"ITABI mo r'yan," wika ni Lauthner sabay turo.
"Here? Okay," pagsunod ni Aidan sa sinabi ng kaibigan.
Nang tuluyan nang mai-park ni Aidan ang sasakyan ay nauna namang lumabas si Lauthner. Tinignan niya ang paligid at hindi pa masyadong katao ang lugar dahil maaga pa para dumayo ang mga mamamayan dito sa palengke upang bumili. Ngayon lang ulit siya nakapunta rito dahil wala rin naman siyang dahilan upang magpabalik-balik dito. Nilingon niya si Aidan na siyang nakatayo sa kaniyang gilid.
"Where do you want to start?" pagtatanong niya.
"Hmm..." napaisip naman si Aidan at tinignan si Lauthner. "Doon na lang muna tayo sa prutasan. I want to buy something kasi narinig ko na matamis 'yong manggang binebenta nila rito."
Isang tango ang iginawad ni Lauthner at naunang maglakad habang nakasunod naman si Aidan sa kaniya. Hindi inalinta ni Lauthner ang amoy ng palengke dahil normal lang naman talaga ito kapag ikaw ay pupunta sa ganitong klaseng lugar. Kabisado niya ang buong palengke kung kaya't hindi siya nahirapan sa bawat pasikot-sikot makarating lang sa kanilang pupuntahan.
"Palagi ka bang nandito? Alam na alam mo talaga kung saan tayo dadaan," usal ni Aidan habang tinitignan ang mga panindang nadadaanan nila.
"You know that I have a photographic memory...I can easily memorize things just by seeing it once," tugon ni Lauthner sa tanong ng kaibigan.
"That's the one thing that I find cool about you!" tumatawang saad ni Aidan. "Oh! I see a stall full of mangoes!"
Nakita naman kaagad ni Lauthner ang stall na tinutukoy ni Aidan at binilisan niya ng kaunti ang kaniyang paglalakad. Nang makarating sila ay agad namang pumili si Aidan.
"Magkano po?" magalang na tanong ni Aidan sa tindera.
"One hundred per kilo ho, Sir!" nakangiting wika ng babae dahil mayroon na siyang customer kung saan kanina pa matumal ang kaniyang benta.
"Is it sweet?" baling na tanong ni Aidan kay Lauthner na nakatingin sa kaniya.
"Bumili ka ng isa at pabalatan mo nang malaman mo kung matamis ba o hindi," balik na wika ni Lauthner at itinuon ang kaniyang tingin sa mapupupang mansanas.
Napangiwi si Aidan dahil sa naging tugon ng kaibigan. Sa huli ay napagdesisyonan niyang bumili na lamang at huwag nang pansinin ang sinabi ni Lauthner.
"Isang kilo po," wika niya rito sabay abot ng pera sa tindera.
Tinimbang naman ito kaagad ng babae at lagpas pa sa isang kilo ang apat na manggang pinili ni Aidan kung kaya't umabot sa one fifty ang kaniyang babayaran.
Inabot naman ng babae ang supot kay Aidan at nagsalita, "One fifty po, Sir."
Akmang susuklian na sana nito ang dalawang daan na ibinigay ni Aidan ngunit agad niya naman itong pinigilan, "Keep the change po."
Pagkatapos niya iyon sabihin ay lumapit siya kay Lauthner. Habang napangiti naman ang babae dahil may dagdag kita siya gawa ng hindi na nagpasukli pa si Aidan. Bilang na lamang ang taong katulad ni Aidan na nagiging customer niya kung kaya't hindi niya mapigilan ang sarili na maging masaya.
"May iba ka pa bang bibilhin?" usal ni Lauthner sa kaibigan at tinignan ang bitbit nitong supot.
"Wala na. Punta na tayo ro'n sa kung anong pakay natin dito," humahagikhik na wika ni Aidan.
Napailing na lamang si Lauthner at tinahak ang daan papunta sa gilid ng dagat kung saan naroon ang nakalinyang mga mesa na may nakalatag na samu't-saring isda. Napatakip naman kaagad ng kaniyang ilong si Aidan dahil hindi niya nagustuhan ang amoy na nalalanghap niya.
"Sorry," agad na paumanhin ni Aidan nang matalim siyang tignan ni Lauthner dahil sa kaniyang naging reaksyon.
"Don't cover your nose. They know that it smells bad just don't point it out," usal ni Lauthner sa isang mahinahong boses. "You can start looking for her."
Nagpalinga-linga si Aidan sa paligid upang hanapin ang babaeng gusto niyang makita. Halos mabali na ang leeg nito sa kakahanap, subalit hindi niya man kang ito namataan.
"I don't see her," wika niya sa sarili na siyang rinig naman ni Lauthner."
"Baka hindi siya isa sa mga naglalako ng isda rito. Maybe she's a meat vendor," saad ni Lauthner at tinulungan si Aidan na hanapin ang babae kahit na hindi niya naman alam ang itsura nito.
"No. I am certainly right that she's a fish vendor. I asked someone about her," wika pa ni Aidan.
Agad namang tinugunan ni Lauthner ang sinabi ng kaibigan, "Then, asked that someone again."
Napabuntong hininga naman si Aidan, "I forgotten to ask his name and I don't know where to find him again."
"Too bad for you. Baka hindi 'yon taga rito. Malay mo taga kabilang isla pala 'yon," dagdag pa ni Lauthner na imbes pakitaan niya ng suporta ang kaibigan ay binibigyan niya naman ito ng rason para sumuko.
"Tinutulungan mo ba ako o ano?" saad ni Aidan sa nagtatampong tono ng pananalita. "Just help me find her."
Hindi na umimik pa si Lauthner dahil sa pakiusap ng kaibigan. Walang siyang ideya kung paano niya matutulungan si Aidan dahil paano niya naman hahanapin ang taong hindi niya man lang kilala o nakita. Nakasunod lamang siya kay Aidan na parang isang bata kung saan-saan na lamang pumupunta.
"I found her!" may kalakasan na wika ni Aidan nang makita niya ang babaeng kanina niya pa hinahanap.
"Good for you. Where is she?" tanong ni Lauthner at sinundan kung saan nakatingin si Aidan.
"Over there!" nakangiting usal ni Aidan sa isang malambot na boses na tila ay nakakita siya ng isang anghel.
Habang si Lauthner naman ay napatigil nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Sieviana. Hindi niya inaasahan na makikita ito rito. Ang akala niya ay baguhan lamang ito sa isla dahil mahirap para sa isang dayuhan ang pumunta sa mga ganitong klaseng lugar kung wala kang kakilala. Pero base sa kaniyang nakikita ay may kasama itong babae kung saan napako ang tingin ni Aidan sa mismong direksyon ng dalawa.
"SIEVIANA!" mahinang tili ni Celine at nagpapadyak-padyak pa.
"What?" tanong nito na hindi man kang binabalingan ng tingin ang kaibigan dahil abala siya sa pagkain ng binili niyang kwek-kwek.
"Nandito siya!" impit na tili ni Celine at parang kiti-kiti na hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan.
"Huh? Sino?" ulit niyang tanong at sinubo ang tinusok niyang kwek-kwek sa kaniyang bibig. "I'm eating, Celine. Don't push me!"
"Eh, kasi naman! Nandito siya! Kinikilig ako!" namumula naman ang magkabilang pisngi ni Celine habang nakatingin sa hindi kalayuan mula sa kanilang direksyon.
Sinundan ni Sieviana ng tingin kung saan dumako ang paningin ng kaniyang kaibigan at doon niya napagtanto kung sinong 'siya' ang tinutukoy nito.
"Ang O.A mo, ah! Wala pa ngang ginagawa 'yong tao kinikilig kana! Ano pa kaya kung titigan ka niyan? Baka mahimatay kana ng wala sa oras!" pagsaway ni Sieviana sa inaasal ng kaibigan.
Hindi niya makita ang pagmumukha ng lalaking natitipuha ni Celine dahil bahagya itong naka-side view. Bigla naman itong tumingin sa gawi nila dahilan upang siya'y hampasin ni Celine ng ilang beses.
"Waaah! Ang guwapo niya talaga! Napakaguwapo!" tumitilo nitong usal at napapapikit pa.
"A-aray! Masakit ha!" pagdaing na wika ni Sieviana dahil may kabigatan ang mga palad ni Celine. Tinignan niya muli ang lalaki at tama nga ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Mas lalo itong nakakaakit ng pansin dahil sa suot nitong itim na shirt. "You're right he's handsome."
"Akin 'yan, ha! Huwag ka nang makisali dahil tiyak na ikaw ang pipiliin niyan kaya h'wag ka nang pumila!" pagbabanta ni Celine na may halong pagbibiro.
"Tsk!" napailing si Sieviana habang tumatawa dahil sa sinabi ng kaibigan. "Opo hindi po. Makakaasa po kayo."
Subalit ang pagtawa niyang iyon ay agad na napawi nang magtama ang kanilang paningin ni Lauthner. Para siyang nakakita ng multo. Nawala kasi sa kaniyang isipan na nandito pala si Lauthner kung kaya’t labis siyang nabigla dala na rin na alam niyang may nagawa siyang kasalanan sa lalaki. Subalit, hindi niya magawang umiwas ng tingin na tila ba’y parang mayroong glue sa gitna ng kanilang pagtitinginan. Habang tumatagal ay mas lalo lamang nagiging malinaw ang mga nangyari no’ng gabing iyon.
Hindi niya matandaan kung kailan niya natandaan kung ano ang mga pinaggagawa niya nang minsan siyang pumunta ng bar dahil bigla lamang iyon sumagi sa kaniyang isipan habang siya ay nagmumuni-muni. Dahil do’n ay nag-iingat siya na makita o makasalubong man lang si Lauthner. Pakiramdam niya ay ang nakikita ng lalaki sa kaniya ngayon ay iyong Sieviana na walang pakealam sa paligid at gagawin kung anuman ang gusto nitong gawin.
“Nakatingin siya sa gawi natin,” usal ni Celine na tila’y nahihirapan nang huminga dahil sa labis na kilig.
“Yeah,” walang buhay na wika ni Sieviana na parang kusang lumabas ang salitang iyon sa kaniyang bibig.
“Hala! Anong gagawin ko? Papalapit na siya sa ‘tin, Siev!” natatarantang wika ni Celine sa kaibigan at napahawak sa braso nito.
“Just act normal,” agad na wika ni Sieviana habang nakatingin pa rin kay Lauthner na hindi man labg kumukurap.
“Okay! Okay! Kalma lang, Celine! Baka mawala ang poise mo!” wika nito sa sarili at inayos ang kaniyang buhok.
Subalit ang saya na naramdaman ni Celine ay biglang naglaho nang lampasan siya ni Aidan at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Sinundan ni Celine ng tingin si Aidan at napagtanto na hindi pala sa kaniya ito nakatingin kundi nasa iba.
“Siev…” malungkot na usal ni Celine.
Nagawa namang umiwas ni Sieviana ng tingin nang marinig nito ang malungkot na tono ng pananalita ni Celine. At sa ginawa ni Sieviana ay doon lamang napagtanto ni Lauthner na iniwan na pala siya ni Aidan.
“Akala ko sa ‘kin siya nakatingin…Hindi pala,” nalungkot na wila ni Celine habang tinitignan si Aidan at si Pria na siyang kababata niya.
“Okay ka lang? ‘Wag mo masyadong dibdibin. Wala ka no’n!” hirit ni Sieviana upang patawanin ang kaibigan kahit na siya ay hindi naman kaagad nakabawi sa pagtititigan nilang dalawa ni Lauthner.
Napatawa naman ng mahina si Celine dahil sa sinabi ng kaibigan, “Hindi, okay lang! Ano ba namang laban ko kay Pria…Maganda ‘yong tao at makinis kahit na walang araw ‘yan na hindi naglalako ng isda.”
“Bakit? Maganda ka rin naman! Hayaan mo na lang ‘yon! Kapag nakauwi na ako, papupuntahin kita para mahirapan ka sa pagpili kung sinong uunahin mo!”
“Grabe ka naman! Pipili talaga?” nakangusong usal ni Celine sabay tawa. “Pero sa ngayon, siya muna ang magiging crush ko. Saka na ako pipili kung makakaalis na ako rito sa isla hahaha!”
Umiling na lamang si Sieviana bilang tugon sa sinabi ni Celine. Nililibang niya ang sarili upang maalis sa kaniyang isipan ang pangyayaring ginawa niya no’ng gabing iyon. Kaya nga siya nagbakasyon upang maging maaliwalas ang kaniyang isipan pero dahil lamang no’ng gabing iyon ay mas lalo lamang gugulo ang kaniyang isipan dahil sa ginawa niyang hindi kaaya-aya.