Chapter 1

1908 Words
“Kainin na sana ako ng lupa!!” Umiiyak na ani ni Kap habang nasa kama siya at nagpagulong-gulong. Ilang sigaw at tili na ang ginawa niya sa kwarto dahil sa kahihiyang ginawa sa bahay ng mga Galvez. Buong akala niya ay nahaIikan na niya si Rett ngunit hindi pala. “Waahh! Sayang ang first kiss ko!” Umiiyak na aniya habang nakahawak sa labi niya. Gumulong pa ulit siya sa kama at napaupo. “At muntik ko ng isuko ang vIrginity ko!” Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at niluwa doon ang kapatid niyang si Philip. “Kapilan Katana! Paki-usap, huwag kang mag hasik ng lagim dito. Parang lumilindol sa palapag na ‘to!” Kunot noong sabi ni Philip. Nanlisik ang mata ni Kap at nagmartsa palapit sa kuya niya at agad itong itinulak sa labas. “Huy! Magdahan-dahan kang baboy ka!” Sabi ni Philip dahil natutulak siya ni Kap buhat sa mas malakas ito kesa sa kaniya. “E ano naman ngayon? Maganda naman!” Aniya at malakas na pinagsarhan ito ng pintuan. “Hoy! Buksan mo ‘to! Baboy ka talaga!” Sabi ni Philip na nasa labas ng pintuan at pinagkakatok ang pintuan sa kwarto ni Kap. “Ang epal ng stick na ‘to. Kala mo naman ang gwapo,” bubulong-bulong na sabi ni Kap habang pabalik sa kama niya. Humiga siya ulit sa kama at iniisip ang kaganapan pagkatapos no’ng malaman niya na hindi pala si Rett ang lalaking ‘yon. ----------- Malakas na sumigaw si Kap at naitulak niya si Grant. Nahulog ito sa kama kaya napapikit si Grant sa sakit na sinapit ng likuran niya. ‘She’s damn strong!’ Komento ni Grant sa kaniyang isipan. “Ang manyak mo!!” Galit na sigaw ni Kap at agad na binato si Grant ng unan habang tinatakpan ang malulusog na dibdib gamit ang malaman niyang kamay. Laglag ang panga ni Grant habang nakatingin sa kaniya. ‘how did it even my fault?’ Nagtataka niyang tanong sa sarili habang walang buhay na nakatingin sa babaeng sigaw nang sigaw na tila ba ay pinagsamantalahan niya. “Gagahasain mo ‘ko no?” Hysterical na sigaw ni Kap. Halos hindi na niya alam ang gagawin. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Grant. Tumayo siya at pinagpag ang dumi sa damit niya. “Bakit nakatayo ka?” Bored siyang tinignan ni Grant. “Sinong ‘ka’ ang nakatayo na tinutukoy mo?” Sandaling natigilan si Kap at prinoseso ang tinanong ni Grant sa kaniya. Then, bumaba ang paningin niya sa shorts nito. Doon, sa mismong shorts, may bukol doon. Sumigaw ulit siya! “Ang bastos mong hin*yupak ka! Bakit nakatayo ‘yan?” Sumigaw ulit si Kap kaya nabubulabog na ang mga tao sa bahay. “Hindi ko ‘to kasalanan. Ikaw ang pumasok sa kwarto ko. You were the one who pushed me in the bed, you were the one who kissed me, and you were the one who rubbed-’’ “Tang.ina! Tumigil ka na diyaaaaan!” Namumula ng sabi ni Kap at saka tumayo. Kumuha siya ng dalawang unan at galit na naglakad palapit kay Grant. But Grant’s eyes wandered to Kap’s cleavAge. Malakas siyang sinapak ni Kap gamit ang dalawang unan sa mukha nito. “Mister, your eyes need a holy water!” Sabi niya at nag-martsa palakad paalis sa kwarto nito. Nadatnan niya ang mga katulong sa labas na nakatingin sa kaniya. Labis na hiya ang dumapo sa kaniyang katawan kaya nagmamadali siyang bumaba ngunit ang nadatnan naman niya sa ibaba ay ang lalaking siya sanang sadya niya. Si Everett “Rett” Galvez na malamig na nakatingin sa kaniya. Natulala sandali si Kap. Tumigil sa harapan ni Rett. “Ahm- Rett,” Tinignan lang siya ni Rett mula ulo hanggang paa saka sinalubong ang paningin niya. “Nakakahiya ka,” sabi nito at tinalikuran siya. ------------------- Lumabi si Kap at tumayo ulit. Naglakad siya papalapit sa salamin at tinignan ang sarili. “Ang pangit ko ba?” tanong niya sa babaeng nakikita niya sa salamin. “Hindi naman ako pangit ah,” sagot niya rin. “Mataba nga lang ako,” mahinang dagdag niya habang malungkot na nakatingin sa sarili sa harapan ng salamin. Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Kap at saka nagtungo sa drawer niya para kunin ang suklay. Sinuklayan niya ang medyo wavy niyang buhok, at habang ginagawa niya iyon ay biglang pumasok sa isipan niya ulit ang lalaking inakala niyang si Rett. Biglang nalukot ang mukha niya. Nanggigil na tumayo siya at nagmartsa palabas ng kwarto niya. “How dare him! Mapapatay ko ang lalaking iyon oras na makita ko siya..” Mga binubulong-bulong niya habang tinatahak ang hagdanan pababa. Nakatingin lang siya sa binababaan, hindi tinitignan ang nasa unahan. Nang nasa huling baitang na siya ay nagulat siya nang may paang huminto sa harapan niya. Kunot noo siyang bumaling sa nagmamay-ari ng mga paa na ito at nanlalaki ang mga mata niyang makita ang lalaking walang emotion na nakatingin sa kaniya. “Ikaw!!” Dumagundong ang boses ni Kap kaya agad na napalingon sa kaniya ang mama at papa niya na nasa lamesa at kumakain. “Kapitana! Bakit ang ingay mo?!” saway ni Camya, ang ina ni Kapitana. “Ma! Bakit nandito itong lalaking ito?” gulat na gulat na tanong nito sa ina habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Grant na siya namang walang emotion na nakatingin sa kaniya. “Pizza…” Natigilan si Kap at napatingin sa pizza na nasa harapan niya. “And flowers,” dagdag pa nito. Ilang beses napakurap si Kap at naguguluhang tumingin sa mukha ni Grant. ‘Kay Rett ba galing ito?’ Dahan-dahang kinuha ni Kap ang bigay ni Grant sa kaniya. Galit pa rin siya sa lalaki but na o-over power ng gulat at kilig niya sa mga pasalubong ni Rett sa kaniya. “Kay Rett ba ‘to?” namumulang tanong ni Kap kay Grant ngunit tinitigan lang siya ni Grant. “Tell your boss na salamat,” sabi nito. Tumango lang si Grant at tumalikod saka nagmartsa paalis sa bahay ng mga Fabroa. Agad na nagtutumalon si Kap at lumapit sa mga magulang niya habang tumitili. “Ma!!! Si Rett, binigyan niya ako ng flowers..” “Ikaw’ng bata ka. Kumain ka na dito.” Sabi ni Camya sa anak. “Puro ka nalang crush. Kumain ka na dito,” striktong turan ni Phians sa anak. Phians and Camya Fabroa ang siyang mga magulang ni Kapitana na matagal ng kaibigan sa mga Galvez. Alam rin nila ang mga pinaggagawa ng unica hija nila kay Rett at pinabayaan lang nila lalo’t dito masaya si Kap. "Pa naman, crush lang naman e." Pinitik ni Phians sa noo si Kapitana kaya mas lalong sumimangot ito. "Tigil-tigilan mo 'ko, Kapilan." Sumimangot si Kap at hindi na sumagot sa ama. "By the way, ma, pa, kilala niyo ba ‘yong lalaking iyon?" tanong ni Kap sa mga magulang patukoy kay Grant. "Yeah. He's Grant Pabelico." Sagot ni Camya na busy kakahiwa sa baka para ibigay kay Phians. That scene, na lihim nagpangiti kay Kap. "Paano niyo siya nakilala? I mean, taga saan ‘yon? Bigla nalang kasi siyang sumulpot dito e." Sabi ni Kap at kumuha ng steak saka sinimulan itong hiwain. "He's here last week. Hindi mo lang nakita kasi busy ka sa school. But since, summer na ngayon, so you'll have the chance to know him more." Ngumiwi si Kap dahil wala siyang planong kilalanin si Grant. 'That prick! After he took advanatage of me!' "Grant is a nice kid." Komento ni Phians. "Sinabi mo pa, Hon." Sang-ayon ni Camya. 'Ano bang pinakain no'ng lalaking iyon sa parents ko at mukhang kuhang kuha na nito ang loob nila? Hays.' Habang kumakain ang tatlo, dumating si Philip. "Itong tabachoy na 'to, kanina pa maingay." Sumimangot na binalingan ni Kap ang kapatid. "Tumahimik ka ngang gurang ka!" Angal niya. "Kayong dalawa ang tumahimik at malilintikan kayo sa 'kin." Pagbabanta ni Camya sa dalawang anak. Tumahimik ang mag kapatid. Umupo si Philip sa tabi ni Phians at kinuha ang box ng pizza. "Nawalan na ako ng gana!" Sabi ni Kapitana at kinuha ang Pizza na bubuksan na sana ni Philip. "Akin ito!" Aniya nang tignan siya ng kuya niya at nagmartsa paalis. 'Talaga bang binigyan ako ni Rett nito?' tanong ni Kap sa sarili habang may ngiti sa labing binabaybay ang kwarto niya. Hindi niya mapigilang tumili kaya sinaway siyang muli ng kuya niyang kontrabida sa buhay niya. Dapit-hapon, inayos ni Kap ang buhok niya at ang bagong dress na kakabili lang ng mama niya. Habang pababa siya ay nakasalubong niya ang kuya niyang nakangising nakatingin sa kaniya. "Ba... Aba! Saan punta natin?" She bathing her eyelashes sa harapan ng kuya niya at umikot ikot pa. "Maganda ba kuya?" tanong ni Kap. Nilagay ni Philip ang kamay niya sa baba nito at kunwari nag-iisip. "Medyo naman. Parang baboy na inayusan lang." Agad na kumaripas ito ng takbo ng akmang sisipain siya ni Kapitana. "HAYOP KA TALAGANG WALIS KA!!" Sigaw ni Kap sa kapatid na halos mamatay na sa kakatawa. Inis na lumabas siya sa bahay nila. Sa labas, nakita niya si Rett, naka-cellphone habang nag ja-jog. Agad na tumakbo si Kap at hinabol si Rett. "Rett!!" Tawag niya dito. Nilingon siya ni Rett at nang makita na siya ang tumatawag dito, agad na nilagay ni Rett ang earphone sa tenga at binilisan ang pag takbo. "Rett.. Baby... Sandali, hindi naman na jog 'yan!" Hinihingal na sigaw ni Kap kahit pa ilang metro pa lang ang tinakbo niya. "Rett, tekaaaaa!" Sigaw niya ulit. Tumakbo pa rin si Kap dahil hindi tumigil si Rett at sa hindi inaasahang pangayayari, natapilok siya kaya nadapa siya. "Aray!" Aniya. Pawisan at ngayon ay mahapbi na ang tuhod at siko niya. Nakita niyang dumugo ang galos niya na nakuha ngayon. Lukot na lukot ang mukha niya. "Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?" tumingala si Kap at nakita ang nakadungaw na pawisang si Rett. Kunot ang noo nito at hingal na hingal. "Rett," imbes na umiyak ay sumaya pa si Kap sa nangyari sa kaniya. ‘Oh my Gosh! Rett is here!’ Tinulungan siya ni Rett na tumayo ngunit hindi niya mahila si Kapitana dahil sa bigat nito kaya imbes na maitayo niya si Kap ay pati siya sumobsob sa kalsada. Nataranta si Kapitana dahil sa nangyari kay Rett. Ngayon, kinakabahan na siya sa reaction ni Rett dahil baka hindi na siya pansinin nito kailanman. Binalingan siya ni Rett. Kunot ang noo at nanlilisik ang mga mata nitong kulay berde. "Hala, Rett! Pasensya na!" Nag-aalalang sabi ni Kap. "Huwag ka kasing kain nang kain. Ang taba-taba mo e." Ani ni Rett. Natahimik si Kap at bahagyang nasaktan sa sinabi ni Rett sa kaniya. "Pasensya na-" "Whatever. Hold my hand." Sabi nito at nilahad ulit ang kamay niya sa harapan ni Kap. Kinuha ulit ni Kap ang kamay ni Rett and this time, naitayo na siya ngayon. "Umuwi ka na sa inyo. Huwag mo muna akong istorbohin ngayon dahil marami akong iniisip." Sabi ni Rett at tumalikod ulit sa kaniya saka tumakbo paalis. Napahawak nalang si Kap sa damit niya at tinignan si Rett na lumalayo na sa kinatatayuan niya. Iniwan siyang tulala at may galos. Habang nakatingin si Kapitana kay Rett, hindi niya namalayan na may isang pares ng paa ang palapit sa likuran niya. "Let me treat your wounds."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD