Agad na nagpahanda ng isang budol fight si Lauthner para magiging hapunan na siyang matatawag na dinner date ng dalawa. Siya mismo ang pumili ng lugar upang hindi mailang si Sieviana na kumain. Ang lugar na kaniyang pinaghandaan ay tanging ang pamilyang Diezo lamang ang puwedeng pumasok. Samu't-saring mga pagkain ang kaniyang ipinahanda. Kabilang na rito ang mga seafoods at ihawin na siyang alam niyang magugustuhan ng dalaga. "Saan po namin ito Sir Lauthner ilalagay?" pagtatanong ng isang staff habang hawak ang isang malaking plato na punong-puno ng mga prutas. "Put it there beside the desserts," wika ni Lauthner at tinignan ang kabuoan ng lamesa. Napangiti siya at tinignan ang kaniyang relos. Mahigit isang oras pa ang kaniyang hihintayin bago sumapit ang ala sais ng gabi kung saan su

