"Get off!" galit na wika naman ng lalake pero mas lalo lamang hinigpitan ni Aidan ang pagkahawak niya sa pulsuhan nito. Bakas sa pagmumukha ng lalake na nasasaktan siya sa higpit na ginawang paghawak ni Aidan sa kaniyang kamay kung kaya't napilitan na lamang siyang ibaba ito. Pero hindi pa rin nawawala ang naghihinagpis na galit sa kaniyang mga mata habang nakikipagsukatan siya ng tingin kay Aidan. Ramdam nina Celine at Seivana ang tensyon sa pagitang ng dalawang lalake. Hindi inasahan ni Sieviana na si Aidan ang maglalakas ng loob na tulungan sila, pero labis siyang nagpapasalamat dito dahil sa kaniyang ginawa. Napahanga naman si Celine sa katapangan ni Aidan, dahil kahit hindi nito sila kilala ay walang pag-alinlangan itong tumulong sa kanila kahit na mag-isa lamang siya laban sa tat

