Bumalik ako sa pagtulog at winala nalang sa isipan ko ang nakita ko. Kinabukasan, pumunta ulit ako sa bahay ni Rett. Una kong nakita ang babae na makinis at maganda. Nakaupo siya sa may veranda at kinakausap sina tita. Siya ba si Lucy? Ang ganda naman pala niya. Ang ganda pa ng katawan. Unlike me na mataba. Nanliit ako bigla at parang ayaw ng tumuloy ngunit nakita ako ni tito Evren at tinawag niya ako. “Kapilan!” Pinilit kong ngumiti nang makita na lahat na sila ay nakatingin sa amin. “Halika dito hija,” sabi ni tito. Nahihiya man ay hinakbang ko ang paa ko papalapit sa kanila. “Lucy, this is Kapilan. Rett’s childhood friend.” Napatingin ako kay Lucy at nakitang lumaki ang ngiti nito sa akin. Nagagalak siyang makita ako. Tumayo siya at lumapit sa akin. “Heto pala si Kapilan. Palagi

