Lumabi ako matapos nang pag-uusap namin ni Grant. Hindi ko na rin siya mahagilap, hinuha ko ay umalis na. Tumingin ako kay mama at nagulat nang makitang nakatingin pala siya sa ‘kin at mukhang pinapanood ang reaction ko na busy kaka-text kay Grant. Natapos ang pag-uusap na iyon na masaya ako. Bahala na si lola diyan basta masaya ako. “Kapilan, samahan mo muna si Rett sa labas at kakausapin ko lang ang mga magulang niya.” Ano na naman kaya ang balak gawin ni lola? Nagkatinginan kami ni Rett. Nauna siyang umalis sa akin na walang pasabi. Parang wala naman siyang reklamo sa lantarang pagpapares sa amin ni lola. Sa labas ng bahay, naabutan ko si Rett na napahinto at nakatingin sa labas. Nang tumabi ako sa kaniya, nakita ko si Lucy na kausap si Grant. Ang kamay nito ay nakapatong sa bali

