Feeling Good

1431 Words
Tantz, saan ka na? Sa totoo lang ayaw itext ni Elmo si Julie. He didn't want to pressure her or anything. Baka kinailangan lang niya mag overtime... o baka iniiwasan niya talaga ako? Ang gulo gulo na ng buhok niya. He kept running his hands through his hair in nervousness. Nakaupos siya sa harap ng dinner table at tinititigan ang pagkaing linuto niya. Lumalamig na ito. Tiningnan niya saglit ang phone niya at bumungad nanaman ang muhka ni Julie habang nakangiting nagp-piano. At kahit nababahala ay napangiti nanaman siya. He never thought he'd be this guy. Yung tipong gagawing wallpaper ang babaeng mahala niya... Shit... napatigil siya sa naisip. Mahal ko si Julie. Tinago niya ulit ang phone niya sa bulsa at tumayo para uminom ng tubig sa kusina. Hihintayin kita Tantz. =============== Sobrang liit lang nung cafe. Actually hindi siya cafe, more of a bar a grill ang type. Julie made her way inside at nagiingat dahil muhkang marami na ang lasing kahit ala siyete pa lamang ng gabi. s**t alas syete na... Binilisan niya ang paglakad hanggang sa narating niya ang isang table kung saan nakaupo si Alden at si Mr. Mendez. "Ui Jules you made it!" Halos umabot hanggang bumbunan ang ngiti ni Alden pagkakita kay Julie. Napatango lang ang huli at binigyan ang dalawang lalaki sa table ng maliit na ngiti. "Join us Julie Anne, makikita mo na siya..." Sabi ni Mr. Mendez habang pinapaupo si Julie sa gitna nila ni Alden. Dito na nagtaka si Julie. "Akala ko po nagperform na kanina yung isc-scout?" Nagkibit balikat naman ang dalawa. "We were misinformed, apparently ngayon pa lang magsisimula yung set niya." Napailing naman si Mr. Mendez. "Onti na lang yung magagaling na artist dito. Yung mga nauna kanina wala. Walang dating." Maliit na napangiti si Julie. She couldn't wait to start recording with Tippy at maisigaw sa buong Pilipinas ang kagalingan nito. Pero hindi iyon ang ipinunta niya dito. Sako naman na nagpaalam si Mr. Mendez na may kakausapin sa labas. Masayang hinarap ni Alden si Julie at hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay. "Jules, thank you at pumayag ka makipagdinner..." Julie tried to hide her sigh at unti unti ding linayo ang kanyang mga kamay. She saw how Alden's smile faltered at lalo siya nahirapan. "Alden, uhm..." Paano niya ba ito sasabihin? "Do you really like me?" She hesitantly asked. Marahang napangiti naman si Alden. "Jules, what's not to like? You're smart, you're kind, talented, not to mention really beautiful." Sinubukan itago ni Julie ang pagbuntong hininga niya. =============== "So dito mo talaga ako dinala ha?" "Baka masyado ka kasi sanay sa mga sosyal na lugar, this place... well nasa gitna lang." Napangiti si Tippy sa kasama at relax na umupo sa upuan. Agad naman tumawag si Sam sa isang waiter at umorder sila ng makakain pati na in ng beer. "Baka lalasingin mo lang ako ah?" Pagbibiro ni Tippy habang tinitingnan si Sam. Sam only chuckled at hindi napigilan na tumitig kay Tippy. Normal lang ang reaksyon ni Tippy na maconscious at mapablush. Dumiskarte na si Sam simula nung nagkita sila sa gym, linakasan na niya ang kanyang loob at inaya lumabas kasama si Tippy. Laking tuwa na lang niya ng pumayag ito. "So paano ka nagsimula sa pagkanta?" Tanong ni Sam, nginingitian si Tippy. "I don't know... Disney kid kasi ako." Tippy explained. "Ayon so kakanuod siyempre nakikikanta ako at natuwa naman sila mama, they enrolled me in voice lessons." "Kaya pala napakaganda ng boses mo." Ayan namumula nanaman ang muhka ni Tippy. "Bolero ka rin talaga..." "I'm just telling the truth..." Sam said with a handsome smirk. Umiwas ng tingin saglit si Tippy dahil siya mismo kinikilig. Pero sa pagiwas niya ng tingin, hindi niya aakalain na may makikita siya. "Sam..." "Yup?" Napaangat naman si Sam ng tingin at nakita na sa left nakatingin si Tippy. Sinundan din naman niya ang tingin ng ka-date. "Isn't that Julie? Who is she with?" Tanong ni Tippy na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaibigang music producer. Hindi makapagsalita si Sam. Lumaki ang mata niya sa nakita. Alam niya na hindi pa si Julie at si Elmo pero kahit ganoon naguguluhan siya kung bakit ganoon nakikita