TANGHALING tapat nang lumabas si Sieviana sa kaniyang cabin kaya isang napakainit na ang araw ang sumalubong sa kaniya. Naglakad siya sa gitna ng mga naglalakihang puno kung kaya't hindi gaanong natatamaan ng tirik ng araw ang kaniyang balat. Sa kaniyang paglalakad ay may nadaanan siyang isang bata na umiiyak sa gilid. Sa tantya niya ay nasa edad limang taon ito base sa laki ng bata. Huminto siya upang daluhan at tanungin ito dahil hindi kakayanin ng kaniyang konsensya kung lalagpasan niya lang ang kawawang bata. "Mommy...." umiiyak na wika ng bata sa bawat paghikbi nito habang pinupunasan ang kaniyang luha. "Hey," pagtawag ni Sieviana sa atensyon nito na siyang agad naman siyang nilingon ng bata na patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito. "Nawawala ka ba?" Tumango ang bata bila

