Gabi na at nasa labas pa ako ng kwarto ko dahil kinausap ko si manang na magluto muna para makakain si Grant. Hindi ko rin alam kung bakit naging instant nanny niya ako for today’s video. “Sige po ma’am. Ipapahatid ko po kapag naluto na ang pinapaluto niyo.” Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nakitang tulog na tulog pa si Grant. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya saka kinapa ang noo niya. Hindi na naman siya mainit. Pero nagtataka ako kung bakit may sugat siya sa balikat niya at mukhang hindi alam ni Rett ang tungkol sa bagay na ito. “Sisingilin talaga kita ng mahal dito Grant.” Bulong ko at binasa ang towel para mapalitan ang towel na nasa noo niya. Nang masigurong maayos na siya ay lumabas ako ng bahay para isampay ang towel na ginamit ko para sa kaniya ngunit nagulat ak

