"Oh? Himala yata na nasa bahay ka? Walang trabaho si Rett ngayon." Bored kong tinignan si mama. Nagkakape siya ngayon kasama ni papa habang ako ay nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. "Bawal sa bahay tumambay, ma?" narinig ko ang mahinang pag tawa ni papa bagay na ikinasimangot ng mama ko. "Sa kagaya mo, oo. Alam mo bakit? Kasi alam naman ng mundo kung gaano ka ka obsess kay Rett." "Mama naman! Baka nakakalimutan mo na anak mo 'ko." "Hindi. Kaya nga alam ko ang takbo ng butsi mo bata ka." Alam ko na kung saan nagmana ang kuya kong walis tingting. Bakit ba pilit niya akong pinapapunta kila Rett? Ayaw ko doon. Nandoon si Grant. Matapos ng mukbangan namin sa kwarto, nakakatakot na mangyari ulit iyon. Tanda ko pa ang sinabi niya na mauulit pa ang nangyari sa amin dalawa. "Ma'am, nandit

