Kinaumagahan, dinalaw ni lola ang mga Galvez. Umabsent pa ako sa klase para samahan siya. Nakasuot ako ng jeans at damit ni Grant na naiwan niya sa bahay. I wanna give him assurance to this. Nakita ko si yaya Abe na nagdidilig ng mga halaman. Sa hindi kalayuan, nakita ko si tito Everen at tita Maricel. “Tita,” tawag ko sa kanila. Sa likuran ko ay naroon sina mama at papa kasama ng aking dalawang tita. Malaki ang ngiti sa labi ni tito at sinalubong kami. “Hindi ko inaasahan ang pagdating ninyo ma’am though I’m glad you visit us.” Gumala ang mga mata ko sa bahay nila para hagilapin si Grant ngunit hindi ko siya nakita. “Thank you at pumayag kayong pumunta kami.” “Wala pong ano man, Donya Esperanza. Ako at si Everen ay natutuwang makilala kayo.” “Kay gandang bata nitong si Maricel, hi

