Chapter 3

1286 Words
Kapitana Tumaas ang kilay ko pagkatapos niyang sabihin 'yon. "Anong sinabi mo?" pinagsingkitan ko siya ng mata. Imbes na sagutin ay tinalikuran niya lang ako. Ang bastos ah! "Kapilan!" Napatingin ako kay Rett na seryosong nakatingin sa akin at kay Grant. Hawak na niya ang cellphone niya at mukhang tapos na siya makipag-usap sa kakilala. "Come with me," malamig na aniya at nauna siyang maglakad sa akin papunta sa loob ng bahay. Ngumiti ako at excited na sumunod sa kaniya. "Annoying!" Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Grant. Problema nito? "Mas annoying ang mukha mo!" Naiinis na 'ko sa kaniya. "Faster!" Agad akong tumalima nang marinig ulit ang sigaw ni Rett sa loob. "Wait lang bebeloves!" Sigaw ko. Hinarap ko pa ulit si Grant na seryoso at madilim na nakatingin sa akin. Pinagsingkitan ko siya ng mata at inirapan saka kumaripas ng takbo. "You better behave. Nandito ang parents ko at hinahanap ka nila." Masungit na pagkakasabi ni Rett no’ng makalapit ako sa kaniya. Pinalobo ko ang pisngi ko sa kaba. His parents are here. Hala! Ayos lang ba itong istura ko? Nauna nang maglakad sa akin si Rett. Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya. Ngumiti ako nang sa unang tapak ko palang sa sala nila ay nakita ko na ang mga magulang niya. "Oh my! Kap is here!!" Nakangiting sambit ni tita Maricel habang nakatingin sa akin. "Hello po tita," nahihiya kong sabi. Nag wave pa ako sa kaniya at ngumiti. Kunwari dalagang mahinhin tayo ngayon kahit napaka balasubas kong kumilos. "How are you hija? You're so beautiful." Nahiya naman ako bigla sa papuri ni tita. "Hindi ba Rett? She's beautiful!" Tumingin ako kay Rett, bini-blink ko pa ng ilang beses ang eyelashes ko sa harapan niya. Mabighani ka sa alindog ko, Rett. But hindi nangyari. Nakita kong natawa siya. "Stop that. You look like a flirty pig." Sumimangot ako. Wow ha! Ang sakit. "Rett! Your manners!" Saway ni tita. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga. "Come on, hija. Huwag mo nalang pansinin iyang si Rett." Kinuyog ako ni tita sa mesa at pinaupo. "Join me here," sabi nito sa akin. Napansin kong wala si tito Evren. Nasaan kaya siya? Napatingin ako sa mesa at maraming pagkain. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko kasi kakakain ko lang e. "Busog pa po-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko no'ng may naglapag ng manggo float sa mesa. Shet. Naglaway ako bigla. Weakness ko pa naman ang Mango Float. Pero no, andito si Rett. Hindi dapat niya makita kung gaano ako ka-mabasiba sa pagkain. May naglapag ulit ng buko pie sa gilid. Lalo akong natakam. Sino ba kasi iyong lagay nang lagay ng pagkain sa mesa? Nati-tempt ako e. Nang lingunin ko kung sino itong nasa gilid ko, nakita ko si Grant. Siya ang naglalagay ng mga pagkain sa mesa. Bakit ba siya lagi nakakasalumuha ko lately? "Ang dami naman niyan!" Natutuwang ani ni tita. "Thank you, Grant." Tumango lang ito at umalis. "Who ordered this? Rett?" nagtatakang tanong ni tita habang nakatingin sa maraming pagkain sa mesa. Hindi pala si tita nag order nito. Wow. Halos lahat favorite ko. "Anyway, let's eat." Ay bahala na! Kakain ako. Natatakam ako e. Kumuha na ako mango float at nilantakan ito. Hays. Dagdag fats na naman ito. So kinakausap lang ako ni tita about school ko habang kumakain kami. Bata palang ako ay close na talaga ako sa kaniya. Halos siya na nga ang ikalawang mama ko dito kaya open na open ako sa bahay nila. Habang nag-uusap kami ay halos naubos na namin ang pagkain na nilapag ni Grant-ay mali, naubos ko na pala kasi ako lang isa kumain ng lahat ng 'yon. Habang patuloy na nagsasalita si tita sa journey niya sa Japan, biglang tumunog ang phone niya. “Excuse me, hija.” Nang nag excuse si tita ay agad akong tumakbo sa kusina dahil walang tao doon. Oh my God! Ang dami ng nakain ko. Tumalon talon ako para exercise dahil sa dami ng sweets na na intake ko. Ano ba naman kasi itong mga pagkain na'to e. Ang hirap e resist. Nang hindi pa ako satisfied sa pa talon-talon ay gumulong-gulong pa 'ko. "1 2 3 4 5 6 7 8, 8 7 6 5 4 3 2 1..." Patuloy lang ako sa ginagawa ko at sa pagbibilang. Nagpapapawis ako. Nang hindi pa rin ako satisfied ay tumuwad tuwad na ako para lang ma stretch ko itong bewang ko. "Bend more," "AY PUSANG PALAKA!!" Gulat na nasambit ko nang may marinig akong boses sa likuran ko. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Grant, nakasandal sa lababo, nakakrus ang kamay, at taimtim na nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" hininaan ko ang boses ko. Jusko! Para akong aatakihin sa kaniya. "Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba 'ko? Manyak ka ba?" nakita kong nalukot ang mukha niya. "I was here the whole time before you enter." Seryoso niyang sabi, madilim ang mukha habang sinasalubong ang mga mata ko. "Hay0p ka talaga Grant! Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka?" gusto ko na siyang kalbuhin actually. "Why would I do that?" aniya at ngumisi. Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. “I am enjoying the show here.” Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ang bastos mo! Anong nakita mo?” teka! Bakit ko pa tinanong? “Your bo0bs. It’s bouncing. Can I touch it?” napakurap-kurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? And he asked that innocently. Really? Hindi pa ba siya nakahawak ng boobs? And hey, why am I even curious? “Gusto mong masampal?” uminit na ang mukha ko dahil sa topic namin ngayon. “Would you slap me?” H-Huh? Tinatanong niya ‘ko? Of course. Hindi ba ginagamit ng lalaking ‘to ang braincells niya? Meron pa ba siya no’n? “Hindi ko alam kung nakadrugs ka ba o hindi o ano. At oo Grant, sasampalin talaga kita oras na hawakan mo ang bo0bs ko.” Bakit ba boobs ko ang topic namin? “That’s sad. I just wanted to touch it. It’s big and kinda soft.” Jusko! Tulungan niyo po ang bunganga ng lalaking ito at mukhang tinakasan na ng bait. “Umalis ka Grant hangga’t nakakapag-timpi pa ako!” Mahinahon kong sabi. Mabait pa ako sa lagay na ‘to. Nagkibit balikat lang siya at naglakad palapit sa direction ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Tumigil siya sa harapan ko at dumungaw doon sa boobs ko. “May nakahawak na ba niyan?” Kumuyom ang kamay ko. Pinilit kong ngumiti kahit iyong dugo ko ay umaakyat na sa ulo ko. “Seryoso ba ‘yang tanong mo?” nanggigigil kong tanong sa kaniya. Tumango naman siya na para bang hindi kalaswa-laswa ang tanong niya at hindi kagigil-gigil ito. “Sige. Sasakyan ko trip mo lalaking nakalaklak ng gluta. Wala pa po at kung meron mang nakahawak dito, ipapadala ko sa hospital na bali na ang buto. At sana gabayan ako ng Diyos ngayong oras n ‘to dahil mukhang ikaw ang unang mapapadala ko doon.” Kung hindi pa rin niya makuha ang sarkasmo sa sinabi ko, ewan ko nalang. “That’s good then.. I won’t allow anybody to touch that tho.” Aniya at umalis habang ako ay napapapikit ng ilang beses at inintindi ang mga sinabi niya. Sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa nawala siya sa harapan ko. Anong nangyari? A-Anong sinabi niya? “By the way,” nakita ko ang ulo niya, nakasilip sa akin habang lagpas na ang ibang bahagi ng katawan sa pintuan. “I recorded it.” Nakangising aniya na ikinalaki ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD