Ilang araw na ang nakalipas magmula ang insidenteng iyon at napapadalas na rin ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Lauthner at Sieviana sa isla. Kagaya na lamang ngayon, magkasama ang dalawa habang kumakain ng meryenda. Nakita ni Lauthner si Sieviana na naglalakad mag-isa habang naglibot-libot siya sa isla kaya nang makita niyang wala itong kasama ay agad siyang naglakad palapit dito. Humaba ang usapan ng dalawa dahil lamang sa simpleng tanong ni Lauthner na, 'Sa'n ka pupunta?'. "Dito kana ba nakatira sa isla?" pagtatanong ni Sieviana at sumipsip sa kaniyang orange juice. Ngumiti si Lauthner at marahang na umiling, "No. I'm actually from Manila and I'm just here because of my business." Tumango-tango si Sieviana. Marami siyang gusto malaman tungkol sa kaniya kaya walang katapus

