May sasakyang biglang tumigil sa labas ng bahay. “Mama’s here,” parang gatilyo sa akin ang sinabi ni mama para gumilid ako kay papa. Nagulat ako nang makita ang lola ko kasama ang dalawang tita ko na kapatid ni mama. May apat akong tita at isang tito dahil halos puro babae ang anak ni lola. “Mama,” unang sinalubong ni mama si lola kasama ni papa. “Camya, Phians.” Natutuwang sabi ni lola. Maliksi pa ito at malusog kahit puti na ang buhok. “How are you mama?” tanong ni papa habang nagmamano kay lola. “Mabuti naman ako hijo. Malakas pa!” Natawa si papa sa sinabi nito. “Camya!” Matigas na pagkakasabi ni tita Reca kay mama. Bumati ang mga magulang ko sa kaniya kasunod ni tita Joecel. Silang dalawa ang kasama ni lola ngayon. Kung titignan, para silang mababait but I know the truth. I know

