PAGKATAPOS mapakyaw lahat ng paninda ni Celine ay umuwi muna siya sa kanila upang maglinis ng katawan bago pumunta sa cabin ni Seiviana. Alam niyang may dinner date ito kasama si Lauthner at ayaw niya sana na sundin ang sinabi nito na pumunta dahil baka magmadali ito sa pag-uwi. Subalit, mahigpit na ipinagbilin ni Sieviana na pumunta siya kaya wala siyang nagawa. Lagpas ala sais na siyang pumunta sa resort kung saan nakatira ang dalaga dahil naghapunan muna ito sa kanilang bahay. Nasa labas na si Celine ng cabin at mahahalata na walang tao sa loob dahil hindi nakabukas ang mga ilaw nito. Pero hindi naman ito gaanong madilim dahil automatiko namang bumubukas ang mga ilaw sa labas upang magbigay liwanag sa buong paligid. Pumasok na sa loob si Celine at binuksan ang mga ilaw. Upang hindi si

