“IBA yata ang ngiti natin ngayon?” may bahid na pang-aasar na wika ni Celine nang ilagay nito ang kaniyang niluto na pancake sa harapan ni Sieviana. “Halata ba?” pagtatanong ni Sieviana sabay kuha ng pancake at kinagatan ito na tila naglalakbay ang isipan. Tinignan lamang ni Celine amg kaibigan at napailinng bago pumunta ulit ng kusina upang kumuha ng syrup. Kagabi niya pa napapansin na ibang-iba ang awra ng kaibigan pagkatapos itong ihatid ni Lauthner. “Naku, ateng! Tignan mo ‘yang repleksiyon mo sa mesa. Ewan ko na lang kung mapapatanong ka pa ulit kung halata ba na masaya ka!” bulaslas ni Celine sabay hila ng upuan at umupo sa tapat ni Seiviana. “Ano bang nangyari sa date niyo kagabi?” Sinulyapan ni Seiviana si Celine habang kagat-kagat nito ang pancake na parang isang bata na ki

