Chapter 6

1176 Words
“Grant, bakit may kabayo ka?” Nagtataka kong tanong. “Is this from Rett?” dagdag ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Hindi ko na alam kung saan kami papunta. Basta nalang ako dinala ni Grant sa likuran doon sa abandonadong bahay at nagulat ako dahil pumasok kami sa isang bush. Akala ko ay kweba ang pinasukan namin but nagkamali ako dahil may falls sa likuran ng bush. Nalukot ang mukha ko nang maramdaman na malapit na talaga. “Grant, uwi mo na ako.” Pagsusumamo ko sa kaniya. “For what? Para umiyak?” natunungan ko ang pagkainis sa boses niya. Bakit naman ako iiyak? Jusko! “Grant, natatae ako. Anong iiyak ang pinagsasabi mo?” Natigilan siya at hininto ang kabayo na sinakyan namin. “Pakiusap, e uwi mo na ako dahil kanina pa ako natatae..” Napapikit ako ng may lumabas na hangin sa pwet ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at napatingin kay Grant na halos hindi na humihinga para lang hindi malanghap ang utot ko. “That’s for eating a lot, captain.” Naiinis na ani ni Grant at dali-daling bumaba sa kabayo niya para makalayo sa akin. Bakit ba kasi ayaw niya akong e uwi kanina? At bakit naman niya nasabi na iiyak ako? “Ang arte naman nito!” Sabi ko at bumaba na rin. s**t lang talaga! Natatae na ako. Humanap ako ng pwedeng maupuan at nang makita ang malalaking damo sa gilid ay tumakbo ako doon. Hindi ko na mapipigilan ang tawag ng kalikasan. Ibinaba ko ang panty ko at doon na inilabas lahat ng sama ng loob ko. “I bought this for a million of dollars para lang gawin niyang banyo. Great! Just great!” Bulong bulong ni Grant na hindi ko marinig. “Anong binubulong-bulong mo diyan, Grant?” sigaw ko. Tinignan niya lang ako ng masama kaya sumimangot ako. Shit! Ang baho! Nang mailabas ko na lahat ay doon ko lang napansin na wala akong tissue. “Grant!!” Tawag ko ulit kay Grant. Tumayo siya at lumapit sa akin na kunot ang noo. “Wala akong pang linis, Grant.” Nalukot ang mukha niya at tila ay hindi alam ang ibig kong sabihin. Nasa malapit siya at sa mukha ko lang nakatingin. Subukan niya lang tumingin sa baba at baka mapatay ko siya. “Iyong pang ano sa pwet. Wala!” Nag-aalala kong sabi. Nang ma realize niya ang ibig kong sabihin ay agad siyang umalis. Hala! Iniwan ba niya ako? Isang minuto na ang lumipas at saka pa bumalik si Grant na may dalang tabo. Agad siyang pumunta sa falls at kumuha doon ng tubig. Pabalik balik siya doon hanggang sa malinis ko na ang sarili ko. Tumalikod si Grant nang tumayo ako para itaas ang panty ko. Lumapit ako sa kaniya nang nakangiti. “Salamat,” malapad na sabi ko. Tumingin si Grant sa pinagbawasan ko kanina at nalukot ang mukha. “Ang arte mo naman!” Komento ko nang mapansin ang reaction niya. Doon lang ako lumapit sa falls nang nakangiti. “Ang ganda pala dito Grant!” Namamangha kong sabi. “Alam ba ni Rett ito? Kasama ba ito sa property nila?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa akin. “Bakit?” nagtataka kong tanong. Umiling siya at lumapit sa akin. “Let’s swim and forget Rett for a while.” Seryoso at madiin na aniya. Iyong boses niya. May something sa boses niya na nagpatayo sa balahibo ko sa katawan. Hindi na ako nakasagot nang hawakan niya ako sa kamay at hinila papalapit sa falls. “A-Aaw ko maligo, Grant!” But it was too late dahil hinila na niya ako sa tubig kaya nabasa ang damit ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Ngunit mukhang hindi siya apektado. Lumamlam ang balikat niya. “You’re pretty, captain.” Nabigla ako sa sinabi niya. Ni hindi ko na nga namalayan na nahubad na niya ang zipper ng dress ko sa likuran. Basta nalang niya hinubad ang dress ko at hinagis ito sa mga bato. Naka underwear lang ako at hinubad na rin niya ang damit niya pang itaas. Ang lamig dito ngunit nag-iinit ako lalo’t sa mga tinginan ni Grant na tila hinahalukay ang kaluluwa ko. “Let’s swim!” Naiilang na sabi ko at tumalikod sa kaniya para lumangoy papalayo ngunit napatili ako ng hawakan niya ako sa braso at higitin paharap sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko at papagalitan na sana siya nang siilin niya agad ako ng haIik sa labi. Sinubukan ko siyang itulak ngunit mahigpit ang hawak ni Grant sa kamay ko. Hanggang sa nadadala na ako sa haIik niya. Nilulunod ako ng mga labi niya. Mas lalong naging mapusok si Grant at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan. Pumikit ako ngunit naalala ko si Rett. Tumigil ako at bahagya siyang itinulak. “Stop, Grant!” Mapupungay ang mga mata niya. Lasing na lasing sa halik na pinagsaluhan namin dalawa. Umatras ako at umahon sa ilog. “Gusto ko si Rett, Grant. Pasensya ka na. Hindi kita maaaring magustuhan.” Sabi ko at kinuha ang dress na nahubad niya kanina at isinuot. Maling mali na hinalikan niya ako. Maling mali talaga. Nilingon ko si Grant at hindi na siya nakatingin sa akin. Doon lang sa falls. Likod lang niya ang kita ko. Naglakad ako paalis, pauwi sa bahay namin. Sandali lang kami nagkasama ni Grant. Hindi pwedeng magustuhan niya ako at alam kong hindi ko siya magugustuhan dahil tanging si Rett lang ang pinangarap ko sa buhay. Dahil malapit lang ito sa bahay namin ay agad akong nakauwi. Kinausap pa ako ni mama bakit daw basang basa ako e wala namang ulan. Hindi ko na siya nasagot at pumasok sa kwarto ko. Naligo nalang ako sa shower room at hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko. Nang matapos ay, hindi na ako nag abalang maghapunan at humiga nalang sa kama. Hinintay kong datnan ako ng antok. Bakit ba kasi ako hinalikan ni Grant? Nakakainis. Hindi sana ako namo-mroblema ngayon. E bakit naman namo-mroblema? Pabayaan na nga. Sinubukan ko nalang ipikit ang mga mata ko, hoping na makatulog ako. Ngunit nang mapadako ang mata ko sa bintana, nakita ko na naman ulit ang kulay green na matang iyon. Nakatitig sa akin. Hindi ko alam bakit pero mukhang malungkot ito. Mata lang niya ang tanaw ko dahil masiyado ng madilim ang kwarto ko. Surprisingly, hindi ako nagulat o nangamba. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi ako nakaramdam ng panganib kahit pa sabihing nakatitig ito sa akin. Umupo ako sa kama para buksan ang ilaw ngunit nang balikan ko nang tingin iyon, wala na. Tumayo ako para puntahan ang kinatatayuan no'ng nagmamay-ari ng mata. At nakita kong basa ang semento na kinatatayuan nito. Naisip ko si Grant ngunit naalala ko na iba ang kulay ng mata niya. At ang tanging may berdeng mata na kilala ko ay si Rett lang at wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD