Mahigpit ang hawak ko sa kama matapos ng ginawa ni Grant. Nakahiga siya sa gilid ko at ako naman ay pilit pinapakalma ang sistema ko. Mali ito. Bakit ba ako nagpadala? Agad akong umupo, hindi magawang tignan si Grant. Aalis na 'ko. Bag lang naman ang kukunin ko. Tumayo ako kahit na nanginginig pa ang mga hita ko. "Where are you going?" nanindig ang balahibo ko nang marinig ang boses niya sa likod ng tenga ko. Hawak niya ang kamay ko, pinipigilan ako na umalis. "Uuwi na ako." "What? No. You stay." Ano? Nababaliw na ba siya? Lumingon ako sa kaniya ngunit mukhang mali yata na lumingon ako dahil ang lapit lang ng mukha niya sa mukha ko. Nagkatinginan kaming dalawa kaya agad akong napaiwas nang tingin at tumayo. "Aalis na a-ako, Grant." "Gabi na." "Uuwi pa rin ako." Tumalikod ako

