang dalawa bago dumeretso na sa lobby lounge. Pero hindi nakakalimutan ni Elmo ang sinabi ni Julie. "Boyfriend?" He muttered as he looked at the beautiful girl walking beside him. Smiling, Julie bit the inside of her cheek before looking back at him. "Why? Ayaw mo?" "Siyempre gusto!" Mabilis na sabi ni Elmo. Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ni Julie at umaabot hanggang batok ang ngiti bago tinuloy ang paglakad. "Julie!" The couple stopped when they heard the voice and saw another one of their friends. Nakaupo si Tippy sa paborito nilang pwesto sa lobby lounge at mag-isang kumakain. Although ayaw ni Elmo dahil gusto nga niya masolo si Julie, wala siya nagawa dahil nagsimula na maglakad ang kasintahan papunta sa kaibigan. "Tippy! Good morning!" Bati ni Julie. Nakaready ang ngiti ni Tippy para sa kanilang dalawa at kagaya ni Joyce, unti unting lumawak ng makita na magkahawak kamay nila. "Uhm... do I need to know anything?" Tippy teased. Julie laughed softly before gazing up at Elmo who returned her expression. Then they both looked at Tippy. "Kami na..." Lumaki lalo ang ngiti ni Tippy, halatang masayang masaya para sa mga kaibigan. "So wala lang yung nakita namin ni Sam kagabi?" Napatingin naman si Elmo. "Magkasama kayo ni Sam kagabi?" Tippy froze for a moment, realizing she'd just revealed herself. "Uhm... ah, kasi gusto daw niya kumain sa labas kaya ayun, nakita din namin si Julie sa bar and grill na iyon." Umupo naman si Julie at Elmo dahil nagmumuhka silang sira na nakatayo habang kausap si Tippy. Inexplain naman kaagad ni Julie kung bakit si Alden nga ang kasama niya doon at kung paano niya narealize na it was Elmo all along. "That's so sweet!" Tippy chuckled at yinakap pa si Julie bilang pag-congrats. Then humarap siya kay Elmo. "I hope you know you've caught a good one Mr. Magalona." Elmo smiled. "I've known that all along."  Nakakakeso pala talaga ma-inlove. At dahil kanina pa siya kinikilig, iniba na ni Julie ang usapan at hinarap si Tippy. "Wait a minute, so you mean to tell me that you were with Sam last night? Were you dating?" Huli. "Uhm... I d-don't really know." Sagot ni Tippy na namumulang napatingin sa pagkain na nasa harap niya. "I mean, enjoy naman siya kasama e..." "Kapag may ginawang kalokohan yung gagong iyon sabihin mo lang sa akin." Sabi naman ni Elmo. Tumawa lang si Tippy. "Grabe naman. Mabait si Sam ah." "Oo pero marami kalokohan." Ngisi ni Elmo. "So maloko ka din? Magbest friend kayo diba?" Sabi naman ni Julie. Kaagad namang napaakbay si Elmo sa kanya. "Tantz, hindi ako maloko... naloloko lang sayo." Humagalpak ng tawa si Tippy; hindi niya natiis. "Uhm, sorry ah. Hindi ko naexpect kasi na kaya ni Elmo bumanat ng ganyan." Nagtawanan din silang tatlo bago umorder na si Julie at Elmo ng sarili nilang breakfast at saluhan nila si Tippy. Enjoy na enjoy nilang tatlo ang breakfast at kung saan saan din dumadako ang usapan. "Tips, ready ka na ba mag-demo?" Tanong ni Julie. Halatang naexcite si Tippy dahil kaagad itong tumango. "I've been thinking about it Jules and I really want to try this oppurtunity. Minsan lang ito..." Julie smiled. "Game..." =============== "Bakit ka ba sasama?" "Pake mo ba dre eh gusto ko manuod! Ikaw? Bakit ka sasama?" "Gago siyempre girlfriend ko nandoon, siyempre sasama ako!" Balik sigaw ni Elmo. "Saka doon ako nakatira!" "Basta sasama na ako!" Maktol ni Sam sa best friend. Kanina pa sila magbabangayan habang pauwi galing nanaman sa paglalaro ng basketball. That day naka schedule na ang pagrecord ni Julie at Tippy ng demo CD ng huli at sa music room ng pent house gagawin. "Liniligawan mo na ba si Tippy?" Tanong ni Elmo ng pumasok silang dalawa ni Sam sa loob ng Jacinthe Emys hotel. "Obvious ba dre?" Nakangising sagot ni Sam. Tiningnan ni Rlmo ang ponakamatalik na kaibigan ng medyo nakakunot ang noo. "Basta umayos ka ah. Kapag linoko mo si Tippy lagot ako kay Julie at lagot ka sa akin." "Grabe naman dre, wala ka ba tiwala sa akin?" "Eh alam ko kalokohan mong gago ka eh. Basta ah!" Sabi ni Elmo ng sumakay na sila ng elevator. Imbis na mainsulto sa pinagsasabi ni Emo, tumawa lang si Sam. Alam naman kasi niya sa sarili kung ano ang ginagawa niya dati. "Dre iba si Tippy okay?" "Iba? Paano?" "Bukod sa sobrang humble at enjoy makasama, matalino, magaling kumanta at siya na ata pinakamagandang babae dito dre!" Proud na sabi ni Sam at nakatingala pa, as if envisioning Tippy in his mind. Elmo smirked. "Sorry dre, mas maganda ang Tantz ko..." "Hindi dre, maganda si Julie pero mas maganda si Tippy..." "Nope. Julie pa rin..." "Tippy..." "Julie..." Tuloy tuloy pa rin ang bangayan nila hanggang sa bumukas ang elevator doors. Hindi na kailangan alamin ni Elmo kung nasaan si Julie, sa pwesto pa lang nila naririnig na niya na may tumutugtog ng gitara sa music room. Hinarap niya si Sam at tinapik ito sa balikat. "Dre, make yourself at home, puntahan ko lang si Julie..." Sam lifted both thumbs up and offered a smile before comfortably sitting on the couch. Mabagal na naglakad si Elmo papunta sa music room at narinig ang pagkanta ng kasintahan. Darling I will be loving you 'till we're seventy And baby my heart could still fall as hard at twenty three I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Grabe. Totoo ba ito? Girlfriend niya ang may napakagandang boses na kumakanta. Mahal siguro siya talaga ni Lord at nabiyayaan siya ng ganoon. Lumapit pa si Elmo at tahimik na binuksan ang pinto ng music room. At ayun, nakatalikod sa kanya si Julie habang tumutugtog. Thinking out loud Maybe we found love right where we are Nakangiti siyang lumapit dito at ginawaran ng halik ang leeg nito. Tumigil si Julie sa ginagawa at nakangiting hinarap si Elmo. "What's with all the neck kisses?" She asked as she settled her guitar down and stood up to wrap her arms around his neck. "Sige wag na lang sa neck dito na lang..." And before Julie could even react, Elmo had already captured her lips with his own. Julie laughingly tried to pull away but Elmo held her closer and deepened the kiss. They were getting a bit hot and heavy when a loud clearing of the throat forced them to pull away. "EHEM!!" Napatingin silang pareho at nakitang naatawang pinagmamasdan sila ni Tippy sa may pintuan. "Do that later love birds..." Siya namang dating ni Sam galing sa likod ni Tippy. Julie blushed crimson red. Si Elmo naman ay lumapit kay Tippy at nakipagbeso bago mahinang sinuntok si Sam sa braso. "Tara na Sam! Tutulungan mo ako magluto ng meryenda natin!" Sabi ni Elmo. "Dre di ako marunong magluto!" "Tutulungan mo lang ako! Di kita paglulutuin baka masunog yung pent house!" Hindi naman na makareklamo si Sam dahil kinaladkad na siya palayo ni Elmo. Lumapit naman si Tippy at bumeso kay Julie. "Let's do this?" Ngiti naman ni Julie. "Ano ba repertoire natin?" Nagusap ang dalawang babae at napagusapan ang mga kantang ibibida sa demo CD ni Tippy. "Uh, I wanted to try this song I wrote, okay lang ba?" Tippy asked. Nakapwesto siya sa may piano habang hawak hawak ni Julie ang gitara niya. "Oo naman, let's hear it..." Sinimulan ni Tippy ang pagtipa sa teklada hangga't sa nabubuo na ang melody nago siya simula kumanta. Pinanuod naman ni Julie ang kaibigan at maya maya ay napapikit dahil sa dinadama niya ang kanta. Para siyang dinadala sa ibang lugar, yun nga lang narerealize niya na may kalungkutan ang mga lyrico. Natapos si Tippy at nakita pa ni Julie na napapunas ito ng luha. Agad agad naman siya lumapit at hinawakan pa ang kamay ng kaibigan. "Tips..." "I'm sorry, that was about my boyfriend..." Sabi naman ni Tippy. Kahit papaano minahal din naman niya kasi ang ex niya. Julie comfortingly placed a hand on Tippy's shoulder. "Don't worry, Tips, buti nga sinulat mo iyang kanta. Doon mo malalabas." Tippy half-sobbed and half-chuckled. "Nakakainis kasi bakit naaalala ko pa siya." "The wounds are still fresh... pero magmomove on ka din." Julie gave a comforting smile. Nandyan naman si Sam eh. Tiningnan siya ni Tippy. "Thanks Jules. Buti naniniwala ka sa happy endings." Ngumiti ulit si Julie at hindi namalayan na tuloy tuloy siyang nagsasalita. "Dati wala ako paki sa happy endings kung magkakaroon man ako, ngayon meron na." Tippy chuckled and smiled. "I'm guessing you're talking about Elmo..." "Ganoon ba ka-obvious?" Natatawang sabi ni Julie. Tippy nodded. "I'm happy for you Jules, you look like a woman in love." "I am..." Balik ni Julie. Tapos tumayo siya at nag set up ng mic sa harap ni Tippy. "Game, kelangan na natin ipakita sa buong mundo kung gaano kagaling si Tippy Dos Santos!" ================ AN: Hello people of the world!! Sa mga typos, I'm sorry mwahaha! Thank you po sa lahat ng nagvovote and nagcocomment at nagbabasa! You guys give me my drive! Please continue! Arigato gozaimasu! Kamusta naman ang love dovey feelings ng dalawang bida? :D idadamay ko na din si Sam at Tippy kasi kinikilig ako sa kanila :P malapit na din si Frank and Maqui <3 Spread every bit of love! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD