PAGKATAPOS ng naging pag-uusap ni Lauthner at ng anak nito ay kaagad na siyang nagbihiss upang tumungo sa dagat kung saan nasasabik na siyang sumampa sa maalat na tubig. Bago niya nilisan ang kaniyang cabin ay naglagay muna siya ng sunscreen sa buong katawan niya upang hindi siya magkaroon ng sunburn.
Dala-dala nito ang kaniyang surf board habang siya ay naglalakad sa buhangin. Matirik ang araw pero hindi iyon inalintana ng mga taong piniling magtampisaw sa tubig maalat at ang iba pa ay nagsa-sun bathing. Kahit na isang tingin mo lang ay makikita mo ang kaibahan ng kutis nito na natatabunan kumpara sa balat nitong nabilad sa araw. Pero sino ba namang turista ang hindi maeenganyo na lumusob sa malamig na tubig alat kung kasing linaw naman ng krystal ang tubig nito?
Lauthner paddled using his hands towards the wave. Pinatili niyang balanse ang kaniyang katawan upang hindi siya magkamali at matumba. It's not his first time to surf pero dahil sa dami ng kaniyang mga gawain ay madalang na lamang niya itong gawin. Nasa may gitna na siya at naghahanda na upang salubungin ang paparating na alon. Marami siyang kasabayan sa pagsu-surf kung kaya't medyo crowded ngayon sa kaniyang puwesto.
The wave is approaching. He placed both of his hands on the surf board next to its pectorals and do the push up with his toes tucked on the tail of the surf board. Itinaas niya ang kaniyang paa patungong abante kung saan salungat sa posisyon ng isa niyang binti—upang magkaroon siya ng sapat na balanse para sa kaniyang gagawin na pagtayo. Kasabay naman nito ang paghampas ng alon habang siya ay nasa ibabaw ng kaniyang surf board na tila nilalaro ang alon na may matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Nakailang ulit niya pa itong ginawa hanggang sa naisipan niyang magpahinga na muna. Ang hindi niya alam ay kanina pa pala siya pinagpapantasyahan ng ilang kababaihan dahil sa kakisigan na mayroon siya. Maganda ang hubog ng katawan ni Lauthner kung kaya't hindi maipagkakaila na labis itong nakakatawag ng atensyon. Dala niya ang surf board nang umahon siya habang nananatiling nakatali pa ang leash sa kaniyang bukong-bukong.
Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok upang ito'y ayusin. Dahil dito ay mas lalong lumantad lamang ang malulusog na pandesal sa kaniyang tiyan at mas lalo itong nakatawag pansin sa mga taong kanina pa nakatingin sa kaniya. Sino ba namang mag-aaakala na ang lalaking hinahangaan nila ay siyang may-ari ng isla na hindi halata sa pagmumukha.
Mayroong nagtangkang lapitan si Lauthner at pinansin niya naman ito bilang pagrespeto. Subalit, hanggang doon lamang iyon. Wala siyang balak na makipag-ugnayan at magkaroon ng malalim na relasyon sa mga turista rito sa isla. Ang iniisip niya lang ay sana'y magkaroon sila ng magandang alaala na mababaon nila sa kanilang pag-uwi. He wishes them to have an amazing days while they are here in the island up until their vacation ends.
Naglakad naman ang isang lalaking naka-uniporme bilang ahente sa isla papalapit kay Lauthner. May baon itong mensahe para kay Lauthner kung kaya’t nagmadali itong naglakad upang maabutan niya ito bago pa man siya makaalis.
“Sir, Lauthner!” pagtawag niya sa atensyon nito.
Napalingon si Lauthner sa direksyon kung saan narinig niya na mayroong tumawag sa kaniyang pangalan. Agad niya naman itong nakilala nang makitang nakasuot ito ng uniporme.
“Pinapasabi po ni Sir Aidan na magkita raw po kayo mamaya sa viewdeck,” sunod nitong wika kay Lauthner.
“Okay, thank you,” usal ni Lauthner at nagpatuloy na sa paglalakad.
Umalis na rin iyong lalaki at bumalik sa kaniyang trabaho. Lahat ng mga ahente ni Lauthner dito sa isla ay ginagalang siya. Hindi dahil siya ang nagmamay-ari ng buong isla, kundi sa pagiging mabait at may malawak na puso para sa kanilang lahat.
KAKAGISING lamang ni Sieviana mula sa magandang tulog niya. Hindi niya inakala na nakatulog pala siya habang nanonood kanina ng palabasa. Nagkalat naman ang ilang kalat sa sahig kung saan doon siya kumakain dahil nakaligtaan niya itong linisin. Kinapa niya ang kaniyang cellphone na sa palagay niya’y kaniyang nahigaan.
“Where’s my phone,” she murmured. “Ohh…” aniya na may dismayadong tono sa kaniya pananalita dahil nasa ilalim ito na tiyak na nahigaan niya.
Tinignan niya ang oras at lagpas ala sais na ng gabi. Ilang beses niyang ikinurap ang kaniyang nga mata dahil nanlalabo ito. “I’ve been asleep for almost three hours? That’s long. But why am I feeling tired?”
Dahan-dahan siyang bumangon sabay nag-unat. Nagsitunog naman ang kaniyag mga buto na parang may nabali sa bawat tunog nito. Ang ginawa niyang iyon ay ang nagsilbing pumukaw sa diwa ni Sieviana na tila’y gusto pa nito matulog muli. Hindi pa siya kumakain ng hapunan kaya hindi puwedeng matulog siya ulit gayong kakagising niya lang.
Pumunta siya sa banyo upang maghilamos. Nang basa harapan na siya ng sink, tinignan niya ang sarili at ang kaniyang mga mata na halatang kakagising lamang. Hindi naman nakaiwas sa kaniyang paningin ang dark circles sa ibaba ng kaniyang mata. Iyon dahil sa ginawa niyang pagpupuyat no’ng malaman niya ang kabababuyabg ginawa ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya.
Lagpas tatlong araw na siyang nananatili rito sa isla pero tanging pagtulog at kain lamang ang kaniyang ginawa. Gusto niyang maglibang at subukan ang aquatic activities na gusto niya pero palagi siyang nauunahan ng katamaran. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang humilata pero palagi siyang tinatamad.
“Let’s see if you a have pimple…” she uttered while checking her face. A smile curved into its lips when there’s none. “Perfect! After all, there’s no air pollution here unlike to the city.”
Napahinto naman si Sieviana sa kaniyang ginagawa at saglit na napatulala. Naaalala niya na naman ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa kaniya. Madalas itong kung mangyari kay Sieviana kaya kung maaari lang ay hindi puwedeng maiwan mag-isa ito. Masyado niyang dinamdam ang pangyayaring iyon kaya mahirap para sa kaniya na balewalain ito. Buong pagkatao ni Sieviana ang naapektuhan at hindi lang ang nararamdaman niya. Sino ba namang hindi magkakaroon ng trauma kung mangyari sa ‘yo ang sinapit ni Sieviana?
Yumukom ang kamao ni Sieviana bilang pagpapahiwatig sa sarili na huwag na nitong balakin pa na balikan ang mga nangyari. Ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata at humugot ng malalim na hininga saka ito pinakawalan.
“Breath in, breathe out…” pagpapakalma niya sa sarili.
Siya lamang mag-isa kaya kailangan niyang maging matatag dahil walang taong magbubukas ng pinto ng kuwarto niya upang siya’y tulungan. Tanggap niya rin naman na kahit gaano pa karami ang kaibigan at kakilala niya, sa huli ay ang sarili niy lang din ang kaniyang maaasahan at siyang makakatulong sa kaniya.