Pinilit kong bawiin ang kamay ko na hawak niya ngunit ayaw naman niyang bitawan. Naiinis ko siyang tinignan ngunit nakangiti ang loko habang nakatingin sa dinadaanan namin. Nanggigil ako sa pagmumukha niya. Gusto ko siyang suntukin. “Bitaw!” Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin. Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ayaw niya talaga. “She’s nothing to me. Stop being jealous.” Sandali akong napatigil at natulala sa sinabi niya. Ang kapal naman ng apog ng lalaking ito. Tumigil ako ngunit dahil hawak niya ang kamay ko at patuloy siya sa paglalakad kaya nadadala ako. Wala akong nagawa kun’di ang sumunod din sa kaniya. “You’re cute,” tumingin ako sa kaniya ng nakakamatay habang siya naman ay nasa unahan ang tingin at parang masaya pa nga. “Alam ko. Excuse me!” Malditang sab

