Hindi pa man sumasapit ang alas dos ng hapon ay papunta na si Aidan sa opisina ni Lauthner. Hindi na siya mapakali na puntahan ang kaibigan dahil gusto niya nang pumunta sa palengke. Sa paglalakad nito ay nakasalubong niya ang babaeng nakita niyang kasama ni Lauthner sa bar. Nilagpasan lamang siya nito at mukhang nagmamadali pa ang babae dahil sa patakbo nitong paglakad. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya ang pangalan ng babaeng iyon. Kung tatanungin siya ay maganda ito at tiyak na isa sa mga tipo ito ng kaibigan. Hindi niya na ito pinansin pa at tinahak na ang daan papunta kay Lauthner habang sumisipol pa gawa ng pagkasabik.
Nilalaro niya sa kaniyang daliri ang susi ng sasakyan. Kahit nasa kalagitnaan sila ng isla, ang mga pambublikong daan naman dito ay lahat konkreto at may lungsod din ito kung tatawagin. Kung kaya't hindi lamang basta-basta ang islang ito dahil lahat ng mga mamamayan dito ay itinuturing itong tahanan.
Napapangiti naman sa kawalan si Aidan dahil sa labis na saya at pananabik. Iyong tipong may halong kilig na hindi niya maintindihan at tila'y mayroong paruparo sa loob ng kaniyang tiyan na mas lalong ikinapanabik niya. Samantala, si Lauthner naman ay hindi inalintana kung anong oras na dahil sa abala siya sa pagbabasa ng papeles na kailangan niyang pirmahan. Nawala sa kaniyang isipan ang usapan nilang dalawa ni Aidan dahil sa rami ng kaniyang mga gagawin. Hindi na nga niya nagawang kumain ng pananghalian dahil sa pagiging abala niya.
Natuon naman kaagad ang kaniyang tingin sa may pintuan dahil bigla itong bumukas at pumasok mula sa labas ang kaibigang si Aidan. Doon lamang sumagi sa kaniyang isipan kung ano ang dahilan kung bakit nasa harapan niya ito ngayon. Bago siya nagsalita ay tinignan niya muna ang orasan bago niya ulit ibinaling ang tingin dito.
"You're thirty minutes early. Mamayang alas dos pa ang usapan natin," wika ni Lauthner sabay sandal sa kaniyang upuan.
"I'm just excited," he chuckled. "Malapit na rin naman mag-alas dos."
Napailing ng bahagya si Lauthner dahil nasa thirty minutes pa bago sumapit ang alas dos. Hinilot niya ang kaniyang batok dahil kanina pa ito sumasakit, marahil ay dahil wala pa siyang pahinga magmula kanina.
"You look tired than the usual," tumatawang wika ni Aidan.
Nakatanggap naman siya ng isang masamang tingin galing kay Lauthner kung kaya't agad niyang binawi ang sinabi niya.
"Kidding," aniya sa isang nag-aalinlangang pagtawa. "Do you want me to order some food?"
"Forget it," walang ganang usal ni Lauthner. "Tutal at nandito kana, clean my desk. I'll change."
Napakunot naman ng kaniyang noo si Aidan dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi na siya nakaangal pa dahil agad na itong umalis sa kaniyang harapan. Nagpakawala naman ito ng isang mabigat na hininga at naglakad papuntang desk ni Lauthner. Naayos niya naman ang lahat ng mga papeles na nagkalat sa mesa nito na walang aberya. Ang ikinabahala niya lang habang inilalagay ang mga ito sa loob ng folder ay baka mali ang nailagay niya rito.
"Okay na'to," usal niya sa sarili. "Tiyak naman na kapag mali ang nailagay ko sa bawat folder, mahahanap niya rin ito. Bakit ba kasi ang dami palagi ng mga binabasa niya!"
"Kung sinunod niya lang 'yong sinabi ko na maghanap na lang ng bagong asawa—edi sana hindi ko 'to ginagawa ngayon!" pagmamaktol niya kahit na alam niya naman na hindi siya maririnig ng taong pinupunterya niya.
Habang si Lauthner naman ay dumiretso sa lagayan ng mga damit niya. Hindi na ito nag-abala pa na maligo—gayunpaman ay 'di naman siya pinagpawisan. Tanging simpleng short at t-shirt lamang ang suot niya na siyang nababagay sa lugar na kanilang pupuntahan. Pagkatapos niyang magbihis ay agad na niyang pinuntahan ang kaibigan.
"Let's go," aniya nang makita niyang atat na atat na si Aidan dahil hindi man lamang nito nagawang maupo.
Isang tango ang iginawad ni Aidan na siyang hindi naman nito naitago ang kaniyang abot taenga na ngiti. Nilisan na nila ang opisina ni Lauthner at nagtungo kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan.
"Sa 'yo ba 'yong gagamitin natin?" pagtatanong ni Lauthner habang naglalakad sila.
"Oo," maikling tugon ni Aidan sabay kuha ng kaniyang susi sa ilalim ng bulsa nito. "Do you know where to find her?"
Itinaas ni Lauthner ang isa niyang kilay, "How would I know?"
"I mean...Alam mo naman siguro kung saan ang puwesto ng mga fish vendor, right?" paglilinaw ni Aidan habang nakatayo sa harapan ng sasakyan.
Huminto si Lauthner sa harapan ng pinto. "Let's see," aniya sabay bukas ng pinto at pumasok.
Napaisip naman si Aidan at binasa ang kaniyang labi gamit ang dila nito. Binuksan niya ang driver's seat at pumasok na sa loob. Binuhay niya ang makina ng kotse at tinignan si Lauthner.
"What should I bring to her? Should I bring flowers?" pagtatanong niya.
Lauthner stared at him for a second and looked away. "Don't bother. Anong lugar ng bulaklak mo sa lugar kung saan sila nagtatrabaho? Baka ipagtabuyan ka pa."
Napatawa naman si Lauthner dahil sa kaniyang iniisip kung gagawin man ni Aidan ang plano nito. Dahil dito ay napagtanto ni Aidan na tama nga ang kaibigan at bakit pa siya magdadala kung ang pakay niya lang naman ay makita ang dalaga?
"Hit the gas. They're already there," wika ni Lauthner na agad namang sinunod ni Aidan.
Habang nagmamaneho si Aidan ay walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Paano ba naman sila mag-iimikan kung ang isipan ni Aidan ay naglalakbay sa kung saan habang si Lauthner naman ay malalim pa sa yata sa mariana trench ang iniisip.
DAHIL sa may katagalan na si Sieviana na nandito sa isla ay may nakilala naman siyang taga-isla na hindi nagtagal ay naging matalik niyang kaibigan. Nakilala niya ito nang minsan siyang maglibot-libot sa dalampasigan. At sa hindi inaasahan ay nasaksihan niya ang pagdadalamhati ng isang dalaga kung kaya't magmula no'n ay naging magkaibigan na sila. Alam ng babaeng ito ang tungkol kay Sieviana at ang katotohanang iyon ay hindi naman naging hadlang upang magkalapit sila sa isa't-isa.
Kasalukuyang nasa palengke si Sieviana dahil inaya siya ng kaibigan niyang nagngangalang Celine na samahan siyang magtinda para naman hindi siya palaging nakatambay sa cabin.
"Tama ba 'tong ginagawa ko?" natatawang usal ni Sieviana habang inaayos niya ang ilang balde sa gilid.
"Oo! Okay na 'yan!" agad na wika ni Celine nang daluhan niya ang kaibigan. "Sabi ko naman sa 'yo na maupo ka lang diyan. Huwag kang masyadong lumapit dito dahil baka mag-amoy isda ka."
Tumawa si Sieviana dahil sa sinabi ng kaibigan, "Alam mo, Celine...Kahit na hindi ako sanay sa gawaing kinalakihan mo, gusto ko rin na matuto. Malay natin baka sa susunod kong buhay taga-benta pala ako ng mga isda edi may alam na ako sa gawain na 'to!"
Napailing si Celine at napangiti dahil sa itinugon ng kaibigan. Alam niyang galing ito sa pamilyang hindi na kailangan kumayod pa upang mabuhay, kung kaya't hanga siya sa pag-uugali nito na hindi nagmamataas at gustong matuto kung paano sila maghanap-buhay. Ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ay hindi niya inasahan pero nagpapasalamat siya sa maykapal na hinayaan siyang magkaroon ng kaibigan na katulad ni Sieviana.
"Anong ningiti-ngiti mo r'yan?" pagsaway ni Sieviana kay Celine na tila'y nananaginip ito ng gising. "Huwag mong sabihin, iniisip mo na naman 'yong lalaking yon?"
"Hoy! Hindi ha!" pag-angal ni Celine sa sinabi ng kaibigan.
"Ay sus! Parang kahapon lang bukambibig mo 'yon palagi!" pang-aasar ni Sieviana habang naniningkit ang mga nito.
"Hindi nga kasi!" usal ni Celine na abot taenga naman ang kaniyang pagngiti dahil sa lalaking tinutukoy ni Sieviana.
"Tigilan mo 'yan baka makita na naman kita na umiiyak sa dalampasigan dahil sa isang lalaki!" tumatawang saad ni Sieviana.
Napanguso naman si Celine dahil sa pang-aasar ng kaibigan at dala na rin na nahihiya siya sa tuwing naaalala niya iyon. "Hindi na 'yon mangyayari, noh! Hindi na!"
"Sabi mo 'yan, ah?" paninigurado ni Sieviana pero halata pa rin sa ekspresyon ng pagmumukha nito na tinutukso niya ang kaibigan.
Sa kabila ng pagtatawanan ng magkaibigan, sumingit naman sa kanilang usapan ang ina ni Celine na may dala-dalang balde na punong-puno ng isda. Ibinaba nito ang kaniyang dala sa gilid kung saan naroon ang lamesa na nakalagay ang iba't-ibang klaseng isda na siyang kanilang paninda.
"Ano ka ba, Celine! Bakit mo dinala rito si Sieviana? Alam mo namang hindi siya sanay sa mga ganitong bagay at baka magkasakit pa 'yan!" pagsermon na wika nito sa anak.
Napahawak si Celine sa kaniyang taenga sabay kamot dito habang nakangiwi dahil sa panenermon ng ina. Habang si Sieviana naman ay hindi alam kung paano sumingit usapan ng mga ito.
"Nay, naman! Bakit kailangan mo pa akong sermonan at sa harap pa talaga ni Sieviana! At isa pa, wala namang dalang virus 'tong mga isda natin dito para magkasakit siya sa pamamagitan ng airborne!" nakangusong wika ni Celine.
"Aba't sumasagot ka pa talagang bata ka!" akmang kukurutin na sana siya ng kaniyang ina pero agad naman siyang nakaiwas at nakalayo rito.
Natutuwa naman si Sieviana sa mag-ina kung paano magsalita ang mga ito sa isa't-isa. Para hindi na humaba ba ang sermon nito kay Celine at sumingit na siya. Ayaw niya naman maging responsable ang kaibigan sa kaniyang pagpunta rito na sa totoo ay siya naman itong pumayag na samahan si Celine magtinda ng isda.
"Nay Emma, okay lang po 'yon. Ako po talaga ang may gusto na sumama kay Celine rito kaya no'ng inaya niya ako ay agad po akong sumama sa kaniya," paliwanag ni Sieviana rito at bigla namang nagbago ang ekspresyon sa pagmumukha ng ina ni Celine.
"Gano'n ba? Magsabi ka lang kung kinakawawa ka ng batang 'to nang maturuan ko ng leksyon," wika ng ina ni Celine sabay tingin sa anak.
"Inay, naman oh! Parang 'di ako anak!" nakangusong wika ni Celine sa ina.
Napagkawala ng isang mabigat na hininga ang ina ni Celine at nagpaalam sa dalawa bago niya ibinaling ang atensyon sa kaniyang mga paninda. "Oh sige, maiwan ko muna kayo. Celine alagaan mo si Sieviana. Baka mamaya nasa ibang mesa na 'yan at dinudumog."
"Opo!" malakas na tugon ni Celine sa ina at hinatak si Sieviana sa gilid kung saan hindi sila masyadong malapit sa mga nagtitinda ng isda.
"Pagpasensyahan mo na si Inay. Gano'n lang talaga 'yon lalo na't hindi ka pa naman taga rito," wika nito at isang ngiti naman ang iginawad ni Sieviana sa kaibigan. "Gusto mo bang kumain ng biko? Halika, bili tayo!"
Hindi pa naibubuka ni Sieviana ang bibig niya upang magsalita ay agad na siyang hinigit ni Celine papunta sa kung saan mayroong nagtitinda ng samu't saring mga kakanin at iba pa. Ngayon lamang siya nakapunta sa palengke at hindi niya inakala na may ganitong klase pa lang pagkain na itinitinda.
Pero kahit ang lahat ng ito ay ngayon niya pa lamang nararanasan, hindi niya naman ito inaalintana dahil gusto niyang marami siyang matuklasan habang nandito siya sa isla. Ang una nilang binili ay biko. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng kanin ba iyong kinain niya pero natatakam siya sa bawat subo dahil sa tamis at sarap nito.
"Masarap ba?" pagtatanong ni Celine habang kumakain siya ng biko.
Tumango si Sieviana at ngumiti sabay sabi, "Oo! I never knew this kind of food exist!"
Namangha si Sieviana dahil sa iba't-ibang delicacies ang nakikita niya na nakalatag sa iba't-ibang mesa. Ang iba rito ay hindi bago sa kaniyang paningin katulad na lang ng puto. Kung saan maikumkumpara niya sa puto na siyang nakasanayan niyang kainin dahil mas masarap ang putong kinakain niya ngayon kumpara sa kaniyang nakasanayan.
"Does puto always tastes good?" nakangiting wika ni Celine. "It's way better than what I've used to eat!"
Napatawa si Celine dahil sa naging reaksyon ng kaibigan, "Talaga ba? O, sige' kain ka pa! Dahol tiyak na hindi ka makakatikim ng ganiyan kasarap na puto kapag nakauwi kana!"
"Hahaha! Sure!" tugon ni Sieviana.
Pagkatapos nilang kumain at sunod naman nilang pinuntahan ay kung saan mayroong nagtitinda ng mga palamig. Ang piniling inumin ni Sieviana ay buko at gano'n din kay Celine dahil mas lalo lamang siyang mauuhaw kung 'yong gulaman ang kaniyang iinumin.
"Nabusog ka ba?" pagtatanong ni Celine.
Tumango si Sieviana, "Ngayon lang ulit ako nabusog ng ganito. Iba talaga kapag may kasama kang kumain."
"Korek! Mas mabubusog ka kasi talaga kapag may kasama kang kumain kaysa ikaw lang mag-isa dahil mabilis kang mawawalan ng gana!" wika ni Celine rito sabay sulyap ng tingin sa kaibigan.
Habang umiinom si Sieviana, may nakaagaw naman ng pansin niya nang makita nito ang isang pamilyar na lalaki. Tinitigan niya ito ng matagal at napagtanto niyang ito ang lalaking nakita niya na nakikipag-usap sa mga mangingisda nang minsa’y pumunta siya sa baybayin. Hindi na siya nagtaka pa kung anong ginagawa no'n dito dahil malamang nasa palengke sila at ano pa ba ang gagawin kapag nasa palengke ka? Edi mamamalengke, hindi ba?
“Halika, do’n naman tayo sa street foods!” pag-aya ni Celine kay Sieviana.
“Oh, sige!” aniya at sumunod na sa kaibigan na siyang nangungunang maglakad sa kaniya.