MALAMIG ang simoy ng hangin at napayakap naman si Sieviana sa sarili nang dumampi ang malamig na hanging sa kaniyang balat. Nasa tabing dagat siya ngayon dahil tila tinatawag siya ng dagat na manatili muna roon. Sa hindi kalayuan ay mayroong nagsisiyahan kung kaya't rinig na rinig niya ang tunog ng musikang ipinapatugtog ng mga ito. Habang nakatingin siya sa bawat hampas ng alon ay mas lalo lamang siyang naaakit dito. The waves sound makes her heart skipped a beat.
Nakatingin siya sa malayo at dahil dito ay naalala niya ang ilang kuwentong pambata na hindi siya nagsasawang basahin, katulad na lamang ng mga kuwentong sirena na siyang nagsilbing bumuhay sa kaniyang batang sarili. Habang binubuo niya sa kaniyang imahinasyon ang itsura nito, nagbabasakali siya na sana sa kaniyang ginagawa ngayon ay makakita siya ng isang sirena. Subalit, malabo itong mangyari dahil masyadong delikado ang lugar na ito para sa kanila dahil sa rami ng tao rito sa isla.
Medyo may kalaliman na ang gabi pero hindi nakaramdam ng kahit anong pangamba si Sieviana dahil nakakasiguro siya na nasa ligtas na lugar siya. Sa hindi naman kalayuan ay tanaw na tanaw ni Lauthner ang dalaga. Kanina lang ay nagro-ronda siya sa buong isla pero nang makita niya ang pamilyar nitong mukha ay agad siyang napatigil sa paglalakad. Nahihimigan niya na malalim ang iniisip nito, malalim pa kung ikukumpara ito sa mariana trench.
Gusto niya sanang mag-ronda muli, subalit sarili niya na mismo ang hindi gusto na ihakbang ang kaniyang paa paalis. Hindi niya mawari kung bakit ayaw ng sarili niya na umalis gayong wala naman siyang nakitang dahilan upang siya’y manatili. Masyadong mabilog ang buwan at dahil sa liwanag nito ay unti-unti niyang naaninag ang pagmumukha ni Sieviana. Hindi lubos makapaniwala si Lauthner na siya ang babaeng tinulungan niya na nga at nagawa pa siya nitong pagbuhatan ng kamay.
Sa peripheral vision naman ni Sieviana ay kanina niya oa napapansin ang isang lalaki na nakatingin sa gawi niya. Pinili niyang huwag itong pansinin kahit na unti-unti nang gumapang ang takot sa kaniyang buong pagkatao.
“Baka nagmuni-muni lang din siya,” pangungumbinsi niya sa sarili upang ito’y kumalma.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at napapikit. Unti-unti niya naman itong pinakawalan kasabay ang pagbukas niya ng mga mata niya. Habang nanatiling nakatingin siya sa malawak na karagatan ay napapatanong naman siya sa kaniyang sarili.
“Bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ang mga alon? Parang pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng karagatan dahil sa sobrang peaceful na nararamdaman ko ngayon,” aniya na may ngiti sa labi. “Bakit nga ba ngayon lang ako pumunta rito? Edi sana ngayon pang-ilang beses na akong nagpabalik-balik dito!”
Hinubad niya ang kaniyang suot na tsinelas at tumayo. Naglakad siya papalapit sa dalampasigan hanggang sa unti-unting naaabot ng tubig ang kaniyang mga paa. Kung ang hangin ay kasing lamig ng yelo, nasa katamtaman naman ang temperatura ang tubig dagat. Kung kaya’t naaakit si Sieviana na maligo. Pero naisip niya kaagad na masyadong malalim ba ang gabi para maligo siya.
Habang si Lauthner naman ay todo sa pagmamasid kay Sieviana. Nakaramdam siya ng kaunting pangamba nang makita itong naglakad papunta sa tubig. Alam niyang may pinagdaraanan ito kaya hindi niya magawang pabayaan lamang ang dalaga, lalo na’t ayaw niyang magkaroon ng masamang record at iniingatan niyang magandang imahe ng isla. Ang pangamba niyang iyon ay tila nabunutan siya ng tinik nang makitang nilalaro lamang nito ang tubig sa kaniyang mga paa.
Napagtanto ni Lauthner na nasa tamang pag-iisip naman ang dalaga at malabong gawin nito kung anuman ang kaniyang iniisip na maaari nitong gawin. Tuluyan na siyang umalis ng tahimik habang nasa loob naman ng kaniyang bulsa ang dalawa nitong kamay. Bukod do’n ay bigla siyang nakaramdam ng pagkagutom kung kaya’t dumiretso siya papuntang resto upang um-order ng makakain.