"Ano na ngayon? Magtitinda ka pa ba?" pagtatanong ni Sieviana sa kaibigan. "Hindi na. Kaunti na lang din naman 'yong paninda namin, mahirap kasi ang hulihan ngayon sa laot," tugon naman ni Celine. "May gagawin ka ba mamaya? Gusto mo sumama sa 'kin? Do'n na lang tayo sa cabin ko," pag-aya ni Sieviana rito. Nag-alangan naman si Celine sa paanyaya ng kaibigan dahil baka makagulo lamang siya sa tinutuluyan nito. "Gusto ko sana kaso baka makagulo lang ako ro'n. Alam mo na, ang kagaya ko ay hindi nararapat sa mga gano'ng lugar," wika nito sa isang malumanay na boses. "Don't be like that, Celine," mahinahong usal ni Sieviana bilang pagsaway. "Para namang pinapamukha mo talaga sa 'kin na may malaking agwat sa pagitan nating dalawa!" "Parang ganoon na nga," hindi siguradong wika ni Celine

