Chapter 5

1114 Words
Nilalantakan ko ngayon ang chocolate eggs na bigay ni tito Evren. Nandito pa rin ako sa bahay nila at nanonood ng TV. Dumating si yaya Abe dala ang meryenda kaya dali-dali akong kumuha. “Tulog pa po ba si Rett, yaya?” “Naku, Kapilan. Tulog pa ang batang ‘yon.” Napalabi ako dahil wala naman pala akong magagawa dito. Nang mailapag ni yaya ang meryenda ay agad na rin itong umalis. Naiwan ako sa sala ngunit biglang dumating si Grant. Sinamaan ko siya nang tingin. Umupo lang siya sa tabi ko at nag si-cellphone. “Pwede bang huwag ka dito sa tabi ko umupo? Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo.” Hindi siya nakinig, mas lalo pa niyang isinandal ang likuran niya sa sandalan. “Hindi ka ba nakikinig?” nagsisimula na rin akong mainis sa kaniya. “Masakit ang ulo ko,” iyon lang ang sinabi niya na para bang iyon na ang sagot kung bakit ayaw niyang umalis sa tabi ko. “E ano naman ngayon? Mukha ba ‘kong gamot?” Hindi na siya sumagot ngunit nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Inirapan ko lang siya at tahimik nalang din na nanoon ng TV. “Prince, heto na po ang-’’ Napatingin ako kay yaya Abe nang marinig ang sinabi niya. Sinong Prince? Natigilan si yaya habang nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Grant na walang emotion ang mata. “I mean, Grant. Heto na ang pinapakuha mo.” Ani ni yaya at ibinigay kay Grant ang isang envelop na kulay ginto. Bakit tinawag ni yaya si Grant na Prince? Prince Grant ba pangalan niya? Baka naman nagkamali lang ako ng dinig. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Dahil nauuhaw ako, tumingin ako sa mesa para kumuha ng maiinom ngunit hindi ko gusto ng juice. Gusto ko ng soda. Tatayo na sana ako para kumuha no’n nang iabot sa akin ni Grant ang soda niya. “Drink this,” aniya. Tinignan ko lang ‘yon at kinuha saka inirapan siya. “Captain,” tumigil ako at humarap sa kaniya. Ever since, he’d been calling me captain. “KA-PI-TA-NA!” Pag ko-correct ko. “Captain.” Sumimangot ako. Sinasadya ba niyang inisin ako? “Bakit ka ba gawa-gawa ng pangalan ko?” Naiinis na sabi ko at saka ininom ang soda “Kung ayaw mo, baby then…” agad kong nailuwa ang soda sa sinabi niya. Napaubo ako dahil doon. Nang makabawi, agad kong sinamaan nang tingin si Grant na prente lang na nakaupo at seryosong nakatingin sa ‘kin. “Huwag ka ng magsalita Grant. Pwede?” “Why do you hate me?” tanong niya. “Tanungin mo sarili mo! Nakakabwesit kasi ‘yang mukha mo.” Naiinis na sabi ko. “You’se so harsh! I’m kind,” Agad akong napabaling sa kaniya dahil sa sinabi niyang I’m kind. Saang parte sa katawang lupa niya ang kind? Jusmaryosep! “Huwag mo ‘kong kausapin, Grant.” Napailing nalang siya at tumahimik sa tabi ko. Maya-maya pa ay bumaba si Rett, nakasuot ito ng pambahay at ma pormang-maporma. “Oh, saan ka pupunta Rett?” tanong ni tita no’ng papunta si tita sa gawi namin. “Lucy is here, mom. Sunduin ko lang.” Sinong Lucy? Nakita ko na sabay na tumingin silang dalawa sa direction ko. “Sinong Lucy?” nagtataka kong tanong. Ngumiti si tita sa ‘kin at lumapit. “Lucy is just his fr-’’ “She’s my girlfriend.” Pinutol ni Rett si tita. Girlfriend? May girlfriend na si Rett? “I gotta go, mom.” Sabi nito at nagmamadaling umalis. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. “I’m sorry, Kapitana.” Malungkot na ani ni tita sa ‘kin. Tipid lang akong ngumiti sa kaniya at tumayo. “Uuwi na po ako, tita. Salamat sa meryenda.”Sabi ko. “Dito ka na maghapunan. Ipapahatid naman kita kay Grant mamaya.” Ngumiti ako at umiling na. “Naku, huwag na po. Ayos lang po, tita.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Umalis na ako at nagdiri-diritso sa labas ng bahay nila. Bago pa man ako tuluyang makadaan sa gate nila ay may humila na sa akin at basta nalang ako kinaladkad sa hindi ko alam. Nang tignan ko kung sino ito, nakita ko si Grant na seryoso ang mga mata habang hawak-hawak ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta lang niya ako hinila. Doon sa malapit sa abandonadong bahay, pumasok kami doon ni Grant at sa likuran no’n, may nakita akong kabayong puti. Namamangha akong tumingin doon at natutuwa nang makalapit na kami. Pero kailangan ko na talagang umuwi. Agad akong hinawakan ni Grant sa magkabilaang bewang at inangat pasakay sa kabayo. Napatili pa ako sa biglaang ginawa niya. Nanlalaki ang mga mata ko nang matagumpay niya akong naisakay sa kabayo. Oh my God! Nakaya niya akong kargahin? Sa bigat kong ito? “Hindi ka ba nabibigatan?” tanong ko. Umiling siya. “Sanay na akong magbuhat ng mga dumbells.” Sumimangot ako sa sinabi niya. “Sinasabi mo bang dumbell ako?” Imbes na sagutin ay pinitik niya lang ang noo ko. Sinamaan ko siya nang tingin, ngunit agad lang din naman niyang isinuot sa akin ang cowboy hot. “Bakit may kabayo ka? Marunong ka mangabayo?” “Mangabayo? Sa anong pangangabayo?” nagtataka niyang tanong. Agad ko siyang nasapak dahil umiiral na naman ang kagaspangan ng ugali niya. Hayup talaga ‘tong si Grant. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya natigilan ako. Aba! Napaka expensive ng tawa niya ah. May class. “You better clear, cap. Marunong akong mangabayo dito…” Naramdaman ko ang paglapit niya sa tenga ko … “at mangabayo rin sa kama…” Agad na uminit ang pisngi ko saka kinapa ang tenga niya at piningot. “Tinatanong mo kanina why I hate you? O heto ang dahilan.” Naiinis na turan ko ngunit tinawanan lang niya. Ewan, nababaliw na siya. “Uy, uuwi na ako.” Sabi ko. Hindi siya nakinig at basta lang niya pinaandar ang kabayo niya kaya napahawak ako ng mabuti sa reins. Tang.ina! Grant! Natatae na ako. Hindi ko alam kung saang lupalop na ito ng kalupaan ng Galvez. Hindi ako makapagsalita dahil sa bilis ng takbo ng kabayo ni Grant. Hindi naman ako natatakot dahil mahigpit ang hawak ni Grant sa ‘kin. Ngunit iyong simpleng hawak niya ay naglulumikot na. “Grant, bakit sa bo0bs ko na ikaw nakahawak?” tanong ko. Imbes na makinig, naramdaman ko nalang na mas humigpit ang yakap niya sa akin. “You’re just imagining, captain.” Mahinang bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD