"I'm not lying," seryosong wika ni Aidan. Napatungo si Celine dahil sa biglang pagseryoso ng pagmumukha nito. Wala siyang makapa na salita kaya pinili niya na lamang na manahimik. Napansin ni Aidan ang biglang pagtahimik ni Celine kaya agad siyang nag-isip ng paraan upang aliwin ito. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo sabay lahad ng kamay dito. "Tara," wika ni Aidan. Pinagmasdan ni Celine ang nakalahad nitong kamay at nagtanong, "Saan naman?" "Halika na. H'wag ka nang magtanong pa," tila naiinip na wika nito at naghintay na abutin ni Celine ang kaniyang kamay. Walang nagawa si Celine kundi ang abutin ang nakalahad nitong kamay upang siya'y tulungan na makatayo. Nagpagpag siya ng kaniyang damit dahil mayroon itong kaunting buhangin dahil sa ginawa niya kanina kung saan inaal