niya. "Tips excuse me lang ah." Tumayo si Sam at kaagad kinuha ang cellphone sabay tawag sa bestfriend. It took a few rings bago sumagot si Elmo. Hello? Dre? Sam? Bakit? K-kamusta naman kayo ni Julie? O-okay naman, magdidinner sana kami dito sa penthouse but she's not here yet... Uh dre... ============= Inayos na ni Elmo yung pagkain na linuto niya. Hindi rin naman siya kumain at hindi rin naman siya nagugutom. Gusto lang niya magmukmok. Okay lang naman sa kanya na maghintay. Kaso si Alden ang kasama ni Julie magdinner. Tinawagan siya ni Sam at sinabi ko ano ang nakita. Kaya naman pala wala pa si Julie. Iba ang pinili nitong kasama. Ng malinis na niya ang dinner table, nagbihis siya sa kwarto at dumeretso siya sa couch at napiling manuod ng t.v. para lang sana dalawin siya ng antok at ng mawala naman yung sakit sa dibdib niya. Ang lakas ng blow. Kung hindi man siya sisiputin ni Julie sana nagtext na lang ito. Pero mas masakit yung fact na si Alden ang pinili nito... ============== Masayang napapangiti si Julie sa sarili habang pasakay ng elevator ng Jacinthe Emys. Tumingin siya sa wrist watch at nakitang 8:30 na. Nako... Halos hindi pa nagbubukas yung elevator doors pero agad nakalabas si Julie. Bumungad sa kanya ang bukas na TV sa living room at isang muhkang pagod na Elmo Magalona na natutulog sa couch. Marahang lumapit si Julie at hindi napigilan ang sarili na haplusin ang muhka ni Elmo. Napaka peaceful kasi nito. Pero sa ginawa niyang iyon, agad nagising si Elmo. Pareho sila napatingin sa isa't isa ngunit magkaiba ang ekspresyon. Si Elmo; gulat, si Julie; masaya. "Tantz, nakatulog ka na diyan, akala ko ba magdidinner tayo." Nakangiting sabi ni Julie. Umayos ng upo si Elmo at nalilitong nakatingala kay Julie na nakatayo sa harap niya. "Tantz, anong ginagawa mo dito? Akala ko kasama mo si Alden?" Saglit na nanlaki mata ni Julie bago siya umupo sa tabi ng manliligaw. Magkaharap sila ngayon ni Elmo. "Paano mo nalaman yon?" Tanong ni Julie. "Sam told me, nandoon din siya sa lugar na iyon kung san kayo nagdinner ni Alden." Hindi ineexpect ni Elmo pero nakita niya na napangiti at napailing si Julie. "Yeah I was at the bar..." So totoo nga... "...I was there because I told Alden to stop courting me." Napatingin naman si Elmo sa gulat. "What?" "Si Maqui kasi eh..." Natatawang sabi ni Julie then turned serious. "She kept telling me to give Alden a try kasi ang daya daw na mas kaunti yung time na kakilala ko siya." Hinawakan niya kamay ni Elmo. "Tapos bigla ko narealize na kahit kababata kita, we just saw each other again at yung time na magkasama tayo kaunti lang din..." Hinayaan naman ni Elmo si Julie na magpatuloy magsalita. "...Pero that short amount of time? Okay na sa akin. Parang, I didn't need more. Kumabaga, yung kakaunting time na kasama ko Alden tapos itutumbas doon sa kakaunting time na nagkasama tayo, magkalayo talaga." This time nakangiti na si Julie at hinihigpitan ang hawak kay Elmo. "Unfair talaga kasi, bakit ko pa hahayaang ligawan ako ni Alden when in the end ikaw lang ang gusto ko manligaw sa akin?" Feeling ni Elmo sa moment na iyon? feel niya tumalon. He felt like skipping around the hotel like a happy school girl and wouldn't care about anyone seeing. "Does this mean..." Elmo breathed. He caressed Julie's right cheek. "Does this mean you'll be mine?" Ngumiti si Julie. "Patatagalin ko pa ba?" Elmo chuckled. Kung pwede lang forever niya maramdaman yung ganitong feeling. "Allow me to do this Tantz." He held her face and moved closer, softly pressing his lips to hers. She breathed, taking him all in before wrapping her arms around his neck, playing with the hairs on the back of his head as she kissed back. Elmo smiled as they pulled back, but it wasn't enough and not nearly two seconds did he swoop down to capture her lips yet again making sure his tongue was able to slip inside and she reciprocated although her movements still unsure. Only one thought was on both of their minds; This feels so good. ================= AN: whoo dahil good vibes ako sa twitter kahapon! yay! :D spread the love! thank you po for reading! hope you comment and/or vote! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD