PRINCESS POINT OF VIEW
1 week na ang nakakalipas pero dikit na dikit pa rin si Casy sa kanila especially kay Grey, tuwing tinignan ko siya ay naka-smirk siya. Then 1 week na rin ang nakakalipas na palagi akong inis na inis sa impakletang babaeng yon sarap niyang katayin nakakainis siya sobra
KKKKRRRRRIIIIIINNNNNNNGGGGGGG
Bell na pala kaya tumayo na kami, nag-papahinga lang pala ako sa trabaho ngayon napapagod na kasi ako this past few days kaya sinabihan ko si Butler na siya muna ang bahala sa school na ito dahil mag-pahinga lang muna ako. Nag-lalakad kami ngayon sa hallway, sila lang ang nag-kukwentuhan at isa pa naiinis pa rin ako hanggang ngayon kasi sobrang close nila ni Casy parang wala na nga ako eh at hindi na ako napapasin nila
"CR muna ako" Sabi ko sa kanila then nag-lakad na papunta sa CR
Ng makarating na ako sa CR ay tumingin ako sa aking sarili sa salamin, bakit ganito dumating lang yan si Casy parang nakalimutan nila ako? Nakakainis. Dahil sa galit ko ay sinuntok ko ang salamin kaya nabasag ito may iilang bubog ito na nasa kamay ko na bumaon, pero hindi ko initindi ang sakit nito, ng matapos ay lumabas na ako sa CR then nag-lakad na ako papunta sa cafeteria. Ng makarating na ako sa kinaupuan nila ay nakita ko si Mica na nakatayo then bigla niya ako sinampal then tinignan ko si Casy na ngayon ay naka-smirk
"So ito pala ang plano mo ang sirain ako" Sa isip ko
"How dare you Saf naging kaibigan kita pero niloko mo kami pati sa fiancé mo niloko mo rin siya" Galit na sabi ni Mica
Napa-smirk na lang ako, the DEMON SMIRK then tinignan ko siya sa mata at alam ko natakot na siya sa mata pa lang, I can read her
"I see" Yan na lang ang nasabi ko then umalis na papunta sa condo ko ayaw ko muna umuwi sa mansion dahil nandoon si Grey
~~Condo~~
Ng makarating na ako sa condo ko ay nilinis ko muna ang sugat ko hindi nila ito nakita kanina, ng matapos ko na linisin ang aking mga sugat ay humiga ka-agad ako sa kama
"Ito ba ang gusto mo Casy ang sirain ako pwes ikaw ang bahala *evil smirk* tignan natin kung saan lang ang kaya mo. Gusto mo talaga ilabas ang totoo kung anyo pwes don't worry bukas na bukas hindi na ako sa si Safire na nakilala NILA dahil babangon na ang DEMONYO kung ugali MAS malala pa ito keysa NOON. Now, bukas na bukas makilala niyo na si NATASHA ang bago kung pag-katao *evil smirk*"
Dahil sa napagod ako ay natulog muna ako, mag-aabsent muna ako at isa pa wala naman akong paki sa school
MICA POINT OF VIEW
"Shít her bakit niya to nagawa" Mura ko na lang
Gusto niyo ba malaman kung bakit ko nasampal si Saf kanina? Ganito kasi yon
~~Flashback~~
Nag-lalakad kami ngayon sa hallway nag-kukwentuhan kami pero si Saf tahimik lang na nag-lalakad naging close ka-agad namin si Casy kasi mabait siya at palangiti pa
"CR muna ako" Sabi ni Saf hindi niya kami hinintay mag-salita ay umalis na siya
"Anong nangyari don?" Patanong ni Brent
Nag-kibit balikat na lang kami then pinagpatuloy namin ang pag-lalakad, napahinto kami sa sinabi ni Casy
"Niloko lang kayo ni Saf" Sabi niya sa amin
"Hindi totoo yan" Sabi ni Hannah
Hindi totoo yan dahil nakasama namin siya ng matagal kaya hindi niya kami magagawang lokohin
"It's true pati ikaw Grey niloko ka lang niya" Sabi ni Casy sa amin
"At paano mo naman nasabi niyan?" Tanong ni Grey
"Narinig ko siya na may kausap, ang sabi pa nga niya eh na 'hindi ko mahal si Grey niloko ko lang siya dahil para sa pamilya ko yon' yan ang sabi niya, doon nga ako nagulat kung bakit niloko ka niya/kayo eh mabait naman kayo, gusto ko sabihin sa inyo to upang hindi ako ma-konsensiya ayaw ko kasi itago to sa inyo" Pag-paliwanag ni Casy
~~End of the Flashback~~
Kaya yon ang nangyari kaya ko siya nasampal all this time niloko niya kami, tinignan ko siya papaalis at doon ko na lang namalayan na may tumutulo na DUGO galing sa kanyang kamay
"Bakit tayo niloko ni Saf?" Galit na tanong ni Brent
"Kent pag-sabihan mo yang pinsan mo na hindi ko itutuloy ang kasal" Galit na sabi ni Grey then umalis na siya
CASY POINT OF VIEW
*evil smirk* Sa wakas gumana ang plano ko hahahahahahahaha kawawa ka ngayon Saf tignan natin kung kaya mung makita na galit sila sayo alam ko na naging mahalaga sila sayo kaya nga ginamit ko sila para mapatay KITA at mapasaakin ang TRONO mo pati na si GREY....