Chapter 2

1972 Words
Kapitana “Let me treat your wounds.” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na naroon si Grant, ang lalaking tila naka gluta dahil sa sobrang puti. Walang emosyon na nakatingin sa akin. ‘Ano na namang ginagawa niya dito?’ Ngumiti ako, “thanks but no thanks,” auto switch mode agad into stoic face saka siya inirapan at nagmartsa paalis sa harapan niya. “You're bleeding,” napadungaw ako sa tuhod ko. May dugo nga saka in fairness mahapdi. Humarap ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Anong meron ka?” tinignan ko muli ang siko ko, pati ito may galos sa bandang tuhod. “Meron akong lahat na wala sa ‘yo.” H-Huh? Ano daw? Sinamaan ko siya nang tingin. Hindi ko alam kung pinagloloko ba ako ng bwisit na ‘to o ano. “Ako ba pinagloloko mo?” “Why would I do that?” walang kabuhay-buhay niyang sagot. Naglakad siya papalapit sa ‘kin at kinuha ang kamay ko. Pati kamay niya ang lamig saka ang puti, parang walang dugo. “Nilaklak mo ba ang gluta?” Imbes na sagutin ay sinamaan niya lang ako nang tingin at kinaladkad sa gilid kung saan may abandonadong bahay. “Huy! Nakakatakot diyan! Baka mamaya may multo diyan.” Kumunot lang ang noo niya at hindi nakinig. Hinila pa rin niya ako sa loob. “Huy! Plano mo ba akong ipakain sa mga momo diyan?” I’ve heard plenty of stories about that abandoned house e. Sabi nila may mga nagpapakita daw na multo dito. May mga batang umiiyak at minsan nga ay may humihingi pa ng tulong. Maggagabi pa naman. “Ako ang kakain sa ‘yo.” Huh? Ano ulit? Anong sabi niya? “Anong sinabi mo?” “Walang kakain sa ‘yo.” Ulit niya. Iyan ba ang sinabi niya kanina? Parang hindi e. “We’re here. Umupo ka,” wow. Makapag utos ah? Umupo nalang ako at nag tingin-tingin sa paligid. Ang dilim nga dito saka nakakatakot ang ambiance. Ayaw ko pa naman sa mga kagaya nito. “Ano bang meron ka diyan?” hindi pa niya sinasagot ang tanong ko kanina. I was referring to his first aid kit kasi kung wala siyang betaDine at alcohol lang, ipapainom ko nalang sa kaniya ‘yan lahat. Ayaw ko sa alcohol dahil mahapdi. Binuksan niya ang first aid kit at nakahinga ako ng malalim ng may nakita akong betad*ne. “Taga saan ka ba?” tanong ko trying to open up some conversation. “Taga diyan lang sa tabi-tabi,” aniya. Sinamaan ko siya nang tingin. Masipa ko ‘to ng wala sa oras. “Bakit ka napadpad dito?” “Naglakad,” tipid na sagot niya. Hindi ko napigilang hilahin ang buhok niya kaya napatingin siya sa akin. “Ako ba niloloko mo?” “No. You asked and I answered your questions.” “Kung ganoon naman pala mga sagot mo edi huwag mo nalang ako sagutin. Naku! Nanggigigil ako sa ‘yo.” Ewan. May mga tao talagang pareha ng utak sa kapatid kong walis tingting. Ang sarap nilang ipakain sa buwaya. “Linisin mo na nga ang sugat ko!” Naiinis na ako. Tinaasan niya ako ng kilay. Aba e bakit? Siya naman nagsabi na gagamutin niya sugat ko kaya manigas siya. Maya-maya pa ay lumingon ako sa bahay. I wonder kung sinong may-ari nito. Sayang kasi ang ganda pa naman. Spacious at mukhang ayos pa naman tirhan. Madumi nga lang. “Sino kayang may-ari nito? Sino sa tingin mo?” Buhay pa kaya may-ari dito? “Huy! Sino?” tinignan niya lang ako at binalik ang paningin sa ginagawa. Kumunot ang noo ko sa inasal niya. “Bakit ayaw mo ‘kong sagutin?” “You want me to answer you?” hindi ko alam kung naka drugs ba ‘tong loko na ‘to o sadyang trip niya lang sirain ang hapon kong sira na? “Malamang! Nagtatanong ako e,” “But you told me earlier na huwag ka nalang sagutin.” Ngumiti ako ng maluwag. Lumanghap ng sariwang hangin. Pasensya… Pasensya Kap. Habaan mo pasensya mo… Osto ko magmura. Please lang, umalis ka na diyan at mukhang sa presinto kahihinatnan mo dito. Tumayo ako, nang nakangiti.. Pasensya Kap.. Pasensya.. Habaan ang pasensya. “Where are you going? Hindi pa ako tapos.” Habaan mo ang pasensya mo Kapitana.. Ngumiti ka lang. Langhap ng sariwang hangin. “Captain!” Tumigil ako at humarap sa kaniya. Napakamot siya ng batok niya at hindi makatingin sa akin nang diritso. “The next time you run, please wear a sports bra and leggings.” Huh? Anong kinalaman no’n ngayon? “Your legs are white.. Your bo0bs are bouncing..” W-What? Humanap ako ng bagay na pwedeng ibato sa kaniya dahil kanina pa ako bwesit na bwesit sa kaniya. Nakahanap ako ng bato kaya agad kong kinuha ito but no’ng tignan ko siya ay wala na siya sa harapan ko. “GRAAAAAAANT!!!!” ---------- Sa bahay, gigil na gigil ako habang hinihiwa ang pork steak. Kanina pa nangyari iyong sagupaan namin ni Grant pero heto’t iyong dugo ko ay kumukulo pa rin sa kaniya hanggang ngayon. “Baboy! Bakit mo naman pinapatay nang paulit-ulit ang kapatid mo?” napatingin ako sa pork steak na hinihiwa-hiwa ko at sa kapatid kong malakas mang asar! “Please lang walis tingting. Hindi maganda ang araw ko kaya huwag mo ng durugin pa.” Sumimangot siya nang marinig ang tawag ko sa kaniya. Pinakita niya sa akin ang muscle niya na ikinalukot ng mukha ko. “Anong walis tingting? See this muscle? I’m a man!” “Nasa hapag-kainan tayo. Huwag kang bastos. May pork dito, huwag mo ng ibandera ang bones mo. Wala ng papapak diyan.” Sinubo ko na lahat ng nasa plato ko at umalis. Ang sarap nilang pag-untugin no’ng hay*p na Grant na ‘yon. Nang nasa kwarto na ako ay agad lang akong naligo. Matapos ay lumabas ako na hubo’t hubad. Tumingin ako sa salamin. Dumako ang paningin ko sa fats ko. “Kaya ba ako hindi nagugustuhan ni Rett dahil mataba ako?” pinagsawalang bahala ko nalang at nahiga sa kama ko para matulog. In-off ko ang lampshade saka napatingin sa ibabaw. Ano kayang ibibigay ko kay Rett bukas? At isa pa, bakit and cold niya pa rin sa ‘kin? Binigyan na niya ako ng flowers e. Ewan. Bahala na nga! Pumikit ako para matulog but it feel so strange dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Minulat ko ang mga paa ko, at sa may bintana, nakita ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin. Am I dreaming? I’m sleepy.. But ang ganda ng mata. It must be a bird. “Your eyes are beautiful….” Kinabukasan, agad akong napabangon at napatingin sa bintana. I remembered the sea green paired of eyes na nakatingin sa akin. Or antok lang ako kaya nag ha-hallucinate na ako? Bababa na sana ako nang maalala si Rett. “Oh My God! Rett’s eyes are green!” Oh my! Si Rett ba ‘yon? No. It’s a bird. I’ll ask him myself later. Nagmamadali akong maligo para puntahan si Rett sa kanila. Pero bago ‘yon, gumawa muna ako ng love letter para sa kaniya. Nagsuot lang ako ng loose white dress para kahit papaano, maitago ko itong fats ko. Pagkababa ko, naabutan ko si kuya, naroon siya sa sofa, nakaupo at nanonood ng SpongeB0B. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Heto na naman kami, magbabangayan na naman kami. Bwesit talaga siya sa buhay ko. “Oras na makarinig ako ng salita galing diyan sa bunganga mo, hindi talaga ako magdadalawang isip na ipasok diyan ang tsinelas ko.” “Ito naman. Wala pa ngang sinasabi e.” Inirapan ko lang siya at dumiretso sa kusina para kumain. Mabuti at hands-on si mama dahil kahit umaalis sila ng maaga ni papa ay may makakain pa rin kami. “Princess, ang kinakain sa umaga dapat iyong light meal lang. Hindi iyong umaga pa lang ay kumain ka na ng crispy pata, menudo at dalawang bowl ng rice.” Anong light meal? “Excuse me mister walis tingting.. Ang kinakain sa breakfast dapat iyong heavy meal. Hindi ka ba nag ri-search? Ang sabi ng expert, heavy breakfast to make a good start to our day.” Sumimangot siya at piningot ako ni kuya. “ARAY AH!” “Tawag ko sa ‘yo, princess pero tinawag mo ‘kong walis tingting?” Ah ganoon ah. “Gusto mo ng away? Fight me!” Itinaas ko ang sleeve ng dress sa braso ko at itinaas ang dalawa kong kamao na animo’y handa na sa bakbakan sa kaniya. “Ayaw ko ngang makipagsuntukan sa ‘yo. Ang baboy mo e.” Aniya at akmang babatukan ko siya nang bigla siyang kumaripas ng takbo papalabas ng bahay. “By the way, ang ganda ng maternity dress mo. Ilang buwan ka ng buntis?” Jusko! Unang tao yata na mapap*tay ko ay kapatid ko pa. Mabuti at umalis na ang loko dahil kung hindi pa, kanina ko pa siya nabogbOg. Nang matapos akong kumain ay saka ako lumabas at nagtungo sa bahay ng mga Galvez na malapit lang sa amin. Una kong nadatnan si Rett na nasa labas ng bahay nila, nakaupo habang nagka-kape. Lumapad ang ngiti ko at agad na tumakbo palapit sa kaniya. “RETT!!” Tawag ko ngunit hindi siya lumingon. Lumapit ako sa kaniya at huminto mismo sa harapan niya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko. “HOLY s**t! KAPILAN!” Nalukot ang mukha ko sa mura niya. Grabe si Rett sa ‘kin amp. “Pwede ba huwag kang basta-basta lumapit sa ‘kin?” lumabi ako at umupo sa tabi niya. “Anong ginagawa mo Rett? Bakit ang lalim ng iniisip mo?” Hindi siya sumagot kaya sumilip ako sa laptop niya. Nalukot ang mukha ko nang makitang puro data iyon sa hindi ko alam. “Busy ka na sa negosyo niyo. Hindi kita masiyadong nakikita no’ng may klase ako.” “Malamang! Wala ako dito.” Ang sungit niya talaga pero ayos lang kasi gwapo naman. Hihi “Rett, saan ka kagabi?” tumigil siya sa ginagawa at kunot noong nakatingin sa akin. Ka-kulay nga ng mata niya iyong sa bintana. Sana si Rett ‘yong kagabi at hindi ibon lang. “Sa inyo. Bakit?” Hala! Si Rett nga ‘yon. “Wala naman. Hehe.” Ikaw Rett ah. Kunwari ka pa! Gusto mo naman pala ako. Magsasalita na sana ako nang biglang lumabas si Grant. May hawak siyang papeles at ibinigay kay Rett. “Ito na ba lahat?” tanong ni Rett. “Yes, sir.” Lumingon si Grant sa akin, tinaasan niya ako ng kilay. Ba-ABA! Pero in fairness, maganda rin kulay ng mata niya. “Cognac,” wala sa sariling sabi ko. “Pardon?” aniya na sinimangutan ko lang. “Ang panget mo!” Sabi ko inirapan siya ulit. His eyes are in the shade of cognac. Alam ko dahil marami akong collections ng contact lens lalo’t isa iyon sa business ni mama. Kumuha siya ng upuan. Akala ko ay uupo siya sa kabilang side ni Rett ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papalayo kay Rett at saka niya inilagay ang upuan niya pamalit sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. Nang makita kong tumayo si Rett para sagutin ang tawag sa phone niya ay agad akong nagmartsa palapit kay Grant. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kaniya, tumayo na siya at lumingon na siya sa akin kaya natigilan ako. “You belong there, away from Rett.” Seryosong aniya na ikinalaglag ng panga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD